paano ba Manligaw ang Isang Ryoma Echizen?
we dont own prince of tennis
Chapter Four
Nakarating na din sa wakas sina Tezuka at Sakuno sa ospital kung saan magpapa-check-up
si Tezuka. Malayo-layo din ang Kyuushu sa Tokyo.
"Kuya Tezuka, dito na lang muna ako sa labas." paalam ni Sakuno kay Tezuka.
"Sige. Huwag kang lalayo at baka maligaw ka." paalala ni Tezuka.
"Kuya, hindi na ako bata para maligaw. Malaki na ako." pagmamalaki ni Sakuno.
"Pero kahit first year junior high ka na, naliligaw ka pa rin." sabi ni Tezuka.
"Kuya Kunimitsu!" nahihiyang tawag nito kay Tezuka.
"Mas mabuti na iyan ang tawag mo sa akin kaysa Kuya Tezuka." nakangiting sabi ni Tezuka kay Sakuno.
"Tezuka-san." tawag na ng nurse.
"Sige, Kuya Kunimitsu. Dito lang ako." nakangiting sabi ni Sakuno at pumasok na si Tezuka sa opisina ng doktor.
Mga ilang minuto lang ang itinagal ni Tezuka sa loob ng opisina ng doktor kaya maaga silang makakapunta ng mall para kumain.
Sa kabilang dako, naisipan munang kumain nina Momo at Ryoma sa isang fastfood chain.
"Momo-senpai, limang burger, isang large fries, isang sundae at large coke lang sa akin." sabi ni Ryoma kay Momo. Para namang nalugi ang naging reaksyon ni Momo sa sinabi ni Ryoma pero wala siyang magagawa dahil ito ang usapan nila ni Ryoma bago pa lang pumunta ng mall. Ganoon na din ang in-order ni Momo para sa kanya.
Pagkatapos nilang kainin ang inorder nila, naisipan nilang mag-ikot-ikot at nakarating sila sa isang sportwear store.
Sa kabilang dako naman, mabilis ngayon ang biyahe nila dahil kaunti na ang tao. Hindi na ito katulad kaninang umaga na maraming tao. Nakarating sila ng mall ng wala pang 20 minuto kaya kumain na muna sila at nagpunta na sila sa isang arcade dahil ililibre ni Tezuka si Sakuno.
Sa isang sulok ng mall naman, nakasunod pa rin sina Fuji at Inui na nag-iimbestiga kuno.
"Fuji, na-video-han mo ba sila kanina?"
"Oo naman. Walang makakatakas sa video camera ko." nakangiting sabi ni Fuji.
Sa dako naman nina Ryoma at Momo...
"Echizen, ano sa tingin mo itong sapatos bagay ba sa akin?" tanong ni Momo habang hawak niya ang naka-display na sapatos.
"Oo. Maganda yan. Bagay sa iyo." walang ka tono-tonong sagot ni Ryoma.
"Ano ba namang klaseng sagot yan, Echizen? Senpai mo pa rin ako kahit papaano. Teka nga, mabili nga ito." sabay tingin sa tag prize na sapatos.
"Oi. Echizen, tara nga doon sa bookstore, may pinabibiling libro si Mama."
"Oh? Akala ko ba bibilhin mo? Wala ka naman palang pera." sabi ni Ryoma sabay labas ng sportwear store. Mababakas sa kanyang mukha ang iritasyon.
"Echizen, ano bang ikina-ba-badtrip mo at pati ako ay nadadamay diyan?"
"Wala! Kung may bibilhin ka, bilhin mo na." sabay lakad papuntang bookstore na nasa kabilang side ng mall. Ngunit sa hindi inaasahan, biglang huminto si Ryoma sa paglalakad, dahilan para mabunggo siya ni Momoshiro.
"Ano ba, Echizen? Bigla-bigla ka na lang humihinto." reklamo ni Momo sa kanya pero hindi niya ito pinansin.
'Kung hindi ka ba naman minamalas oh. Dito pa talaga sila pumunta.' sa isip-isip ni Ryoma.
Hindi talaga kanais-nais ang nasasaksihan ng kanyang mga mata. Hindi niya talaga mapigilan ang hindi ma-badtrip nang dahil sa kanyang nakita. Pakiramdam niya ay gusto niyang manuntok.
"Ano ba, Echizen? Sino bang tinitingnan mo diyan?" sabay dako din ni Momo kung saan nakatingin si Ryoma ngunit wala naman siyang nakitang kakilala. Wala. Puro mga kabataan lang na naglalaro sa arcade.
"May chicks ba, Echizen? Nasaan ba diyan?" biglang tanong ni Momoshiro.
"Oo, may chicks nga kaso may bakod na." iritadong sagot ni Ryoma.
"Momo-senpai, makakapag-hintay naman siguro iyang libro, di ba?" tanong ni Ryoma kay Momo sabay tingin ng subukang-mong-kontrahin-ako tingin.
"Oo naman. Madami pa namang copy noon."
"Tara sa arcade. Bulabugin natin." sabi ni Ryoma sabay punta sa arcade center ng mall. Napa-nga-nga na lang si Momo sa sinabi ni Ryoma.
"Umm, Kuya Kunimitsu, thank you po sa pag libre sa akin dito." mahinhing pasasalamat ni Sakuno.
"Pangatlong thank you mo na iyan, Sakuno."
"Ah. Sorry po."
"At pang-walong sorry mo naman iyan. Tara na nga lang. Maglibang muna tayo." sabay hulog ng dalawang token sa Hockey.
"Ang matalo, may consequence." sabi ni Tezuka ng medyo nakangiti.
"Kuya Kunimitsu naman eh, wala namang akong laban sa iyo." at nag start na nga ang kasiyahan nilang dalawa.
"Yehey! Lamang ako ng isa sa iyo, Kuya Kunimitsu! Nanalo ako!" nakangiting hanggang langit na sambit ni Sakuno.
"Ang galing mo na, Sakuno. Natatalo mo na ako." sabay hawak ni Tezuka sa pisngi ni Sakuno at biglang...
BANG!
"Whoa! Pare, tingnan mo iyong batang maliit."
"Grabe. Ang lakas noong suntok niya, pare! Highest score!"
"Oi, Echizen, ang lakas ng suntok mo doon ah! Ang daming ticket." sabi ni Momo na halatang natatakot na sa mga ikinikilos ni Ryoma.
'Ano ba naman! Masyado silang PDA! Ang dami kayang tao!' nairita lalo si Ryoma nang dahil sa mga nakita niya.
"Echizen, ano ba talagang problema mo, ha? Kanina pa iba iyang kinikilos mo." sabi ni Momo habang binibilang ang ticket na nakuha nila, ni Ryoma lang pala. Bigla namang may nakita si Momo.
"Oh! Captain! Nandito ka pala!" sabi ni Momo.
"At kasama pa si Ryuuzaki! Hi, Ryuuzaki!" pagpapatuloy ni Momo.
"Hello po, Momo-senpai. Hello, Ryoma-kun." sabi ni Sakuno at napatitig naman ito kay Ryoma. Si Ryoma naman, hindi makatitig.
"Kayo pala ang pinag-uusapang new records sa punching machine." sabi ni Tezuka.
"Hindi naman. Si Echizen lang po iyon, Captain." sagot naman ni Momo.
"Kaya pala iba ang timplada ni Echizen eh." sabay malagkit na tingin ni Momo kay Ryoma. Samantala si Ryoma,
'Malalagot ka sa akin mamaya, Momo-senpai.'
"Wow, Ryoma-kun, ang galing mo naman. Pangalawa ka sa highest score. Kaunti na lang ma-be-beat mo na ang record ni Kuya Kunimitsu." sabi ni Sakuno ng may giliw sa kanyang mukha.
'Heh. Ayos ito ah. Kunimitsu na pala ang tawag ni Ryuuzaki kay Captain. Ano na kaya ang gagawin ni Echizen nito?' nasa isip naman ni Momo.
"Tsk. Dapat pala, nilakasan ko pa. Natalo ko sana." bulong ni Ryoma.
'Huh? Bakit kaya mukhang irita si Ryoma-kun? Nakaka-istorbo yata kami sa kanila.' tanong ni Sakuno sa sarili.
"Ah, Captain, bakit nga pala kayo nag de-date ni Ryuuzaki?" tanong ni Momo.
"Gusto mo bang madagdagan ang laps mo para sa Lunes?"
"Ah. Hehehehe. Si Captain naman. Chillax lang."
"Momo-senpai, tara na. Nakaka-istorbo tayo, sa date nila." sarkastikong sabi ni Ryoma at sabay lakad at iniwan na niya si Momo.
"Momo-senpai, mali ka ng iniisip sa amin ni Kuya Kunimitsu." mahiya-hiyang sabi ni
Sakuno.
"Ah, eh, sige, Captain, Ryuuzaki, una na po ako. Iniwan na ako ni Ryoma eh." paalam ni Momo sabay eskapo.
"Anou, Kuya Kunimitsu." mahinang sabi ni Sakuno.
'Paano na ito? Baka isipin ni Ryoma-kun at Momo-senpai na may relasyon kami ni Kuya. Paano kapag ganoon ang nasa isip ni Ryoma-kun?' sa isip-isip ni Sakuno. Malungkot ang ekspresyon ng mukha nito.
"Huwag mo nang isipin iyong sinabi ni Momoshiro."
"Pero Kuya, si Ryoma." mahinang sabi ni Sakuno.
"Hindi magre-react ang tao kung wala itong nararamdaman. Tara na, Sakuno, mag-aaral na
tayo." sabay hawak nito sa kamay ni Sakuno. HHWW daw ba. Hindi na ito napansin ni Sakuno dahil lumilipad ang isip nito.
'Tama si Kuya Kunimitsu. Wala lang siguro kay Ryoma kahit makita niya akong may kasamang iba. Sino ba naman ako para isipin iyon? In the first place, ako lang naman ang may gusto sa kanya.' nasa isip ni Sakuno.
Sa dako naman nina Ryoma at Momo...
"Hoy, Echizen, hintayin mo nga ako!"
"Lubayan mo nga ako, Momo-senpai." iritang-irita na sabi ni Ryoma.
"Aba ! Masokista ka pala eh! Ikaw ang nag-yayang pumunta ng arcade!" sabi ni Momo.
"Selos ka 'noh?" pagpapatuloy ni Momo sabay siko nito sa tagiliran ni Echizen.
"Selos ka dyan. Eh di, mag date sila. Tsk. Para namang may pakialam ako."
"Wushu! Selos lang iyan! Hayaan mo. Hindi naman date iyon, sabi ni Ryuuzaki." at dahil sa sinabing ito ni Momoshiro biglang huminto sa paglakad si Echizen.
"Talaga? Eh bakit Kunimitsu ang tawag ni Sakuno kay Captain?"
"Ewan ko. Sa kanila mo itanong at huwag sa akin." sagot ni Momo.
"So, hindi sila nagliligawan?" natanong ni Ryoma at biglang nagningning ang kanyang mga mata pero hindi ito nahalata ni Momo.
"Eh kung nagliligawan nga iyong dalawa? Anong gagawin mo? Uuyy! Magseselos siya! Aminin mo na kasi!" nakakalokong sabi ni Momo habang pinipindot nito ang pisngi ni Ryoma.
"Che!" at tuluyan na nitong nilayasan si Momo.
"Sus! Magseselos na nga lang, ayaw pang aminin. Bahala ka nga."
Nilubayan na nga si Ryoma ng kanyang Momo-senpai.
"Nakakabanas talagang itong araw na ito. Hindi daw date pero kung maka-PDA, akala mo
sila! Akala ko ba sa akin siya nag chi-cheer?! Iyon pala, sa iba nag-chi-cheer! Walang hiya ka, Kupido. Tinamaan mo nga ako. Bakit sa kanya, daplis lang?" tuloy-tuloy na sabi ni Ryoma sa kanyang isip.
Sa isang sulok kung saan nagtatago ang partners-in-crime na sina Fuji at Inui...
"Neh, Inui. Kanino ka kampi? Kay Tezuka o kay Echizen?" tanong ni Fuji.
"Kanino pa ba? Eh di kay Tezuka. Alam naman natin na bato ang puso ni Tezuka kaya kailangan nating gumawa ng paraan para mapalambot ang bato niyang puso pero sa mga kalkulasyon ko, si Ryuuzaki lang ang nakakaalam kung sino ba talaga ang gusto niya."
"Kawawa naman si Echizen kung ganoon. Kailangan din ni Echizen ng mga katulong para mapasakanya si Sakuno. Alam ko naman na si Momoshiro ay nasa panig ni Echizen at pati na rin si Eiji. Sa tingin ko, sa atin papanig si Kaidoh at si Kawamura at si Oishi naman ay sa panig ni Echizen dahil nandoon ang kanyang kapareha." paliwanag ni Fuji.
"Maghintay pa tayo ng ilan pang mga araw. Baka malaman kaagad ni Tezuka ang mga plano natin. Pero sa kalkulasyon ko ngayon, 0.01% lang ang tsansa na magkaroon ng pagtingin si Tezuka kay Ryuuzaki dahil ang turing ni Tezuka kay Ryuuzaki ay isang nakababatang babaeng kapatid." paliwanag naman ni Inui.
"Bahala na si Batman."
we dont own PRINCE OF TENNIS
