Disclaimer: i do not own gs or gsd

(yung speech na nakalagay ay 'gilbert' mali yun, si 'gibson' yung nag utos kay shinn na dakipin si Lacus. tnx kay rynne na agad na nakapansin^^)

Special thank you sa never ending supporters ko:Kkornelia,rynne marge at lie ^^v

. . . . . . . . . .

Madaling pumunta si Athrun sa bahay ampunan matapos niyang malaman ang nangyaring sunog. Nakita niya na wala ng natira sa dating masayang tirahan ng mga bata kundi abo.

"Ayos lang ba ang mga bata?" ang tanong ni Athrun kay Caridad.

Nakita ni Athrun na nakahiga ang mga bata sa lupa sa tapat ng kanilang sunog na tirahan.

"Ayos lang silang lahat, mabilis sila nailabas ni Kira." Ang sabi ni Caridad na pugtong pugto ang mata sa kakaiyak.

"Si Lacus nasan na? parang di ko ata siya nakikita dito?" ang tanong ni Athrun habang sinusuri ang paligid.

"Nasa klinika sila ni Kira, pareho pa silang walang malay, malubha ang kalagayan ni Kira dahil sa hiwa niya sa tagiliran." Ang paliwanag ni Caridad

"Hiwa? Paano siya nagka hiwa?" ang tanong ni Athrun

"Di din namin alam kamahalan, nakita na lang namin sila ni Lacus na walang malay." Ang sabi ni Caridad habang tinitingnan ang paligid

Agad namang naawa si Athrun sa nakita niya, sino namang walang puso ang susunog ng isang bahay ampunan?

"Marahil ay kagagawan ito ng mga rebelde. Siguro ay nanlaban si Kira kaya siya nagtamo ng hiwa." Ang sabi ni Athrun

"Siguro nga kamahalan" ang sabi ni Caridad

"Pansamantala muna kayong tumuloy sa aking tahanan habang pinapagawa ko ulit ang bahay ampunan, doon ay mas magiging ligtas kayo." Ang sabi ni Athrun

Agad namang nagising ang mga bata at napatingin kay Athrun. Tumakbo sila sa binata at doon ay nag simulang umiyak

"Kamahalan wala na kaming bahay"

"Nasunog na"

"Yung nga laruan namin wala na"

"Pati yung mga instrumento namin sa pag tugtog"

"Saan na kami titira?"

Agad na umupo si Athrun sa lupa at tinipon niya ang mga bata sa kanyang mga braso.

"Simula ngayon doon muna kayo sa tahanan ko titira, ipapagawa na muna natin ang tahanan niyo, wag kayong mag alala gagawa tayo ng maraming laruan at instrumento, kukuha tayo ng magaling mag turo, ayos ba yon?" ang tanong ni Athrun sa mga bata.

"Talaga!"

"Malaki ba ang bahay mo kamalan?"

"May palaruan din ba doon?"

Ngumiti na lang si Athrun sa naging reaksyon ng mga bata. Agad niyang pinatawag ang mga karwaheng mag hahatid sa mga bata sa kanyang tahanan.

"Kamahalan." Ang sabi ni Mwu.

"Nag sisimula na ang mga rebelde." Ang sabi ni Athrun

"Ano po ang gagawin natin?" ang tanong ni Mwu

"Di na tayo pwedeng mag hintay, kailangan natin silang maunahan!" ang sabi ni Athrun kay Mwu

"Ano pong plano niyo?" ang tanong ni Mwu.

"Doon tayo mag usap sa aking opisina" ang sabi ni Athrun

. . . . . . . . . . . . . . . .

Nakatingin si Flay sa kama ni Yzak, halos mag iisang linggo ng may lagnat ang binata. Bakit?

(balik tanaw)

"Lord Joule, pumasok na po kayo sa loob ng bahay, lumalakas na po ang ulan." Ang sabi ni Dar, kasambahay ng mga Allster

"Di ako aalis dito hanggat di si Flay ang kumakausap sa akin." Ang sabi ni Yzak na di pa din umaalis sa kanyang kinatatayuan sa labas ng bahay ng mga Allster

"Pero magkakasakit po kayo" ang sabi ni Dar habang hinahawakan ang payong na dala-dala

"HINDI! TAWAGIN MO SI FLAY!" ang sabi ni Yzak

"Pero di na po lumalabas si Lady Flay sa ganitong oras ng gabi" ang sabi ni Dar

"ABA! HAHAYAAN NA LANG NIYA AKO DITO?" ang tanong ni Yzak

"Pero,. . " ang sabi ni Dar

"TAWAGIN MO SI FLAY NGAYON DIN!" ang sigaw ni Yzak

Nanginginig sa takot na pumasok si Dar sa loob ng Allster Mansion

"Lord Allster, ayaw pa pong pumasok ni Lord Joule sa loob ng bahay." Ang sabi ni Dar

"At bakit naman? Ang lakas na ng ulan sa labas ah." Ang sabi ni Lord Allster habang umiinom ng tsaa

"Gusto po niyang si Lady Flay ang sumundo sa kanya" ang sabi ni Dar

Agad namang napatingin si George sa anak niya

"Flay.. ano sa tingin mo?" ang tanong ni George

"Hayaan mo siya ama, kung ayaw niyang pumasok" ang sabi ni Flay habang pinapanood ang apoy sa pausukan

"Pero sa tingin ko ay sapat na ang ginawa niya, ito na ang huling gabi ng pagtulog niya sa labas" ang sabi ni George

"Yun naman pala ama, bakit di pa siya pumasok?"ang sabi ni Flay na parang wala pa ding pake alam sa kundisyon ni Yzak sa labas

"Anak, sunduin mo na doon si Lord Joule" ang sabi ni George

"Ama, matanda na siya alam na niya ang mga dapat niyang gawin!" ang sabi ni Flay na agad tumayo at hinalikan ang ama sa pisngi bago ito pumunta sa kanyang silid

Mula sa kanyang bintana ay matatanaw niya ang binata na tila ginaw na ginaw na at tila parang may binubulong sa kawalan.

"Bahala ka sa buhay mo." Ang sabi ni Flay habang humihiga sa kanyang kama

Sa labas ng tahanan ng mga Allster

"Tingnan mo yung babaeng yon! Di man lang ako babain dito!" ang sabi ni Yzak na galit na galit na nakatingin sa bintana ng silid ni Flay.

Isa

.

.

Dalawa

.

.

Tatlo.

.

.

Apat.

.

.

Lima

.

.

"Grabe ang bait ko talaga!" ang sabi ni Flay sa sarili na biglang tumayo sa kanyang kama at kinuha ang dalawang payong sa gilid ng pinto ng kanyang silid.

Dahan dahan siyang lumabas ng mansion para sunduin si Yzak.

"IKAW BABAE KA KALA MO ANG GANDA MO! KUNG MAKA ASTA KA! NAPAKA SADISTA MO! GANITO MO BA TRATUHIN ANG MGA BISITA MO? INAALIPUSTA MO ANG PUNONG TAGAPAGSALIKSIK NG PLANTS!" ang pasigaw na sabi ni Yzak habang nakatingin pa din sa bintana ng silid ni Flay.

"KALA MO KUNG SINO KA! MUKHA KA NAMANG...ARAY!" ang sabi ni Yzak ng biglang may humampas sa ulo niya.

"Lolo paki ulit nung mga sinabi mo di ko ata narinig!" ang sabi ni Flay habang hawak hawak pa din ang payong na pinamalo niya sa ulo ni Yzak.

"ANG SABI KO..." nakita ni Yzak na handa ng ihampas ulit ni Flay ang payong na hawak sa ulo niya.

"Ano yon? Tungkol ata yun sa, inaalipusta kita at akala ko ang ganda ko... paki tuloy na lang, marami pa akong payong sa loob ng bahay siguro ay kailangan ko ng mag bawas ng konti." Ang sabi ni Flay habang hawak-hawak pa rin ang isang payong sa kanang kamay at isang payong sa kaliwa na ginagamit niya para di siya mabasa.

"AKIN NA NGA YAN!" ang sabi ni Yzak habang kinukuha ang payong sa kamay ni Flay

"Salamat ha!" ang sabi ni Flay

Agad na naglakad si Yzak patungo sa loob ng mansion

"Hoy! Bakit mo kinuha yang payong tapos di mo pala gagamitin!" ang sabi ni Flay habang sumusunod kay Yzak

"BULAG KA BA? Kita mo namang basa na ako! ano pang silbi ng payong na ito? Kinuha ko ito kasi nakamamatay pala ang payong sa panahon ngayon!" ang sabi ni Yzak na binubuksan ang pintuan sa loob ng mansion.

Madaling nag palit si Yzak ng kanyang damit at nahiga na sa kama.

Buong gabi siyang bumahing ng bumahing, nilalamig siya at di makatulog.

"Pahamak na ulan, pahamak na payong!" ang sabi ni Yzak na nanginginig pa din sa ilalim ng kanyang kumot.

Pinilit niyang makatulog pero talagang ayaw siyang dalawin ng antok, lalo pang dumadagdag yung makati niyang ilong.

Pilit niyang pinipikit ang mata niya ng bigla siyang makarinig ng katok

"Gabing-gabi na katok pa ng katok" ang sabi ni Yzak habang binubuksan ang pinto.

"Inumin mo ito!" ang sabi ni Flay habang inaabot ang isang bote ng gamot.

"Ano to?" ang tanong ni Yzak

"Lason!" ang sabi ni Flay

"Sayo na!" ang sabi ni Yzak habang inaabot kay Flay ang gamot

"Kukunin mo o ipapalunok ko ito sayo ng buo?" ang sabi ni Flay na nilagay ang gamot sa kamay ni Yzak.

"Ang init mo!" ang pag aalalang sabi ni Flay habang hinahawakan ang noo ni Yzak.

"Ano naman? Matulog ka na nga!" ang sabi ni Yzak na bigla na lang sinara ang pinto

Tinitigan niya ang gamot sa kanyang mga kamay at umupo sa kanyang kama.

"Gamot! Di ko na kailangan yan." ang sabi ni Yzak habang nilalagay ang gamot sa tabing mesa. Maya-maya pa ay may kumatok ulit sa kanyang pintuan.

"Pambihirang buhay ito!" ang sabi ni Yzak na tumayo sa kanyang kama para buksan ang pinto.

"Tabi!" ang sabi ni Flay habang pumapasok na may bitbit na planggana na may tubig at yelo.

"Ano yan?" ang tanong ni Yzak habang tinuturo ang planggana.

"Pampaligo mo!" ang sabi ni Flay habang binababa ang planggana sa tabing mesa ng kama ni Yzak

"Sinong nagsabi sa iyo na pwede kang pumasok dito?" ang sabi ni Yzak

Hinawakan ni Flay ang gamot na binigay niya at nakita niya na di pa ito nagagalaw

"ANAK NG! di ba sinabi ko sayo na inumin mo ito? Ibabaon ko na ba ito sa lalamunan mo? AT HOY! Pamamahay ko ito, papasok ako sa kwartong ito kung kelan ko GUSTO!" ang sabi ni Flay.

"HOY WAG MO AKONG SIGAWAN" ang sabi ni Yzak habang umuupo sa kanyang kama, di naman niya napigilang mapa ubo at mapabahing.

"Higa." Ang sabi ni Flay habang pinipigaan ang tela na galing sa planggana na may yelo.

"At bakit? Umalis ka na kaya ko na ang sarili !" ang sabi ni Yzak habang umuubo.

"HIGA!" ang sigaw ni Flay habang nanlilisik ang mata.

Agad na napalunok ng laway si Yzak.

"Ikaw naman, wag kang sumigaw, marami ng natutulog." Ang sabi ni Yzak

"Hihiga ka o kukuha ako ng payong?" ang tanong ni Flay habang nakataas ang isang kilay.

"Hihiga na." ang sabi ni Yzak na walang tigil sa pag ubo.

Tinaas ni Flay ang manggas ng damit ni Yzak para punasan ang braso ng binata.

"Hubad!" ang sabi ni Flay habang binababad ang tela sa planggana.

"ANO?" ang sabi ni Yzak.

"Wag kang bastos! Mag palit ka ng damit doon at basang basa ka ng pawis! Bilis!" ang sabi ni Flay habang hinahanda ang gamot ni Yzak

Mabilis na na palit ng damit ang binata.

"Inumin mo ito." Ang sabi ni Flay na inaabot ang gamot sa binata.

Agad na ininom ni Yzak ang gamot na binigay sa kanya ni Flay.

Maiging pinunasan ni Flay ang braso, hita , leeg at mukha ni Yzak.

"Bakit mo ginagawa ito Flay?" ang tanong ni Yzak habang tinititigan sa mata si Flay na pinupunasan ang kanyang noo.

"Wag ka ng mag tanong." Ang sabi ni Flay.

"Flay." Ang sabi ni Yzak na nakakaramdam na ng antok.

"Matulog ka na." ang sabi ni Flay habang pinipigaan ulit ang tela .

Agad naman siyang hinila ni Yzak. Saktong napahiga si Flay sa tabi ni Yzak, nakatalikod siya sa binata. Naramdaman niya ang kamay ni Yzak sa kanyang bewang nararamdaman din niya ang maiinit na hininga ni Yzak sa kanyang leeg.

"MANYAK!" ang sabi ni Flay na nag pupumiglas sa yakap ni Yzak.

"Shhhh,. . . dito ka muna, nilalamig ako." ang sabi ni Yzak na mas lalong humigpit ang yakap sa dalaga

Lingid sa kaalaman ng binata ay sasabog na sa kapulahan si Flay.

"Bastos na Matanda!" ang sabi ni Flay, wala siyang narinig na sagot kay Yzak, naramdaman niya na nanginginig ang binata, kaya hinayaan na muna niyang ganon ang kanilang posisyon.

"Sira ulo ka kasi!" ang sabi ni Flay, buong gabi siyang nanatiling gising para alagaan si Yzak.

Mag-iisang linggo na ang trangkaso ni Yzak, di niya akalain na ganito katagal ang sakit ng binata, siguro ganon lang talaga pag halos di ka nag kakasakit noong kabataan mo pa. Ito pala ang unang pag kakataon ni Yzak mag kasakit. Kawawa naman

Naka tanggap na si Flay ng sulat mula sa Plants na kailangan na bumalik ni Yzak. Pero di na muna niya ito sinasabi. Kilala niya si Yzak, oras na malaman niyang kailangan na siya ng kaharian, may sakit man o wala ay agad itong tutungo sa bayan.

Kailangan muna mag palakas ni Yzak. Nag paalam na din si Flay na sasabay na siya kay Yzak sa pag punta sa kabihasnan sa oras na maging maayos ang kalagayan ni Yzak.

. . . . . . . . . .

Simple lang ang bahay ni doktor Antonio, umaabot lang ito ng tatlong palapag, may laboratoryo sa kanyang attic. Sa pangalawang palapag ay may apat na silid tulugan at isang silid aklatan kung saan nag oopisina ang doktor. Napapaligiran ang kanyang tahanan ng mga iba't-ibang halaman. Nasa gitna ito ng kagubatan at marahil maliligaw ang kung sino mang magtangkang lumabas ng gubat ng walang mapa.

Naka gaanan na agad ni Cagalli ng loob ang matanda. Pakiramdam niya ay matagal na silang magkakilala nito. Di niya alam kung bakit, pero alam niyang kaya niyang pagkatiwalaan ang guro.

"Cagalli, Cagalli ba talaga ang pangalan mo?" ang tanong ng matanda.

"Opo maestro, bakit niyo po natanong?" ang sabi ni Cagalli habang inaaral ang ginawang gamot ng maestro niya.

Isang linggo na doon si Cagalli, masasabi niyang marami siyang natutunan sa matanda, magaling na guro si doktor Antonio tanging ang matanda lang ang nakatira sa tahanan na iyon.

"Wala lang, pamilyar kasi ang pangalan mo, bihira lang ang ganyang pangalan, alam mo ba iyon? Cagalli?" ang tanong ni Antonio habang tinititigan ang kanyang estudyante.

"Di po, Cagalli lang po kasi ang tawag sa akin ng namayapa kong Master na tinuring ko ng magulang." Ang sab ni Cagalli na tumigil sa kanyang ginagawa.

"Sa kanya mo din nakuha ang pangalang Hibiki?" ang tanong ni Antonio.

"Di po, Cagalli Hibiki lang po ang binigay niyang pangalan sa akin." Ang sabi ni Cagalli na tinatabi muna ang mga gamit sa mesa

"Ganon ba? Baka siguro nag kataon lang, Alam mo bang ang Cagalli ay galing pa sa ninuno ng dating kaharian na kung tawagin ay Orb?" ang sabi ng matanda.

"Orb? Di po ba yun yung kaharian ng masamang salamangkero?" ang tanong ni Cagalli.

"Sa katunayan ay di naman talaga masama ang salamangkero na iyon." Ang sabi ni Antonio habang nag mumuni-muni.

"Ano pong nangyari?" ang tanong ni Cagalli na interesadong malaman ang kwento.

"Ah. . .interesado ka iha?" ang tanong ng matanda.

"Opo," ang sabi ni Cagalli.

"Tutal mapagkakatiwalaan ka naman, sige ikwekwento ko sa iyo, pero binabalaan kita, dapat itong manatiling lihim, at tanging lihim lang" ang sabi ni Antonio habang tumatayo at sinasarahan ang mga bintana at pinto. Tinulungan naman ito ni Cagalli.

Tumalikod ang matanda kay Cagalli pero di nakalampas sa mata niya ang asul na usok na lumabas sa bibig ng matanda.

"Mahika?" ang tanong ni Cagalli sa sarili

"Maupo ka iha." Ang sabi ni Antonio kay Cagalli habang tinititigan niya ito ng kanyang mata.

Mabilis na umupo si Cagalli sa kanyang upuan.

"Anong gusto mong malaman.?" Ang tanong ni Antonio.

"Lahat po Maestro" ang sabi ni Cagalli

"Sigurado ka? Oras na malaman mo ang lahat, kailangan itong manatiling lihim dahil kundi ay ito ang magdadala sa iyo sa kapahamakan." Ang sabi ni Antonio.

Agad na napalunok ng laway si Cagalli at napatango.

"Sige. . . makinig ka ng mabuti." Ang sabi ng matanda.

. . . . . . . . . . . . . .

Isang linggo ng nakakalipas, ang tagal lumipas ng panahon. Nangungulila na si Athrun sa kanyang pinaka mamahal, bukas na bukas din ay tutungo na siya sa sinasabing kuta ng mga rebelde, isang linggo na din siyang walang tulog, walang pahinga. Kailangan na niyang kumilos. Alam niya maaaring patibong lang ang lahat, pero kailangan niyang sumubok.

"Kamahalan?" ang sabi ni Meer na bigla na lang sumulpot sa opisina ni Athrun.

Masyado ng naaalibadbaran si Meer sa mga bata sa palasyo, nung una ay natuwa siya sa mga bata, pero di na niya kayang kontrolin ang kakulitan ng mga ito. Grabe nalang!

"Bakit meer?" ang sabi ni Athrun na binabasa ang kanyang mga plano bukas. Maya-maya na lang ay aalis na siya ng kanyang tahanan para ayusin ang mga sundalo.

"Ayos lang po ba kayo? Matamlay ka ata." Ang sabi ni Meer na agad na lumapit sa tabi ni Athrun.

"Ayos lang ako Meer, may importante ka bang sasabihin?" ang sabi ni Athrun habang tinatago ang mga papeles niya

Nagulat na lang si Athrun ng biglang kumalong sa kanya si Meer at niyakap nito ang kanyang leeg.

"Mee—Meer?" ang sabi ng nagulat na binata.

"Ayaw ko ng mawalay sayo mahal ko." Ang sabi ni Meer na hinihigpitan ang kapit sa leeg ng binata.

"Anong pinagsasasabi mo? Ayos ka lang ba?" ang sabi ni Athrun ng marinig niya ang unti-unting pag hagulgol ng dalaga.

Agad na humarap sa kanya si Meer.

"Di mo ba nakikita? Athrun? Bulag ka ba? Binulag ka na ba ni Cagalli? Ako ito si Mia! Di ko lang sinabi sayo ang lahat dahil gusto kong malaman kung makikilala mo pa ako, kung mararamdaman mo na ako ito!" ang sabi ni Meer

Napatingin naman si Athrun sa dalagang nakaupo sa binti niya.

"Ann—ano?" ang di makapaniwalang tanong ni Athrun

"Athrun! Ako si Mia, Ako si Mia, AKO SI MIA! Wag kang tanga! " ang sabi ni Meer habang sinusuntok ang dibdib ni Athrun.

"Paanong nangyari yon?" ang tanong ni Athrun na di pa rin makapaniwala sa mga narinig niya. Pero kung siya si Mia dapat ay mararamdaman niya agad iyon, diba?

"Athrun! Ano bang nangyari sayo? Di naman ako namatay! Dinakip ako! tumakas at bumalik sa dati nating tagpuan!" ang sabi ni Meer

"Sinong dumakip sayo?" ang tanong ni Athrun

Duda pa rin sya sa mga sinasabi ng dalaga.

"Mapanganib siya Athrun! Di ko pa siya nakikita pero alam ko na mapanganib siya." Ang sabi ni Meer

"Anong proweba mo na ikaw nga si Mia?" ang sabi ni Athrun

Tinanggal ni Mia ang kwintas na nakatago sa loob ng damit niya. Agad namang nanlaki ang mata ni Athrun, iyon ang kwintas na binigay niya kay Mia. Tanging si Mia lang ang meron non sigurado siya

"Athrun binigay mo ito sa akin nung araw na naiwan ako sa taas ng puno nung kukunin ko na yung pusa. Tanda mo pa?" ang sabi ni Meer

Agad na nag salubong ang kilay ni Athrun, dahan-dahan niyang tinayo si Meer.

"Athrun?" ang tanong ni Meer

Tumalikod si Athrun at nagtungo sa pinto

"Wag mong pag laruan ang ala-ala ni Mia, wala akong panahon sa kalokohang ito!" ang sabi ni Athrun

"Anong sinasabi mo Athrun?" ang sabi ni Meer

"Matulog ka na Meer." Ang sabi ni Athrun

"ATHRUN! Di kita niloloko! Ano bang pina inom sayo ng katulong mo? Ginayuma ka ba niya? Huh! Sinasabi ko na nga ba! Nilason lang niya ang isip mo!" ang sabi ni Meer na nag aapoy na sa galit.

Humarap si Athrun kay Meer.

"Wala akong pake alam kung ginayuma man niya ako o hindi! Tapos ang usapan!" ang sabi ni Athrun bago ito umalis

. . . . . . . . . . .

"Mwu mag iingat ka." Ang sabi ni Murrue sa katabi.

Hinalikan ni Mwu ang kamay ni Murrue

"Pag natapos na itong kaguluhang ito gusto ko sanang pakasalan ka." Ang sabi ni Mwu

"Mwu, pero? Di ba't kasal ka pa sa iba?" ang tanong ni Murrue.

"Aasikasuhin ko iyon pag balik ko." Ang sabi ni Mwu

Nanlaki ang mata ni Murrue, sasabihin na ba niya kay Mwu ang totoo? Mas maganda na sigurong malaman niya ang lahat.

"Mwu may sasabihin ako, pag balik mo." Ang sabi ni Murrue

"Ngayon na lang mahal ko" ang sabi ni Mwu

"Ayaw ko , sasabihin ko na lang sa pag balik mo, kaya siguraduhin mong babalik ka" ang sabi ni Murrue

"Sige kung yan ang gusto mo. Kailangan ko ng umalis, gagawa pa kami ng kampo pag putok ng bukang liwayway, matulog ka na malapit ng mag hating gabi." Ang sabi ni Mwu na tumayo mula sa kanyang kinauupuan at umalis na. Nandoon si Murrue habang pinapanood ang umaalis na ang anino ni Mwu

Naiwang tulala si Murrue sa kanyang kinauupuan, oras na maayos ni Mwu ang papeles niya, malalaman nitong siya ang kanyang matagal na nawawalang asawa.

"Sinungaling!" ang sabi ng lalaking lumabas na lang galing sa gubat

"Gibson! Alam mong maaari akong sumigaw dito" ang sabi n Murrue na biglang napatayo sa kanyang kinauupuan.

"Edi sumigaw ka! Ganyan din ang ginawa mo dati, tama ba ako? ganyang-ganyan ang ginawa mo ng mga panahong tinataboy ka ng kapatid mo sa kaharian niyo" ang sabi ni Gibson.

"Baka nakakalimutan mo, nasa loob ka ng lupain ng palasyo ng hari ng Plants, maaaring rumesponde dito ang sundalong naka bantay." Ang sabi ni Murrue habang tinititigan sa mata ang lalaking nasa harap niya.

"Murrue, kahit kelan talaga ang galing mong mag patawa! Sa tingin mo ba ay malaki ang silbi ng mga gwardiya na yan? sa tingin mo makakapasok ako dito kung magaling silang magbantay? Murrue, Murrue. . . tanga ka pa din hanggang ngayon, walang rehas ang kayang maka kulong sa akin!" ang sabi ni Gibson

"Nakakasuka ka!" ang sabi ni Murrue.

"Mas lalo ka na! nakakasuka ang pag katao mo! SINUNGALING! Humanda ka na Murrue! Malapit ng mabura ng mundong ginagalawan mo! Oras na maipon ko ang mga kailangan ko. Mag ingat ka. Dahil baka pati ikaw mabura sa mundong ito, panatilihin mong dilat ang mga mata mo. Dahil ano mang oras pwede kitang patayin!" ang sabi ni Gibson na bigla na lang nilamon ng kadiliman.

"Di ko hahayaan yon!" ang sabi ni Murrue sa sarili.

. . . . . .. . . . . .

"Master! Wag mo akong iwan!" ang paiyak na sabi ni Cagalli.

Naka handa na ang libingan ng Master niya, binalot na nila ni Milly ang bangkay ng kanilang Master, handa na nila itong ihulog sa hukay.

"Milly, mamitas muna tayo ng mga bulaklak" ang sabi ni Cagalli.

Umalis muna sila Cagalli para manguha ng mga bulaklak na ipapabaon sa kanilang Master. Ngunit laking gulat na lang nila sa kanilang pag balik dahil tila nawala ang katawan ng master nila, binuksan nila ang kumot at nakita nila na nalusaw na lang ang katawan ng kanilang Master. Tanging natira na lang ay kanyang buhok,balat at konting laman.

"Cagalli, di na siguro kinaya ng katawan ni Master ang lason kaya pumutok na ang katawan niya. Ilibing na natin siya." Ang sabi ni Milly habang tinatakpan ang ilong

(A/N: sabi nila after daw ng 2 months na pag kakalibing ng isang banggkay, sumasabog or sumisingaw daw ang katawan nito, dahil kailangan ng lumabas ng mga chemicals sa katawan nung banggkay, kaya minsan yung ibang kabaong nababasag yung salamin, dunno if that's true, pero parang ganun yung nangyari sa bangkay nung Master nila.)

Nagising na lang si Cagalli sa gitna ng gabi. Pawisan at hinihingal. Ngayon na lang niya ulit napanaginipan ang Master niya.

"Master. . ." ang sabi ni Cagalli.

Naglalaro tuloy sa isipan niya ang mga sinabi sa kanya ni doktor Antonio.

. . . . . . . . . . . . .

"Kumusta na nga pala ang anak mo?" ang tanong ni Rau habang hinahasa ang kanyang punyal

"Pwede ba wag na natin siya pag usapan" ang sabi ni Golbert

"Alam mong pwede siyang madamay sa kaguluhang ito." Ang sabi ni Rau

"Malaki ang tulong na nagawa niya sa atin, desisyon na niya ang mga mangyayari pa sa kanya, ihanda mo na ang lahat, sasalakay na sa atin ang sandatahan ni Zala." Ang sabi ni Gilbert

"Si Zala. . . . di na ako makapaghintay" ang sabi ni Rau habang tumatayo para pumunta sa kinalulugaran ng iba pang mga rebelde.

"Magiging masaya ito" ang sabi ni Gilbert.

. . . . . . .

"Shinn, ihanda mo na ang lahat, sasalakay na tayo sa punong bayan! Ako na ang bahala kay Lacus Cylne, palpak ka talaga kahit kelan, ikaw na ang bahala sa pag kakalat ng mga lason." Ang sabi ni Gibson

"Pagka tapos ba nito ay pakakawalan mo na ang kapatid ko?" ang tanong ni Shinn

"Basta ba di ka papalpak" ang sabi ni Gibson ng may kakaibang ngiti sa kanyang mga labi.

"Nararamdaman ko na ang tagumpay!" ang sabi ni Gibson habang humahalakhak.

. . . . . . . . . .

Next chap na po yung rambol. .! i just wanna sleep.