Disclaimer: ah! Paulit-ulit! I do not own gs or gsd! Dahil kung pag aari ko yun, wala sana ako dito sa fanfiction okay?
Special thanks kay: Kkornelia, rynne marge, midnightsun at lie.
Kkornelia: sis may malaki kang kasalanan sa akin! Nahawa ata ako ng Flay fever mo! Madalas ko ng hinahanap hanap si Flay sa mga stories. Ughhh ang konti pala ng story kung saan bida si flay.
rynne marge: chill lang sis! Mabait naman si Shiho, okay lang sa kanya yun, nagpaparaya ang pagibig. Alam kasi ni Yzak na si Shiho lang ang mapagkakatiwalaan niya pag dating sa mga bagay-bagay na ganyan.
Lie: sis paramdam ka .
Midnightsun: sabi mo di ka magaling sa words? Haha ang haba pa nga ng review mo. Hahah oo napansin ko din na madaming indonesian ang sumusulat gamit ang language nila. May ilang Filipino din naman na sumusulat ng tagalo fic and at the same time sumusulat din ng english fic tulad ni rynne marge. Siguro ipagpapatuloy ko na din na mag sulat ng Filipino para dumami naman ang Filipino fic dito. . ikaw, baka magaling ka rin mag sulat at baka may malikot kang ideas jan. sulat ka na din. Hahaha looking forward sa magiging account mo ^^. Thanks sa support!
dahil masaya ako, eto na dalawang update sa isang araw. . tsk! sira na nga ata ulo ko.
. . . . . . . . . .
Bakit ba nangyayari sa kanya ito?
Kailangan niyang makatakas.
Pero paano ang batang babaeng nasa tabi niya?
Ilang araw na ba ang nakakalipas?
Di niya alam. Ang makulong sa seldang ito ay di madali. Gusto na niyang makatakas sa bangungot na ito, gusto na niyang magising kung nananaginip lang siya.
Pag ginamit ba niya ang kapangyarihan niya, may pagkakataon kayang makatakas siya?
Walang masama kung susubukan diba?
Siguro ay meron, mababawasan ng isang araw ang buhay niya. Pero mas mabuti na iyon kesa mamatay siya dito ng di man lang sinusubukan.
Tinitigan ni Flay ang batang babae na nakahiga sa binti niya. Nakatulog na pala ang batang ito. Naaawa siya sa batang ito. Ilang taon na kaya siyang nakakulong dito? Mabilis na naawa ang puso ni Flay sa batang babae. Di dapat ito nangyayari sa isang batang katulad niya. Kawawa naman.
Pinikit ni Flay ang mata niya, kailangan niyang gamitin ang kapangyarihan niya.
Pero paano kung mawalan siya ng kontrol?
Naalala niya nung minsang nakita siya ni doktor antonio nung bata pa siya.
May sinabi sa kanya ang doktor
"Dadating ang araw at di mo na makokontrol ang kapangyarihan mo, kaya lagi kang mag-iingat"
Di niya talaga naintindihan ang sinabi sa kanya ng matandang lalaki. Paano ba naman niya maiintindihan kung napaka bata pa niya ng mga panahon na iyon?
Sa pag dilat niya ng kanyang mga mata ay napansin niya na may dilaw na apoy na lumalabas sa kanyang buong katawan.
Tiningnan niya ang kanyang mga kamay
"Ano ito?"
At pakiramdam niya ay hinihila ang kanyang hininga.
Nahihilo siya at nasusuka. Pinagpapawisan siya.
At lalo pa siyang nabahala ng biglang pumasok si Gibson sa silid.
"Ah! Hinog na pala ang mga hiyas! Malapit na!, kailangan ko na lang ang dalawa mong kapatid para sa katuparan ng aking mga plano, nagtagumpay pala si Shinn sa pag patay kay doktor antonio. Tamang-tama!" ang sabi ni Gibson habang lumalapit sa rehas nila Flay.
"Annn—" di na natuloy ang sinasabi ni Flay dahil nawalan nalang siya ng malay.
Napangiti si Gibson.
"Cera, aking mahal, oras na matapos lang aking plano, ay bubuhayin kita ulit para lang makasama ka sa nalalabi kong hininga dito sa mundong ibabaw, alam kong magiging hadlang si Asuka kaya oras na makuha niya si Cagalli, kailangan ko na siyang ibaon sa lupa kasama ang kanyang mga magulang." Ang sabi ni Gibson habang tinitingnan ang larawan ni Cera.
. . . . . . . . . . . . .
"Shinn?" ang sabi ni Cagalli, naguguluhan siya kung bakit nandito si Shinn, kailangan ba na laging sumulpot si Shinn sa kung saan-saan. Ang tagal na panahon na nung huli silang nag kita.
Napahakbang paatras si Shinn.
"Anong ginagawa mo dito?" ang tanong ni Shinn, kinakabahan siya, paano kung si Cagalli pala ang taong kailangan niyang dalhin kay Gibson?
"Yan din ang dapat kong itanong sa iyo." Ang sabi ni Cagalli habang pinupunasan ang kanyang mga luha.
"Sagutin mo na lang ang tanong ko" ang sabi ni Shinn na hindi makatingin sa dalagang nasa harapan niya.
"Wala, nasunog lang ang bahay na tinutuluyan ko ngayon. Kaya nandito ako, kailangan ko ng umalis Shinn" ang sabi ni Cagalli habang tumatayo mula sa ilalim ng puno ng balete.
Biglang namawis ang palad ni Shinn. Anong kailangan ni Gibson kay Cagalli?
Tinitigan niya ng mabuti si Cagalli, nanlaki ang kanyang mga mata ng maalala niya ang babae sa larawan na nakita niya sa mesa ni Gibson.
Di kaya?
Hinawakan niya ang kamay ni Cagalli at kinaladkad niya ang dalaga papalabas ng gubat.
"Shinn! anong ginagawa mo!" ang sabi ni Cagalli na pilit na nag pupumiglas.
"Kailangan mo ng umalis dito, mapanganib." Ang sabi ni Shinn, hindi niya hahayaang mapahamak si Cagalli, pumalpak na siya sa pagtatanggol sa kanyang kapatid at di niya bibiguin si Cagalli. Masyadong mahalaga si Cagalli sa kanya. Dahil sa dalaga ay parang lumiwanag ang madilim niyang mundo may kakaibang taglay na liwanag si Cagalli. Pakiramdam niya ay naiilawan ang kanyang maitim na kaluluwa sa tuwing kasama niya ang dalaga.
Tumigil sa paglalakad si Cagalli ng matagumpay niyang matanggal ang kanyang kamay sa pagkakahawak ni Shinn.
"May kinalaman ka ba sa nangyaring sunog?" ang tanong ni Cagalli habang tinitingnan niya ng husto ang binata.
Hinawakan niyang muli ang kamay ng dalaga at sa pagkakataong iyon ay mas mahigpit para siguraduhing di na makakawala si Cagalli.
"Shinn! ano ba! Sagutin mo ang tanong ko!" ang sabi ni Cagalli.
Pero di umimik ang binata.
"Shinn! may kinalaman ka ba sa sunog?" ang tanong ng dalaga.
Wala pa ring imik ang binata.
"ANO BA!" ang sabi ni Cagalli na pilit pa ring tinatanggal ang kamay sa pag kakahawak ni Shinn.
Maya-maya pa ay biglang sumipol si Shinn.
Tumigil sila sa pag lalakad.
Humarap si Shinn kay Cagalli. Hinawakan niya ang pisngi ng dalaga.
"Cagalli, makinig ka ng mabuti, nagpapasalamat ako at nakilala kita, sa panandaliang panahon na nakasama kita ay sumaya ako, gusto ko sanang malaman mo na di ko nais na mailagay ang buhay mo sa panganib, di kaya ng puso kong malaman na naghihirap ka, patawarin mo ako Cagalli, di kita masisisi kung maging madumi man ang tingin mo sa akin." Ang sabi ni Shinn bago niya yakapin ng mahigpit si Cagalli.
"Anong pinag sasasabi mo?" ang tanong ng naguguluhang dalaga.
"Lagi kang mag iingat Cagalli" ang sabi ni Shinn habang dinadama ang bawat sandaling yakap niya ang dalaga, baka ito na ang huling pag kakataong makakayakap niya si Cagalli.
"Bakit ba ang daming taong nagsasabing kailangan kong mag-ingat?" ang sabi ni Cagalli. Damang-dama niya ang unti-unting pag diin ng katawan ni Shinn sa katawan niya.
Maya-maya pa ay naramdaman niya ang tumutulong luha sa pisngi ng binata.
Hinarap niya si Shinn at pinunasan niya ang bawat luhang pumapatak mula sa mga mata nito.
"Ito na ang huli nating pagkikita Cagalli, sana'y di na mulling mag krus ang mga landas natin bago mo pa ako tuluyang kamuhian" ang sabi ni Shinn.
"Ano ba yang mga sinasabi mo?" ang tanong ni Cagalli ng mapansin niya na may dumadating na itim na kabayo sa likuran ni Shinn.
"Pag may narinig kang 'Gibson'" paki usap lang, lumayo ka na." ang sabi ni Shinn.
Nagulat si Shinn ng bigla siyang yakapin ni Cagalli.
"Shinn, di ko man naiintindihan yang mga sinasabi mo, pero naniniwala ako na isa kang mabuting tao, kung ano man yang bumabagabag sayo ipagdarasal ko na sana ay malagpasan mo yan, karapatan ng bawat taong mabuhay ng tahimik. Kahit sino pa man iyon. Walang taong pinanganak na masama Shinn, sana kung ano man yang problema mo ay malampasan mo, gusto ko lang na tandaan mo, na pag dumating na ang panahon na kailangan mo ako, asahan mong pupunta ako sa tabi mo, pangako yan Shinn" ang sabi ni Cagalli sa binatang yakap-yakap niya ngayon.
Kailangang tanggapin ni Shinn na di talaga sila bagay ni Cagalli. Sana pala'y kaya niyang ibalik ang panahon, sana ay di na lang siya nakipagkasundo kay Gibson, baka sakali ding nag karoon pa siya ng pag-asang makasama si Cagalli.
Ipinapangako niya sa sarili niya. Di na siya magiging alipin ni Gibson, itatakas niya ang kapatid niya at proprotektahan niya si Cagalli, kahit ano pa mang mangyari.
Hinawakan niya ang magkabilang braso ni Cagalli, di na niya kayang pigilan ang nararamdaman niya. Gagawin na niya ito bilang pabor sa sarili niya, tutal malapit na siyang mabura sa mundong ibabaw.
Nilagay niya ang kanyang kanang kamay sa pisngi ni Cagalli.
"Cagalli, salamat sa lahat. Sana ay nagkakilala tayo sa ibang pagkakataon" ang sabi ni Shinn bago niya ilapat ang labi niya sa labi ng nagulat na dalaga.
(A/N: 'no way!' na ah! Yes way! Nag kiss nga sila, handa na ang panglaga ko ng patatas dito incase na batuhin niyo ako ng patatas)
Anong nangyayari? Bakit ganito? Umiikot ang mga puno sa paligid. Dahil ba ito sa simoy ng hangin sa malawak ng gubat na ito? Dahil ba sa mga naglalakihang puno? Dahil ba sa mga halaman sa paligid? O dahil sa labing nakadampi sa labi niya?
Di ito kagaya ng halik ni Athrun. Mas mahinhin ang halik ni Shinn, parang may laman na pangako. Mas nakakalunod ang halik niya, ramdam niya ang bawat emosyon ni Shinn.
Di ba't hinalikan lang siya ni Athrun para tumahimik siya? Wala naman talagang ibig sabihin ang halik na binigay sa kanya ni Athrun. Ginayuma niya si Athrun, pinaglaruan niya ang damdamin ng binata.
Mali ito, di niya dapat iniisip si Athrun, di niya dapat pinagkukumpara ang halik nilang dalawa.
Parang di siya makahinga, di na siya makapagisip, nararamdaman niya ang pulso niya, sa tingin niya ay wala namang masama.
Kaya pinikit na din niya ang kanyang mga mata.
Naramdaman ni Shinn sumagot si Cagalli sa kanyang halik.
Pareho lang kaya sila ng nararamdaman ni Cagalli?
Naramdaman din niya ang kamay ni Cagalli sa kanyang buhok, gumagapang ito sa kanyang anit. Kaya nilagay niya ang kanyang kamay sa bewang ng dalaga para ilapit pa ng husto ang katawan nito sa kanyang katawan.
Sana tumigil ang oras.
Sana ay di na matapos ito.
Ayaw na niyang mawalay kay Cagalli.
Gusto niyang makasama ang dalaga.
Hindi kahapon,hindi lang ngayon at lalong-lalo ng hindi bukas.
Kundi gusto niyang makasama ang dalaga sa pang habang buhay.
Parang pinitik ang puso niya, nilalagay niya sa panganib ang buhay ni Cagalli sa ginagawa niya. Pinutol niya ang halik niya kay Cagalli, binuhat niya ang dalaga at sinakay niya ito kay manes.
"Shinn! anong ginagawa mo? " ang sabi ni Cagalli na walang kamalay-malay na nakasakay na pala siya sa kabayo ni Shinn.
"Kailangan mo ng umalis Cagalli, di mo na ako dapat pang makita, nagpapasalamat ako sa may kapal ay pinakilala ka niya sa akin. Mag-iingat ka palagi" ang sabi ni Shinn bago niya tapikin si manes.
Mabilis na tumakbo si Manes palabas ng gubat.
"SHINN!" ang sigaw ni Cagalli
"DADALHIN KA NI MANES SA PALASYO,MAG-IINGAT KA CAGALLI! " ang sigaw ni Shinn. Tinitigan ni Shinn ang mukha ng babaeng tanging inibig niya. Sinasaulo niya ang bawat angulo ng dalaga ng sagayon ay may baunin siya sa kabilang buhay, babaliktarin na niya ang kasunduan nila ni Gibson, babawiin na niya ang kanyang kapatid. Di na siya mag papagamit pa sa kung sino man.
(A/N: esh! I can see, uulan ng patatas mamaya!)
. . . . . . . . .
Niloko lang ba siya ni Shinn?
Bakit siya iniwan ng ganun-ganun na lang?
Di niya mapunasan ang luhang pumapatak sa kanyang mga mata, dahil kailangan niyang higpitan ang kapit sa lubid ni manes, hawak-hawak pa din niya ang supot. Sana nga ay alam ng kabayong ito kung saan siya dadalhin, dahil di niya alam kung paano siya makakabalik sa palasyo.
Sana'y di pa huli ang lahat, sana ay di pa huli ang lahat para sa mga tao ng Plants.
Ang Maestro niya, si Shinn, si Athrun,si Milly si binibining Murrue at pati na rin si Lacus at Flay.
Sila ang mga taong malapit sa buhay niya.
Teka! Sa pagkaka alala niya ay ang Master niya ang nag bigay sa kanya ng mahika.. . . kaya anong sinasabi ng maestro niya na nilagyan nito ng selyo ang kanyang kapangyarihan niya gayong kakakilala pa lang nila?
Sana'y nasa libro na ito ang kasagutan.
. . . . . . . . . . . . .
"Kamahalan ano pong ginagawa niyo dito?" ang tanong ng isang doktor sa klinika.
Nilibot ni Athrun ang kanyang mata sa loob ng klinika. Gusto niyang makita kung maayos bang naaalagaan ang mga taong nasa paligid niya. Nagkulang na nga siya bilang isang lider, ayaw na niyang sabihin pa nila na isa siyang pabayang tagapamahala ng kanyang kaharian.
"Gusto kong lahat ng tao, mahirap, mayaman,pulubi man o hindi ay maayos na tinatanggap dito, ayaw kong nag bibigay kayo ng espesyal na alaga." Ang sabi ni Athrun sa doktor na sumalubong sa kanya.
Madaling nagpatayo si Athrun ng mga maliliit na bahay para gawing klinika, sinigurado niya na kumpleto ito sa pasilidad.
Halos mahigit kumulang na limampu na ang klinikang pinatayo niya, ayaw niyang mas lalo pang mahirapan ang kanyang mga nasasakupan. Gusto niyang maging ang mga pulubi ay bigyan ng tamang atensyon.
Naiinis na siyang isipin na walang silbi pa rin hanggang ngayon ang mga espesiyalistang kanyang tinalaga. May ilang gamot na din ang kanilang nagawa pero di iyon sapat. Tanging panandaliang pampaailis lang ng sakit ang naibibigay ng mga gamot na nagawa ng mga espesyalista at di pa iyon sapat.
Kailangan na niya si doktor Antonio. Marahil ay kaya ng sagutin ng matanda ang kumakalat na sakit sa kanyang bayan.
Matagal-tagal na din bago pa silang huling nag kita ng matanda.
Lumabas siya ng klinika upang pumunta sa punong palasyo nang salubungin siya ng isang sundalong tinalaga niya upang mag tungo sa bahay ng matandang doktor.
"Kamahalan may masama pong balita." Ang sabi ng sundalong bumababa sa kanyang kabayo.
"Ano iyon?" ang tanong ni Athrun habang tinitingnan ang mga tao sa labas ng klinika.
"Natupok na po ng apoy ang tahanan ni doktor Antonio Litonjua. Nalikom na rin po namin ang kanyang bangkay at sa ngayon ay sinusuri na rin po namin kung siya nga po ba talaga ang taong iyon" ang sabi ni ng sundalo.
Bakit tila lumamig ata ang panahon? Nanlamig agad ang kanyang mga palad. Tama ba ang kanyang narinig? Natupok na ng apoy ang tahanan ng matandang doktor? ilang nga ulit yung bangkay na nakuha? Isa ba? Eh nandun si Cagalli ngayon.
Nanlaki ang kanyang mga mata.
Si Cagalli!
"Ilang ang bangkay na nakuha niyo?" ang tanong ni Athrun
"Isa lang po kamahalan, sinusuri pa po namin kung siya nga po ba ang matandang doktor" ang sabi ng sundalo.
"Isa? Di ba't may isa pang kasama si doktor Antonio sa kanyang bahay? " ang tanong ni Athrun. kailangan niyang makasiguro na di napahamak si Cagalli.
"Wala po kaming ibang nakitang katawan, maaaring nakaligtas po ang kasama niya sa bahay, tinitingnan na din po namin kung ano ang pinagmulan ng sunog"ang sabi ng sundalo.
"Kailangan ko agad ang mga resulta." Ang sabi ni Athrun habang sumasakay kay Justice. May kinalaman kaya dito si Gilbert?
. . . . . . . . . . . . . .
Naglilinis si Meer sa opisina ni Athrun ng makita niya ang kanyang larawan sa mesa sa tabi ng pausukan.
Hinawakan niya ito, tinitigan niya ito ng mabuti, natatandaan pa niya ang larawan na ito.
Ang galing talaga ni Athrun mag pinta. Nasasaktan siyang isipin na nag bago na si Athrun wala na ang dating mga titig na binibigay sa kanya ng binata, wala na ang dating tiwala sa kanya ni Athrun, wala na rin kaya ang dating pag-ibig ng binata sa kanya?
Pero gusto pa rin niyang umasa, marahil ay nalilito lang ngayon si Athrun.
Tama.
Magulo lang ang isip ni Athrun.
Alam niya sa loob-loob niya na nandoon pa din ang Athrun na nagmahal sa kanya, napaka imposible naman na nalimutan na agad iyon ng binata.
"Tamang-tama kailangan nating mag-usap" ang sabi ni Athrun na tila kararating lang.
"Athrun!" ang sabi ni Meer na agad na binaba ang larawan na hawak niya.
"Sabihin mo nasan na si Gilbert!" ang sabi ni Athrun habang hinahawakan ang magkabilang braso ni Meer.
"Di ko alam" ang sabi ni Meer, ngayon lang niya nakita na magalit si Athrun.
"Meer! Wag mo akong pilitin na itaboy ka sa pamamahay ko! Espiya ka ni Gilbert tama ba?! Ni hindi mo nga maipaliwanag kung paano ka nakabalik sa mundong ibabaw! Punong-puno ka ng kasinungalingan!" ang sabi ni Athrun. pag may nangyaring masama kay Cagalli, di na niya alam kung anong kaya pa niyang gawin.
"Athrun! gusto mo malaman ang totoo? GUSTO MO?" ang sabi ni Meer na mabilis na nagpumiglas sa binata habang sinusuntok niya ang dibdib ni Athrun.
"OO MEER! LAHAT-LAHAT!" ang sigaw ni Athrun sa dalaga.
"Sige! Nakipag kasundo ang ama ko kay Gibson! Si Gibson ang nawawala mong kamag anak! Si Gibson ang pumatay sa ama mo at sa akin! Kapalit ng serbisyo ng ama ko, nakipag kasundo siya kay Gibson na buhayin ako! at eto ako ngayon! Oo matagal na kitang sinusundan para malaman ko kung kelan ba ako sisipot! Hanggang sa malaman ko na pupunta ka sa bangin! Nagpanggap ako na sugatan! Kunwari ay wala akong maalala, para malaman ko kung nagbago ka ba! Para malaman ko kung ako pa rin ba ang mahal mo! Nag sinungaling ako, OO nag kita kami ni ama ilang araw na ang nakakalipas! Nag paalam siya na baka di na siya babalik dahil ipaghihiganti niya ako kay Gibson!"
Naguguluhan na si Athrun
"Galit si ama sa iyo dahil wala ka man lang nagawa para pigilan ang pagkamatay ko noon! Hawak ni Gibson sa leeg si ama! Pero ngayon ay gaganti na siya! Dapat ay uunahin ka niya Athrun, pero nag maka awa ako! bakit? Kasi mahal kita Athrun! ginusto ni ama na lumigaya ako! marahil ay pinagtangkaan niya ang buhay mo dahil alam niya na nasasaktan ako sa ginagawa mo sa akin! Wala akong kinalaman sa mga iniisip niya ngayon. Di ko na alam kung ano pa ang kinikilos niya!"
"Pakiusap Athrun, maniwala ka naman sa akin! Wala na akong kinalaman sa kung ano man ang susunod na hakbang ni ama, sinabi niya sa akin ang katotohanan nung huli kaming nag kita. Gusto lang naman kitang makasama. Yun lang naman iyon Athrun" ang sabi ni Meer na napagod na sa pag suntok sa dibdib ni Athrun, napaupo na lang ang dalaga sa sahig habang umiiyak.
"May kamag anak ako?" ang tanong ni Athrun.
"Athrun. . . si Gibson ang tunay mong ama." Ang sabi ni Meer habang nakatingin kay Athrun.
. . . . . . . . . . . . . . . . .
Konti na lang. .
Konting-konti na lang. .
Malapit na ako sa palasyo. . . .
. . . . . . . . . . .
Ibibitin ko muna dito ha! Next chappie na marereveal lahat ng laman ng utak ko. As in next chappie na big REVELATION!
Anong mangyayari kay flay?
Nasan na si Lacus?
Anong magiging reaksyon ni Cagalli?
Anong laman ng libro?
Masasabi na ba ni Murrue ang buong katotohanan?
May Asucaga moment kaya ulit?
May war ba ulit?
Nasan na si Shinn?
Matatakas ba niya si Mayu?
We'll see! ^.~v
