vvvdarkangelvvv: hi sorry pos a pag hihintay ng chapter two… di po kasi ako sanay gumawa ng sang story na multi-chapter. Tapos hindi ko din po ma manage ang time ko. Wala kasi sa bokubularyo ko ang time management pasensya na po. Pero eto ang chapter two. Actually dip o ito nanggaling sa kokote ko. As I said in the last chapter/summary for adoptation na po ang story. At eto may nag send pos a akin one day ng idea nia. THANK YOU MoonlightAkatsuki29

Disclaimer: I don't own PoT and also this Second chapter.. (and maybe the following chapiie)


Paano ba MANLIGAW ang isang RYOMA ECHIZEN?

Chapter Two

"Tch! Kung may date sila, dapat hindi na nila inililihim!" pagdadabog ni Ryoma habang papunta ng classroom.

Pagdating niya sa classroom ay nadatnan niya sina Sakuno at Tomoka pati na rin ang ichinen-trio na masayang nagkukwentuhan.

"Saku-chan, pahiram na ako ng Math notebook mo." sabi ni Tomoka kay Sakuno. Kinuha naman ni Sakuno ang Math notebook niya sa kanyang bag at ibinigay ito kay Tomoka.

"Manggagaya ka na lang ba lagi? Wala na bang nararating ang utak mo at nanggagaya ka na lang?" sabi ni Horio kay Tomoka.

"Anong laging nanggagaya?! Ngayon lang naman ako gumaya 'noh! Baka ikaw ang palaging nanggagaya!" nagsisimula na naman ang dalawa sa pag-aaway.

"Agang-aga, nag-aaway kayo! Hindi ba kayo tatahimik?!" biglang sigaw ni Ryoma at natigilan naman ang dalawa. Nabigla si Sakuno sa sigaw ni Ryoma.

"Ryoma-kun." tawag nito kay Ryoma pero hindi nito pinansin.

"Badtrip si Ryoma ngayon." sabi ng isa sa ichinen-trio, si Katsuo.

"Tumahimik ka na, Katsuo. Naririnig ka niya." suway ni Kachiro kay Katsuo.

Nagpatuloy na lang si Ryoma sa paglalakad patungo sa kanyang upuan. Pagkababa nito ng bag niya ay umub-ob ito.

'Ano kayang nangyari sa kanya?' sa isip ni Sakuno.

Recess time. Lahat ng mga kaklase niya ay lumabas para mag-recess. Lalabas na sana siya para bumili ng ponta pero nakita niya si Sakuno na kausap ulit si Tezuka at mukhang masaya na naman ang pinag-uusapan nila.

"Tch! Kayo na ang masaya! Ako na ang badtrip!" pagdadabog ulit ni Ryoma. Nawala na ito sa mood para bumili ng ponta kaya umub-ob na lang ulit siya at natulog. Nang patulog na siya ay may bigla siyang narinig.

"Kuya Tezuka, gusto mo bang ipagdala na kita ng bento sa Sabado?"

"Sige. Ikaw ang bahala. Mauna na ako."

"Sige, Kuya Tezuka."

'Tch! Siya na ang nakakakain ng homemade bento ni Sakuno!' nasa isip ni Ryoma.

Dismissal. Nagpunta na si Ryoma sa tennis court dahil may practice sila at bawal siyang malate. Pagkadating niya sa may tennis courts, sa halip na hindi na siya mabadtrip, ay nabadtrip pa siya lalo.

'Buong maghapon ba silang hindi makakatiis na hindi mag-usap?! Kanina pa silang umaga ah!' sa isip ni Ryoma.

"Ochibi! Nandito ka na!" sabi ni Eiji kay Ryoma sabay yakap dito.

"Kikumaru-sempai! Papatayin mo ba ako?!" pasigaw na tanong ni Ryoma kay Eiji matapos nitong mayakap. Halos mawalan na siya ng hininga nang yakapin siya ni Eiji.

"Hindi. Bakit naman kita papatayin? Eh di nawala na ang Bunsoy namin." nakakalokong sabi ni Eiji.

"Tch."

Nagsimula nang magsidatingan ang iba pang regulars pati na rin ang non-regulars.

"Nyah~! Momo! Magkausap na naman si Captain at Sakuno." sabi ni Eiji kay Momo.

"Inui-sempai, ano ba talaga ang namamagitan kina Captain at Sakuno at talagang hindi sila nagkaka-ilangan?"

"Ano ba sa tingin ninyo?" biglang tanong ng Tensai.

"Mag-M.U?" sabay na sabi ni Momo at Eiji.

"Huwag na kayong makialam sa relasyon ng may relasyon." biglang sabi ni Oishi.

"Oishi! Ano ang alam mo tungkol sa kanila?" baling ni Eiji kay Oishi at biglang kinabahan si Oishi.

*clap clap clap*

"ASSEMBLE!" sigaw ni Coach Ryuuzaki. Oishi on the right side of Coach Ryuuzaki and Tezuka on the left side.

"Cheers!" bati ng buong tennis club.

"Regulars, run 25 laps and Non-Regulars, run 35 laps!" sabi ni Tezuka.

"Ang huling makakatapos, matitikman ang bagong juice ni Inui. Inui Juice Deluxe 5000." biglang sabi ni Tezuka at ipinakita na ni Inui ang kanyang bagong juice. Biglang kinilabutan ang mga Regulars at Non-Regulars.

"Start!" sabi ni Tezuka at nagsimula na silang tumakbo.

After nilang tumakbo, sa kasamaang palad, si Eiji ang unang Regular na makakatikim ng bagong juice ni Inui at isa namang freshmen ang unang makakatikim sa Non-Regulars.

"Kawawang Kikumaru-sempai." nasabi na lang ni Momo habang pinapanood itong inumin ang bagong juice ni Inui.

Nagsimula na silang mag-practice. Ang makakalaban ni Ryoma ay si Tezuka. Si Tezuka mismo ang nag-volunteer na makalaban si Ryoma at sinang-ayunan naman ito ni Ryoma. Pinigilan sila ni Oishi dahil alalang-alala ito na baka hindi kayanin ni Ryoma si Tezuka pero ang sabi na lang ni Ryoma:

"Oishi-sempai, huwag kang mag-alala, kayang-kaya kong talunin si Captain." nakangisi pa si Ryoma habang sinabi ang mga salitang ito kay Oishi.

Matapos ang laro, ang naging resulta, si Ryoma ang nanalo, 7-5.

"Go, Ryoma-sama!" cheer ni Tomoka pagkatapos ng laro.

"Congratulations, Ryoma-kun." masayang sabi ni Sakuno sa kanya.

"Nyah~! Ochibi! Natalo mo na naman si Captain! Ang galing!" biglang sabi ni Eiji sa kanya.

"Mada mada dane." sinabi na lang ni Ryoma ang paborito niyang linya.

Sa halip na magtuloy-tuloy ang pagsasaya niya dahil binati siya ni Sakuno, bigla itong naputol dahil nakita niya na inaabutan ni Sakuno si Tezuka ng tubig. Bigla siyang nakaramdam ng galit. Parang gusto niyang sumigaw ng malakas at sabihing, 'Bakit ba laging si Captain ang pinapansin mo?! Nandito naman ako ah!'

"Oi, Echizen. Bakit nakakunot ang noo mo diyan?" biglang tanong ni Momo sa kanya. Sa halip na sagutin niya ang tanong ni Momo ay umalis na lang siya.

"Saa. May selosang nagaganap." biglang sabi ni Fuji.

"Sinong nagseselos?" tanong naman ni Kawamura.

"Fsssuuhh. Sino pa ba? Eh di si Echizen." sabi ni Kaidoh.

"Umiibig na ang Bunsoy natin! Kailangan nating i-celebrate ito!" biglang sabi ni Eiji.

"Eiji, hindi tama ang gagawin ninyo. Nagseselos na nga yung tao pero ganyan pa ang nasa isip ninyo. Bigyan nyo naman ng kaunting respeto si Echizen." sabi ni Oishi kay Eiji.

"Pero, Oishi, minsanan lang ito." pagmamaktol ni Eiji.

"Kahit na. Mali pa rin ang gagawin ninyo."


Thank you for reading….

free to send your suggestion..

Reiview ^^