Paano ba Manligaw ang Isang Ryoma Echizen?
MoonlightAkatsuki29's Note: Hi sa inyo! Sa mga makakabasa ng chapter na ito, kami ni Vvvdarkangelvvv ay magkapartner na sa story na ito. Mas maganda kasi ang kalalabasan ng bawat chapter kapag may katulong ka o kapartner. By the way, thank you sa mga nag-review for the last chapter. Ang gaganda ng mga reviews nyo. Di bale, gagandahan pa lalo namin ang bawat chapter para mas matuwa kayo. Yun lang! ^_^
vvvdarkangelvvv: hello guys! pasensya na kung ngayon kong in - update. Actually isang lingg na tong naka tambay sa akin kaso di ko mabasa basa, pasensya na pakner kong MoonlightAkatsuki29 pero sa WAKAS SEMBREAK NA!WHOAAAAAAAAAAAAAAAAA hay nako.. nung finals kaya lumilipad ang isip ko sa fanfic nato, (O_O) sana maayos kalabasan ng finals,,, o maiba sa usapan! eto na ang chapter three!
Disclaimer: hindi po sa amin ang Prince Of Tennis
Chapter Three
Tapos na ang practice. Habang naglalakad si Ryoma pauwi sa kanila ay nakita niya bigla si Tezuka at Sakuno na magkasabay na naglalakad pauwi. Bigla siyang nakaramdam ng galit.
'Bakit ba lagi akong nagagalit kapag magkasama sila? Bakit ba ganito lagi ang nararamdaman ko?' sa isip niya.
Sa halip na sundan niya ito kung saan man sila pupunta, dumiretso na lang siya ng uwi sa kanila. Pagkadating niya sa kanilang bahay ay sinalubong siya ni Nanako.
"Okaerinasai, Ryoma." bati sa kanya ni Nanako.
"Hn."
"Nandito ka na pala, Ryoma." sabi sa kanya ng kanyang mommy.
"Mommy, bakit ba nagagalit ang isang lalaki sa isang babae kapag may kasama itong ibang lalaki?" biglang tanong niya sa kanyang mommy habang hinuhubad ang sapatos, ayaw niang tumingin sa mga mata nito.
"Dahil gusto nito ang babae." diretsong sagot sa kanya ni Rinko na may halong ngiti.
'May pagtingin na ba ako kay Ryuuzaki?' napaisip ito.
"May nagugustuhan ka na ba, Ryoma?" nakangiting tanong ng mommy niya sa kanya.
"Opo." pagtatapat na ni Ryoma sa kanyang mommy ng walang paligoy ligoy. Hindi naman kasi siya naglilihim sa kanyang ina.
"Apo ba ni Ryuuzaki-san ang nagugustuhan mo? Gusto ko siya para sa iyo."
"Pero parang may gusto na siyang ibang lalaki."
"Bakit hindi mo muna siya tanungin kung may gusto na nga siyang iba?" tanong ni Rinko sa kanya.
"Mommy, mahirap iyang sinasabi mo." sabi ni Ryoma.
"Hindi naman mahirap yon, tatanungin mo lang naman sya"
"Mommy naman, paano kung iba yung isagot nia? Paano kung tinanung ko sya tapos ibalik nia sa akin? Paano kung tinanung niya sa akiin kun bakit ko tinatanong yon? Di naman ganun kadali mommy eh" sabi ni Ryoma sabay kamot sa ulo.
"Hindi mo malalaman ang lalim ng ilog kung hindi ka lulusong"
Napatahimik nalang si Ryoma, ina-absorb ang sinabi ng kanyang ina.
"Gusto ko, sa susunod, ipapakilala mo na siya sa akin." sabi ng kanyang mommy.
"Pero, Mommy " hindi na naituloy ni Ryoma ang asabihin niya dahil iniwan na siya nito.
'Paano ko naman sya mapapakilala. Ano bilang kaibigan ko?'
Sabado. Naghahanda na si Sakuno para sa pag-alis nila ng kanyang Kuya Tezuka. Nakapagpaalam na din siya sa kanyang lola. Magkikita na lang sila ng kanyang Kuya Tezuka sa istasyon ng tren.
Pagkadating niya sa istasyon ng tren, natanaw niya kaagad ang kanyang Kuya Tezuka. Nilapitan niya kaagad ito.
"Magandang umaga, Kuya Tezuka." bati nito kay Tezuka.
"Magandang umaga din. Ito na ang ticket mo." sabi ni Tezuka sa kanya sabay abot ng ticket.
"Maraming salamat, Kuya Tezuka. Malapit na pala dumating ang tren na sasakyan natin."
Sa kabilang dako naman, nagpunta si Momo kina Ryoma.
"Oi, Echizen. Punta tayong mall." aya ni Momo sa kanya.
"Anong gagawin natin doon?" tamad na tamad na tanong ni Ryoma sa kanya.
"Ano nga bang ginagawa sa mall?" tanong naman sa kanya ni Momo.
"Huwag mo ngang itanong sa akin ang tanong ko." medyo inis na sabi ni Ryoma sa kanya.
"Ayain natin si Kikumaru-sempai para may manlibre sa atin." suhestiyon ni Momo.
"Ikaw ang dapat manlibre kasi ikaw ang nag-aya." sabi sa kanya ni Ryoma.
"Wala akong pera para manlibre. Dali na, Echizen." pagpupumilit ni Momo sa kanya.
"Papayag ako kung ililibre mo ako."
"Oo na. Dalian mo na at magbihis ka na." napilitang sabi ni Momo kay Ryoma.
Sa kabilang dako naman, nakasakay na ng tren sina Tezuka at Sakuno. At dahil Sabado ngayon, may karamihan ang tao ngayon na nakasakay sa tren. At dahil may pagka-gentleman si Tezuka, tumayo na lang siya at si Sakuno na ang pinaupo niya sa bakanteng upuan na nakita niya.
"Hindi ka ba mangangalay, Kuya? Matagal-tagal pa tayo dito." tanong niya.
"Hindi." medyo nakangiting sagot ni Tezuka.
Pagkaraan ng ilang sandali, mas lalo pang dumami ang sumasakay na tao. Nakita ni Sakuno ang isang lola kaya siya ay tumayo at inalalayan ito papunta sa upuan niya kanina. Kaya ngayon, pareho na sila ni Kuya Tezuka niya na nakatayo. Sa dami ng tao, mas lalong napapalapit si Sakuno kay Tezuka. Kaya ang nangyari, halos kaunti na lang ang pagitan nila sa isa't isa. Yung tipong kaunting galaw lang ng maalin sa kanila ay magkakahalikan na sila.
Hindi maiwasan ni Sakuno na mamula. Hindi niya kasi inakala na ganito ang mangyayari sa kanila habang nasa biyahe sila. Mabuti na lang at hindi naiisip ni Tezuka ang mga bagay na ito. Kung naiisip niya, matagal pa lang, may pagtingin na siya kay Sakuno. Bahagyang namula si Tezuka ng matitigan niya si Sakuno.
Sa kabilang dako, habang papunta sila Momo at Ryoma sa mall, hindi maiwasan ni Ryoma na mag-isip ng kung ano-ano.
'Ano na kaya ang ginagawa nila doon? Naka-damoves na ba si Captain? Hindi ito pwede!'
"Aaaaaaaaahhh!"
"Oi! Echizen! Nakakagulat ka naman! Bakit ka ba bigla-biglang sumisigaw diyan?!" gulat na tanong sa kanya ni Momo. Hindi na niya sinagot ang tanong ni Momo, sa halip ay may biglang pumasok sa kanyang isip.
*imagination *
"Sakuno, alam mo ba na napakaganda mo?" tanong ni Tezuka kay Sakuno habang hinahaplos-haplos nito ang kanyang mukha.
"Kuya Tezuka." Hindi mapigilan ni Sakuno na hindi mamula.
"Kuya Tezuka, alam mo ba na mahal na kita?" biglang pagtatapat ni Sakuno kay Tezuka.
"Mahal na din naman kita." pagtatapat na din ni Tezuka kay Sakuno.
Papalapit ng papalapit ang mukha nila at
*imagination ends *
"Huwag! Hindeeeeeeeeeeeeeeeeeee!" biglang sigaw ulit ni Ryoma.
"Echizen! Ano bang nangyayari sa iyo?! Nakahithit ka ba ngayon ng katol, ha?!" tanong ulit sa kanya ni Momo.
"OO! ISANG KAHON ANG NAHITHIT KO KANINA!" sarkastikong sagot ni Ryoma.
"Ayos ka din eh. Kung ano man iyang nasa isip mo, kalimutan mo. Kaya tayo pupuntang mall, para magsaya." sabi sa kanya ni Momo.
Sa kabilang dako, biglang natauhan ang dalawa at umayos na kaagad sila ng pwesto. Hindi nila mapigilan na hindi mamula nang dahil sa nangyari.
Sa isang tabi, may dalawang lalaki ang kumukuha ng litrato sa kanilang dalawa.
"Hindi natin ito inaasahan, hindi ba, Fuji?"
Ngumiti lang si Fuji sa sinabi sa kanya ni Inui.
"Isa ito sa dapat nating imbestigahan. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Echizen kapag nakita niya ang mga litrato na ito? Gagawa na kaya siya ng paraan para mapasakanya si Sakuno?"
"Ayon sa pag-i-imbestiga ko noong mga nakaraang araw, napakalaki ng tsansa na manligaw si Echizen kapag nakita niya ang mga litrato."
"Tingnan na lang natin sa mga susunod na mga araw."
To be continued!
MoonlightAkatsuki29's Note: Ayos ba? Hahahahaha. Sorry kung medyo maka-TezuSaku at hindi maka-RyoSaku. Sinong mga TezuSaku dyan?! I salute you! (^_^)7 Hindi naman kasi ako maka-RyoSaku. Kauntian lang. Maka-TezuSaku, KiriSaku, YukiSaku at FujiSaku talaga ako. Okay! I need more reviews! Kapag nakakuha na ako ng mga at least 7 reviews in this chapter, we'll upload the next chapter. Yun lang! Annyeong~!
vvvdarkangelvvv: at nung aking nabasa ang kinalabasan.. Moonlight- Maka RyoSaku ako T_T pero masaya talaga ang buhay nila kung may karibal,,, o tulad ng sinabi ni pakner na makulit... PITONG REVIEWS AHH hihintayin namin kayo...
review^^
