Discalimer: i do not own gs or gsd
Special thanks to: Kkornelia,rynne marge at lie
Huhuhuhu matatapos na ito.. .
Sis Kkornelia: di ka mabibitin sis! May sequel pa ata ito. . pero baka batuhin mo ako ng patatas sa ending ng story .
Sis rynne marge: dahil salbahe ako hahaha hinabaan ko na itong chapiee na to, pangbawi. ^.^v
. . . . . . . . . .
Halos apat na araw na ang lumilipas pero di pa rin makita ni Shinn ang bahay na kailangan niyang puntahan, napakalaki ng kagubatan na ito, nakakapagod!
Isang hakbang na lang ang kailangan niyang tapusin para mailigtas niya ang kanyang kapatid. Alam niyang malaki ang kasalanan niya sa lahat ng tao ng Plants, kaya sisiguraduhin niya na pag maayos na ang lagay ni Mayu, ay magpapaalam na siya sa mundong ibabaw.
Di niya ata kayang mabuhay na pasan ang mabaigat niyang konsensya sa pagkakamatay ng maraming tao, maging si Alfred ay nahihirapan na din para lang maitago ang kanyang sikreto.
Nakakasuka na ang kanyang ginagawa, sana pala ay di na lang siya nakipagkasundo sa demonyo. Di niya akalain na lolokohin siya ni Gibson.
Nang una ay gusto lang naman niyang mabuhay ang kanyang mga magulang, nabalitaan niya kasi na kayang bumuhay ng patay ni Gibson kaya di na siya nag dalawang isip. Di rin niya akalin na madadamay ang kanyang kapatid sa gulong ito.
Napasuntok na lang si Shinn sa katabing puno, habang iniisip ang mga nangyari ng nakaraan.
Kailangan na niyang bayaran ang kasalanang ginawa niya.
. . . . . . . . . . . . . .
"Di ka galit sa akin Mwu?" ang tanong ni Murrue sa lalaking katabi niya sa kama. Matapos ang pag kwekwento niya ng buong katotohanan, ay umabot sila sa ganito, marahil ay dala na din ng bugso ng damdamin kaya heto sila ngayon kapwa, walang saplot sa katawan at magkayakap sa kama ni Murrue
"Di ko magagawang magalit sayo mahal ko" ang sabi ni Mwu habang hinahalikan ang hubad na braso ni Murrue
"Pero gusto ko pa ding humingi ng tawad sa ginawa ko Mwu, ang laki ng kasalanang ginawa ko sayo, lalong-lalo na sa mga pamangkin ko, nang dahil sa akin ay nawalay sila sa kanilang mga magulang." Ang sabi ni Murre habang umuupo sa kanyang kama kapit-kapit ang kumot na tanging nag tatakip sa kanyang katawan
Umupo din si Mwu at niyakap ang likuran ni Murrue
"Tutulungan kitang hanapin ang mga pamangkin mo at sisiguraduhin kong mag babayad sa ginawa niya si Gibson" ang sabi ni Mwu.
"Mwu, di na natin sila kailangan pang hanapin, nakita ako na sila." Ang sabi ni Murrue na muli ay humiga sa kama.
Tinabihan ulit ni Mwu si Murrue at hinawakan nito ang kamay ng kanyang asawa.
"Gusto mo ba ay puntahan na natin sila ngayon?" ang tanong ni Mwu.
"Di na kailangan, nandito lang sila sa palasyo." Ang sabi ni Murrue.
"Sino-sino?" ang tanong ni Mwu.
Nginitian na lang siya ni Murrue.
"Natatakot pa rin ako Mwu" ang sabi ni Murrue
"Saan mahal ko?" ang tanong ni Mwu na agad namang hinalikan ang noo ni Murrue.
"Kay Gibson, mapanganib siya, gumagamit siya ng itim na mahika, natatakot din ako na baka pag nakilala na ang mga nawawalang hiyas ng Orb ay baka kunin sila ni Gibson, kailangan natin siyang maunahan bago pa mahuli ang lahat" ang sabi ni Murrue.
"Mahika?" ang tanong ni Mwu.
"Hayaan mong ipaliwanag sayo ang lahat" ang sabi ni Murrue
. . . . . . . . . . . . .
Nagulat na lang si Shiho ng biglang bumukas ang pinto ng opisina niya ng walang pasabi-sabi
Napatigil tuloy siya sa ginagawa niyang pag susuri ng mga dokmentong nasa kamay niya.
"Kailangan ko ng tulong mo" ang sabi ng hingal na hingal na binata
"Magandang araw din sayo Yzak." Ang sabi ni Shiho na bumalik na lang sa kanyang unang ginagawa.
"Shiho!" ang sabi ni Yzak na di mag kamayaw sa pag lalakad sa opisina ng dalaga.
"Bakit?" ang tanong ni Shiho
"May gagawin tayo" ang sabi ni Yzak na bigla na lang kinuha ang kamay ni Shiho para kaladkarin palabas
"Di ka ba marunong makiusap ng maayos" ang sabi ni Shiho habang tinitingnan ang determinadong mukha ni Yzak
"Sinabi ko na ang pakay ko nung pumasok ako sa opisina mo" ang sabi ni Yzak na pilit na pinapatayo ang dalaga sa kanyang upuan.
"Marami pa akong ginagawa, di ka ba pwedeng mag hintay?" ang tanong ni Shiho.
"Sandali lang naman ito!" ang sabi ni Yzak. Bilang na bilang na ang pasensyang natitira sa ulo niya.
"Matuto kang maghintay!" ang sabi ni Shiho habang tinatanggal ang kamay niya sa pag kakahawak ni Yzak.
"KUNG AYAW MO AKONG TULUNGAN, WAG NA LANG!" ang sigaw ni Yzak.
Tumayo naman si Shiho at tinitigan ang lalaking nasa harapan niya.
"Wala kang karapatan sigawan ako Joule! Wala akong sinasabi na di kita tutulungan ang sabi ko lang matuto kang mag hintay!" ang sabi ni Shiho.
"PAMBIHIRA!MAGHIHINTAY PA BA AKO KUNG ALAM KONG NASA PANGANIB NA ANG BUHAY NI FLAY!? Nangako ako sa ama niya na walang masamang mangyayari sa kanya!" ang sabi ni Yzak.
Nagulat naman si Shiho sa sinabi sa kanya ng binata.
Napayuko na lang siya at napabuntong hininga.
"Sige, tutulungan kita, at di mo na kailangang ipaalala sa akin, alam kong dapat na manatiling lihim ang nangyari tama ba?" ang sabi ni Shiho kay Yzak
Napatango na lang si Yzak sa kanyang kausap.
. . . . . . . . . . . .
Mabilis na nag lakad si Athrun papunta sa punong palasyo. . .
Bawat yabag ng kanyang paa ay halos mabuka na ang lupa.
Halos lahat din ng dumadaan sa kanyang harapan ay bigla na lang napapatakbo.
Halatang galit na galit ang hari ng Plants.
"HALUGHUGIN ANG BUONG KAHARIAN! HANAPIN SI SHINN ASUKA, KALADKARIN NIYO KUNG KINAKAILANGAN, PATI NA RIN SI GILBERT DURANDAL! TALIAN NIYO SA LEEG KUNG KINAKAILANGAN, PAPUNTAHIN NIYO DITO SI DOKTOR ANTONIO KAILANGAN KO SIYA! MADALI KAYONG LAHAT!" ang pasigaw na utos ni Athrun, di pa man natatapos ang laban niya sa mga rebelde ay kumakalat nanaman ang lason.
Napipikon na si Athrun, ang dating masayang kaharian ng Plants ay halos manglumahid na sa lason na kumakalat, di na rin magkanda ugaga ang mga doktor sa paligid kung paanong bibigyan ng pansin ang bawat pasyente.
Kakagaling lang ni Athrun sa mga klinika at di niya talaga nagustuhan ang bawat nakita niya. Bawat klinika ay nahahati sa anim na bahagi, limang bahagi kung saan nandoon lahat ng pasyente na naapektuhan ng p1,p2,p3,p4,p5 at ang isang bahagi naman ay para sa mga pasyenteng malubha na ang kalagayan at hinihintay na lang ang kamatayan.
"Nandito na ba si Lord Joule?" ang tanong ni Athrun habang umuupo sa kanyang upuan.
"Pinapasabi nga po pala ni Lord Joule na may importanteng bagay siyang gagawin, nawa'y maintindihan niyo daw po, saka na lang daw siya mag papaliwanag" ang sabi ni Carleen ang sekretarya ni Athrun.
"Ipatawag mo si Lord Amfari" ang sabi ni Athrun habang tinitingnan ang listahan ng mga naapektuhan, halos kalahati ng kanyang kaharian ang nalason at hanggang ngayon ay wala pa ding lunas na naibibigay sa kanya ang mga tinalaga niyang espesiyalista maging ang mga magagaling na doktor ay nawawala na din at di mo alam kung saang lupalop ng mundo nag punta.
Maya-maya pa ay pumasok sa loob ng opisina si Nicole na di mo malaman kung anong nangyari , makikita sa ilalaim ng kanyang mga mata ang nag iitimang bilog, halatang wala pang tulog ang binatang pumalit muna sa pusisyon ni Yzak.
"Kamahalan" ang sabi ni Nicole habang yumuyuko.
"Anong nangyari?" ang tanong ni Athrun habang binababa ang kanyang mga binabasa.
Inabot ni Nicole ang mga papeles na naipon niya.
"Sa ngayon kamahalan ay pinatigil na muna namin ang lahat ng palayan sa pamimigay ng mga bigas. Napag alaman po namin na kontaminado ang ilan sa mga palayan sa buong kaharian at di lang po iyon" ang sabi ni Nicole habang inaabot muli kay Athrun ang isang papel na nakatupi ng maayos.
Kinuha ito ni Athrun at binuksan para basahin.
Wag kang makampante kung akala mong tapos na ang lahat. Nanalo ka ngayon, pero di pa ito ang wakas
Nilukot ni Athrun ang papel na nakuha niya.
"Sinong nag padala nito?" ang tanong ni Athrun habang tumatayo mula sa kanyang kinauupuan.
"Di po namin alam kamahalan, nakita na lang po namin iyan sa labas ng punong palasyo, kasama ang telang ito" ang sabi ni Nicole habang inaabot ang tela
Nanlaki ang mata ni Athrun. .
Si Gilbert. . .
Di kaya ay may kinalaman si Meer sa mga pangyayari? Di ba't ama niya si Gilbert? Ito na ba ang gustong sabihin ni Meer sa kanya kahapon? Anong pinaplano nilang mag ama?
Mabilis na umalis si Athrun mula sa punong palasyo patungo sa kanyang tahanan upang kunin ang mga sagot sa kanyang mga katanungan. Mabilis na bumukas ang gintong tarangkahan ng kanyang tahanan upang papasukin siya.
"Ipatawag si Meer sa aking opisina ngayon din!" ang utos ni Athrun sa isa sa mga katulong habang bumababa siya kay Justice.
Di na pinansin ni Athrun ang mga taong nasa paligid niya, ang tanging alam lang niya ay malaman ang buong katotohanan na bumabalot sa kanayang kaharian.
Di kaya ay patibong lang ang lahat?
Para sa isang mas malakas na pag bugso ng mga pangyayari?
Mabilis siyang umakyat ng hagdan kung saan nakasalubong niya si Meer.
Kinuha niya ang kamay ng dalaga at dali-dali silang pumasok sa loob ng opisina. Pinaupo niya si Meer sa upuan at di na nag paligoy-ligoy pa.
"Paki paliwanag ito" ang sabi ni Athrun habang inaabot kay Meer ang tela na may burdang araw, na sumisimbolo sa lahi nila Gilbert Durandal.
Hinawakan ni Meer ang tela at tinitigan ito ng mabuti. Ito nga ang simbolo ng kanilang lahi.
"Di ko alam ang ibig sabihin nito Athrun, matagal na kaming di nag uusap ni ama, simula pa noong pinalayas niyo siya sa palasyo" ang malungkot na sabi ni Meer. Sariwa pa sa kanyang ala-ala ang lahat.
"Meer, sa puntong ito, sabihin na nating naniniwala ako sa sinasabi mo na ikaw si Mia, bakit di ka pa umaalis sa aking tahanan? Di ba't nag balik na ang ala-ala mo? At kelan pa nga ba ito nag balik? Ibig sabihin ba ay matagal mo na akong niloloko?" ang tanong ni Athrun sa dalagang nakaupo sa harapan niya.
Tumayo si Meer sa kanyang kinauupuan para hawakana ang kamay ni Athrun.
"Athrun, pakinggan mo ako ng mabuti." Ang sabi ni Meer habang humuhugot ng lakas ng loob, ito na ang pag kakataong hinihintay niya, wala ng atrasan ito.
Nanatiling tahimik si Athrun para pakinggan ang kung ano mang sasabihin ni Meer.
"Alam mo ba ang dahilan kung bakit pinaalis ng dating hari si ama?" ang tanong ni Meer
"Paano ko iyon malalaman kung nasa labanan ako noong mga panahong iyon?" ang sagot ni Athrun, wala talaga siyang panahon upang magpa ligoy-ligoy pa.
"Ganito iyon Athrun, nag karoon ng mainit na pagtatalo ang dating hari at si ama, nais sana ni ama na sabihin sayo ang katotohanan, tungkol sa pag katao mo, nagalit ang dating hari at pinalayas niya si ama sa buong kaharian, sinabi di ng dating hari na walang karapatan si ama na makigulo sa buhay pamilya ninyo, pero nag-aalala lang sayo si ama nais lang niyang malaman mo ang buong katotohanan."
Umupo si Meer at huminga ng malalim
"Athrun, may kapatid ang dating hari, Gibson ang kanyang pangalan. ." ang sabi ni Meer na tila di na kayang ituloy ang kanyang kwento.
"Meer, wala akong panahon para pag dugsungin ko ang mga sinasabi mo! Wag mong aksayahin ang oras ko!" ang sabi ni Athrun na nauubos na ang kanyang pasensya.
Tumingin si Meer sa mata ng kanyang dating kasintahan.
"Athrun, maupo ka, at ihanda mo ang sarili mo sa mga sasabihin ko" ang sabi ni Meer.
(balik tanaw)
"Wala kang karapatang makigulo sa aking pamilya!" ang sabi ni Patrick, hari ng Plants sa kanyang matalik na kaibigan at puno ng konseho na si Gilbert Durandal.
"Patrick! Pinag kakait mo kay Athrun ang buong katotohanan!" ang sabi ni Gilbert.
"Tigilan mo ako Gilbert! Ayaw kong masira ang mga pinag samahan natin dahil lang pa pakikisawsaw mo sa buhay namin ni Athrun!" ang sabi ni Patrick
Napatayo si Gilbert sa kanyang kinauupuan. Nilibot niya ang kanyang paningin sa buong lugar. Ito ang lugar kung saan madalas nauupo ang hari, dito nakalagay ang kanyang trono, ang nag iisang upuan na na taning ang hari lang makakaupo, napatingin siya sa malalaking bintana ng silid hanggang sa mapadpad ang kanyang tingin sa malaking larawan ng yumaong reyna.
Si Lenore. Ang babaeng punong-puno ng kariktan, babaeng inaasam asam ng bawat babaeng dapat lang tawagin na reyna.
Alam niyang pinapahamak niya ang sarili niya sa kanyang ginagawa. Pero di na niya kayang sikmurain pa ang pang lolokong ginagawa ni Patrick sa sarili niyang anak.
"Kahit ano pang sabihin mo Patrick ay di mo pa rin ako mapipigilang sabihin kay Athrun ang buong katotohanan." Ang sabi ni Gilbert na nag simula ng mag lakad papalabas ng silid ng hari.
"Dakipin ninyo si Gilbert! Ikaw! Gilbert Durandal ay pinapatawan ko ng kamatayan! Walang patawad ang ginawa mong kalapastanganan sa akin! Ikulong niyo siya ngayon din at sa susunod na buwan ay isasagawa ko na ang hatol ko sa kanya!" ang sabi ni Patrick habang tinitingnan niya ng kanyang matatalas na mata ang dating kaibigan
"Matapos kitang gawan ng pabor? Ito ang gagawin mo sa akin?!" ang sabi ni Gilbert habang nag pupumiglas sa pagkakahawak sa kanya ng mga sundalo.
Pilit siyang hinatak ng mga sundalo papunta sa selda.
Nakakailang araw na siyang nakakulong doon ng magkaroon siya ng di inaasahang bisita.
"Kumusta Gilbert?" ang sabi ng lalaking naka kapa.
Nanatiling nakaupo si Gilbert sa gilid ng kanyang selda.
"Lumayas ka sa harapan ko!" ang sabi ni Gilbert na tila walang pakialam sa lalaking nasa labas ng kanyang selda.
"Ang problema kasi sa iyo ay, masyado kang madaldal! Masyado kang maraming alam! Dapat sa iyo ay pinaparusahan!" ang sabi ng lalaki.
Parang malakas na dagok sa ulo ni Gilbert ang marinig ulit ang boses ng lalaking ito.
"Gibson!" ang pabulong na sabi ni Gilbert habang nanlalaki ang kanyang mga mata.
Tinanggal ni Gibson ang kanyang kapa at nilagay niya ang kanyang hintuturo malapit sa kanyang mga labi.
"Shhh, wag mong banggitin ang pangalan ko Gilbert. . maaaring may makarinig sa iyo" ang parang nag bibirong sabi ni Gibson.
"Anong ginagawa mo dito?" ang sabi ni Gilbert habang tumatayo sa kanyang kinauupuan.
"Alam kong may galit ka sa kapatid ko, wag kang mag alala, ako na ang bahala doon, pero kailangan pa rin kitang parusahan dahil muntik mo ng ibuko ang malalim kong sikreto!" ang sabi ni Gibson habang gumuguhit sa kanyang mga labi ang isang nakakatakot na ngiti.
"Anong gagawin mo?" ang tanong ni Gilbert habang lumalapit sa lalaking nasa labas ng rehas niya.
"Alam mo bang napaka ganda ng anak mo. . kaya lang, Tsk! Pinahamak mo siya! Wag kang mag-alala Gilbert! Kaya ko siyang buhaying muli, lumapit ka lang sa akin pag nakatakas ka na dito! Maligayang pagluluksa kaibigan" ang sabi ni Gibson na tumatawa habang naglalakad papalayo ng rehas ni Gilbert.
Agad namang nag sisisigaw si Gilbert.
"GIBSON! DEMONYO KA! ANONG GINAWA MO KAY MIA!"
Pero walang nangyari sa kanyang mga pag sigaw.
Ilang araw ang lumipas at kumalat na ang balita sa buong palasyo tungkol sa pagkamatay ng hari ng Plans at gayon din ang pagkasawi ng kasintahan ng mahal na prinsepe.
Mabuti na lang at nanjan ang kanyang kapatid na rebelde, dahil sa kanya ay nakatakas si Gilbert at muli itong mag babalik para sa katuparan ng kanyang paghihiganti.
(wakas)
Napahawak si Athrun sa kanyang sentido.
"Ano namang kinalaman ko sa mga kwinento mo Meer?" ang tanong ni Athrun.
"Malaki Athrun" ang sabi ni Meer.
"Paano mo nalaman ang bagay na iyan?" ang tanong ni Athrun
Agad na napalunok ng laway si Meer, sasabihin ba niya ang totoo? Pero kasasabi lang niya na di pa niya nakikita ang kanyang ama, gayong si Gilbert ang nagsabi sa kanya ng buong katotohanan.
"Athrun, wala na akong pakialam kung pinagdududahan mo ako sa mga sinabi ko!" ang pagalit na sabi ni Meer.
"Pwede ba Meer, paki sagot na lang ng tanong ko?" ang sabi ni Athrun.
Nanlamig na lang si Athrun at tila nanigas sa kanyang kinauupuan sa mga susunod na sinabi ni Meer sa kanya.
"Athrun, di mo tunay na ama si Patrick!" ang sabi ni Meer habang tinitingnan ang reaksyon ng binata.
Tumayo si Athrun sa kanyang kinauupuan.
"TAMA NA ANG KASINUNGALINGAN MEER!" ang pasigaw na sabi Athrun.
Tumayo si Meer at sinampal sa mukha si Athrun.
"BAKIT BA LAGI MO NA LANG GINIGIIT NA NAG SISINUNGALING AKO SAYO ATHRUN! BINABASTOS MO AKO! TANDAAN MO DATI MO AKONG KASINTAHAN!" ang sabi ni Meer na di na mapigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha.
Pinikit ni Athrun ang kanyang mga mata at pinilit na pakalmahin ang kanyang sarili.
"Alam mo bang kaya kitang patawan ng kamatayan dahil sa ginagawa mo?" ang sabi ni Athrun.
"Anong nangyari sayo Athrun? Di ka naman ganyan sa akin dati! Punong-puno ka pa ng pag mamahal sa akin noon, anong nangyari ngayon? Kaya mo na akong patawan ng kamatayan?" ang di makapaniwalang sabi ni Meer.
Hinawakan ni Athrun ang magkabilang braso ni Meer.
"Nag iiba ang lahat ng tao Meer, ang namagitan sa ating dalawa ay nangyari na sa nakaraan at di na natin maaari pang balikan" ang sabi ni Athrun habang tinititigan sa mata si Meer.
Napilitang tumango ni Meer.
"Pupunta lang ako sa silid ko Athrun, bumalik ka na sa punong palasyo, ikwekwento ko na lang sa iyo ang ibang detalye pag handa ka ng paniwalaan ang mga sinasabi ko" ang payukong sabi ni Meer bago ito umalis ng silid ni Athrun.
Nag dududa pa rin si Athrun kay Meer, bakit ito ginagawa ni Meer matapos ang nanyari sa kanyang ama? Di kaya ay espiya si Meer? Mag kaganon pa man ay kailangan niya si Meer na manatili dito sa kanyang tahanan para mapagmasdan niya ang bawat galaw ng dalaga.
Nakikita ni Athrun ang sinseridad sa mga mata ni Meer, ngunit talagang di lang niya kayang lunukin ang mga sinabi sa kanya ng dalaga.
Di siya tunay na anak ni Patrick Zala?
Kung gayon sino ang ama niya?
. . . . . . . . . .
Panandaliang nakahinga ng maluwag si Cagalli. Sa ngayon ay nagagawa na ng gamot na pigilan pa ang pagkalat ng lason sa katawan ng pasyente. Ngunit di pa rin ito sapat, kailangan niya ng gamot na kayang patayin lahat ng lason sa katawan ng isang tao.
Konti na lang. .
Alam niyang kaya nyang gawin ito.
Malapit na
Umupo ulit siya sa kanyang upuan sa laboratoryo ng kanyang maestro.
Nagulat na lang siya ng biglang pumasok ang Maestro niya.
Hinihingal, pawis na pawis.
"Cagalli! Madali ka! Mag impake at kunin mo ang gamot na iyan, kunin mo ang librong ito at kahit anong mangyari ay wag mong bibitawan ito, nandito lahat ang sagot sa mga katanungan mo. Lahat-lahat Cagalli!" ang sabi ni Maestro niya habang tinutulak siya patungo sa kanyang silid.
"Maes—"
"Wag ka ng mag salita Cagalli! Madali ka! Kunin mo lang ang mga ilang gamit na kailangan mo." Ang sabi ng Maestro niya, nagulat na lang siya ng makita niyang sumuka ng dugo ang doktor.
Agad siyang lumuhod sa harap ng doktor.
"Maestro!" ang buong pag-aalalang sabi ni Cagalli
"CAGALLI! Wag mo na akong intindihin! Nasa kamay mo na ang lahat! Alagaan mo ang mga kapatid mo, ang orb at ang buong sanlibutan!" ang sabing kanyang maestro habang nag mamadali si Cagalling mag impake ng mga gamit na kakailanganin niya.
Dali-dali siyang hinigit ng kanyang Maestro patungo sa isang lihim na lagusan papalabas ng tahanan ng matanda.
"Dumiretso ka lang Cagalli, makikita mo ang isang malaking puno ng balete, kumanan ka at patuloy ka lang mag lakad hanggang sa marating mo ang labas ng gubat na ito" ang sabi ng doktor na patuloy pa din ang pag ubo ng dugo.
"Maestro! Di ko po kayo kayang iwanan ng ganyan! Sumama na po kayo sa akin!" ang sabi ni Cagalli habang inaalalayan ang matanda.
"Cagalli, ikaw ang hiyas ng liwanag, kaya mong ilawan ang isang madilim na mundo at isang madilim na kaluluwa, kaya mong linisin ang isang maitim na puso, mahalaga ka sa mundong ito, bilisan mo, nanghihina na ang kapangyarihan ko, di ko na kayang protektahan ang kapangyarihan na lumalabas sa katawan mo. Oo, iha, ako ang dahilan kung bakit di pa sumasabog sa katawan mo ang iyong mahika. Ginawa ko na din yan sa mga kapatid mo, ako ang nag selyo ng mga kapangyarihan niyo, di ko na kayang magpaliwanag pa. UMALIS KA NA! MADALI KA!" ang sabi ng matanda habang sinasarahan ang pinto sa lagusan.
Pinilit ni Cagalling buksan ang pintuan, gusto niyang balikan ang kanyang Maestro, pero nakita niyang nilamon na ng apoy ang tahanan ng doktor, wala siyang magawa kundi ang umiyak habang naglalakad patungo sa dulo ng lagusan.
Anong nangyayari? Sinong kapatid ang tinutukoy ng kanyang Maestro? Kailangan niyang mag madali para masagot na ang mga katanungan niya.
. . . . . . . . . . . . . . .
Matapos na siguraduhin ni Shinn na di na makakatakas ang matandang lalaki ay umalis na siya sa nag liliyab na tahanan nito. Di rin niya nakita ang taong kailangan niyang iharap kay Gibson, maaaring nakatakas na iyon, kailangan niyang mag madaling hanapin ang kasamahan ng doktor sa kagubatan na ito malamang ay di pa ito nakakalayo.
Halos halughugin niya ang buong kagubatan para lang makita niya ang taong hinahanap niya, kailangan niyang tibayan ang kanyang loob, para ito kay Mayu, para ito sa sarili niya.
Lumayo na siya sa nasusunog na bahay ng matanda, pakiramdam niya ay babaliktad na ang kanyang sikmura sa krimen na ginawa niya, nakikita niya ang kanyang mga kamay na punong-puno na ng dugo.
Di mapigilan ni Shinn na mag dilim ang kanyang paningin. Isa siyang mamamatay tao, marami na siyang napatay, maraming tao na ang nag dusa dahil sa kanya, aatras pa ba siya? Gayong nasimulan na niya ang lahat.
Naisangla na niya ang kanyang kaluluwa sa demonyo.
Napatigil siya sa kanyang pag lalakad ng makarinig siya ng isang malakas na hagulgol.
Hinanap niya ito, hanggang sa matanaw niya ang isang malaking puno ng balete.
Nandon, ang isang babaeng nakaupo sa ilalim ng puno, yakap-yakap ang isang malaking supot.
Nilapitan niya ito.
Maaring ito na ang taong hinahanap niya.
Tinapik niya ang balikat ng babae, nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita.
"Cagalli?" ang tanging salitang nasambit niya matapos niyang makita ang luhaang mukha ng dalaga.
. . . . . . . . . . .
"Sa tingin ko ay di malayo ang pinagtataguan ng taong dumukot kay Lady Allster" ang sabi ni Shiho habang tinitingnan niya ang mga bakas ng paa sa lupa kung saan nangyari ang pagdakip sa dalaga.
"Oo tama ka, ayon sa mga bakas ng paa na nakikita ko, ay sa ulo ng taong iyon ang buong kagubatan." Ang sabi ni Yzak na patuloy pa rin ang pag hahanap ng ebidensya na makapagtuturo sa kanyang kung saan ba napunta si Flay.
"Ano kaya ang motibo ng taong dumukot kay Lady Allster?" ang sabi ni Shiho habang tumitingin sa paligid.
"Hindi ko alam, pero isa sa pinaka malapit na alam kong kasagutan at marahil, dahil kadugo siya ng hari, at nais lang ng mga rebelde na gawing pain si Lady Allster" ang sabi ni Yzak.
"Pero, tapos na ang labanan, natalo na ng hari ang lider ng mga rebelde" ang sabi ni Shiho habang tumitingin sa kanyang kausap.
"Kung gayon, ay kailangan pa nating mag saliksik ng husto, nangangapa tayo sa dilim Shiho." Ang sabi ni Yzak. Halos wala na siyang tulog. Parang pinupukpok ang puso niya sa labis na pag aalala sa dalaga. Naiinis siya sa sarili niya dahil di man lang niya nagawang protektahan ang babaeng malapit sa puso niya. Naiinis siya at nagagalit dahil di niya alam kung buhay pa ba si Flay.
Pero di pa rin siya nawawalan ng pag-asa, wala pa naman siyang nakikita na signus at ebidensya na makakapagturo na maaaring wala na sa mundong ibabaw si Flay.
"Yzak, mahirap itong ginagawa natin, kailangan na nating humingi ng tulong." Ang sabi ni Shiho.
"Hindi! Mag hanap ka lang jan" ang utos ni Yzak.
"Nang alin? Yzak, di mo ba naisip na malalaman at malalaman din ni Athrun at ni Lord Allster ang pagkawala ni Flay? Mas maganda ng makahingi tayo ng tulong!" ang sabi ni Shiho habang hinaharap ang binata.
Bakas sa mukha ni Yzak ang determinasyon na mahanap si Flay.
"Hindi! Shiho! Hindi! Di ko magagawang humarap sa ama ni Flay ng ganito!" ang sabi ni Yzak.
Nakikita ni Shiho ang labis na pag aalala ni Yzak, kahit di man sabihin at ipakita ni Yzak, alam ni Shiho na di mapakali ang binata sa mga nangyayari ngayon.
"Malalim talaga ang nararamdaman mo sa kanya, tama ba Yzak?" ang sabi ni Shiho na biglang tumingin sa kalangitan.
Tumingin si Yzak kay Shiho.
"Sige pag bibigyan kita, pero pag wala pa din tayong nakita ngayon, ay magkukusa na akong humingi ng tulong." Ang sabi ni Shiho.
Napatango na lang si Yzak.
. . . . . . . . . .
"Kumusta kamahalan?" ang sabi ni Gibson habang hinahatiran ng pag kain ang dalawa niyang bihag.
Tiningnan lang siya ni Flay.
"Tsk! Wag mo akong tingnan ng ganyan!" ang sabi ni Gibson na naiirita sa tingin na binibigay sa kanya ng dalaga.
Pinagpatuloy ni Flay ang pagbibigay ng maruming titig kay Gibson.
"WAG MO AKONG TINGNAN NG GANYAN!" ang sabi ni Gibson na di na napigilan ang kanyang nagpupuyos na galit.
Ngunit di pa rin natinag si Flay.
"Tulad ka ng ama mo! Ganyang-ganyan ang titig na binigay niya sa akin noong tinataboy niya ako sa kaharian ninyo! Kasalanan ko bang napaibig ako ni Cera? Kasalanan ba iyon?" ang sabi ni Gibson . Binuksan niya ang selda at hinawakan niya sa leeg si Flay habang pinipinid niya ang dalaga sa gilid ng pader.
Sa tingin niyo ay matitinag ng ganon-ganon lang si Flay?
"Wala kang pinagkaiba sa ama mong walang kwenta! Kayo-kayong magkakapatid! Nakakasuka kayo! TSK! Sige maliban lang siguro sa isa! Kilala mo siya tama ba? Nakita mo na ang kapatid mo, di mo lang talaga alam. Di mo ba napansin ang babae sa larawan? Di mo ba namumukhaan kung sino ang kahawig ni Cera?" ang sabi ni Gibson habang hinihigpitan pa ang hawak sa leeg ni Flay.
Kahit na nahihirapang huminga ng dalaga ay pilit pa din niyang nilalabanan ang takot sa dibdib niya.
"Kasing tanga ka nga ng ama mo! Kakasuka kayo." Ang sabi ni Gibson
Agad naman siyang dinuraan ni Flay.
Napangiti si Gibson, agad niyang hinampas sa pader ang dalaga.
"Pasalamat ka at kailangan pa kita, kundi matagal na kitang pinatay!" ang sabi ni Gibson habang sinasarahan muli ang selda ni Flay.
Nanghihinang tumayo ang dalaga
"Ano bang kasalanan ko sayo?" Ang tanong ni Flay.
Ngumiti si Gibson
"Kasalanan mong naging anak ka ni Uzumi Narra Athha, Flay Allster, o dapat bang tawagin kong , Prinsesa Flay? Ang hiyas ng kinabukasan ng Orb?" ang sabi ni Gibson habang lumalabas ng silid.
. . . . . . .
"hiyas ng liwanag"
"hiyas ng kinabukasan"
"hiyas ng pag-asa"
. . . . . . .
Get's niyo? Hahahah
