Diaclaimer: i do not own gs or gsd
(edited)
Special thanks to: Kkornelia,rynne marge and lie.
Lie: OMG sis. . tama hula mo. . pero sorry to say. . di ko ata mapagbibigyan yung requwst mo . kasi pag di ko tinuloy yung tragedy mawawala na ang sequel nito. Hahahahahaha batuhin mo nalang ako ng patatas mamaya or after ng chapter na ito. Pwede naman yun!
Wait lang ha! Ang dami kong tawa sa sinabi ni sis Kkornelia "hinog na mangga". . . shemey! Pramis! Lakas tawa talaga ako. . . alam ko. . medyo short cut ang chappie na ito . . guess ang dami niyong tanong.. sa last chap ko na lang ilalagay
Anong palusot ko kung bakit ang tagal kong nag update? Well nag hanap ako ng ojt. . at yung badtripkong prof. . mali ang grade na nailagay sa name ko. . so ako pa ang nag ayos nun sa main i.t center ng school namin. . grrrr dami kong pinapirmahan. . naka ilang balik ako sa office nung kung sino man!
O my! Ito na . . . . ang huling sagupaan. . wahahaha .
Inspired byt the song: hanggang may kailanman by carol banawa,soledad and walking in the rain
(dami kong iyak! Arti arti!)
Warning: di ko pa naeedit! Time check 5:32am. . . ok wala pa akong tulog, katatapos ko pa lang sa thesis namin, edit ko na lang mamaya pag gisin ko ha!
Pinost ko na kahit di ko pa naeedit! Hahaha mabubulok na ito sa desktop ko.
. . . . . . . . .
"Ginagago mo ba ako! mag dadalawang araw na tayong naglalakad!" ang sabi ni Yzak habang sinusuntok si Shinn.
"Kasalanan ko ba na iniwan mo yung kabayo mo sa gubat?" ang sabi ni Shinn habang tumatayo mula sa lupa.
"Tss. Ano bang malay ko na malayo pala ang lalakarin natin!" ang sabi ni Yzak na handa ng tumapon ulit ng suntok.
"Yzak, pwede bang tumigil ka na" ang sabi ni Shiho habang hinahawakan ang sentido niya.
"Kailangan nating ikutin ang ruta papunta sa kweba para di natin makasalubong si Gibson, kailangan din natin ng ibayong pag iingat. Madaling makakutob ang lalaking iyon." Ang sabi ni Shinn habang naglalakad na ulit paabante.
"Hoy! Ang kapal naman ng mukha mo na talikuran kami!" ang sabi ni Yzak kay Shinn na ngayon ay halos isang metro na ang layo sa kanila.
Tumuro si Shinn sa isang bundok sa may di kalayuan.
"Doon, nandoon ang yungib na hinahanap natin" ang sabi ni Shinn na di man lang nag atubiling tumigil sa paglalakad.
"Humanda talaga sa akin ang batang ito. . " ang pabulong na sabi ni Yzak.
. . . . . . . . . . . .
Nagising na lang si Gibsont sa sahig ng kanyang laboratoryo, nanginginig ang kanyang buong katawan.
Kailangan niyang humigop ulit ng kapangyarihan galing kay Flay.
Pero bago iyon ay kailangan na niya munang harapin ang lalaking nasa upuan niya na tila tuwang-tuwa sa kanyang nanghihinang kaanyuan.
Nakita niya na tumingin si Gilbert sa kanyang mga kamay.
Napansin din niya na naaagnas na ang tatlo niyang daliri.
Konti na lang pala ang oras na natitira.
"Anong ginagawa mo dito Gilbert?" ang tanong ni Gibson habang inaayos niya ang kanyang sarili.
Tumayo si Gilbert at tinaob ang larawang nasa mesa ni Gibson.
Akala ba ni Gibson ay di niya nakita kung paano namatay ulit si Mia? Nandoon siya, sinusubaybayan niya ang anak niya ng palihim, tapos sa isang iglap ay naging abo na lang ang kanyang kaisa isahang yaman sa mundong ito?
"Ah ako ba? Nandito lang naman ko para sabihin sa iyo na nagmamartsa na ang aking mga tauhan papunta sa Plants. Tama na ba sa iyo ang halos apat na libong tulisan galing sa iba't-ibang kaharian? sa loob lang ng tatlong araw ay mangugulo na sila sa kaharian ni Zala." ang sabi ni Gilbert, habang hinahanda ang kanyang sarili sa kanyang susunod na gagawin.
"Sinong nagsabing kumilos ka ng walang pahintulot?" ang sagot ni Gibson sa lalaking halos isang dipa na lang ang layo sa kanya.
"Sino bang nagsabing kailangan ko ng pahintulot?" ngumiti si Gilbert, at sa isang iglap ay nakatanim na sa dibdib ni Gibson ang punyal na tinatago ni Gilbert sa ilalim ng kanyang manggas.
"Para sa anak ko, para sa dignidad ko at para mabura ka na sa mundo" ang sabi ni Gilbert habang patuloy niyang binabaon ang kanyang patalim sa dibdib ni Gilbson.
. . . . . . . . . . . . . .
"Nandito na tayo." Ang sabi ni Shinn habang naglalakad papunta sa maliit na butas patungo sa silid ni Gibson.
"Ako muna ang papasok, nakikita niyo ang maliit na butas na yan?" ang tanong ni Shinn habang nakaturo sa butas malapit sa ulohan nila Shiho.
"Sumulip kayo diyan, matatanaw niyo ang buong silid, ako muna ang papasok, baka nasa loob si Gibson, ililigaw ko muna ang atensyon niya at kahit anong mangyari wag kayong papasok hanggaa't di pa umaalis si Gibson." Ang sabi ni Shinn.
"Aba't! sino ka para utusan ako?" ang sabi ni Yzak.
"Sumunod ka na lang pwede ba? Kailangan nating mag tulong-tulong para matapos na ito." Ang sabi ni Shinn.
"Tama siya Yzak." Ang sabi ni Shiho sa kanyang katabi.
"Dito lang kayo." Ang sabi ni Shinn.
"Oo na! Tss." Ang sagot ni Yzak, tinititigan ng masama si Shinn.
Inalis ni Shinn ang mga batong nakaharang sa butas, nagulantang na lang siya sa kanyang nakita.
"Para sa anak ko, para sa dignidad ko at para mabura ka na sa mundo" ang sabi ni Gilbert habang patuloy niyang binabaon ang kanyang patalim sa dibdib ni Gibson.
Nakita niyang hugutin ni Gilbert ang kanyang sariling patalim at isaksak ulit ito sa dibdib ni Gibson.
Tumutulo na ang dugo sa mga labi ni Gibson ngunit nanatili itong naka ngiti.
Mas lalo pa siyang kinilabutan ng tumingin sa kanya si Gibson.
"Tama yan,ngitian mo na lang si Asuka, dahil kaming dalawa na lang ang huling mukhang makikita mo." Ang sabi ni Gilbert.
Hinawakan ni Gibson ang mga kamay ni Gilbert kasunod nang malakas na sigaw ng lalaking sumaksak sa kanya.
"Wag kang paka sigurado." Lumabas sa kamay ni Gibson ang itim na apoy at sa isang iglap ay naging abo na lang si Gilbert.
Dinura ni Gibson ang naipong dugo sa kanyang bibig. Naagnas namang bigla ang kanan niyang kamay.
Pagkakataon na ito ni Shinn para tuluyan si Gibson.
"Gusto mo na akong patayin di ba? Lapit lang." ang sabi ni Gibson na tila parang wala lang sa kanya ang malalim na taga na nasa dibdib niya.
Tumatakbong lumapit si Shinn hawak ang kanyang espada. Ngunit di na siya nakalapit pa dahil may itim na usok na pumasok sa ilong niya.
. . . . . . . . . . . . . . .
Kitang-kita nila Shiho ang buong pangyayari.
Nawala at naging usok si Gibson habang nanatiling nakatayo doon si Shinn.
Maya-maya pa ay, naglakad ang binata papunta sa isang batong pader. Tinulak niya iyon sa tabi at pumasok sa isang daan.
Di na makapaghintay si Yzak kaya walang pasabi-sabi'y pumasok siya sa butas patungo sa silid ni Gibson.
Susunod na sana siya kay Shinn ngunit hinigit siya ni Shiho, kaya ngayon ay nagtatago sila sa isang malaking tukador.
"Ano ba!" ang pagalit na sabi ni Yzak.
"Shhh. .hindi na si Shinn yun." Ang sabi ni Shiho habang tinatakpan ang bibig ni Yzak.
"Anong ibig mong sabihin?" ang tanong ni Yzak.
"Di mo ba nakita kanina? Nag iba ang kulay ng mata ni Shinn, naging mas madilim na pula. Sa tingin ko ay sumapi sa katawan ni Shinn si Gibson." Ang sabi ni Shiho.
"Paano mo namang nasabi yan.?" ang tanong ni Yzak na kating-kati ng sundan si Shinn.
Tinuro ni Shiho ang agnas na katawan ni Gibson sa sahig na di kalayuan sa kanilang pinagtataguan.
Di pa nag tagal ay lumabas na si Shinn galing sa pader, tumingin muna ito sa paligid bago nito binalik sa dating posisyon ang bato.
Naka ngiting lumabas ang binata sa silid.
Di na nag atubiling tumakbo si Yzak sa pader na bato, inusog niya ito at tumambad sa kanya ang isang daan kung saan matatanaw mo sa dulo ang isang pintuan.
"Flay.. . " ang tanging nasambit ni Yzak habang kumakaripas ng takbo.
"Yzak!" ang mahinahong bulong ni Shiho. Di ba naisip ng taong ito na baka maraming patibong sa buong paligid?
Binuksan ni Yzak ang pintuan.
Nagulantang siya sa kanyang nakita.
May isang batang umiiyak at isang dalagang maputlang-maputla at tila wala ng malay.
Pulang buhok?
"FLAY!" di na makapag isip ng maayos si Yzak, gusto na niyang mahawakan ang babaeng nakahandusay sa sahig. Anong ginawa sa kanya ni Gibson?
"Tabi jan!" ang sigaw ni Shiho habang sinusubukan niyang buksan ang kandado gamit ang kanyang punyal.
"Bilisan mo!" ang sigaw ni Yzak.
Konting kalikot pa ni Shiho at nabuksan na niya ang selda.
"Flay! Flay! Flay!" ang sabi ni Yzak habang kinukuha ang katawan ni Flay sa lupa para ilapit ito sa kanyang dibdib.
"Flay paki usap gumising ka." Natatanranta na si Yzak.
Medyo nakahinga siya ng maluwag ng maramdaman niya ang mahinang pulso ng dalaga.
Tiningnan ni Shiho ang isang batang babae sa gilid. Tila takot na takot, nanginginig ito ng husto at di matigil sa pag iyak.
Lumapit si Shiho at lumuhod sa harap ng batang babae.
"Wag kang matakot, ililigtas ka namin." Ang sabi ni Shiho habang inaabot niya ang kanyang kamay sa batang babae.
"An—Ang—Ang—kku—kuya ko." Ang sabi ng batang babae habang hinahanap sa paligid ang kanyang kuya.
"Si Shinn ba?" ang tanong ni Shiho. Di mapigilan ng dalaga na maaawa sa batang babaeng nasa harap niya.
Tumango na lang ang batang babae. Nakita niya ng kanyang dalawang mata na hinihigop ng kanyang kuya ang dilaw na apoy sa katawan ni Flay.
Takot na takot siya, habang yakap-yakap siya ni Flay.
Sinabi sa kanya ni Flay na di niya hahayaang may manakit sa kanya. Kaya gulat na gulat siya kung bakit iniwan na lang ni Shinn na walang malay si Flay.
Sa sobrang takot ay tila parang bumalik siya sa reyalidad.
Anong nangyari sa kuya niya at sino ang mga taong bigla nalang pumasok sa loob ng rehas.
"Sumama ka sa amin, sinabi sa amin ng kuya mo na iligtas ka namin." Ang sabi ni Shiho.
Umiling ulit si Mayu.
"Hindi totoo yan, dahil kagagaling lang dito ni kuya." Ang sagot ni Mayu.
"Ipapaliwanag ko sayo ang lahat." Ang sabi ni Shiho.
Napangiti naman ang dalaga ng tumango ang batang babae.
Tinulungan niya itong makatayo at mag lakad.
"Yzak! Kailangan na natin umalis dito." Ang sabi ni Shiho.
Mabilis na binuhat ni Yzak ang walang malay na si Flay bago sila umalis ng yungib.
. .. . . . . . .
Ilang araw ng walang malay si Lacus at nag sisimula ng mag alala ang mga taong nag mamahal sa kanya.
Napansin din ni Cagalli na padami na ng padami ang taong namamatay.
Di na niya kaya ito.
Alam niyang halos kalahati ang mababawas sa buhay niya. Ngunit kung ito lang ang makapagsasagip ng buhay ng nakararami ay handa siyang gumamit ng mahika.
Pumunta siya sa laboratoryo at tinanong kung ilang tao na ba ang namatay at ilang tao na ba ang naapektuhan ng lason.
"Nicole, pwede ko bang magamit ang isang silid sa taas ng laboratoryo.?" Ang tanong ni Cagalli.
"Oo naman, para saan ba?" ang tanong ni Nicole.
"Wala lang, kailangan ko lang mapag isa para matapos ko na ang gamot na ito" ang sabi ni Cagalli habang iniipon niya sa kanyang mga kamay ang kakailanganin niya.
"Kailangan mo ba ng tulong diyan?" ang tanong ni Nicole habang nakaturo sa mga bitbit ni Cagalli.
"Oo, kailangan ko ng madaming sangkap sa pag gawa ng gamot." Ang sabi ni Cagalli.
"Gaano karami ang kailangan mo?" ang tanong ni Nicole.
Ngumiti si Cagalli.
"Kung gaano karami ang kaya mong ibigay." Ang sabi ni Cagalli.
"Sige ihahatid ko na lang sa silid mo." Ang sabi ni Nicole.
Umakyat si Cagalli sa ikalawang palapag ng laboratoryo. Dito nakalagay ang mga libro na kailangan sa medisina, nandito din ang mga importanteng dokumentong nasagap ng mga espesiyalista. Sa gawing kanan ng estrukturang ito ay ilang silid tulugan para sa mga gusotng magpahinga.
Naglakad si Cagalli papunta sa ika walong silid, ito na ang pinaka dulong silid, sinara niya ang lahat ng bintana at nilinis niya ang sahig para may mapaglagyan pa siya ng mga dadating na sangkap.
Di niya makalimutan ang engkwentrong naganap sa pagitan niya at ng kanyang dating Master, kahapon lang nangyari ang lahat. Kung siya ang nagbigay katuparan ng masamang mithiin ni Gibson siya na rin ang magkukusang putulin ito.
Parang kelan lang. . . .
Ayaw na niyang balikan ang nakaraan. Sisiguraduhin niya na igugugol niya ang kanyang panahon sa mga taong mahal niya pag katapos niyang gawin ito.
Unang-una sa lahat gusto niyang makasama ang kanyang mga kapatid. Si Lacus at Flay, kasama na din si Milly at si Murrue, magpapatayo siya ng klinika sa iba't-ibang kaharian, gagawin niyang libre ang kanyang serbisyo.
Gusto din niyang igugol ang kanyang panahon sa kanyang mga kapatid. Alagaan sila maging ang kanilang magiging anak. Gusto niyang makita ang mga ngiti sa kanilang mukha sa oras ng kanilang kasal. Kasal sa lalaking mahal nila.
Kasal?
Siya kaya? Ikakasal din?
Kanino? Kay Athrun?
Pero. . . .
Masasaktan lang ang binatang hari. Gayong baka halos sampung taon na lang ang ilalagi niya sa mundong ito. Siguro ay dapat na makasama ng binata ang babaeng lalagi sa tabi niya sa pang habang buhay. Yung tipong aalagaan si Athrun ng husto at mamahalin ng walang hanggan.
Napakunot na lang ang noo niya.
Nasasaktan siyang isipin na mapupunta sa piling ng iba si Athrun. masama ang maging sakim.
Pero masama din ba ang lumigaya? Kahit sa panandalian lang ng buhay niya?
Ayaw niyang makalimutan siya ng mga tao sa oras na mawala siya.
Di niya mapigilang maiyak sa tuwing naiisip niya ang kanyang pag panaw.
Magiging masakit kaya? Magiging malungkot kaya?
Iiyakan kaya siya ng mga taong nasa paligid niya?
Nandoon kaya si Athrun sa tabi niya sa oras na ipikit niya ang kanyang mata para matulog ng mahimbing at walang kasiguraduhang maididilat pa niya ang kanyang mga mata.
Gusto niyang bumangon para salubungin ang bawat umaga na nakikita ang mukha ni Athrun. Ang mukha ng lalaking alam niyang iniibig niya.
Di naman masamang mangarap di ba?
Di naman masamang asamin si Athrun. sandali lang naman. Panandalian lang.
Buo na ang kanyang desisyon. Gusto niyang pasiyahin si Athrun habang nabubuhay pa siya. Gusto niyang maging maligaya ang mga taong nasa paligid niya ng sa ganon ay may ngiti sa labi niya bago man lang siya pumanaw.
"Cagalli sapat na ba ito?" ang tanong ni Nicole habang binababa ang mga paraperlnalyas na gagamitin niya.
Kasunod ni Nicole ay ang ilang taong may bitbit ng mga sangkap na gagamitin niya.
Tumayo siya at hinawakan ang kamay ni Nicole.
"Oo sapat na ito, salamat Nicole." Ang sabi ni Cagalli ng may ngiti.
"May kailangan ka pa ba? Umiiyak ka ba?" ang tanong ni Nicole, kitang-kita niya ang pulang mga mata ni Cagalli.
"Hindi! Humikab lang ako, wala na akong ibang kailangan, sige na pwede ka ng bumalik sa ginagawa mo." Ang sabi ni Cagalli.
"Pero Cagalli, kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako." ang sabi ni Nicole habang lumalabas ng silid.
Tumango si Cagalli at ngumiti sa binata.
"Maraming salamat Nicole."
Huminga ng malalim si Cagalli.
Maganda ng simulan ito.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
"Kamahalan saan po kayo pupunta?" ang tanong ni Carleen sa hari ng Plants.
"Pupunta ako sa laboratoryo." Ang sabi ni Athrun.
Nag iwan ng mapait na lasa sa dila niya ang katotohanang marami na ang namamatay, maganda ang naging epekto ng gamot na nagawa ni Cagalli, pero may mga ilang pasyente na sobrang malala na ang kalagayan.
Kailangan niyang asikasuhin ang lahat. Di siya makapag isip ng maayos dahil sa mga nangyayaring kaguluhan. Idagdag mo pa dito ang kakaibang pakiramdam niya na parang may di magandang mangyayari.
Lagi na lang niyang naaalala si Cagalli, kaya di niya maiwasang mag-alala. Kailangan niyang makita ang dalaga ngayon din dahil kung hindi ay baka mabaliw na siya ng tuluyan.
Di siya mag papaligoy-ligoy pa, gusto niyang makasama ang dalaga. Lagi, kung pwede lang oras-oras, minu-minuto. Gusto niyang laging nahahawakan si Cagalli, gusto niyang laging nakikita si Cagalli gusto niyang nandoon lang si Cagalli kung saan mabilis niyang maabot ang dalaga.
Ngayon lang siya nagkaganito sa tana ng buhay niya.
May kakaibang epekto sa kanya ang dalaga.
Nakakaramdam siya ng init sa kanyang dibdib at kapayapaan sa kanyang isip.
Marahil kung hindi dumating si Cagalli sa buhay niya ay siya pa rin ang malamig at walang emosyong hari ng Plants.
Si Cagalli ang naging liwanag ng kanyang maitim na mundo. Di niya siguro alam ang gagawin kung sakaling mawala sa kanya ang dalaga.
Nakita niyang sumaludo ang mga sundalo sa kanya habang dumadaan siya sa labas ng punong palasyo.
Nakita niya sa gilid ng kanyang mata si Heine.
Mabilis palang nakapagtapos ang binatang ito.
Sumakay siya kay Justice at nagtungo na sa laboratoryo.
.. . . . . . . . . . . . .
"Kamahalan! Napadalaw po kayo." Ang sabi ni Nicole habang hinahawkan ang pintuan para makapasok si Athrun sa loob ng establisyimento.
Nagsipag yukuan ang mga tao sa loob para mag bigay galang.
"Kumusta ang gamot?" ang tanong ni Athrun na binigyan ng ngiti ang mga tao sa paligid niya.
"Ginagawa po namin ang lahat para matapos na namin ang gamot." Ang sabi ni Nicole sa kaibigan niya na tila may hinahanap sa loob ng silid.
Nilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ng hari.
"Nasa ika walong silid si binibining Cagalli kung siya nga ang hinahanap mo." Ang sabi ni Nicole.
Tumango na lang si Athrun at dumiretso papaakyat ng hagdan.
Naglakad siya ng mahinhin hanggang sa marating niya ang huling silid.
Ano kayang ang naghihitay sa kanya.
Baka naman maistorbo niya si Cagalli.
Pero nandito na siya ano pa bang mgagawa niya?.
Kumatok siya sa pinto
Walang sumagot
Kumatok siyang muling
Wala parin
Tiningnan niya kung maaari niya buksan ang pinto. Kaya pinihit niya ang bukasan nito.
"Cagalli, papasok ako" ang paalam ni Athrun bago niya tuluyang buksan ang pinto.
Nataranta siyang agad ng makita niya ang nakahilatang dalaga sa sahig.
"CAGALLI!" ang sabi ni Athrun habang lumuluhod agad sa harapan ng dalaga.
Nakita niya ang papel sa kamay nito.
"Handa na ang gamot, pakisalin na lang sa mga lalagayan, sapat na ang isang kutsarita para sa isang tao, iidlip lang ako ng sandali"
Agad na nakahinga ng maluwag si Athrun.
Sinubukan niyang gisingin si Cagalli. Bakit ba naman kasi tinanggal dito ang kama? Mukha pagod na si Cagalli, mas makabubuti siguro kung iuuwi na niya ang dalaga.
Binuhat niya si Cagalli hanggang sa makababa sila ng hagdan, kung saan sinalubong sila ng natatarantang si Nicole.
"Kamalahan! Anong nangyari?" ang tanong ni Nicole.
Ngimiti si Athrun at inabot ang papel sa binata.
"Iuuwi ko na muna si Cagalli." Ang sabi ni athrun bago siya tuluyang lumabas.
Narinig niya ang di magkamayaw na usapan sa loob ng establisyimento kasunod ng mga kalabog at masayang palakpakan.
Hinalikan niya ang noo ng dalagang nasa braso niya. Bago niya ito dahan-dahang sinakay kay Justice.
. . . . . . .
Natatanaw na niya ang gintong tarangkahan ng kanyang tahanan.
Napangiti na lang ang binata.
Sinalubong siya nila Murrue at Milly na labis na lang ang pag-aalala sa dalagang nasa braso ng kanilang kamhalan
"Anong nangyari? Cagalli!" ang sabi ni Milly na agad na binababa ang batang kanyang buhat-buhat para tumakbo papalapit sa kanyang kaibigan.
"Naka tulog lang siya." Ang sabi ni Athrun na tumigil sa harapan ng dalaga.
"Ipapatawag ko lang si Dearka para maihatid si Cagalli sa silid nila" ang sabi ni Murrue.
"Wag na." ang sabi ni Athrun na patuloy sa pag akyat ng hagdan.
"Kamahalan?" ang tanong ni Milly.
Timigil si Athrun sa kalagitnaan ng hagdan para ngitian ang mga babaeng nag aalala sa dalagang nasa braso niya.
"Inalagaan niya ako kahapon, ako naman ang mag aalaga sa kanya ngayon" ang sabi ni Athrun bago ito bumalik sa pag akyat ng hagdan.
Walang magawa ang dalawa kundi mag titigan.
"Maghanda na lang tayo ng hapunan." Ang sabi ni Murrue na di na maitago ang ngiti sa kanyang mga labi.
. . . . . . . . . . . . . .
Tila nawalan na ng ganang kumain si Athrun, ngayong nandito sa kanyang kama ang babaeng inaasam-asam niya.
Humaba na pala ang gintong buhok ni Cagalli na halos umaabot na sa gitna ng kanyang bewang. Tinitigan ni Athrun ng maayos ang mukha ng dalaga. Makinis ang malambot ang mga pisngi nito, mahaba at makapal ang kanyang pilik mata. matangos na ilong. Pinadaan ni Athrun ang kanyang mga daliri sa labi ni Cagalli, at malambot ang kanyang mga labi.
Ito ang mga labing, nasasabik na siyang halikan.
Tiningnan ni Athrun ang orasan
Hating gabi na pala.
Pumunta si Athrun sa palikuran ng kanyang silid para mag bihis ng pantulog. Bago siya tumabi kay Cagalli.
Ganito ba ang pakiramdam?
Ngayon lang siya naging sabik sa pagulog, marahil dahil sa babaeng nasa tabi niya.
Niyakap niya si Cagalli at inamoy niya ang buhok ng dalaga.
Wala naman siyang planong matulog, dahil magroronda sana siya. Ngunit kahit pala sa pag tulog ay kaya siyang hatakin ni Cagalli.
Di niya mapigilan ang sariling padaanin ang mga darili sa makinis na braso ng dalaga.
"Ummm. . " ang sabi ni Cagalli na unti-unting dinidilat ang kanyang mga mata.
Agad namang napangiti si Athrun.
Umusog papalayo si Cagalli pero mas lalo lang hinigpitan ni Athrun ang hawak niya sa bewang ng dalaga.
Kumurap-kurap si Cagalli.
"Athrun?" ang tanong ni Cagalli habang nililibot niya ang kanyang paningin sa buong silid.
Nasa kwarto siya ni Athrun.
"May gusto ka bang kainin?" ang tanong ni Athrun habang hinahalikan ang noo ni Cagalli.
Umiling si Cagalli.
"Anong oras na?"
"Hating gabi na"
"Anong ginagawa ko sa kwarto mo?"
"Natutulog."
"Ang ibig kong sabihin. . . bakit ako nandito?"
"Gusto kitang makasama" ang sabi ni Athrun habang inaangat ang kamay ni Cagalli papalapit sa kanyang sariling labi.
"Bakit?" ang tanong ni Cagalli habang tinititigan niya ang binata.
"Di ko alam, kailangan ba may dahilan?" ang tanong ni Athrun, hinawakan niya ang pisngi ni Cagalli.
Tinitigan naman ni Cagalli sa mata si Athrun.
Hinalikan ni Athrun ang ilong ni Cagalli.
"Gusto kitang makasama, araw-araw, gabi-gabi, gusto kitang makita, sa dilim man o sa liwanag, gusto kitang halikan oras-oras, minu-minuto. Gusto kita sa tabi ko habang buhay." Ang sabi ni Athrun habang tinititigan si Cagalli sa mata.
Bumibilis ang tibok ng puso ni Cagalli.
"Athrun, paano kung sa loob ng sampung taong ay mawala na ako sa mundo?" ang tanong ni Cagalli.
Bigla na lang nangamba si Athrun. pero nagawa pa din niya ngumiti.
"Edi gugustuhin na kitang makasama segu-segundo.
"Paano kung mawala na ako sa loob ng limang taon?"
"Hahanapin kita."
"Paano kung mamatay na ako sa susunod na taon?"
"Pasisiyahin kita sa bawat sandali ng buhay mo"
"Pano kung mamatay na ako sa susunod na buwan?"
"Pakakasalan na kita bukas at di na ako aalis sa tabi mo"
"Paano kung mamatay na ako bukas?"
"Susunod ako sayo mahal ko" niyakap ng mahigpit ni Athrun si Cagalli. Bigla na lang bumalot sa katawan niya ang labis natakot.
"Paano kung-"
"Shhhhhhh.. mahal ko, wag kang mag salita ng ganyan." Hinalikan ni Athrun ang tuktok ng ulo ni Cagalli.
"Kung mawawala man ako Athrun. Gusto ko'y ipagpatuloy mo ang mabuhay ng masaya." binaon ni Cagalli ang kanyang mukha sa dibdib ni Athrun.
"Mahal ko, di na ata ako magiging masaya pag nawala ka sa buhay ko"
"Mangako ka Athrun" di na napigilan ni Cagalli ang maluha.
"Di ako mangangako mahal ko, pakiusap wag ka ng mag salita ng tungkol sa kamatayan. Nararamdaman ko na magsasama tayo ng matagal" inangat ni Athrun ang mukha ni Cagalli at hinalikan niya ang bawat luha na pumapatak sa mga mata ni Cagalli.
"Bakit ka ba ganyan?" di mapigilan ni Cagalli na titigan ang mga mata ni Athrun.
"Kasi mahal kita" tinitigan ni Athrun ang mga mata ni Cagalli.
Nanlaki ang mata ni Cagalli. Gusto niyang pakinggan ulit ang mga katagang iyon.
"Ulitin mo ulit." Ang sabi ni Cagalli na wala pa ding tigil sa pag luha.
"Mahal kita" di na niya kayang pakawalan si Cagalli, kapit na kapit na ito sa puso niya.
"Isa pa" gusto lang niyang marinig ang mga katagang iyon. May kakaiba kasi siyang pakiramdam na baka di na niya muling marinig ang mga linyang iyon.
"Mahal ng Mahal kita"
"Sabihin mo ulit" ngayon ay di na niya mapigilang mapahagulgol.
Nag aalala na si Athrun.
"Mahal ko, mahal na mahal na mahal na mahal kita"
Hinalikan ni Athrun si Cagalli. May bumabagabag sa dibdib ni Cagalli, binabalot siya ng lungkot.
Pinutol ni Cagalli ang kanilang halikan.
"Mahal na mahal din kita Athrun." ang sabi ni Cagalli.
Nagulat si Athrun, di niya inaasahan na sasabihin din ni Cagalli ang mga salitang matagal na niyang gustong marinig.
Hinalikan ulit ni Athrun si Cagalli.
" . . . ?" ang tanong ni Athrun sa bawat halik na pinapadaan niya sa labi ni Cagalli
Hinawakan ni Cagalli ang pisngi ni Athrun.
"Kaligayahan ko ang kaligayahan mo, mahal kita Athrun, kung saan ka masaya doon na din ako" ang sabi ni Cagalli.
Walang mapagsidlan ng ligaya si Athrun. di niya mapigilang mapangiti ng husto.
"Talaga mahal ko?" ang tanong ulit ni Athrun.
Nakangiting tumango si Cagalli.
May sasaya pa ba sa gabi nilang dalawa? Kung saan maningning ang mga bituin sa langit, kalmado ang paligid.
At kapwang nag plaplano ang dalawa sa kinabukasan.
Pero di ba sabi nila sa pag saya, may luha?
. . . . . . . . . . . . . . . .
Mabilis na humalik ang liwanag ng langit sa pisngi ni Cagalli.
Dinilat niya ang kanyang mga mata. Bakas pa sa kanyang mukha ang saya, tiningnan niya ang orasan
Alas-otso
Tiningnan din niya ang kanyang katabi na mahimbing na natutulog.
Natutuwa siya sa mga planong ginawa nila kagabi. Ganitong-ganito ang gusto niyang mangyari sa pang araw-araw niya, ang gumising sa tabi ng taong mahal niya. Kung ganito lang araw-araw, marahil magiging masaya na siya bago man siya pumanaw.
Hinalikan niya ang labi ni Athrun.
Eto nanaman ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib na tila ayaw ng mawala.
"Mmm" mas lalo lang hinigpitan ni Athrun ang kapit niya sa bewang ni Cagalli.
Napangiti naman ni Cagalli, hinalikan niya ulit ang labi ni Athrun.
"Kamahalan, bumangon na kayo, tanghali na." pinadaan ni Cagalli ang kamay niya sa buhok ni Athrun.
Dinilat ni Athrun ang isa niyang mata.
"Hmmnn?" hinalikan ni Athrun ang noo ni Cagalli.
"Bangon na." may sasaya pa ba sa kanya sa umagaang ito?
"Nananaginip pa ata ako." ang sabi ni Athrun na pinikit ulit ang kanyang mga mata.
"Hindi po kamahalan." Di mapigilang matawa ni Cagalli.
"Sabagay. . . ayaw ko ding maging panaginip ito." Gumulong si Athrun sa kama para mapaimbabawan niya si Cagalli. Pinaulanan niya ng halik ang labi ni Cagalli pababa sa leeg.
Di naman mapigilan ni Cagalli ang mapaungol.
Hinalikan ni Athrun ang bawat madaanan niya, hanggang sa marating niya ang ibabaw ng dibdib ni Cagalli.
Bigla namang nabitin ang hininga ni Cagalli.
"Mmm, mahal ko, masisira ang ulo ko sayo." Sabi ni Athrun na ngayon ay hinahalikan ang labi ni Cagalli.
"Masisira talaga ang ulo kapag di ka pa bumangon, maya-maya lang ay kakatok na si Myrna. Bangon na, pupunta pa ako sa laboratoryo."
Bumangon si Athrun pero hinigit din niya si Cagalli at niyakap ito.
"Sabay na tayong pumunta doon." Ang sabi ni Athrun habang hinahalikan ang leeg ni Cagalli.
"Oo na, sige na, ipaghahanda pa kita ng almusal." Ang sabi ni Cagalli.
"Hmmmn? Bakit ikaw? Ipaubaya mo na lang yun sa ibang kasambahay. Dito ka muna" pinulupot ni Athrun ang kanyang mga kamay sa bewang ni Cagalli.
Hinawakan ni Cagalli ang ilong ni Athrun.
"Aba! Ako ata ang personal mong katulong kaya ako dapat ang umiintindi ng mga bagay na ganon" binalot naman ni Cagalli ang kanyang mga kamay sa batok ni Athrun.
"Mali, ikaw na si Doktor Cagalli Zala."
"Aba! Di pa nga tayo kasal"
"Basta! Yun ka na ngayon"
"Oo na, pakawalan mo na ako para maihanda ko na ang sarili ko at ang almusal mo"
Hinalikan ulit ni Athrun ang labi ni Cagalli.
"Wag na. . ayaw kong napapagod ka mahal ko"
"Gusto kong pinagsisilbihan ka"
Umiling si Athrun.
"Mas gusto kong magsilbihan ka."
"Shhhh. . sige na Athrun, pakawalan mo na ako"
Pinakawalan ni Athrun si Cagalli pero humalik muna siya ulit sa noo ng dalaga.
"Sabay tayong kakain at aalis ha" ang sabi ni Athrun sa dalagang papalabas na ng kanyang silid.
Tumango naman si Cagalli.
. . . . . . . . . . . .
Dinalaw ni Cagalli ang kwarto ng kapatid niya, ano pa ba ang aasahan niya? Nandoon pa rin si Lacus. . nag papahinga.
"Kumusta siya Kira?" ang tanong niya sa lalaking naka upo sa gilid ng kama ni Lacus.
"Hindi pa rin siya nagigising" ang sabi ni Kira habang hinahawi ang buhok sa mukha ni Lacus.
"Patawad, pero maging ang mahika ko ay walang nagawa para palakasin ang katawan niya" ang sabi ni Cagalli na ngayon ay naglalakad na papalapit sa kama ng kanyang kapatid.
"Ayos lang iyon, marahil ay kailangan lang talaga ni Lacus ng labis na pahinga."
Nagagalit si Kira sa sarili niya dahil wala siya sa tabi ni Lacus ng mangyari ang lahat. Pero ano pa ba ang magagawa niya kung nangyari na ang lahat ng ganoon kabilis?
"Pumunta ako sa bayan." Ang sabi ni Kira.
Umupo si Cagalli sa tabi ni Kira.
"Ginamit mo ba ang mahika mo?" ang tanong ni Kira sa dalagang nasa tabi niya.
Tumango lang si Cagalli.
"Ilang taon ang mababawas sa buhay mo?" ang tanong ulit ni Kira.
Tumingin sa kanya ang dalaga. Kahit na ngumiti si Cagalli sa kanya ay bakas pa din sa mata ng dalaga ang labis na kalungkutan at takot.
"Kalahati ng buhay ko." Ang maiklling sagot ng dalaga.
Di na lang umimik si Kira. Marahil ayaw na lang pag-usapan ng dalaga ang nangyari. Alam ni Kira na lahat silang magkakapatid ay may bukal na kalooban na handang ibigay maging ang sariling buhay para sa kapakanan ng iba.
Siya sa lahat ang nakaka alam noon ng lubusan.
. . . . . . .
Di matigil sa loob ng palasyo ang tilian at di mapawing bulugan.
Matapos mag hain ni Cagalli ay bigla nalang siyang hinila ni Athrun para maupo sa kanang upuan ng hari. Di man pinapansin ni Cagalli pero alam niyang lihim na napapangiti si Athrun.
"Kumusta na kaya si Flay?" ang panimulang sabi ni Cagalli.
"Di ko alam, ngunit sumulat siya sa akin, na babalik siyang muli dito, marahil maraming bagay lang siyang iniintindi. Bakit mo natanong?" ang tanong ni Athrun.
Bakit naman magtatanong si Cagalli ng tungkol kay Flay?
"Wala." Ang maikling sagot ni Cagalli na di mapigilang mapangiti sa pag aakalang malapit ng umuwi ang kanyang kapatid. Ano kayang magiging reaksyon ni Flay? Magiging masaya kaya siya? Magugulat? Mabibigla?
Di na talaga siya makapag hintay.
"Wala?" ang tanong ulit ni Athrun.
Tumingin sa kanya si Cagalli.
"Wala." Ang huli nitong sagot. Kelan nga ba niya sasabihin kay Athrun ang totoo.
Ngunit sa totoo lang, nagulat talaga siya ng malaman ni Athrun na gumagamit siya ng mahika.
"Athrun pwede bang magtanong?"
"Ano yon mahal ko?"
"Teka! Itigil mo nga muna yang pagtawag sa akin ng mahal ko!"
"Bakit? Bawal ba? May batas bang nagpapatupad na bawal kitang tawagin sa pangalang gusto ko?"
"Bawal kasi naiilang ako"
"Bakit naman?" di na talaga mapigilan ni Athrun na mapangiti ng husto.
"Basta!" naiirita na si Cagalli. Di pa naman niya gustong mag karoon ng debate sa harapan ng pagkain.
"Ano ang tanong mo?"
"Hay!"
Lumapit si Cagalli sa pwesto ni Athrun para bumulong.
"Paano mo nalaman na gumagamit ako ng mahika?"
Matapos iyon ay bumalik ang dalaga sa kanyang kinauupuan.
"Sabihin na lang natin na may kilala akong tao na gumagamit din non."
"Sino?"
Ngumiti lang si Athrun
"Athrun!" ang sabi ni Cagalli na napakunot na lang ang noo.
"Kilala mo siya." Ang sabi ni Athrun habang pinupunasan ang kanyang bibig gamit ang panyong nasa kanyang binti.
Natural kilala talaga yun ni Cagalli.
"Ah! Alam mo din pala!" nag simula na si Cagalli mag ligpit ng kanilang pinagkainan.
Aabutin na sana ni Cagalli ang plato ni Athrun ng biglang kinuha ng binata ang kanyang mga kamay para halikan.
"Doktor Cagalli, di mo na trabaho yan, kailangan na nating umalis para maiharap natin sa buong bayan ang bagong bayani ng medisina" tumayo si Athrun kasama si Cagalli.
Namula naman si Cagalli sa sinabi ni Athrun
"Bayani ng medisina o alipin ng mahika?"
Lumabas na sila Cagalli sa palasyo upang magtungo sa klinika. Ngunit bago iyon ay nag paalam muna sila sa mga batang nag lalaro sa hardin.
Napansin din ni Cagalli na si Justice lang ang kabayong nasa labas ng pinto ng tahanan ni Athrun.
"Teka! Kukuha lang ako ng kabayo." Tatakbo na sana si Cagalli ng sa isang kurap lang ay nakasakay na siya kay Justice.
"Athrun!" ang sabi ni Cagalli habang nililisikan ng mata si Athrun na sumasakay kay Justice.
"Ayaw lang kitang malayo sa piling ko." Ang pangiting sabi ng binata bago niya tuluyang pinatakbo si Justice.
Di man aminin ni Cagalli, pero gusto niya ng ganito. Malapit siya kay Athrun at parang wala ng makakapaghiwalay sa kanilang dalawa. Kung lagi lang ganito, pihado magiging masaya ang kanyang buhay kahit panandalian lang.
. . . . . . . . . . . . . . .
Tuwang-tuwa si Cagalli sa nakikita niya. Halos lahat ng pasyenteng nakainom na ng gamot ay magaling na. Bumungad sa kanila ni Athrun ang mga masasayang ngiti ng mga taong natulungan nila.
Nalulungkot lang si Cagalli dahil sa maraming bilang ng taong namatay bago pa niya nagawa ang gamot.
Nag paiwan si Cagalli sa laboratoryo habang nagtungo naman si Athrun sa punong palasyo.
Di niya alam kung paano niya ipapaliwanag sa mga espesyalista kung paano niya nagawa ang gamot, di niya alam kung sa paanong paraan niya sasabihin, buti na lang at may biglang kumatok sa pinto.
"Tabi!" ang sabi ng isang binatang may kulay pilak na buhok na may karga-kargang dalaga. Kasunod nila ay isang babaeng may mahabang kayumangging buhok at isang batang may pulang mata.
"Yzak!" ang sabi ni Nicole.
"Flay!" agad na tumakbo si Cagalli sa likod nila Yzak na mabilis na pumunta sa pangalawang palapag.
Sinipa na lang ni Yzak ang pintuan sa isang silid at nilapag niya sa kama si Flay.
Hinila niya ang kamay ni Cagalli.
"Tingnan mo kung anong kundisyon niya. Kailangan kong malaman." Ang sabi ni Yzak na bakas sa mukha ang labis na pag aalala.
Tumango si Cagalli. Anong nangyari sa kapatid niya? Bakit tila pumayat si Flay, at nawala na ang dating mapupulang pisngi nito.
Tiningnan niya kung ano mang karamdaman ni Flay.
"Anong nangyari?." Ang tanong ni Cagalli habang hinahawakan ang kamay ng kanyang kapatid.
"Anong sakit niya?" ang tanong ni Yzak.
"Sa ngayon ay di ko pa alam, pero gagawan ko siya ng pagsusuri."
"Bilisan mo!" ang utos ni Yzak. Sasagot na sana si Cagalli ng biglang sumulpot si Nicole
Pilit na nilalabanan ni Nicole na tumakbo sa tabi ni Flay.
Kaya nilagay na lang niya ang kamay niya sa balikat ng kanyang kaibigan.
"Yzak, kumain ka muna at magpahinga, samahan mo doon sila Shiho."
"Ayaw ko! Dito lang ako hanggang sa malaman ko ang kalagayan ni Flay!" ang sabi ni Yzak na di man lang nag abalang tingnan ang kaibigan.
"Mas maganda siguro kung susundin mo na lang si Nicole" ang utos ni Cagalli, hunawi niya ang buhok sa mukha ng kapatid.
"At sino ka naman para utusan ako?" ang sumbat ng binata.
"Kung di ka aalis paano ko susuriin si Flay? Gusto mo ba siyang makitang hubo't hubad sa harapan mo?" tinitigan ni Cagalli ang binatang nuknukan ng tigas ng ulo.
Napalunok naman ng laway ang binata.
"Yzak?" ang tanong ulit ni Nicole.
Walang pasabi-sabi ay umalis na din si Yzak sa silid ni Flay.
Kumuha si Cagalli ng basang bimpo ang sinimulang linisan si Flay.
. . . . . . . . . . .
Nagtagumpay siya, nagamit niya ng tama ang kapangyarihan niya. Nalaman niya ang buong pangyayari ng nakaraan, kapatid niya si Lacus at Cagalli. Nakita din niya ang mangyayari sa hinaharap. Nakita niya naililigtas siya ni Yzak. Pero di niya naiwasan ang panganib na dala ni Gibson. Gusto pa niyang makita ang mga mangyayari pero tila wala ng katapusan ang dilim na nakikita niya.
Nararamdaman niya na may malamig na bagay na humahaplos sa katawan niya. Naririnig niya ang isang boses. Gusto niyang makita kung sino iyon pero, wala na siyang lakas. Katapusan na ba niya?
Sa tingin niya'y hindi pa.
"Flay. . .magpagaling ka. Di ko na alam ang gagawin ko, pareho na kayo ng kalagayan ni Lacus." Labis talagang nag aalala si Cagalli sa kanyang mga kapatid. Bakit ba naman kasi siya pinag lalaruan ng tadhana.
. . . . . . . . . . . . . . . . .
"Kamahalan! Kamahalan! May paparating pong mga rebelde sa ating kaharian!" ang sigaw ng isang sundalong kumakaripas ng takbo.
Natigilan si Athrun sa kanyang paglalakad tungo sa kanyang opisina.
"Nasan na sila?" ang tanong ni Athrun.
"Malapit na po sa tarangkahan ng kaharian."
"Ipunin ang mga sundalong nakatalaga sa bandang kanluran at hilaga ng tarangkahan, dagdagan ng sundalo ang paligid ng klinika, punong palasyo at punong bayan. Madali kayo!" mataas ang tanrangkahan ng kaharian at di basta-basta itong mapapasok, pero ayaw niyang mag aksaya ng panahon.
"Ipatawag niyo ang batalyon na pinamumunuan ni Mwu La Flaga, sasama sila sa akin, iikutin natin ang buong kaharian, sasalubungin natin ang mga rebelde mula sa labas ng pintuan." Madaling sumakay si Athrun kay Justice. Di niya hahayaang mapasok sila ng mga rebelde, halos aabutin ng isang buong araw si Athrun bago marating ang tarangkahan ng kaharian at dalawang araw naman kung iikutin niya ang buong kaharian para makalabas sa tarangkahan. pero gagamit sila ng lihim na daan para mabilis silang makaratin sa kanilang destinasyon
Mabilis niyang pinatakbo si Justice sa isang punong kampo ng militar para doon tipunin ang mga sundalo. Pangungunahan niya ang kanyang mga sundalo. Binilin din niya kay Andrew ang mga kailangang gawin para sa pag depesa sa punong bayan.
Tinalaga niya si Mwu sa loob ng tarangkahan. Hinanda niya ang plano at mabilis niyang pinaliwanag ang lahat sa mga opisyales ng kanyang hukbo.
Maselan ang pinagdadaanan nila ngayon. Di niya akalain na makakalapit ang isang hukbo ng rebelde sa tarangkahan ng kanyang kaharian.
"Tara na!" ang sigaw ni Athrun.
. . . . . . . . . . . . . .
Di alam ni Cagalli kung bakit nagkakagulo sa labas ng laboratoryo, mas lalo pa niyang ikinagulat kung bakit biglang may mga sundalong naatasang mag bantay sa kanya, nagawa niyang tanungin ang mga ito ngunit, wala siyang natanggap na sagot sa mga sundalong nagbabatay sa kanya.
Kaya heto siya sa tabi ng kanyang kapatid, hawak-hawak ang kamay nito.
Naramdaman niyang gumalaw ang kamay ni Flay.
"Flay. ." umaasa si Cagalli na ididilat ni Flay ang kanyang mga mata.
At di nga siyang nagkamali.
"Ca. . Caga. ." ang pilit na sabi ni Flay.
"Flay may kailangan ka ba?" ang tanong ni Cagalli.
"Cagal. . Cagalli. .si. .si Ath . .Athrun. ." nakita ni Flay ang mangyayari sa hinaharap. Nasa panganib si Athrun.
"Anong meron kay Athrun?" kinabahan si Cagalli. Nakikita niya sa mata ni Flay ang labis na takot, pangamba at pag-aalala.
"Si. .gib. .si . gibson. .pa. .patayin. . niya si Athrun." hinihingal si Flay.
Namutla si Cagalli, pinag papawisan siya at nanlalamig ang kanyang mga kamay.
Tinignan niya si Flay. Mabilis na itong nakatulog.
Nasa panganib si Athrun!.
Sinabi niya ito sa mga sundalong nagbabantay sa kanya, ngunit walang kumibo sa mga ito.
"IMBALIDO BA KAYO! DI NIYO BA AKO NARINIG! NASA KAPAHAMAKAN SI ATHRUN!" nag pupuyos na sa galit si Cagalli.
Salamat sa langit na mapagmahal at sumagot ang isa sa kanila
"Alam po namin iyon, kasulukuyang bumabyahe ang kamahalan para salubungin ang mga rebelde sa labas ng tarangkahan ng kaharian."
Nanlambot ang mga tuhod ni Cagalli. . anong gagawin niya?
Gumagamit si Gibson ng mahika. . paano kung. . paano kung . .
Kailangan niyang sundan si Athrun, kung tama ang sinasabi sa libro. . baka pwede pa niyang salain ang maitim na budhi ni Gibson.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Ang bilis tumakbo ng oras. Wala na silang panahon pang tumigil at magpahinga. Kailangan niyang protektahan ang mga taong nakasalalay sa kanya.
Ang mga bata. .
Ang kaharian. .
Ang kanyang ama. .
Si Flay. . .
At si
Cagalli. .
Di niya alam kung makakabalik pa siya. Wala man lang siyang iniwang pangako sa dalaga. Pero magkaganon man alam niyang, naparamdam niya kay Cagalli ang labis niyang pagmamahal.
Di rin niya siguro kakayanin na makitang maghihirap si Cagalli sa kamay ng mga rebeldeng ito, kaya hanggat maari'y maalis na ng tuluyan ang mga taong ito.
Di pa ba sila natuto? Di pa ba sila nag sawa sa walang ka kwenta-kwentang labanan?
Nakita nila Athrun ang nag lalakihang tirador na kayang bumuhat ng isang malaking tipak ng bato , mga naglalakihang palaso, apoy, malaking kahoy. . teka! Ano itong naamoy niya sa simoy ng hangin?
Pulbura. . .
Pasasabugin nila ang tarangkahan.
Nagulat siya sa laki ng bilang ng mga rebeldeng naka abang sa labas ng tarangkahan, hinahanda na nila ang mga hagdang gagamitin sa pag akyat ng malaking tarangkahan (A/N: nanood na ba kayo ng lord of the rings? Yung war doon at yung malaking white gate? Parang ganun ang nangyayari ngayon).
May mga ilang rebelde na ang nagsimulang magpalipad ng mga palaso, may ibang umaakyat, may ibang hinahanda ang malaking tirador, at may ilang nag papasabog na ng bomba.
Umuulan na rin ng palasong may apoy galing sa looban ng tarangkahan, kasabay ng pagbuhos ng naglalakihang tipak ng bato.
Nagsimula na ang lahat.
Di mabilis na masisira ang tarangkahan subok na ito sa mga nakalipas ng labanan, kulang pa ang bomba at tirador na dala nila para tuluyang mapatumba ang tarangkahan ng palasyo.. .
"SUGOD!"
Walang alinlangang sumugod ang mga sundalo ni Athrun sa mga rebeldeng naghihitay sa labas.
Namutawi sa paligid ang mga sigaw, tunog ng mga espada, kabayo, iyak ng mga sugatan.
Ang dating kulay kayumangging lupa ay nabalutan na ng dugo.
May ilang nayupi na ng bato.
Bumaba si Athrun kay Justice, iniwasan niya ang palasong papalapit sa kanyang daraanan. Hiniwa niya ang leeg ng lalaking nasa harap niya, yumuko siya at sinaksak ang lalaking nasa likuran niya.
Di lang basta-bastang rebelde ang mga ito, sanay sila sa labanan, tulisan lang ang mga may ganitong kakayahan.
Marami na agad ang nabawas sa bilang nila Athrun.
Iniwasan ni Athrun ang batong papalapit sa kanyang direksyon, kaya di maiwasang malanghap niya ang alikabok na kumalat dulot ng pagbagsak ng malaking tipak ng bato. Tamang-tama lang iyon para piratin ang halos limang tao.
Mabilis siyang napagitnaan ng mga rebelde. Umupo siya at nagpaikot-ikot hawak ang kanyang espada.
Sunod-sunod ang mga rebeldeng naputulan ng paa,.
Nag simula ng mag dugo ang pisngi ni Athrun, nahiwa kasi siya ng palaso na tinira sa kanya ng isang rebelde.
Di hamak na doble ang laki ng katawan ng mga kalaban ni Athrun, pero di ito ang kauna-unahang beses na nakasagupa ni Athrun ang ganito kalaking tao.
Tumalon siya sa ere at saktong baba sa leeg ng lalaki, gamit ang kanyang kamay ay inikot niya ang ulo ng rebelde.
Pinunasan naman ni Athrun ang dugong tumalsik sa kanyang mukha galing sa bibig ng lalaki.
Yumuko pang muli si Athrun para iwasan ang espadang papalapit sa kanyang daan.
Di na nakakatakot sa kanya ang ganitong eksena, bawat hampas niya at wasiwas ng kanyang espada ay siguradong may namamatay. Nararamdaman din niya na natatapakan niya ang ilang mga bangkay, di niya alam kung katawan ba iyon ng rebelde o sa rili niyang tauhan.
Sinipa niya ang rebeldeng nasa unahan niya bago niya pinadaan ang kanyang espada sa dibdib nito.
Sa gilid ng kanyang mata ay nakita niya ang apat na lalaking papalapit. Tinakid niya ang apat na lalaki sa pamamagitan ng pag tapon ng katawan ng isang rebelde sa kanilang daan.
At sa isang mabilis na takbo lang ay nahiwa sa gitna ang katawan ng apat na lalaki.
Kailangan nila Athrun ng dobleng ingat, gayong nagpapaulan din sila Mwu ng nag aapoy na palaso.
Malapit na ang pagsapit ng dilim. Ito ang pinaka mahirap. Tanging ang buwan lamang ang tatanglaw sa madugong labanan na nangyayari.
Naramdaman ni Athrun ang panandaliang init sa kanyang braso. Nakangiting sumabulong sa kanya ang isang rebelde. Malalim ang hiwa ni Athrun sa kanang braso, buti na lang at bihasa din siya sa pag gamit ng espada sa kanyang kaliwang kamay.
Nilipat niya ang kanyang espada sa kaliwa, umikot siya ng konti, tamang-tama lang para humalik ang talim ng kanyang espada sa ulo ng rebelde.
Sunod-sunod ang narinig ni Athrun na pagsabog.
Nakita di niya ang malalaking hiwa sa tarangkahan ng kaharian. pero nakita din niya ang lumiliit na bilang ng mga rebelde.
Nararamdaman na niya ang kirot sa kanyang kanang kamay, pero di pa rin siya tumigil sa pag gilit ng leeg ng mga rebeldeng makaharap niya.
Di rin siya makakita ng maayos dahil sa umaagos na dugo mula sa kanyang ulo. Napupok siya ng malaking bato sa ulo ng isang lalaki.
Napaatras si Athrun at pinunasan ang kanyang mata.
Sumisirit na sa lupa ang dugo galing sa kanyang braso, pumapatak ang buo-buong dugo.
Binato niya ang kanyang espada sa lalaki na sumakto naman sa lalamunan.
Tumakbo siya at kinuhang muli ang kanyang espada, naamoy ni Athrun ang matapang na pulbura sa buong paligid. . . ang dating puting tarangkahan ay nagiging kulay itim na dahil sa usok.
Tumingin siya sa paligid, marami pa rin sa mga tao niya ang abala sa pakikipag laban.
May sundalong napa higa sa kanyang paanan, tinulungan niya itong makatayo sabay saksak sa rebeldeng papalapit sa kanila.
Ilang minuto na lang at hahalik na ang dilim sa kalangitan.
Malapit ng lumubog ang araw.
Biglang may isang lumilipad ng itim na apoy ang gumuhit sa langit.
Nanlaki ang mata niya dahil nag iwan ito ng malaking butas sa tarangkahan, tamang-tama lang para makapasok ang mga rebelde.
Si Gilbert. . .
May lalaking naka itim na kapa ang dumating sakay ng itim na kabayo. . .
Mabilis itong tumatakbo papalapit sa kanya. . puro dugo ang espada ng lalaki, marahil ay dugo ng ilan sa kanyang mga tauhan.
Sa bilis ng takbo nito ay napispis ng hangin ang talukbong ng kanyang kapa at tumambad sa kanya ang itim na buhok at pulang mga mata ni
Shinn. . . .
Muli ay bumuo ng itim na apoy si Shinn, bumaba siya sa itim na kabayo at nakangiting lumalapit kay Athrun
"Shinn. . bakit mo ito ginagawa sa Plants!" ang sabi ni Athrun na handang salubungin ang kanyang kalaban. Di na niya ininda ang kirot sa kanyang kanang kamay.
Ngumiti lang ang binata.
"Kasi mahal kong anak ...ang Plants ang pinagmulan ng dumi ng mundo!" tinapon ni Shinn ang apoy sa direksyon ni Athrun.
"Nakakagulat naman at nakaligtas ka pa sa ginawa ko sayo, kakaiba talaga ang nagagawa ng kapangyarihan ni Cagalli."
"Gibosn!" ang sigaw ni Athrun, winawasiwas niya ang kanyang espada. Ngunit natamaan siya ng susunod na apoy na tinapon ni Gibson,
Agad na nabalot ng itim na apoy ang katawan ni Athrun, sumisigaw siya dahil sa matinding init, nag pagulong-gulong siya sa lupa ngunit di maapula ang apoy.
Lumapit si Shinn at tinapakan ang mukha ni Athrun.
"Magkita na lang tayo sa impyerno mahal kong anak." Tinutok ni Shinn ang kanyang espada sa lalamunan ni Athrun.
Unti-unti ay nawala ang apoy sa katawan ni Athrun, pinagmamasdan ni Athrun si Shinn, na tila hawak-hawak nito sariling kamay.
Tinanggal ni Shinn ang kanyang paa sa pisngi ni Athrun.
" . . ma. . haaa. .lann. . .takbo. . " di nag kakamali si Athrun boses iyon ni Shinn.
Marahil ay nanlalaban si Shinn kay Gibson.
Sinampal ni Shinn ang sarili.
At sinuntok ang sariling tiyan
"Peste ka Asuka! Manahimik ka!" ang sigaw ni Shinn sa sarili.
Di magawa ni Athrun na makatayo, ilan sa mga sundalo niya ang sumugod kay Gibson, ngunit lahat sila ay nasawi.
Pilit pa ding nanlalaban si Shinn kay Gibson. . makikita ng lahat ng tila kinakalaban ni Shinn ang sarili, nagpagulong gulong ang binata sa lupa.
Ngunit maya-maya pa ay tumayo na si Shinn, iba na ito muli, napapaligiran na ito ng itim na awra.
"Ang hirap talga pag nakikihiram ka lang ng katawan ng iba." Pinunasan ni Shinn ang kanyang noo.
Lumapit siyang muli kay Athun na ngayon ay sinusubukang tumayo.
Sinipa nya ang binata at pininid ito gamit ang kanyang paa.
"Ngayon, Athrun handa ka na bang humarap sa kamatayan?" tinaas ni Shinn ang kanyang espada at saktong tumusok ito sa dibdib ni Athrun.
Nilapit ni Shinn ang espada niya sa sariling dila para tikman ang dugo ni Athrun.
"Iiwanan na kitang ganyan, unti-unti kang mamamatay habang pinapanood mong maguho ang kahariang minahal mo, kukunin ko lahat ng mahal mo sa buhay at papatayin ko sila isa-isa. . " dinuraan ni Shinn ang mukha ni Athrun.
Di makahinga si Athrun.
Masakit ang lahat ng parte ng katawan niya, napapaligiran siya ng mga taong patay na, mga nagpatong-patong na katawan ng mga sundalo at rebelde. . . nagsi pasukan na ang mga rebelde sa loob ng tarangkahan.
Ito na ba ang katapusan?
Nairirnig niya ang mga sigaw ng mga sundalo, umaalingasaw sa paligid ang makapal na usok.
Mamamata yna lang siya ng ganito, walang kibo, namamanhid ang kanyang buong katawan. . nararamdaman na niya ang lamig na yumatakap sa kanya.
Lumayo ng konti si Shinn, nag simula itong pumikit at bumuo ng itim na apoy. Malaking-malaking apoy, nabalutan siya ng isang malaking bolang apoy, lahat ng sundalong lumalapit sa bolang iyon ay mabilis na naging abo. Nanatiling nakapikit si Shinn, tila abala ito sa pagpapalaki ng itim na bolang bumabalot sa kanya.
Pinikit ni Athrun ang kanyang mga mata. nararamdaman na niya ang lamig, wala na siyang nararamdamang sakit. . .sana'y sa pag dilat ng kanyang mga mata ay makita niya ang langit.
Dinilat niya ang kanyang mga mata, naramdaman niya ang mainit na labi ng dumampi sa kanyang sariling labi.. . may mainit na bagay na dumadaan sa kanyang dila pababa sa kanyang lalamunan.
Nararamdaman na niyang muli ang bawat parte ng kanyang katawan.
Si Cagalli. . .
Pinapasa sa kanya ni Cagalli ang asul na apoy sa kanyang bibig.
Tumingin sa kanya si Cagalli.
"Dito ka muna. Sapat lang ang pinasa ko sayo, para gumaling ang sugat mo, pero di pa iyon sapat para bumallik ang lakas mo." Ngumiti sa kanya si Cagalli. Pinilit ni Athrun na hawakan ang pisngi ng dalaga pero parang lantang gulay ang kanyang katawan.
"Mahal kita Athrun." matapos iyon ay hinalikan siya ng dalaga. Di niya alam kung bakit pero bigla na lang tumulo ang kanyang luha.
Ayaw na niyang pakawalan si Cagalli, may kakaibang pangamba sa kanyang puso na baka di na muling bumalik sa kanya si Cagalli.
"Dito ka lang"
Di makagalaw si Athrun, gusto niyang yakapin si Cagalli pero, wala talaga siyang lakas.
Nakita na lang niya na napapalibutan na si Cagalli ang asul at naranghang apoy, kakulay ng kanyang mga mata. hindi mali. . hindi to narangha, .ito ay kulay ginto. Kulay ginto, tulad ng sinag ng araw.
Lumapit si Cagalli kay Shinn at tumigil siya sa harapan ng binata.
"Shinn." tinawag ni Cagalli si Shinn.
Dinilat ni Shinn ang kanyang mata.
At unti-unti ay biglang nangingibabaw ang tunay na nagmamay ari ng katawan na iyon.
"Ca. . ca. . cagalli. . " mabilis na lumiit ang itim na apoy.
Naglakad pang muli si Cagalli papalapit kay Shinn. . at unti-unting nilamon ng gintong liwanag ni Cagalli ang itim na apoy ni Gibson.
Inaabot ni Cagalli ang kanyang mga kamay kay Shinn.
"Shinn. . labanan mo si Gibson. . halika't tutulungan kita."
Hirap na hirap na inaabot ni Shinn ang kanyang kamay kay Cagalli, halatang pinanlalabanan pa rin ng binata si Gibson na nasa loob pa rin ng katawan niya.
"HINDI!" ang malakas na sigaw ni Gibson, lumaki ng sampung beses ang itim na apoy ni Gibson. Tumalsik naman si Cagalli sa tabi ni Athrun.
Nanginginig man ay pinillit na umupo ni Athrun at lumapit kay Cagalli.
"Wag kang makielam Cagalli,. . dahil di ako mag dadalawang isip na patayin ka!, di man kita magamit sa muling pag buhay kay Cera, sisiguraduhin kong . . lilinisin ko ang mundong ito. . kung masasawi lang din ako ngayon. . isasama ako ang mundo sa hukay! para sa susunod kong buhay ay magiging masaya na kami ni Cera sa mundong di na mang aapi" nanlilisik ang mata ni Gibson.
Hinawakan ni Athrun ang kamay ni Cagalli at umiling iling ito.
Ngumiti si Cagalli at sa huling pag kakataon ay hinalikan ang binata.
"Patawad Athrun. . "
Tumayo si Cagalli.
"Shinn naririnig mo ba ako? tanda mo pa ba ang pangako ko?"
"Shinn, di ko man naiintindihan yang mga sinasabi mo, pero naniniwala ako na isa kang mabuting tao, kung ano man yang bumabagabag sayo ipagdarasal ko na sana ay malagpasan mo yan, karapatan ng bawat taong mabuhay ng tahimik. Kahit sino pa man iyon. Walang taong pinanganak na masama Shinn, sana kung ano man yang problema mo ay malampasan mo, gusto ko lang na tandaan mo, na pag dumating na ang panahon na kailangan mo ako, asahan mong pupunta ako sa tabi mo, pangako yan Shinn"
Yan ang mga katagang binitawan ni Cagalli noong huli nilang pagkikita sa gubat.
Muli ay lumapit si Cagalli sa binata.
"AH!" alam ni Cagalli na si Shinn na ang nangingibabaw sa kanyang katawan
"Cagalli paki usap!wag mong gawin sa akin ito!" ang sigaw ni Athrun habang tumatakbo papalapit sa dalaga.
Ngunit napapalibutan na si Cagalli ng gintong liwanag at di ni Athrun mahawakan ang dalaga.
Humarap sa kanyang muli si Cagalli.
"May pangako akong binitawan kay Shinn, Athrun, kailangan niya ako, kailangan kong sagipin ang mundo, kailangan ka ng kaharian mahal ko, hanggang sa muli." Tumulo ang luha sa mata ni Cagalli.
Pinanood ni Athrun na yakapin ni Cagall ang katawan ni Shinn.
At sa isang iglap ay kumalat sa buong paligid ang nakabubulag na gintong liwanag.
Tinakapan ni Athrun ang kanyang mga mata, kasabay ang panalanging nananaginip lang siya.
. .. . . . . . . . . . . . . .
"Hanggang sa muli mahal ko"
. . . . . . . . . . . . . .
Yow! Ano na?! may papatay na ba sa akin?. . .
