Disclaimer: i do not own gs/gsd. Okies?

Special thanks sa aking mga kapatid: Kkornelia, rynne marge at lie.

May natanggap akong pm: sige for you gagwin ko yan, i'll try my best!^^

. . . . . . . . . . . . . . .

Nagising na lang si Flay sa isang madilim na lugar, na ang tanging ilaw lang na tumatanglaw sa kanya ay ang ilaw na nanggagaling sa isang kandila sa labas ng kanyang rehas.

Rehas?

Nilibot niya ang kanyang mga mata sa buong lugar na kinaroroonan niya, kumurap siya ng ilang beses at nilapitan ang isang batang babae sa sulok ng silid na kanyang kinatatayuan. Unti-unti siyang lumapit sa bata na tila abalang-abala sa pag kausap sa pader.

Umupo siya sa harap ng bata at tinitigan niya ito ng maayos. Nararamdaman niya na hindi mapanganib ang bata, dahil kung mapanganib nga ito ay marahil sinugod na siya ng batang babae habang siya ay natutulog.

Nagulat na lang siya ng titigan siya ng bata, nakita niya na wala ng buhay ang mga mata nito. Kinilabutan siya, sino ba namang gagawa ng isang karumaldumal na gawain sa isang inosenteng bata.

Nilapit niya ang kanyang kamay sa bata at hinawakan ni Flay ang mga braso nito.

"Anong pangalan mo?" ang tanong ni Flay, pero tinitigan lang siya ng bata.

"Ako nga pala si Flay" ang sabi ulit ni Flay na umaasa na sasagutin siya ng bata.

"Kamahalan, malayo na sa mundo natin ang isip ng batang iyan, kahit pa saktan mo yan, di na yan sasagot sa iyo." Alam ni Flay kung kaninong boses iyon. Kahit pa hindi niya ito nakikita dahil sa sobrang dilim sa labas ng kanyang rehas.

"Ano bang gusto mo sa akin! HA! SIRA ULO KA NA BA! ANONG GINAWA KO SAYONG MASAMA?" ang sabi ni Flay habang hinahawakan nag rehas at pilit niyang hinahanap ang taong nag kulong sa kanya dito.

"Wala ka namang ginawa sa aking masama,pero ang ama mo at ang tiyahin mo, meron, MALAKING MALAKI ANG KASALANAN NILA SA AKIN." Ang sabi ni Gibson na punong-puno ng puot ang tono ng boses.

"Anong ginawa sa iyo ng ama ko?! At isa pa matagal ng patay ang tiyahin ko! WAG KA NGANG TANGA! Masyadong mabait si ama para may makabangga siyang isang BALIW NA TULAD MO!" ang pasigaw na sabi ni Flay.

"Kamahalan, sabi ko sayo, tumitira ka sa mundo ng kasinungalingan! Di mo ba napansin na di kayo magkamukha ng ama mo? At kelan mo pa nakita ang ina mo? Sana nag tanong-tanong ka sa paligid kung nag asawa nga ba talaga ang kinikilala mong ama." Ang sabi ni Gibson na tuwang-tuwa sa ekspresyon ng mukha na binibigay ni Flay.

Nanlaki ang mata ni Flay at nagsimula na siyang manghina.

"Sinungaling!" ang sumbat ng dalaga na pinipilit pa ding maging matatag.

"Hahaha. . ako ngayon ang sinungaling? Matapos kayong dukutin ng tiyahin niyo sa piling ng inyong mga magulang at ipamigay kayo sa kung sino-sino lang. tulad ka din nila, tulad ka din ng ibang tao! WALANG UTANG NA LOOB! Pinapakita ko sayo ang buong katotohanan sa pag katao mo tapos ganyan ang gagawin mo sa akin?(A/N: you don't do that to me! Sorry i can't help it)" ang sabi ni Gibson habang kinukuha ang larawan sa sa kanyang bulsa.

"Sinungalung! Ano bang kailangan mo sa akin!" ang sabi ni Flay.

"Anong kailangan ko sayo? Didiretsuhin na kita, kailangan ko ang kapangyarihan mo kamahalan! Wawakasan ko na ang mundong ito, napabagsak ko na ang Orb isusunod ko na ang Plants, matapos ko itong wasakin ay isusunod ko ang mga maliliit na kaharian, bakit? Tulad nga ng sabi mo sira na ang ulo ko. Sisihin mo ang ama mo! Sinumpa niya ako! meron na lang akong dalawang taon na natitira sa buhay ko at kung mamamatay man ako sisiguraduhin kong isasama ko ang buong mundo." Ang sabi ni Gibson habang hinahawakan ang mukha ng babae sa larawan.

"Baliw ka na nga, magagawa mo yon sa loob ng dalawang taon?" ang sabi ni Flay.

"Alam kong di ko kaya iyon sa loob lang ng dalawang taon, kaya may tao akong kilala na kayang gawin ang mga mithiin ko." Ang sabi ni Gibson.

"Sino namang sira ulo ang susunod sayo?" ang sabi ni Flay na nakikisabay na lang kay Gibson para makakuha siya ng impormasyon.

"Sino pa ba? Edi ang kinikilala mong pinsan." Ang sabi ni Gibson

"HAHAHAHAHA! Isa kang malaking hangal! Di mo magagamit si Athrun! Nagkamali ka ng taong pinili!" ang sabi ni Flay na punong-puno ng pandidiri sa sa taong kausap.

"Titingnan natin kung maakakatawa ka pa oras na makumpleto ko kayong lahat!" ang sabi ni Gibson habang tinatapon sa harap ni Flay ang larawan

Pinulot ni Flay ang larawan at tinitigan niya ito ng maayos. Kamukha ni Cagalli ang babaeng nasa larawan at halos kamuha naman niya ang lalaking nasa tabi nito, at ang nasa likod naman ay si Gibson.

"May naalala ka ba?" ang tanong ni Gibson.

Di nag salita si Flay at nanatiling nakatingin sa larawan na hawak.

Tumayo si Gibson

"Nakikita mo ba yang lalaking nasa tabi ni Cera? Yan ang taong dapat mong sisihin!" ang sabi ni Gibson bago ito tuluyang nawala sa loob ng silid.

"Cera?" ang tanong ni Flay sa sarili.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

"Sana ngayon ay masaya ka na. Tapos ko na ang pinagagawa mo sa akin, sa loob lang ng isang linggo ay marami na ang mamamatay" ang sabi ni Shinn habang pumapasok sa silid kung saan naroroon si Gibson.

"Hindi pa Shinn, wala pa sa kamay ko si Zala!" ang sabi ni Gibson na parang may tinitimpla sa kanyang mesa.

"Ano bang kailangan mo kay Zala?" ang tanong ni Shinn, nakita naman niya agad ang parang nanlambot na ekspresyon sa mukha ni Gibson, ngunit mabilis itong nawala.

"Basta kailangan ko siya, nalaman ko Shinn na pumalpak ang mga rebelde sa pag dakip sa hari." Ang sabi ni Gibson na patuloy pa din sa kanyang ginagawa.

"Anong magagawa ko? Wala naman ako doon at may iba akong ginagawa." Ang sabi ni Shinn habang tinitingnan ang mga boteng nagkalat sa buong paligid.

"Palalampasin ko iyon, ako na ang bahala kay Zala, kailangan kitang pumunta sa isang lugar, para hanapin ang isang tao." Ang sabi ni Gibson.

"Sino?" ang tanong ni Shinn habang umiikot sa mesang kinauupuan ni Gibson.

"Di pala isa, dalawang tao pala, kilalang-kilala mo yong isa doon, kailangan mong patayin si Doktor Antonio, at kailangan mong dakipin ang alalay o estidyante nito" ang sabi ni Gibson na may ngiti sa kanyang mga labi.

"Wala akong kilalang, Antonio." Ang sabi ni Shinn.

"Pag nagawa mo ang misyon na ito, ay palalayain ko na ang kapatid mo, kaya siguraduhin mong di ka papalpak." Ang sabi ni Gibson.

. . . . . . . . . . . . . . .

"Ah natapos din" ang sabi ni Antonio habang nag uunat-unat habang tumitingin sa pag putok ng bukang liwayway. Alam niya, na paparating na ang isang malaking trahedya na magaganap sa mundo. Kailangan na niyang sabihin ang totoo sa mga bata.

"Gibson, talagang nilamon ka na ng pagkamuhi." Ang sabi ni Antonio.

Kailangan niyang protektahan ang mga dalaga, sila lang ang makapag tatanggol sa buong mundo. Sino ba namang makapag aakala na magiging ganito ka panganib si Gibson? Tandang-tanda pa niya ang mga panahon na pinagtabuyan siya ng hari ng Orb dahil sa isang di kanais nais na kasalanan.

"Gibson! Di ko akalaing magagawa mo sa akin ito! Tinuring kita na parang kapatid! Tapos titirahin mo pala ako ng patalikod! Kinupkop kita matapos kang itaboy ng kaharian niyo tapos ngayon ito pa ang igaganti mo sa akin? Napaka ingrato mo!" ang sabi ng hari.

"Master, maniwala ka, di ko sinasadya!" ang sabi ni Gibson habang nagmamaka awa

"WALANG UTANG NA LOOB! MATAPOS KONG ITURO SA IYO ANG LAHAT! MATAPOS KITANG BIHISAN AT PAKAININ, GAGAGUHIN MO LANG AKO?!" ang sabi ng galit na galit na hari.

"Master, di na po mauulit" ang sabi ni Gibson habang nakaluhod na nagmamaka awa.

"TALAGANG HINDI NA! NILAPASTANGAN MO ANG AKING ASAWA! KAMATAYAN LANG ANG DAPAT NA PARA SA IYO!" ang sabi ng hair na nanggagalaiti na sa galit.

"Master,...isa pa pong pagkakataon."

"MGA SUNDALO IPATAPON ANG BASURANG ITO SA MALAYONG LUGAR!" ang sabi ng hari.

Doon lang talaga nakita ni Antonio na magalit ng lubusan ang mahal na hari ng Orb. Sino ba namang hindi? Matapos niyang ituring na kapamilya ang binata at turuan ng paggamit ng mahika, iyon pa ang igaganti ng binata? Pero di din niya masisisi si Gibson, marahil ay di na nito napigilan na mahalin ang reyna. Marahil pakiramdam ni Gibson ay tinakwil na siya ng buong mundo, tinakwil siya ng kanyang kapatid, tinanggalan siya ng dangal bilang maharlika ng Plants at pati na rin ang hari ng Orb ay nagawa siyang ipagtabuyan at patawan ng sumpa.

"Di na rin mag tatagal ang buhay ni Gibson" ang sabi ni Antonio sa sarili.

Naisipan niya na kumuha ng kape sa kanyang kusina, bago pa niya marating ang hagdan ng kanyang bahay ay nakita niya si Cagalli na umaakyat patungo sa kanyang laboratoryo, kitang-kita niya, halos walang tulog pa ang dalaga, talagang pursigido nga itong makagawa ng gamot.

Ano pa bang aasahan niya? Nakuha niya ang ginintuang puso ng kanyang mga magulang.

Ang magagawa na lang niya sa ngayon ay bantayan at pangalagaan ang mga apoy, apoy ng kahilingan, apoy ng buhay at apoy ng kinabukasan.

Tuso talaga kahit kailan ang salamangkero ng Orb.

. . . . . . . . . . . . . .

"Anak mag iingat ka, palagi tandaan mo na lagi akong nandito para sayo, hangad ko lang naman ang kaligayahan mo." Ang sabi ni Gilbert na nakatago sa likod ng isang malaking puno sa gubat na malapit sa palasyo ng hari.

"Ama, bakit ka nag sasalita ng ganyan?" ang tanong ni Meer na di mapigilan ang pag agos ng luha sa kanyang mga mata.

"Alam mo naman na malaki ang utang na loob ko kay Gibson di ba? Kung di dahil sa kanya ay wala ka ngayon sa piling ko." Ang sabi ni Gilbert habang niyayakap ang anak.

"Pero ama, di ba't siya din ang pumatay sa akin dati? Bakit ngayon ay sinusunod mo na siya?" ang tanong ni Meer.

"Anak, minsan kailangan mo ring maging matalino, alam kong siya ang ay kagagawan sa likod na pagka matay mo at ng hari, sinusunod ko siya, dahil binuhay niyang muli, at nangangako ako sayo ngayon anak na ipaghihiganti ko ang ginawa niyang kahayupan sa iyo." Ang sabi ni Gilbert sa anak.

"Ama, wag kang aalis, wag mo ng ituloy ang mahalaga ay magkasama tayo, bumalik ka na lang sa konseho ng palasyo, tulad ng dati." Ang sabi ni Meer.

"Di na pwede anak, alam na ng mahal na hari na kasama ako sa pag rerebelde laban sa kanya, alam na din niya na kapatid ko si Rau." Ang sabi ni Gilbert

"Lilinisin ko ang pangalan mo ama, papaibigin ko ulit si Athrun, magiging ayos ang lahat." Ang sabi ni Meer na halos ayaw ng bumitaw sa kanyang ama.

"Shhh, natupad na ang hinihiling mo na makasama siya anak, masaya ako para sa iyo, di ko maipapangako sa iyo na lagi akong nasa tabi mo, pero ito lang ang tatandaan mo, lagi kitang gagabayan, mahal kita mahal kong angel, lahat ay gagawin ko para sayo, wag mong kakalimutang ngumiti, kahit nasan man ako gusto kong baunin na naiwan kitang masaya." ang sabi ni Gilbert.

"AMA! Tinatakot mo ako! wag kang aalis, di ka mamamatay! Ayos lang ako! di mo na ako kailangang ipaghiganti, buhay na ako yon lang ang mahalaga" ang sabi ni Meer na mas lalong hinigpitan ang yakap sa ama.

"Pasensya ka na anak ko, sana ay makita mo na ang tunay mong kaligayahan"ang sabi ni Gilbert na tinakpan ng panyo ang ilong ng anak.

"AMMMMMMMMMnnmmmmmm" sa huling pagkakataon ang nakita ni Meer ang malulungkot na mata at ngiti ng kanyang ama bago siya mawalan ng malay.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

"Ahas ka Murrue! Saan mo dinala ang mga anak ko?" ang tanong ng isang lalaking nang gagalaiti sa galit.

"Kuya, mag papaliwanag ako!" ang sabi ni Murrue. Kanina lang ay nag lilinis siya nang kanyang bahay ng biglang siyang sinugod ng kanyang kapatid.

"Taksil ka! Paano mo nagawa sa akin ito? Paano mo ito nagawa sa akin at sa sarili mong kadugo? Wala ka ng dapat pang ipagpaliwanag, kitang-kita ko ng dalawa kong mata, na nakikipag kita ka pa rin sa lalaking iyon!" ang sabi ng lalaki, habang inutusan niyang pumasok ang kanyang mga alagad na may dala-dalang apoy.

"Kuya, buhay ni Mwu ang nakataya! Isa pang pagkakataon, kuya, ibabalik ko din ang mga bata!" ang sabi ni Murrue na ngayon ay nakaluhod na sa kanyang kuya.

"Tama na Murrue! Sawang-sawa na ako sa mga kasinungalingan mo! Binigyan na kita ng isa pang pagkakataon para hanapin ang isa ko pang anak! Pero anong ginawa mo? Kinuha mo pa yung dalawang natitira!" ang sabi ng lalaki.

"Kuya maawa ka." Ang sabi ni Murrue.

"Bakit? Ikaw ba Murrue, nag karoon ka ba ng awa sa akin? At sa mga pamangkin mo? Kinahihiya kita! Simula ngayon ay tinatapon na kita sa aking kaharian! Tinatakwil na kita bilang kapatid! Inaalis na kita sa pagiging maharlika at dugong bughaw." Ang sabi ng lalaki.

"Dakipin siya, at ipatapon sa kabilang kaharian, sunugin niyo ang bahay na ito, para wala na siyang balikan." Ang sabi ng lalaki habang lumalabas ng tahanan ni Murrue.

"KUYA!MAAWA KA SA AKIN" ang sigaw ni Murrue habang dinadakip ng mga sundalo.

"Yan na ang ginagawa ko sayo Murrue, binibigyan kita ng awa, dahil dapat pinatay na kita! Marahil ay kinakahiya ka na din ng asawa mo na kapitan pa naman ng sandatahan ng Plants." Ang sabi ng lalaki bago ito tuluyang umalis.

Walang nagawa si Murrue kundi panooring nasusunog ang kanyang tahanan habang dinadakip siya ng mga sundalo. Ang kanyang tahanan, tahanan na binuo nila ni Mwu.

Iniwan na lang siya ng mga sundalo sa labas ng kaharian at doon ay nag pakita ang lalaking pinaka ayaw niyang makita.

"Murrue, sabi ko naman sa iyo, wag kang mag papahuli!" ang sabi ng lalaking naka kapa.

"IKAW! Kagagwan mo lahat ng ito." Ang sabi i Murrue habgn umiiyak

"Ako?, bakit ako? Kung tutuusin nga, ay malaki pa ang utang na loob mo sa akin, dahil di ko pa pinatay si Mwu sa kabila ng katangahan mo, ang sabi ko ibigay mo sa akin ang mga bata, pero anong ginawa mo? Akala mo ba ay di ko sila kayang hanapin?" Ang sabi ng lalaki

"Anong ginawa mo sa kanya? Anong ginawa mo kay Mwu?" ang tanong ni Murrue, na natatakot na sa kung ano man ang nangyari sa kanyang asawa.

"Sabihin na lang natin na, di na niya maaalala ang kanyang mahal na asawa!" ang sabi ng lalaking naka kapa.

"Ano bang ginawa ko sayo, bakit mo ako pinahihirapan?" ang tanong ni Murrue.

Agad siyang hinawakan ng lalaki sa leeg at bumulong sa kanyang tenga.

"Kung di dahil diyan sa makati mong dila, edi sana ayos pa ang lahat. Dapat nga ay pinutol ko na yan, pero gusto pa kitang makitang mag dusa at mahirapan. Tama lang yon bago kita patayin." Ang sabi ng lalaki bago ito nawala na parang bula.

"HINDI!HINDII!HINDI!" ang pasigaw na sabi ni Murrue na kagigising lang mula sa isang bangungot.

Umupo si Murrue sa kanyang kama, hinihingal at nanginginig. Wala siyang nagawa kundi umiyak

"Patawarin mo ako, kuya, itatama ko ang lahat pangako, pangako kuya, ibabalik ko ulit ang mga anak mo." Ang sabi ni Murrue na walang habas pa din sa pag iyak.

Siguro ay tama lang na nakalimutan siya ni Mwu, kabayaran ata ito sa mga kasalanang ginawa niya.

Nakakahiya siya naturingan pa naman siyang, kapatid ng hari ng Orb, tapos siya pa ang mag tataksil sa sariling kadugo.

Pero mali! si Gibson ang may kasalanan ng lahat ng ito siya lang. Sinabi lang naman niya sa kanyang kapatid ang nakita niya.

Kailangan na niyang itama ang kanyang mga pagkakamali.

. . . . . . . . . . . . . . .

Nagpagabi muna sila Athrun sa kampo na malapit sa pinangyarihan ng labanan, sinisigurado lang niya na walang iba pang rebelde ang nakatakas sa huli nilang pag atake.

"Mahal na hari? Malalim ata ang iniisip niyo." Ang sabi ni Mwu habang tinitingnan ang kamahalan na tulalang nakatingin sa apoy na ginawa nila para di sila ginawin habang lumalalim ang gabi.

"Wala ito Mwu." Ang sabi ni Athrun.

"Alam niyo mahal na hari, mas masarap kumain ng tinapay lalo na pag may kahati ka." Ang sabi ni Mwu habang umuupo sa tabi ng mahal na hari.

"Anong ibig mong sabihin?" ang tanong ni Athrun.

"Mas masarap mag bahagi ng problema lalo na kung alam mong mag makikinig sa iyo."ang sabi ni Mwu.

"Ang kumplekado lang kasi ng mga bagay-bagay." Ang sabi ni Athrun na bigla na lang napabuntong hininga.

"Usaping puso ba iyan?"ang tanong ni Mwu at nakita naman niyang napatango na lang ang binata.

"Meron akong kilalang babae, ilang taon ko pa lang siyang nakakapiling, pero parang ang tagal na namin mag kakilala, parang may matinding puwersa ang humihigit sa akin papalapit sa kanya, ang mga ngiti niya, mga mata at maging ang kanyang pag kilos, alam naman natin na nawala ko ang memorya ko, pero ang babaeng ito, pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala, pakiramdam ko kabahagi na siya ng aking pagkatao, di ko magawang magalit sa kanya, ayaw ko siyang makitang umiiyak, masaya ako pag nakikita ko siya, sa mga simpleng bagay na ganon nalalaman ko para siya sa akin." Ang sabi ni Mwu habang nag lalagay ng kahoy sa apoy na nasa harapan nila.

Ganon ang nararamdaman ni Athrun kay Cagalli, walang duda iyon, nag tataka lang siya kay Meer, may kakaiba siyang nararamdaman na di kayang ipaliwanag ng bastang salita lang, napaka misteryoso ng babaeng ito, paano kung siya nga si Mia? Pero bakit wala na siyang nararamdaman? Dahil ba tinanggap na lang niya na wala na si Mia? At si Cagalli na ang nag mamay ari ng puso niya?

Si Mia man siya o hindi, ay nawala na lang ba ang pagtingin niya sa kanyang dating kasintahan?

Bakit ba lagi na lang kumplekado ang buhay? Ano bang meron? Nahihirapan siyang alamin ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa puso, mas naiintindihan pa niya ang mga galaw ng kalaban sa isang labanan kesa sa galaw ng puso.

Nakita niyang tumayo si Mwu.

"Kung ako sa inyo mahal na hari, susundin ko lang ito" ang sabi ni Mwu habang nilalagay ang sariling kamay sa kanyang dibdib.

Yun na nga ang problema, di nga niya maintindihan ang sariling tibok ng puso niya.

. . . . . . . . . . . . .

Nahihilong sumakay si Yzak sa kanyang kabayo, kailangan niyang makabalik sa Plants,kailangan niya ng tulong, kailangan niyang mahanap si Flay at kilala niya ang taong maaring tumulong sa kanya.

Pero alam niya na mahihirapan siyang kunin ang kooperasyon ng taong yon lalo na sa mga nangyari.

. . . . . . . . . . . . .

"Walang sikretong si nabubunyag"

. . . . . . . . . . . .

Natutuwa akong mag basa ng mga hula niyo sa mga nangyayari. Hahahhaha

Medyo maikli ang chappy na ito kesa sa mga usual kong chappy na halos umaabot ng 4k yung mga words, nirereserve ko kasi yung iba para sa mga susunod na pasabog.

Sobra talaga akong nag eenjoy. Alam kong kalat-kalat pa ang mga info, maybe next or next,next chappie ko pa ipag kokonekta ang dots. Hahahahah pero ayan na ha, may clues ulit! Feeling ko baka mahulaan niyo na ang lahat. Good luck

Give meh some love^.~v.