Disclaimer: i do not own gs or gsd

Special thanks to: Kkornelia, rynne marge,lie at midnightsun.

Ps: may ibang scene na iba ang time line okay? Pero di niyo na dapat pansinin yun kasi, kusang magsasalubong yung mga time nila,okay?

rynne marge: grabe na ang hula-hula, hacking skills mo ha! Pahiram niyang one tim para masilip ko yung ibang stories na tapos na pero iniipit ng ibang authors..

. . . . . . . . . . . .

Pumasok si Shinn sa loob ng kweba at napansin niya na wala doon si Gibson.

"Nanguha ata ng halaman"

Nilibot ni Shinn ang buong silid, ganun pa din ang lahat, makalat pa rin. Ano pa bang inaasahan niya? Nakita niya ulit ang larawan sa mesa ni Gibson, tinitigan niya ito ng mabuti.

Kahawig talaga siya ni Cagalli.

Di mapigilan ni Shinn ang mapapikit ang kanyang mga mata. Isang araw na ang nakalipas ng huli niyang makita si Cagalli.

Binalik niya ulit ang larawan sa dapat nitong kalagyan. Nillibot niya muli ang kanyang paningin. . napansin niya ang isang malaking bato sa likuran ng upuan ni Gibson, napansin niya na tila may tumatakas na ilaw ibabang gilid nito.

Agad siyang lumapit at pilit niyang inusog ang malaking bato na parang pader na rin.

Laking gulat niya ng ito ay

Gumalaw. . .

Inusog pa niya ito ng husto, at ng makapasok siya ay napansin siya ang isang mahabang daan, kung saan may matatanaw kang pinto sa dulo. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa pinto, kailangan niyang mag ingat ng mabuti dahil maaaring may patibong sa paligid.

Pero narating na niya ang pinto ng wala man lang nanyayari.

Binuksan niya ang pinto, madilim ang paligid, maliban lang sa isang kandilang nag bibigay liwanag sa isang rehas

Rehas?

Nilapitan niya ang rehas, at tumambad sa kanya ang babaeng may kulay pulang buhok , dilat ang mata nito ngunit parang wala sa mundong ibabaw ang isip nito, tila tulala ang dalaga.

Kilala niya kung sinong ang babaeng nasa harapan niya.

"Lady Flay?" ang tanong ni Shinn.

Biglang bumalik sa malay si Flay, at nagka salubong ang kanilang mata.

"Ikaw si Shinn tama ba? Ikaw ang kapatid ng batang ito? Itatakas mo siya kung di ako nagkakamali? Kung ako sayo ay ipagpapaliban ko muna iyan, malapit ng dumating si Gibson, hanapin mo sila Yzak Joule,nasa kagubatan sila malapit sa kwebang ito." Ang sabi ni Flay. Alam niyang kahit ano mang oras ay pwede na siyang mahilo, dalawang beses na niyang ginagamit ang kapangyarihan niya.

"Paano mo nalaman iyan?" ang tanong ni Shinn.

"Nakita ko, bilisan mo! Kailangan mo ng umalis dito at humingi ng tulong, malapit na si Gibson."ang sabi ni Flay.

"Itatakas ko na kayo ngayon din!" ang sabi ni Shinn.

"Di ka aabot! Wala sa iyo ang susi! Umalis ka na bago ka pa niya maabutan dito." ang sabi ni Flay. Nararamdaman niya na ano mang oras ay mawawalan na siya ng malay.

"Babalik ako pangako, ikaw na muna ang bahala sa kapatid ko." Ang sabi ni Shinn na nagmamdaling umalis ng silid.

Matapos umalis ni Shinn ay nawalan na ng malay si Flay.

. . . . . . . . . . . .

"Anong pinagsasasabi mo?" ang sabi ni Athrun kay Meer, di siya makapaniwala sa mga sinasabi ng babaeng nasa harapan niya.

"Athrun, ama mo si Gibson Zala! Bata pa lang ang iyong ina na si Lenore ay may pagtingin na siya kay Gibson, pero naka takda siya para kay Patrick, mahal na mahal ni Patrick si Lenore pero lingid sa kanyang kaalaman na may lihim na pag tingin ang kanyang kasintahan kay Gibson. Alam mo ba ang tunay na dahilan kung bakit pinalayas si Gibson sa kaharian?"

"Nalaman ng dating hari na, ginamit ni Gibson ang nararamdaman ni Lenore upang mapunan nito ang tawag ng laman, buong akala ni Lenore ay iniibig na din siya ni Gibson, pero nag kakamali siya, noong oras na malaman ni Patrick na nabuntis ni Gibson si Lenore, ay labis niya itong kinagalit, dahil sa mahal niya si Lenore ay nag desisyon siya na ipakasal si Lenore sa kanyang kapatid, pero tinanggihan ito ni Gibson, sinabi din ni Gibson sa lahat na, tinukso siya ni Lenore at di siya ang ama ng batang dinala ng ina mo, siniraan din niya si Patrick sa lahat ng tao, kung ano-anong masasamang bagay ang sinasabi niya sa likod ni Patrick."

"Mas lalong nag puyos sa galit ang dating hari kaya pinatapon niya ang sarili niyang kapatid sa isang malayong lugar, dala ng labis na pag mamahal niya kay Lenore, kaya nagawa niyang pakasalan itong muli at tinanggap ka niya bilang tunay na anak. Matapos magbigay buhay sayo ni Lenore ay namatay siya."

"Bakit? Ganon na lang ang sama ng ugali ni Gibson?" ang tanong ni Athrun sa babaeng nasa paanan niya.

"Malaki ang inggit na nararamdaman ni Gibson, pakiramdam niya ay di siya mahal ng kanilang mga magulang, lahat ng atensyon nila ay binibigay nila kay Patrick, pero mali si Gibson, hinahanda lang naman ng mga magulang nila si Patrick dahil siya na ang susunod sa trono. Athrun nasa saiyo na yan kung ayaw mo akong paniwalaan, pero sabi ni ama ay may librong nilimbag ang dating hari tungkol sa bagay na ito, hanapin mo na lang sa silid aklatan kung di pa rin naniniwala sa mga sinabi ko sayo" ang sabi ni Meer habang tumatayo sa paanan ni Athrun.

"Meer" ang sabi ni Athrun.

Humarap sa kanya si Meer.

"Mia ang pangalan ko Athrun, hindi Meer" ang sabi ni Meer.

"Pasensya ka na" ang sabi ni Athrun.

Yumuko si Mia para umalis na sa opisina ni Athrun.

"Salamat Mia" ang tanging nasabi ni Athrun.

"Wag kang mag pasalamat Athrun karapatan mong malaman ang buong katotohanan" ang sabi ni Mia bago ito tuluyang mawala sa opisina ni Athrun.

Madaling hinanap ni Athrun ang librong kailangan niya.

. . . . . . . . . . ..

Sinalubong ni Milly ang isang kalesa ng nag dadala ng kanilang pag-kain, dumaan na ito sa mga pag susuri at ligtas na itong kainin.

Kailangan nila ng doble ingat lalo na't maraming bata ang nasa palasyo ngayon.

"Mahal ko, malalim ata ang iniisip mo?" ang tanong ni Dearka kay Milly habang hinahalikan ang noo nito.

Binuhat ni Milly ang isang bilao ng gulay.

"Nag-aalala lang ako kay Cagalli, sabi niya kasi ay malapit ng matapos ang gamot na ginagawa niya, kumakain kaya siya ng maayos? Baka naman masyado niyang pinupuya ang sarili niya para lang matapos ang gamot na yon."ang sabi ni Milly sa kanyang kasintahan na tinutulungan siyang mag buhat ng mga pag kain.

"Ayos lang siya Milly, si Cagalli pa, kaya na niyang alagaan ang sarili niya." ang sabi ni Dearka habang binubuhat sa kanyang balikat ang dalawang sako ng bigas.

Nakita na lang ni Milly na nagtatakbuhan ang mga bata papunta sa tarangkahan.

Agad na hinarang ni Dearka ang kanyang malaking katawan sa dinadaanan ng mga bata.

"Saan kayo pupunta?" ang tanong ni Dearka sa mga bata.

Tumuro sila sa labas ng gintong tarangkahan.

"Tingnan niyo po oh! Ang ganda ng kabayo!"

"Malapit na siya"

"Grabe! Ngayon lang ako nakakita ng ganyang kulay ng kabayo!"

"Oo nga! Ang kintab ng itim niyang balahibo!"

"Parang ang sarap hawakan!"

Agad namang napatingin ang mag kasintahan sa kabayong hinarang ng mga gwardiyang nag babantay sa labas tarangkahan.

Binaba ni Milly ang kanayng bitbit at di nagdalawang isip pang tumakbo sa babaeng nakasakay sa itim na kabayo.

"CAGALLI!" ang di maintindihang sigawni Milly.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Humiga si Athrun sa kanyang kama, pilit pa rin niyang iniisip ang librong kanyang nabasa, katatapos lang niyang basahin ang libro ng kanyang ama. Totoo ang lahat ng sinasabi ni Mia. Binuklat niyang muli ang huling pahina ng libro.

Kung nababasa mo man ito Athrun, nais ko lang malaman mo na wala akong pinagsisisihan sa mga desisyong ginawa ko.

Naging masaya ako sa piling ng iyong ina kahit panandalian lang.

Ikaw Athrun, ikaw lang ang aking kaisa-isahang anak.

Laging mong tatandaan na ako ang iyong ama at ikaw ang aking anak.

Maligaya ako at binigay ka sa akin ng iyong magandang ina.

Pangalagaan mo sana ang kahariang ito gaya ng pag aalaga ko.

Nais ko sanang panatilihin mo ang mga prinsipyong pinaglaban ko.

Alam kong napalaki kita ng maayos, natutuwa ako at naging, matapang, magalang at marangal kang tao.

Karapatdapat ka lang sa trono ng mga hari.

lagi mong papangalagaan ang iyong sarili

ang iyong ama

-Patrick

Wala na siyang pakialam kung sino man ang ama niya, ang alam lang niya ay tanggap siya ng taong kinilala niyang ama.

Marahil dahil na din sa kawalan niya ng tulog, kaya bigla na lang siyang napapikit at napunta sa lugar ng mga panaginip.

. . . . . . . . . . . .

Sinilip ni Mia ang silid ni Athrun at nakita niya ang natutulog na prinsepe.

Wala namang masama kung gagawin niya ulit di ba?

Ginagawa din naman niya iyon nung magkasintahan pa sila.

Pumasok si Mia sa silid ni Athrun.

Dahan-dahan siyang umupo sa tabi Athrun, hinubad niya ang kanyang saplot sa katawan at humiga siya sa tabi ng binata.

Naalala niya, ginagawa niya ito sa tuwing gusto niyang asarin si Athrun. Natutuwa kasi siyang tingnan ang ekspresyon ng mukha nito sa tuwing magigising si Athrun na katabi niya ang hubad niyang kasintahan.

Bigla na lang kasing mahuhulog si Athrun sa kama at kukurap ng ilang beses.

Ganun pa din kaya ngayon?

Alam niyang di basta-basta magigising si Athrun, kaya humiga siya sa dibdib ni Athrun para umidlip ng sandali.

. . . . . . . . .

Hingal na hingal si Cagalli. Nagulat siya sa mga nakita niya. Ang daming may sakit sa kaharian. Sa bungad palang ng unang bayan ng Plants ay tumanglaw sa kanya ang tahimik na daan, konti na lang din ang nagtitinda sa palengke, napansin din niya ang nagkalat na klinika sa paligid, nagawa na rin niyang mag tanong-tanong habang nasa daan pa siya. Nawalan na ng buhay ang dating masayang bayan ng Plants. Maging ang liwasang bayan na dating punong-puno ng tao, punong-puno ng mga batang nag lalaro ay naging lagian na ng mga taong may sakit.

Kumukirot ang puso niya ng pumasok siya sa isang klinika at natanaw niya ang isang sanggol. Na naapektuhan na ng p1, kaya sinabi niya sa sarili niya na tatapusin niya agad ang gamot. Masyadong inosente ang mga tao ng Plants para makaranas ng ganito.

Tumigil siya sa tarangkahan ng palasyo, hinarang kasi siya ng mga gwardiya. Tiningnan niya ang palasyong dati niyang tinirahan. Napaka ganda pa rin, nakakaakit pa ring tingnan ang estrukturang ito, sabihin na nating luma na ang palasyo, pero makikita mo pa rin ang ganda nito, halatang pinag buhusan ito ng mahabang oras bago matapos. Ang mga pinagpatong-patong na bato, ang mga halaman na gumagapang papaakyat ng pader, ang hardin, ang gintong tarangkahan, tanda pa niya ang tahanan ng hari na umaabot sa anim na palapag, ito ang palasyong naging malapit na sa puso niya at nandito siya muli para magbalik.

"CAGALLI!" narinig niya ang pag sigaw ng kanyang kaibigan.

"Milly!" ang sabi ni Cagalli. Di na niya alintana ang mga gwardiyang nakatingin sa kanya, mabilis niyang sinalubong ang kaibigan niyang tumatakbo papalapit sa kanya.

"Kumusta ka na!" ang maluha-luhang sabi ni Milly habang niyayakap ang kaibigan.

"Ayos lang! anong nangyari sa buong kaharian?" ang tanong ni Cagalli.

Agad na nalungkot si Milly.

"Cagalli, halos kalahati na ng mamamayan ng Plants ang naapektuhan ng lason." Ang sabi ni Milly.

"Mamaya na tayo mag-usap Milly, nasan ang mahal na hari? May dala akong gamot na panandaliang nag papatigil ng pagkalat ng lason. Pero kailangan ko pa itong suriin ng mabuti ng sa gayon ay mapatay nito ang lason sa katawan ng mga tao." Ang sabi ni Cagalli.

"Nasa loob ng palasyo ang mahal na hari, kung wala sa opisina niya ay marahil nasa silid tulugan niya. Naku! Labis na matutuwa iyon oras na makita ka niyang muli" ang sabi ni Milly habang hinahawakan ang tali ni Manes.

Tatakbo na sana si Cagalli. .

"Milly, pwede bang pakainin niyo at painumin yang kabayo na yan? bukas na bukas din ay pakakawalan ko na yan, kailangan niyang bumalik sa amo niya." ang sabi ni Cagalli bago siya tumakbo papasok ng palasyo.

. . . . . . . . . .

Nagulat ang mga tao sa loob ng palasyo nang makita nilang muli si Cagalli, ngunit di na sila na bati ng dalaga, importanteng maihatid niya sa hari ng Plants ang dala niyang gamot.

Ang sarap talaga ng pakiramdam na nandito ka na muli, pero patuloy pa ring bumabagabag sa isip niya ang mga nangyari sa kanyang maestro, kay Shinn. . . si Shinn. . . yung gayuma. . .

Kumusta na kaya si Athrun? ano na kayang balita? Nag bago na kaya siya? Tumalab kaya ang gamot na ginawa niya?

Narating niya ang opisina ng kanyang amo.

Pumasok siya sa loob, bumungad pa rin sa kanya ang malawak na silid nito, ang mesa kung saan madalas nag tratrabaho ang kanyang amo. Malinis pa rin ang lugar, nasa ayos pa din ang mga papel, napalitan na ng puting kurtina ang dating kulay pulang tela na nakalagay sa bintana na tumatanglaw sa punong bayan ng Plants.

Ito ang pinaka maganda pwesto maliban sa silid tulugan ng hari sa paanim na palapag. Ang opisina niya ay nasa ika limang palapag, nakaharap ito sa bandang timog, nakatulong din na nasa gitna ng maliit na bundok ang palasyo, madadaanan muna ang isang masukal na gubat bago makarating sa tarangkahan ng palasyo.

Ang gubat kung saan siya nangunguha ng halaman, ang gubat kung saan nakilala niya si Shinn.

Nandoon pa rin ang pausukan, maging ang dalawang upuan na malapit dito, pati yung larawan ni Mia, madalas pa rin siguro itong tinitingnan ni Athrun.

Marahil ay masaya na silang dalawa. Gayong matagal siyang nawala, halos ilang buwan na din.

Wala dito ang taong hinahanap niya.

Kinakabahan siya na muling makita si Athrun, handa na kaya niyang sabihin at ipagtapat sa kanyang amo ang lahat? O dapat lang na manatiling lihim ang ginawa niya?

Siguro ay mag hihintay na lang siya kung ano mang reaksyon ang ibibigay sa kanya ni Athrun.

Ang mahalaga ngayon ay maiabot niya ang gamot na ito.

Huminga siya ng malalim, heto na siya sa harapan ng pinto ni Athrun, ito ang lugar kung saan niya huling nakita si Athrun, at ito rin ang lugar kung saan muli niyang makikita ang binata.

Kumatok siya

Walang sumagot

"Wala atang tao"

Isa pa

Kumatok siyang muli. .

Wala pa rin. . .

Ito na ang pang huli. . .

Kumatok muli si Cagalli.

At bumungad sa kanya ang mukha ng kagigising lang na hari ng Plants.

"Magandang araw sa inyo kamahalan" ang tanging nasabi ni Cagalli, naririnig niya ang malakas na tibok kanyang puso. Di niya alam na sobra siyang kinakabahan.

Nanlaki ang mga mata ni Athrun. at parang nabitin ang kanyang paghinga.

Teka, kukurap siya ulit.

Si Cagalli nga!

Yayakapin na sana niya si Cagalli ng biglang may nag salita sa kanyang likuran.

"Athrun? sino yan?" ang sabi ng hubad na si Mia habang kinukusot ang kanyang mga mapupungay na mata.

Parehong napatingin si Athrun at Cagalli sa kama kung saan nandoon si Mia, na walang saplot sa katawan kundi ang puting kumot ni Athrun.

Agad na namula si Cagalli.

"Ah-mmm—ah... pasensya na po kayo kamahalan, di ko po alam na may kasama po pala kayo sa inyong silid." Ang sabi ni Cagalli habang nakatingin siya sa sahig, maging ang pulang alpombra ng sahig ay malinis parin. Bumabagay ito sa kulay pula na dingding ng daanan.

Grabe! Ang sakit.

Nasasaktan siya, pero masaya na rin siya, tutal sila naman talaga ni Meer ang bagay, alam na niyang mag kakatuluyan din si Athrun at Meer, wala ng duda yun.

"Wa! Teka! Teka! Teka!" hinawakan ni Athrun si Cagalli sa braso para siguraduhing hindi aalis ang dalaga sa kanyang paningin.

Humarap siya kay Mia.

"Meer-ahh Mia! Anong ginagawa mo sa silid ko?" ang tanong ni Athrun habang kalmadong nakatingin sa dalagang nasa kama niya.

"Athrun? wala ka nanamang naaalala? Wag mong sabihin pati itong ginagawa kong ito ay nakalimutan mo na din?" ang sabi ni Mia habang tumatayo upang kunin ang kanyang saplot sa katawan.

Nilagay na lang ni Athrun ang mukha niya sa kanan niyang palad.

Malala na talaga ito.

Sinara niya ang pintuan

"Mag bihis ka muna Meer, mag uusap tayong dalawa mamaya." Ang sabi ni Athrun.

Nakaramdam ka na ba na parang nalaglag ang puso mo sa tyan mo? Ganun kasi ang nararamdaman ni Cagalli ngayon.

Humarap si Athrun kay Cagalli upang simulang magpaliwanag.

"Cagalli. . alam mo kasi. . . ano. . ." paano nga ba ipapaliwanag ni Athrun ang mga nakita ni Cagalli?

"Kamahalan, hindi niyo naman po kailangang mag paliwanag" ang sab ni Cagalli habang nakatingin pa rin siya sa sahig.

"Ano? Teka! Mag papaliwanag ako" ang sabi ni Athrun na naguguluhan sa sinasabi ni Cagalli.

"Alam ko naman po na normal lang ang ginagawa ninyo ni Meer, normal lang naman po iyon sa mag kasintahan di po ba?" ang tanong ni Cagalli habang nahihiyang tumingin kay Athrun.

"Kasintahan? Anong sinasabi mo Cagalli?" ang tanong ng binata kay Cagalli.

"Kung di po ako nakaka abala sa oras ninyo ay nais ko po sana kayong makausap ng pribado."ang sabi ni Cagalli.

Di ito ang inaasahan ni Athrun na pag kikita nilang dalawa ni Cagalli, ang tagal niyang hinintay ang oras na ito tapos masisira lang? at isa pa gusto niyang makayakap si Cagalli tapos biglang sasabihin ni Cagalli na mag kasintahan silang dalawa ni Meer? O ni Mia?

Sinundan ni Athrun si Cagalli sa kanyang opisina.

Gustong-gusto na niyang yakapin si Cagalli, hadkan ito at sabahin kung gaano siyang nangulila noong mga panahon na malayo sila sa isa't-sai.

Pero kailangan niya munang mag pigil. Lalo na ngayon at kailangan niyang ipaliwanag ang nakita ni Cagalli.

. . . . . . . . . .

Kailangang maging seryoso ni Cagalli. Sige nasasaktan siya sa nakita niya. Pero ano ba naman ang karapatan niya? Bagay naman talaga si Athrun at si Meer, at isa pa, di ba't may Shinn na siya.

Sino ba naman niloloko niya? Wala naman siyang Shinn, ang nangyari sa kanila ay dala na lang siguro ng pagkalito niya, gusto niya si Shinn, pero nagawa lang naman niyang sumagot sa halik ng binata dahil nakikita niya na may bumabagabag sa isip ni Shinn. Gusto rin kasi niyang makalimot kahit sandali, para maikumpara ang halik ni Athrun at halik ni Shinn.

Alam niya na mali, alam niyang nagustuhan niya ang halik ni Shinn, pero wala naman sigurong masama kung itatago na lang niya sa sarili niya na mas malalim ang nararamdaman niya kay Athrun, napaibig siya ni Athrun, dahil saan? Sa gayuma? Sino ba namang hindi mapapaibig ni Athrun? Magaling siyang trumato ng babae.

Kahit na alam ni Cagalli na dahil lang iyon sa isang sumpa.

Ititikom na lang niya ang kanyang mga labi.

Umupo si Cagalli sa upuan.

Dito siyang madalas umupo sa tuwing mag kwekwentuhan silang dalawa ni Athrun.

Kung di ba niya ginayuma si Athrun may posibilidad pa kayang mahulog ang loob sa kanya ng binata?

Teka! Bakit ba naman kasi siya nag iisip ng mga ganitong bagay. Unang-una hindi sila bagay ng mahal na hari dahil isa lang siyang hamak na katulong.

Pinag masdan niyang umupo si Athrun sa sarili nitong upuan. Halos walang nag bago sa binatang ito, perpekto pa rin sa kahit anong angulo ng kanyang mukha. Matipuno pa rin, ka akit-akit. . nakaka. .

"Anong pag uusapan natin Cagalli?" ang tanong ni Athrun.

Nakita ni Cagalli ang mga titig na binibigay sa kanya ni Athrun, para sa kanya ba iyon? Sana nga ay para sa kanya ang titig ni Athrun, kitang-kita niya sa mga mata ng binata na masaya ito, nakikita niya ang bawat pag kinang ng magaganda nitong mga mata, ang mga mata niyang punong-puno ng pag mamahal.

"Cagalli, masarap bang tumitig?" ang tanong ni Athrun habang tumutuon sa mesa at halos isang sentimetro na lang ang layo ng kanilang mukha.

Agad na namula si Cagalli.

Matagal ba siyang nakatitig?

"Patawad." Ang sabi ni Cagalli habang pilit na hinihimasmasan ang sarili.

Tumayo si Athrun para lumuhod sa harap ng nakayukong dalaga.

Inangat niya ang mukha ng dalaga.

"Wag kang yumuko Cagalli." Ang sabi ni Athrun habang malagkit na tinititigan si Cagalli.

"Ahmm kamahalan" ang sabi ni Cagalli na napatayo sa kanyang kinauupuan.

Tumayo si Athrun at bumalik siya sa kanyang kinauupuan.

"Cagalli?" ang tanong ni Athrun habang humahalumbaba.

Nilatag ni Cagalli ang gamot na ginawa niya.

"Ano ito?" ang tanong ni Athrun habang nilalapit sa mukha niya ang isang bote.

"Yan ang gamot na ginawa ko, alam kong di pa sapat yan, nagagawa lang niyang pigilan ang pagkalat ang lason sa katawan ng tao, malapit na sanang matapos yan kundi lang nasunog ang -" di na tinuloy ang sinasabi niya dahil baka di niya mapigilan ang kanyang mga luha.

"Sapat na ito Cagalli. Kaya mo bang tulungan ang mga espesyalista sa pag gawa ng marami nito?" ang tanong ni Athrun na tila nabuhayan ng pag-asa.

Tumango si Cagalli.

"Kung mamarapatin niyo po, kung maari ko po ba sanang, gamitin ang pasilidad ninyo upang, matapos ko ang gamot na ito" ang sabi ni Cagalli.

Ngumiti si Athrun.

"Galawin mo na at gamitin ang lahat" ang sabi ni Athrun.

"Salamat po." Ang sabi ni Cagalli habang tumatayo.

"Saan ka pupunta?" ang tanong ni Athrun sa dalaga.

"Mag papahinga po, may kailangan pa po ba kayo sa akin?" ang tanong ni Cagalli.

Tumayo si Athrun habang pinapadaan ang kanyang kamay sa kanyang buhok.

"Ahmm. . . gusto ko lang sang ipaliwanag yung nangyari kanina." Ang sabi ni Athrun.

Tumalikod si Cagalli sa kanyang kausap.

"Wala naman po kayong dapat ipaliwanag sa akin, masaya po ako sa nangyayari sa inyo ni Meer, bagay na bagay po kayong dalawa." Ang sabi ni Cagalli habang humahakbang papalabas ng silid ni Athrun.

"Pero-" ang sabi ni Athrun.

"Magandang araw po sa inyo." Ang sabi ni Cagalli bago niya sinara ang pintuan ng silid ni Athrun.

NAMAN!

. . . . . . . . . . . .

Umupo si Gibson sa kanyang upuan, sumisikip nanaman ang kanyang dibidb.

Nahihirapan na siyang huminga.

Kailangan na niyang mahigop ang kapangyarihan ng hiyas.

Konti na lang ang oras niya.

Sana pala'y di na muna niya binuhay ang anak ni Gilbert. Maganda siguro kung inuna niya si Cera noong nasa kamay pa niya si Cagalli.

Pero ayaw niyang buhayin si Cera sa mundong punong-puno ng maduduming budhi.

Sino ba naman kasing mag aakalang, susunod si Cera sa kanyang asawa? Siguro nga ay di na kinaya ni Cera, nawala na sa kanya ang kanyang mga supling at namatay ang kanyang pinakamamahal na asawa dahil sa lason na nilagay niya sa hari ng Orb.

Mautak talaga ang Uzumi na yon. Hinati niya ang kapangyarihan niya sa kanyang tatlong anak. Di na siya nagtaka kung bakit mabilis na namatay ang. . .

Salamangkero ng Orb.

Kailangan niya si Cagalli para mabuhay ulit si Cera. Kailangan niya ng sakripisyo, kailangan niya ng kapangyarihan. Nagamit na rin niya ang kapangyariahng hinigop niya kay Cagalli para buhayin si Mia.

Oras na makumpleto niya ang tatlong hiyas ay magagawa na niyang linisin ang mundo at buhayin si Cera.

Magsisimula na ulit ang isang malaking gera.

"Wag mo akong bibiguin Gilbert.. . "

Nag iipon na ng sandatahan si Gilbert, si Gilbert, ang kanyang bagong laruan.

Pero kailangan pa rin niya si Athrun. Siya lang ang tanging makakapagpatuloy ng kanyang nasimulan oras na mawala siya sa mundong ibabaw.

Si Athrun, ang kanyang kaisa-isahang anak.

Hinog na ang hiyas ni Flay, malapit na niyang makuha si Lacus, si Cagalli na lang

"Ahhh Cagalli,. . naaalala mo pa siguro ako."

Mas maganda siguro kung bibisitahin niya muna si Murrue, kailangan niyang hawakan ulit sa leeg ang babaeng iyon, mabilis na susunod sa kanya si Murrue, konting pananakot lang magiging maganda na ang lahat.

. . . . . . . . . . . . . .

Nasan nga ba si Lacus at Kira?

Sa loob ng palasyo ni Athrun ay tumutulong sa pagluluto ang dalagang may kulay rosas na mahabang buhok.

Napatigil siya sa kanyang pag luluto ng makita niyang nagmadaling nagsi labasan ang mga kasamahan niya.

"Kira ano daw ang nanyayari?" ang tanong ni Lacus sa binatang katabi niya na sumisilip din sa pintuan ng kusina para malaman kung ano ba ang tinitingnan ng mga kasamahan niya.

"Nandito si Cagalli" ang sabi ni Kira sa dalagang katabi niya.

"Talaga?" bakas sa mukha ni Lacus ang labis na pagkatuwa ng malaman niyang nandito pala si Cagalli.

"Balik na tayo sa trabaho! Mamaya na natin kausapin si Cagalli, tiyak ako niyan na sabik na siyang makita ng mahal na hari!" ang sabi ni Myrna sa lahat ng kasamahan niya sa bahay na sabik ng makausap si Cagalli.

"Ang hari at si Cagalli?" ang pabulong na sabi ni Lacus.

Agad naman siyang narinig ni Milly.

"Oo Lacus, may espesyal na koneksyon kasi si Cagalli at ang mahal na hari." Ang sabi ni Milly habang bumabalik sa kanyang pag luluto.

Nag tinginan na lang sila Lacus at Kira.

. . . . . . . . . . . .

Sasabihin na ni Murrue ang lahat kay Cagalli bukas na bukas din. Handa na niyang ipagtapat ang lahat.

Hinahanda na ni Murrue ang hapag kainan para sa hapunan ng mahal na hari, hinayaan na muna niyang magpahinga si Cagalli, naramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran

Hinalikan ni Mwu ang noo ni Murrue.

"Anong iniisip mo mahal ko?" ang tanong ni Mwu.

"Mwu! Ano ka ba! Maraming nakakakita sa atin!" ang sabi ni Murrue.

Napansin niya na tumigil sa pag lilinis ang mga katulong sa loob ng silid kainan ng palasyo para tingnan sila.

"Hayaan mo sila. Mag asawa naman tayo diba? Alam mo namang pakakasalan kita ulit sa batas ng Plants, gusto ko ng mamuhay ng kasama ka mahal ko, ayaw kong naglilinis ka pa dito, gusto ko doon ka na sa bago natin tahanan mag lilinis." ang sabi ni Mwu na lalong hinihigpitan ang yakap sa bewang ni Murrue.

Humarap sa kanya si Murrue, kumikinang ang mata ng babaeng nasa braso niya.

"Nandito na sila Mwu! Isa na lang ang kulang!" ang sabi ni Murrue.

Matapos na ipagtapat sa kanya ni Caridad ang lahat, alam na niya kung sino si Lacus at nandito na din si Cagalli, si Flay na lang ang kulang.

"Sino?" ang tanong ni Mwu.

"Di ko sasabihin sayo hanggat di mo binibitawan ang bewang ko, bumalik ka nga doon sa pag roronda mo." Ang sabi ni Murrue.

Sumaludo naman si Mwu sa kanya.

"Opo!" ang sabi ni Mwu. Mabilis siyang nagnakaw ng halik sa kanyang asawa.

Malapit ng maayos ang lahat. Di na siya makapaghintay.

. . . . . . . . . . .

Wait! Kailangan kong putulin ang chappie na ito, masyadong mahaba!

Next chappie na lang pala yung Big Revelation. . . teka! Ano bang nangyari na kay Yzak at Shiho AT Shinn?

We'll see!