Disclaimer: I do not own gs or gsd
Well sorry po kung ngayon lang nakapag update, si lappy kasi nasira, kailangan ko pang I reformat again. Sadly wala akong back up nung mga natype ko na, so nawala pati yung mga nauna ko ng tinype.
As always . . . thank you so much for the support specialy to my beloved sisters: Kkornelia, rynne marge and lie.
Kkornelia: binabasa ko ngayon yung a terrible beauty, kaya lang nasa chapter 2 pa lang ako, mag iiwan ako ng review pag sinipag ako. ang ganda ng concept naloka ako nung nakita ko agad yung summary. Hahahahah kinda remind me of the song MAMBO number 5.
. . . . . . . . . .
"Cagalli ang aga mo naman atang nagising?" ang tanong ni Dr. Antonio.
"Ah, tinapos ko lang po itong ginagawa kong gamot." Ang sabi ni Cagalli na naka upo sa kanyang upuan sa loob ng laboratoryo ng doktor
"Para saan ba yan iha?" ang tanong ni doktor Antonio habang humihigop ng kape na hawak niya.
"Para po sa kumakalat na lason sa Plants" ang sabi ni Cagalli.
"Saan mo naman nakuha ang mga basehan mo sa pag gawa niyan?" ang tanong ni Dr. Antonio habang tinitingnan ang gawa ni Cagalli.
"Yung kaibigan ko po kasi nagkalason na din, kinuha ko po yung konting patak ng pawis niya" ang paliwanag ni Cagalli
"Ah. . . .gumaling na ba ang kaibigan mo?" ang tanong ni Antonio habang tinitingnan ang mukha ni Cagalli na tinutuon pa rin ang atensyon sa kanyang ginagawa.
"Opo" ang sagot ng walang kamalay malay na dalaga.
"Paano siya gumaling? Akala ko ba ay wala pang lunas sa lason na kumakalat sa Plants?" ang tanong ni Dr. Antonio.
"Gumamit po ako ng mahi-" napatigil si Cagalli sa ginagawa niya, nanlaki ang mata niya at nag simula na siyang mag isip ng ipapalusot.
"Mahi?" ang tanong ni Dr. Antonio.
"Ahhhmmm" ang sabi ni Cagalli na kunwari'y bumabalik sa kanyang unang ginagawa.
"Iha, wag mo ng ikaila. Alam kong gumagamit ka ng mahika, alam ko yon noong oras pa lang na tumuntong ka sa aking pamamahay." Ang sabi ni Dr. Antonio ng may ngiti sa kanyang mga labi.
"Paano po-" ang tanong ni Cagalli.
"Paki abot nga niyang gamot na ginagawa mo." Agad namang inabot ni Cagalli ang bote ng gamot na ginagawa niya.
"Ah-! May kulang ka." Ang sabi ni Dr. Antonio.
"Paano niyo po nalaman na may kulang ako?" ang tanong ni Cagalli sa Maestro niya na hawak-hawak ang gamot na ginagawa niya
"Alam ko na matagal mo na itong ginagawa, nakita ko yung mga halaman na pinag eksperimentuhan mo nito, alam ko din na di ka sang ayon sa pag gamit ng mga hayop pag dating sa ganitong eksperimento, kaya kumuha ka ng halaman at nilagyan mo ito ng lason tulad ng kumakalat sa Plants at doon mo tinitingnan kung magiging maayos pa ba ang halaman matapos mo ito buhusan ng gamot na ginagawa mo, at para sa kulang mo, alam mo yung halaman na tinatawag na 'tarma'?" ang tanong ng matanda habang tinitingnan ang kanyang estudyante.
"Opo alam ko po ang halaman na iyon, yon po yung halaman na may matinding lason, kahawig po ito ng santan iyon din po ang halamang naka lason sa master ko, bakit niyo po natanong?" ang tanong ni Cagalli.
"Cagalli, iyon ang kailangan mo para sa gamot na ito, ang kailangan mo na lang gawin ay matutunang gamitin ang lason na taglay nito para maging gamot. Lahat ng bagay sa mundo ay may solusyon, perpekto ang mundo natin Cagalli, lahat ng bagay ay may lunas, kailangan lang nating alamin kung ano iyon." Ang sabi ni Antonio habang inaayos ang kanyang upo. Nilibot niya ang kanyang mga mata sa loob ng kanyang laboratoryo, maliit lang silid na ito, maraming garapon na nakalagay ng maayos sa kanilang lalagyan, naglalaman ang mga garapon na ito ng mga iba't-ibang hayop na prineserba, marami ding kemikal na nakatago sa ilalim ng mahabang mesa na pinag tratrabahuhan nila ni Cagalli. Malinis ang lugar, ang mga parapernalyas para sa pag gawa ng gamot ay maayos na nakalagay sa isanng babasagin na kaha de yero. May malalaking bintana din ito na sumisilip sa labas ng kanyang hardin matatanaw mo din dito ang walang katapusan na kagubatan.
Tila may gustong itanong si Cagalli sa kanyang maestro. Di ito mapakali sa kanyang kinauupuan.
"Maesto, paano niyo po nalaman na marunong akong gumamit ng mahika?" ang tanong ni Cagalli na hindi makatingin sa mata ng Maestro niya.
"Sasabihin ko sa iyo sa takdang panahon." Ang sabi ng Doktor habang tinitingnan ang mga garapon na nasa kanyang likuran.
"Bakit po hindi ngayon?" ang tanong ni Cagalli.
"Tanda mo pa ba ang ikwinento ko sayo tungkol sa masamang salamangkero?" ang tanong ng Doktor.
"Opo" ang sabi ni Cagalli.
Naupo ang dalaga ng maayos at nakinig sa susunod na sasabihin ng Maestro niya.
Ilang taon na ang nakakalipas, sa kaharian ng Orb, doon nakatira ang pinaka makapangyarihang salamengkero kasama ang kanyang asawa. Matulungin at mapag mahal ang mag asawa sa kanilang nasasakupan. Lahat ng tao na lumalapit sa kanila ay bukas palad nilang tinutulungan, kusa silang lumalapit sa mga taong nangangailangan di sila nandidiri sa mga taong pulubi kahit na sila ay kabilang sa mga dugong bughaw.
Isang araw ay may kumatok sa kanilang tahanan, isang binata, payat at nanghihina. Agad na nahabag ang mag asawa at pinatuloy nila ang kanila bisita. Di nag laon ay nakagaanan nila ng loob ang binata, tinuring na kapatid ng salamangkero ang kanilang bisita sa sobrang tuwa pa niya at tinuro niya at ibinahagi niya ang kanyang nalalaman sa lalaki.
Naging alalay ng salamangkero ang binata, kasama na ito sa kanilang pang araw-araw na gawain na pag tulong sa mga taong nangangailangan. Araw-araw ay walang awat silang gumagawa ng paraan kung paano tutulungan ang mga tao sa kanilang paligid.
Ito ay hanggang sa. . . .
Natigil ang pag sasalaysay ng Doktor ng may nakita siyang karwaheng tumigil sa harapan ng kanyang tahanan.
"Cagalli, mag handa ka ng makakain at maiinom, may bisita tayong dumating." Ang kalmadong sabi ng Doktor habang bumababa sa hagdan
Tumingin muna si Cagalli sa bintana para malaman kung sino ang dumating sa tahanan ng kanyang Maestro.
"Cagalli? Madali ka." Ang sabi ng matanda na bumababa pa din ng hagdan.
Napabuntong hininga na lang si Cagalli at nag tungo ito sa kusina ng Maestro.
. . . . . . . . . . . . .
"Lacus nandito na tayo." Ang sabi ni Kira kay Lacus na hanggang ngayon ay nanghihina pa din.
Nagpapasalamat siya at naging ligtas silang dalawa galing sa sunog, buti na lang at nasa kanya pa ang kapangyarihan ni Lacus dahil kung hindi ay wala na siya sa mundong ito. Nangako din siya sa sarili na huhulihin niya kung sino mang tao ang may pakana ng lahat ng ito.
Sa pag lipas din ng araw ay unti-unting nanghihina ang katawan ng bata. Alam niya na dahil ito sa kapangyarihan na nasa loob ngayon ng katawan niya, kaya matapos niyang gumaling ay nag tungo sila sa bahay ni Doktor Antonio. Minsan na din siyang nanggaling dito, ito ang taong una niyang hinanap matapos niyang mapansin na naging sanggol si Lacus ilang taon na ang nakakalipas. Pinaliwanag sa kanya ni Antonio ang lahat. Naging sanggol si Lacus dahil sa pagkakawala ng kapangyarihan niya na napasa kay Kira. Buti na lang at ganon ang nangyari kesa naman mamatay si Lacus. Pinaliwanag din ng doktor na kailangang ibalik ni Kira ang kapangyariahn ni Lacus na nananatili sa kanyang katawan sa oras na bumalik ang lahat ng ala-ala ng bata.
"Kira nahihirapan nanaman akong huminga." Ang sabi ni Lacus habang hawak-hawak ang kanyang dibdib.
Binuhat naman niya ang katawan ng bata papalabas ng karwahe at kumatok sa pinto.
Ngunit bago pa man siya kumatok sa pinto ay agad na binuksan ito ng taong kanilang hinahanap.
"Natutuwa ako at bumalik ka ulit dito Kira." Ang sabi ng matanda na agad na ngumiti sa kanila.
Halos walang nagbago sa loob ng tahanan ng matanda, maayos pa din ang lahat ng kagamitan, nandoon pa rin ang mga antik niyang kagamitan, nakasabit pa din sa dati nitong lalagyan ang mga larawan, berde pa rin ang kulay ng kanyang mga pader.
"Doktor, tulungan niyo po ako." ang sabi ni Kira habang buhat-buhat si Lacus.
"Sige matuloy kayo, ihiga mo muna si Lacus sa mahabang sopa, alam mo na ang gagawin mo." Ang sabi ni Doktor Antonio.
Tumango na lang si Kira at nilapit ang kanyang labi sa bibig ng bata at pinasa ang pulang apoy. (A/N: di sila ng kiss okay?)
Agad namang naka hinga ng maayos ang bata. Tumayo ito at nag bigay galang sa matanda.
"Kumusta doktor?" ang pangiting bati ni Lacus.
"Kumusta iha?, ilang taon na din mula noong huli tayong nag kita." Ang sabi ng doktor.
"Opo halos ilang taon na din" ang sabi ni Lacus habang umuupo sa tabi ng binata.
"Ano nga pala ang sinadya niyo dito" ang tanong ni .
"Nais lang namin malaman kung ayos lang na ibalik ko na kay Lacus ang kapangyarihan niya ngayong nagbalik na ang kanyang ala-ala?" ang tanong ni Kira.
"Oo naman, sa oras na bumalik na kay Lacus ang kapangyarihan niya ay babalik na din siya sa dati niyang anyo, pero bibigyan ko kayo ng babala, mababawasan ang buhay ni Kira ng halos kalahati, dulot iyon ng pagkawala ng kapangyarihan ni Lacus, dahil sa totoo lang ay dapat ng patay si Kira, mangyari lang na nanuot sa katawan niya ang ilan sa pulang apoy mo Lacus, kaya sa halip na mamatay si Kira sa pagkakawala ng kapangyariahan mo sa katawan niya ay mababawasan lang ng kalahati ang buhay niya." ang sabi ni Doktor Antonio habang umuupo ng maayos sa upuan sa tapat ng kanyang mga bisita.
Agad naman na gumuhit sa mukha ni Lacus ang labis na pag aalala.
"Ayaw kong maging kalahati na lang ang buhay mo Kira, sabi nila tatagal daw ang buhay mo ng halos walumpong taon pero pag binalik mo ang kapangyarihan ko aabot ka lang hanggang sa edad na apatnapo." Ang sabi ni Lacus habang tumitingin sa mata ng binata.
"Ah! Oo nga pala sa sa oras na maalala ni Lacus ang lahat at di pa naibabalik sa kanya ang kapangyarihan niya ay maari niya itong ikamatay, bakit? Dahil di naman talaga bata si Lacus, kailangan niyang bumalik sa dati niyang edad, yan din ang dahilan kung bakit madalas na di nakakahinga si Lacus, kailangan ng katawan niya ang sarili niyang kapangyarihan, at kailangan din ng kapangyarihan niya si Lacus, pinanganak si Lacus ng taglay na niya ang kakayahan na iyan at pareho lang silang dumedepende sa isa't-isa." Ang paliwanag ni Antonio.
Humarap si Kira sa kanyang katabi at hinawakan niya ang parehong kamay ng bata.
"Lacus, mas gugustuhin ko pang mabawasan ang buhay ko kesa, mamatay ka, alam ko namang sa loob ng kakarampot na buhay meron ako ay magiging masaya ako at payapa lalo na't alam kong ligtas ka." Ang sabi ni Kira.
"Pero—"
"Shhhh, ayos lang ang lahat." Ang sabi ni Kira
Tumulo ang mga luha sa mata ni Lacus, ayaw niyang maagang mawala si Kira sa mundong ito, nasasaktan siyang isipin na dahil sa kanya ay mababawasana ng buhay ni Kira.
"Anong sagot mo Lacus?" ang tanong ni Antonio.
Napayuko na lang si Lacus na di pa rin tumitigil sa pag iyak. Inangat ni Kira ang mukha ni Lacus at nilapit ang kanyang mga labi sa labi ni Lacus at unti-unti ay pinasa niya ang ang pulang apoy na nasa loob ng kanyang katawan
. . . . . . . . . . . . . . .
Biglang bumibilis ang tibok ng puso ni Cagalli, bigla siyang nahihilo, pinagpapawisan siya at parang nasusuka.
May kakaibang hampas ng hangin ang pumasok sa loob ng katawan niya, di niya alam kung guni-guni lang o totoo pero nakikita niya ang katawan niya na nababalot ng asul na apoy. Di niya alam kung bakit bigla na lang lumalabas ang kapangyarihan niya.
Agad siyang huminga ng malalim at inayos ang sarili, inulit niya ito ng ilang beses bago siya uminom ng tubig, nang umayos na ang kanyang pakiramdam ay hinanda na niya ang tinapay at tsaa na inutos sa kanyang ng kanyang Maestro. Nilagay niya ito sa isang trey o bandeha. Binuhat niya ito at nagtungo sa silid tanggapan doon ay nakita niya ang isang lalaking may kulay kayumangging buhok at biyoletang mata, katabi nito ay isang dalagang may kulay lilang mahabang buhok at malulungkot na asul na mata.
"Cagalli, paki lagay na lang yan dito sa mesa" ang utos ni Antonio.
Napatingin naman sa kanya ang dalaga, na siguro ay halos ka edad lang niya.
Nagkatitigan silang dalawa ng halos ilang minuto bago nag salita ang kanyang Maestro
"Cagalli, pinakikilala ko nga pala sayo si Lacus, at si Kira." Ang sabi ni Antonio ng may kakaibang tingin sa kanilang dalawa.
Tumango naman si Cagalli sa dalwang taong nasa harapan niya at gayon din naman ang mga bisita. Eto nanaman ang kakaibang pakiramdam, tiningnan niya ng mabuti si Lacus, parang matagal na niya itong kilala, parang gusto niyang umiyak at yakapin ang dalaga, parehong-pareho ito ng pakiramdam noong oras na makita at makilala din niya si Flay.
Nagulat na lang din siya ng biglang tumayo si Lacus ng may luha sa mga mata at hinawakan ang kanyang pisngi.
Nagulat naman si Cagalli sa ginawa ni Lacus. Di rin niya namalayan na may luha na ding gumuguhit sa kanyang mukha. Parang may kulang sa kanya na bigla na lang niyang natagpuan.
"Maiwan ko muna kayo." Ang sabi ng doktor habang umalis,.
"Kira sundan mo ako." ang pahabol na sabi nito.
Umupo ang dalawang dalaga na bigla na lang nag yakapan.
"Pasensya ka na, di ko alam kung anong nangyari sa akin, pakiramdam ko kasi parang matagal na kitang kilala." Ang sabi ni Lacus na pinutol ang kanilang yakapan.
"Ganon din ako, parang matagal tayong nagkawalay, sa totoo lang di ito ang unang beses na naramdaman ko ito, naramdaman ko din ito sa pinsan ng amo ko." Ang sabi ni Cagalli.
"Ganon ba?" ang sabi ni Lacus habang pinupunasan ang luha sa kanyang mga mata.
Tumagal din ng ilang oras ang pag uusap ng dalawa.
. . . . . . . . . . . . . . .
"Mag-iingat ka anak ko" ang sabi ni George habang niyayakap ang kanyang dalaga.
"Opo ama." Ang sabi ni Flay.
"Anak wag ka na kayang tumuloy? Natatakot ako na baka madawit ka sa away ng kaharian at ng mga rebelde. Nag aalala ako anak." Ang sabi ni George.
"Ama, magiging ayos lang ako, isa pa, kailangan ako ni Athrun, kailangan din niya ng mag papaalala sa kanya ng mga bagay-bagay, kilala niyo naman iyon ama madalas ay napapabayan niya ang sarili niya."ang sabi ni Flay.
"Ikaw talagang bata ka, wala talagang makakapigil sa iyo oras na may gustuhin ka." Ang sabi ni George.
"Syempre! Ako pa?" ang sabi ni Flay sabay halik sa pisngi ng ama.
Lumapit naman si George kay Yzak.
"Ingatan mo ang anak ko ha. Nag iisa lang yan sa mundo." Ang sabi ni George habang kinakamayan ang binata.
"Opo" ang maikling sagot ni Yzak
"Siguraduhin mo lang dahil di lang sa labas ng bahay kita patutulugin pag nalaman kong nagasgasan ang kutis ng anak ko." Ang sabi ni George na halos walang halong biro sa tono ng kanyan pananalita.
Napatango na lang si Yzak.
Umandar na ang karwahe ni Flay at ni Yzak, nagsama din sila ng apat na sundalo para makasigurado na may kasama sila sa daan. Lumipas ang ilang oras at nakarating na sila sa kakahuyan.
Nakatingin si Flay sa labas ng kanyang bintana at kapwang di nag iimikan ang dalawa.
"Flay, isara mo ang bintana." Ang sabi ni Yzak habang nilalabas ang kanyang espada.
"Bakit?" ang tanong ni Flay na naguguluhan
"Basta, sinusundan tayo." Ang sabi ni Yzak.
"Sino?" ang tanong ni Flay.
Maya-maya pa ay tumigil ang karwahe, lumabas si Yzak at napansin niya na napapalibutan na sila n ilang mga rebelde.
Nakita din niya na nahihirapan na ang mga sundalo sa pakikipag laban.
Sumugod ang isang rebelde na may hawak-hawak na maso. Umilag si Yzak at hinawakan niyang ang kamay ng lalaki tinaga niya ang braso ng lalaki pero di pa rin nito nabitawan ang hawak na maso, naramdaman naman ni Yzak na may lumalapit sa kanyang likod agad siyang yumuko at sinipa ang lalaking papalapit, nakita din niya na may lalaking papalapit sa pinto ng karwahe kaya agad siyang tumakbo doon matapos niyang gilitan ng leeg ang lalaking may hawak ng maso.
Tinataas ni Yzak ang espada niya para matamaan ang lalaki pero, agad siyang nahampas ng lasong hawak ng lalaki, nag simula ng dumugo ang pisngi ni Yzak na tinamaan ng laso.
Napansin niya na may tinik sa dulo ng laso, agad na nahilo si Yzak, marahil ay may lason ang tinik ng laso. Pinilit pa rin niya lumaban.
Agad naman siyang hinawakan sa magkabilang braso ng isang lalaki at pilit na pinipilipit ang kanyang kamay. Siniko niya ang lalaki at agad naman siyang nakawala, sinaksak niya ang lalaki sa bandang tiyan nang bigla niyang naramdaman na may lasong pumilipit sa kanyang mga paa, agad na hinila ng lalaki si Yzak papalapit sa kanya, nadapa naman at napahalik si Yzak sa lupa, inangat niya ang kanyang espada at pinutol ang laso, nakita sdin niya na patay na ang mga sundalong kasama nila. Napapalibutan na si Yzak ng apat na rebelde.
. . . . . . . . . . .
Nagulat si Flay sa nakikita niya, di niya alam ang gagawin niya, nahihirapan na si Yzak at di niya alam kung anong nangyari sa ibang mga sundalo.
Mas lalo pa siyang nataranta ng may makita siyang lalaking papalapit sa pintuan ng kanyang karwahe buti na lang at dumating agad si Yzak, nakita niya ang isang sundalo at hinila siya papalabas ng karwahe, tumakbo sila papalayo sa nagaganap na labanan.
"Bitiwan mo ako! paano na si Yzak" ang sabi ni Flay habang kinakaladkad siya ng isang sundalo.
"Lady Allster, prayoridad ko po ang kaligtasan niyo, kaya na ni Lord Joule ang sarili niya" ang sabi ng sundalo.
"Teka! Bumalik ka lang doon at tulungan mo si Yzak!" ang pasigaw na sabi ni Flay.
Nanlaki ang kanyang mata ng may lalaking naka kapa ang lumapit sa kaniya at sa isang iglap ay nalaglag ang ulo ng sundalo sa daan.
Agad na nanlaki ang mata ni Flay at napasigaw.
Lumapit sa kanya ang lalaking naka kapa, hinagin naman ang kapa nito at nakita niya ang kulay pilak nitong buhok. Nakangiting lumapit sa kanya ang lalaki.
Mabilis na tumakbo si Flay papalayo sa lalaki, kailangan niyang makatakas kailangan niyang makalayo.
"Lady Flay. . .di ka makakatakas. . " ang sabi ng boses ng lalaki na nanggagaling sa kahit saang dako ng gubat.
"Layuan mo ko! Ano bang kailangan mo sa akin!" ang sabi ni Flay na nananatili pa ring tumatakbo.
"Alam kong, alam mo kung anong kailangan ko." Ang sabi ng lalaki na bigla na lang sumulpot sa harapan ni Flay.
"Sino ka!" ang sabi ni Flay.
"Di mo ako naaalala?" ang tanong ng lalaki.
"Wala akong alam sa sinasabi mo!" ang sabi ng Flay.
"Ah oo nga naman, syempre di mo ako maalala." Ang sabi ng lalaki.
"Anong kailangan mo sa akin? SINO KA?!" ang matapang na sagot ni Flay.
"Gibson. . yan ang pangalan ko kamahalan, natatandaan mo pa ba? Lady Flay. . .o mas mabuting sabihin ko na KAMAHALAN?" ang sabi ni Gibson.
"Kamahalan? Sa pag kakaalam ko anak ako ng panginoong may lupa! At hindi ako prinsesa! Dugong bughaw ako pero di ako KAMAHALAN, baka naman sa sobrang kabaliwan mo napagkamalan mo ako!" ang sabi ni Flay.
Agad namang tumawa ang lalaki.
"Umiikot ang mundo sa isang malaking kasinungalingan, kamahalan! Hayaan mo akong ipaliwanag ko sayo ng maayos." Ang sabi ng lalaki na agad na tinakpan ang mukha ni Flay ng panyo.
"AMMMNNnn. . ." unti-unti ay nawalan ng malay ang dalaga.
. . . . . . .
Matapos patumbahin ni Yzak ang nalalabing rebelde ay agad niyang pinuntahan ang karwahe.
"ANAK NG!" ang pasigaw na sabi ni Yzak ng makita niyang wala na doon si Flay.
Mabilis naman siyang tumakbo para hanapin ang dalaga.
"FLAY!" ang pasigaw na sabi ni Yzak habang nag hahanap sa gitna ng kakahuyan.
Di siya aalis dito hanggat di niya nakikita si Flay. Napatigil na lang siya ng makita niya ang pugot na ulo ng sundalong kanina lang ay kasama nila.
Mas lalong kinabahan si Yzak, di pwedeng mawala si Flay.
"FLAY!" ang pasigaw na sabi ni Yzak.
. . . . . . . . .
"Handa na ba ang lahat?" ang tanong ni Athrun habang hinahanda ang espadang gagamitin para sa labanan.
"Opo kamahalan, umaayon ang lahat sa plano." Ang sabi ni Mwu.
"Magaling, ihanda niyo na si Justice kailangan na nating sumugod" ang sabi ni Athrun.
Lumabas si Athrun at doon ay nakita niya na nakaayos na ang kanyang mga sundalo, pumapalo na aabot sa halos limang libo ang sinama niya sa labanan na ito, pinaiwan niya ang ilan pang mga sundalo para mag ronda at mag bantay sa kanyang kaharian.
Sumakay si Athrun kay Justice at nilibot niya ang batalyon ng mga sundalo.
"Hindi basta-basta ang mga taong makakaharap natin, walang puwang ang takot at awa sa mga puso ng taong makakasagupa natin, lagi niyong iisipin na handa kayong patayin ng mga taong iyon, kaya dapat natin silang maunahan" ang sabi ni Athrun bago ito pumusisyon sa unahan ng kanyang batalyon.
Mabilis na sumugod ang bawat sundalo sa sinasabing pinagtataguan ng ng mga rebelde.
Sa gitna ng kanilang pag lalakbay ay sinalubong sila ng mga rebelde na nanggaling sa taas ng puno, mabilis silang nagsipagbabaan at sumakay sa likod ng kabayo ng mga sundalo, may ilang nalaslas agad ang leeg may ilang nanlaban, may mga rebelde ding nang galing sa ilalim ng lupa, at napansin din ni Athrun na naghanda din ang mga ito ng patibong, nagkalat ang mga patalim na kasing nipis ng sinulid na agad na pumutol sa paa ng mga kabayo at mga sundalo, bigla ding naglipana ang mga palaso sa buong paligid. Habang may sumusugod na iba pang rebelde.
Maayos na nakaplano ang lahat.
Mabilis na naiwasan ni Justice ang matatalas na lubid, sa bawat pag daan ni Athrun ay di pwedeng walang mamamatay. Marami na siyang labanan na napuntahan at di pa ito ang pinaka matindi, tumalon si Athrun pababa kay justice, inilagan niya ang isang palaso na dumating, nagpagulong gulong siya at hiniwa ang mga binti ng bawat rebeldeng matagpuan niya, sa pag tayo niya ay may isang lalaking lumukso sa kanyang likuran at tangkang gigilitan na si Athrun.
Kaya agad niyang binalibag ang lalaki at tinusok ni Athrun ang mata nito. Umaalingasaw sa buong kapaligiran ang sigaw ng mga taong namamatay, napansin ni Athrun na kumakapal ang mga rebelde at padami ng padami ang mga patibong na lumalabas.
Nakita niya na may isang malaking sako sa kinatatayuan ng ilang sundalo, konektado ito sa puno, sa isang higit lang ng isang rebelde ay nakulong sa taas ng puno ang mga sundalo, tumalon si Athrun sa puno at hiniwa ang sako, di niya alam kung may nataga siya, pero isa-isa niyang nakita na nahulog ang kanyang mga sundalo na muling bumalik sa nagaganap na labanan.
Patuloy na hiniwa ni Athrun ang kanyang mga kalaban hangang matanaw niya sa isang dulo ang taong may pasimuno ng lahat ng ito.
"Rau"
Ang sabi ni Athrun na mabilis na tumakbo patungo sa lider ng mga rebelde. Nakangiting sinalubong ni Rau si Athrun.
"Kamahalan! Hanggang ngayon ay walang kupas pa rin ang iyong husay sa pakikipag laban" ang sabi ni Rau habang hinaharangan ng sariling espada ang espada ni Athrun.
"Siyempre naman!" ang sabi ni Athrun na umatras para sumugod ulit.
Sinipa ni Athrun si Rau sa binti, napa atras naman si Rau at napangiti.
Tumakbo si Athrun para atakihin ulit si Rau, pero laking gulat niya ng biglang tinapon ni Rau ang espada niya sa direksyon ni Athrun mabilis na umiwas si Athrun.
Kumuha si Rau ng sumpit at pilit niyang pinatatamaan si Athrun, umakyat si Athrun sa puno at tumalon sa likod ni Rau, siniko ng binata ang batok ng kalaban, nag pagulong-gulong ang dalawa hanggang sa napang iimbabawan na ni Rau si Athrun. Pininid niya ang hita at braso ni Athrun para siguraduhing di na ito makakagalaw
"Ang sarap talaga ng pakiramdam pag nananalo ka, kakaiba!" ang sabi ni Rau habang kinukuha ang kanyang paboritong punyal sa kanyang tagiliran.
Susugod ba si Athrun sa isang labanan ng hindi handa?
Biglang sumulpot si Mwu sa likod ni Rau at hinigit nito ang mahabang buhok ng kalaban, hinawakan niya ang kamay ni Rau at parehong nilagay ang mga ito sa kanyang likuran.
"Madumi ka pa ring lumaban Rau" ang sabi ni Mwu.
Tinali ni Mwu ang kamay ni Rau pati ang paa nito, nakita ni Rau na marami pa ding kasamahan niya ang lumalaban, napangisi siya sabay sabi ng
"Ano yan? ikukulong niyo ulit ako? HUH! Mga hangal! Alam niyong makakatakas pa din ako kahit anong gawin niyong pag kulong sa akin, at isa pa tingnan mo ang mga kasamahan ko marami pa sila! Isa-isa kayong patutumbahin ng mga patibong na nakatago sa kagubatan na ito." Ang sabi ni Rau na ngayon ay nakahalik na sa lupa.
"Madaldal ka talaga!" ang sabi ni Mwu.
"ATRAS!" ang pasigaw na sabi ni Athrun
"Naduduwag ka na ba kamahalan?" ang pangiting sabi ni Rau habang nakatingin kay Athrun na sumasakay kay Justice.
"Di ako sumusugod ng hindi handa Rau." Ang sabi ni Athrun na mabilis na pinatakbo si Justice kasunod ni Mwu.
Maya-maya pa ay nagsipagsigawan na ang mga kasamahan ni Rau.
"TAGUMPAY TAYO!" ang sabi ng mga rebelde.
Napangiti si Rau.
Pero parang may mali.
Alam niyang may MALAKING MALI!
Nanggaling sa ere ang mga nag aapuyang palaso, at sa dulo nito ay likido at pulbura, sunod-sunod ang pagsabog na nangyari. Parang langgam na nag sipag takbuhan ang mga rebelde.
Animo'y umuulan ng mga palaso, napaka dami nila, nalukuban ang langit ng apoy, napasigaw na lang si Rau ng matamaan siya ng isang palaso na saktong sumabog sa kanyang katawan.
. . . . . . . . . . . . . .
"Patawarin niyo ako sa gagawin ko" ang sabi ni Shinn na tinitibayan pa din ang loob habang binubuhos ang isang lalagyan ng lason sa mga pananim ng mga magsasaka, alam niyang tag-ani na, at mabilis na makukuha ng mga bigas at halaman ang lason na kinalat niya.
Kailangan niyang maging matigas, para ito kay Mayu at kay Cagalli, alam niya na nasusunog na ang kaluluwa niya sa impyerno, pero ano pa bang nagawa niya? Nakipagkasundo na siya sa demonyo.
. . . . . . . . . . . . . . . .
Nag susulat si Doktor Antonio sa kanyang silid, nararamdaman niya na malapit na ang katapusan ng lahat. Kaya mas mabuti pang ilagay na niya ang lahat ng kanyang nalalaman sa papel.
Ang kaharian ng Orb, Ah ang Orb isang payapang lugar na pinamumunuan ng isang magaling na hari kasama ang kanyang kapatid at asawa.
Masaya ang lahat sa lugar na ito, matulungin ang mag-asawa at mapagmahal sa lahat ng taong nasasakupan nila, di sila nandidiri sa mga pulubi kahit na sila ay may dugong bughaw.
Mapagmahal ang hari ng lupain na ito, kaya sila biniyayaan ng mga supling, sino ba naman mag aakala na kakayanin ng reyna na magbigay ng sumpling sa hari gayong matagal na itong baog?
Pero alam ko ang ginawa ng hari, tuso at mabait ang haring ito. Paano ko nalaman? Ako lang naman ang nasa likod ng lahat, ang kaisa-isahang katiwala ng kaharian.
Simula ng bata pa ang hari at ang kanyang babaeng kapatid ay ako na ang nagbabantay sa kanilang dalawa. Nasilayan ko din ang kanilang pag laki gayon din ang kanilang pag-aasawa.
Maging ang pagkupkop nila sa isang binata na di nila alam kung saan nanggaling. Pero alam kong matalino ang mahal na hari, kilala niya ang binata.
Nabalitaan niya ang nangyari sa kapatid ng hari ng Plants, kawawang bata, tinaboy at nagpalaboy-laboy. Mangyari kasing nalaman ng hari ng Plants na sinisiraan pala siya ng binata pag siya ay nakatalikod, sa sobrang galit ng hari ay tinaboy niya ang sariling kadugo.
Naawa ang hari ng Orb at kinupkop niya ang kawawang binata at tinuruan din niya ito ng pag gamit ng mahika, tinuring niyang parang tunay na kapatid ang binata. Alam niya na mabuting tao ang binatang kumatok sa kanyang pintuan kaya walang imbot niya itong tinanggap at tinuring na isang kapamilya, hanggang sa isang araw ay. . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
"Sa apoy nanggaling ang demonyo, sa apoy din ito babalik."
. . . . . . . . .
Sabi ko na nga ba! Di ako magaling pagdating sa ganitong labanan eh!
Okay may mga clues na ako na nilaglag jan, hahaha kayo na ang bahalang manghula. Next chappy na yung ibang revelations, a sa susunod BONGANG pasabog ng mga katotohanan na ang gagawin ko.
^.~V
