Vvvdarkangelvvv: pag pasensyahan mga ka babayan at ngayon lang ako nag update. Actually last December pa to pinasa sa akin ng pakners ko na si moonlightAkatsuki29 kaso pag pasensyahan niyo nap o ang inyong lingcod. Pinabaunan po kasi kami ng sandamakmak na mga schoolworks n gaming mga prof . -_- akala ko sa anime lng nagaganap yung pag papabaon ng mga assignment sa holiday break pati pala kolehiyo ipag paumanhin nio po

Diskleymer: ang Prince of Tennis ay hindi pos a akin o kay MoonlightAkatsuki29. At muli ang chapter na ito ay hindi nag mula sa aking makolesterol na utak.

Enjoy!

Chapter Five

Lunes. Hindi pa rin matanggal sa isipan ni Sakuno kung ano nga ba talaga ang iniisip ni Ryoma tungkol sa kanila ng kanyang Kuya Kunimitsu.

"Magandang umaga." narinig nito mula sa likuran niya. Lumingon ito at nakita niya ang kanyang senpai. Si Fuji.

"Magandang umaga rin, Fuji-senpai." nakangiting bati nito kay Fuji.

"Malapit na ang klase mo. Baka mahuli ka na." sabi nito habang nakangiti at nagsimula na ulit itong maglakad papunta sa kanilang eskuwelahan. Ngumiti na lang si Sakuno at bumalik na ulit siya sa kanyang iniisip.

'Ano na kaya ang iniisip ni Ryoma-kun ngayon? Hindi naman talaga kami nag-date ni Kuya Kunimitsu noong Sabado. Sinamahan ko lang naman siya sa ospital sa Kyuushu at kumain lang kami sa isang fastfood chain sa mall at pagkatapos noon ay naglaro-laro kami ng kaunti at umuwi na para maturuan ako ni Kuya Kunimitsu. Siguro naman ay hindi naman siya nag-iisip na may relasyon kami ni Kuya Kunimitsu.' nasa isip ni Sakuno.

"Sakuno-chan~." bulong ni Fuji sa kanyang tenga na ikinagulat niya.

"Fuji-senpai, bakit?" namumulang tanong nito kay Fuji. Hindi niya kasi maiwasang mamula dahil ang lapit-lapit ng mukha ni Fuji sa kanyang mukha.

"Tatlong beses na kitang tinatawag pero parang hindi mo man lang naririnig ito. Malalim yata ang iniisip mo." sabi ni Fuji na para bang nagtatampo.

"Pasensya na, Fuji-senpai." nasabi na lang ni Sakuno.

Biglang napangiti si Fuji. Alam kasi nito ang iniisip ni Sakuno. May plano na sila ni Inui. Pinlano nila ito kahapon. Base sa mga kalkulasyon ni Inui, hinding-hindi papalya ang mga plano nila. Umaayon kasi ito.

Sa isang dako naman, habang naglalakad sina Momo at Ryoma papunta sa eskuwelahan ay hindi nila inaasahan na makita sina Sakuno at Fuji na sabay na naglalakad.

"Oi. Echizen, magkasabay sina Fuji-senpai at Ryuuzaki, oh." sabi ni Momo kay Ryoma sabay turo kina Fuji at Sakuno. Tumingin naman si Echizen kina Fuji at Sakuno.

Bigla siyang nakaramdam ng selos at galit. Oo, hindi maitatanggi na nagseselos siya. Nitong nakaraang araw ay napagtanto niya na nagkakagusto na siya kay Ryuuzaki. Lagi na lang kasi siyang nagagalit, na-ba-badtrip at parang pasan ang buong mundo sa tuwing may lumalapit kay Ryuuzaki na ibang lalaki. Napagtanto na din niya na gusto niya itong ligawan at maging girlfriend. Pero ang tanong, paano niya ito maliligawan kung lagi itong may kasamang ibang lalaki? May isa pang bumabagabag sa kanya. Ano ang relasyon ng kanyang Captain kay Ryuuzaki?

"Echizen, ano na ang gagawin mo?" tanong sa kanya ni Momo.

"Hindi ko alam. Kailangan ko ngayon ng anghel na tutulungan ako para maligawan si Ryuuzaki." sabi nito.

Determinado na talaga siya ngayon. Liligawan na niya ngayon si Ryuuzaki. Gagawin niya ang lahat para lang maging girlfriend ito at hindi niya ito pakakawalan kapag naging girlfriend na niya ito. Pero paano?

Biglang napangiti si Momo. Kailangan niya ngayon ang kanyang Eiji-senpai. Kailangan nilang tulungan ang kanilang Bunsoy. Nakikita kasi ni Momo sa mga mata ni Ryoma na gustong-gusto talaga nito si Ryuuzaki. Sila ang magiging angel in disguise ni Ryoma.

Sa classroom. Kadarating lang ni Sakuno nang biglang may tumawag sa kanya na isang kaklase.

"Sakuno, hinahanap ka ng Captain ng Tennis Team." sabi nito sa kanya at napatingin ito sa may pintuan.

Ngumiti si Tezuka. Isang ngiti na bihirang-bihirang makita mula sa kanya. Nilapitan siya ni Sakuno.

"Kuya Kunimitsu, magandang umaga."

"Magandang umaga din, Sakuno. Pero bakit parang malungkot ka?" tanong nito kay Sakuno.

"Hindi ako malungkot, Kuya. May iniisip lang ako." pagtatapat nito.

"Pero sa tingin ko, malungkot ang iniisip mo kaya ka malungkot. Kung iyong kay Echizen ang iniisip mo, huwag kang mag-alala. Tanda mo pa ba ang sinabi ko?" tanong nito kay Sakuno.

"Hindi magre-react ang tao kung wala itong nararamdaman." sabi ni Sakuno.

"Iyon naman pala. Sige na. Huwag ka ng malungkot." sabi nito at ngumiti ulit ito. Napangiti naman si Sakuno.

Biglang dumating si Ryoma. Hindi na alam ni Ryoma ang gagawin niya. Gustong-gusto niyang pumagitna kina Sakuno at Tezuka. Nakita kasi nito na masaya ang dalawa.

Ang hindi alam ni Ryoma, Sakuno, at Tezuka, may apat na pares na mga mata ang nakatingin sa kanila. Sina Eiji at Momo at sina Fuji at Inui. Kung tutuusin, hindi gusto ng apat ang nangyayari. Kailangan na nilang kumilos. Kung hindi, walang mangyayari sa tatlo.

Lunch break. Ang ichinen-trio, si Tomoka, Ryoma, Sakuno, Momo, Eiji at Oishi ay sabay-sabay na kumakain ng kanilang tanghalian sa isang lilim na malapit sa may school field.

"Saku-chan, may nahahalata lang ako." biglang sabi ni Tomoka at napatingin si Sakuno sa kanya.

"Ano naman, Tomo-chan?" tanong nito at sumubo ito.

"Masyado kayong close ni Captain Tezuka nitong mga nakaraang araw." sabi ni Tomoka at muntikan nang mabilaukan si Sakuno. Bigla namang inabutan ni Oishi si Sakuno ng tubig.

"K-kasi, anou, h-hindi naman sa ganoon." sabi ni Sakuno pagkatapos nitong uminom.

Parang nairita si Ryoma sa pinag-uusapan nila. Hindi na siya nakatiis at bigla siyang tumayo.

"Bakit ba palagi na lang si Captain ang pinag-uusapan ninyo? Bakit palagi na lang si Captain? Captain dito, Captain doon. Nandito naman ako, ah." tuloy-tuloy na sabi ni Ryoma. Natigilan naman ang lahat, lalong-lalo na si Sakuno.

Pakiwari ni Sakuno ay may iba pang ibig sabihin ng huling pangungusap ni Ryoma. Napaisip ito.

'Ang ibig sabihin ba nito, may gusto din si Ryoma-kun sa akin? Hindi. Hindi, Sakuno. Masyado kang nag-iisip. Hindi magkakagusto si Ryoma-kun sa isang lampang katulad ko.' nasa isip ni Sakuno.

Napangisi na lang sina Eiji at Momo. Umaayon kasi sa plano nila ang nangyayari. Si Oishi naman, biglang nag-alala ng biglang mag-walk out si Ryoma. Ang ichinen-trio at si Tomoka naman ay tulala pa rin.

Sa isang dako naman. Habang nasa may locker room, sa Tennis Club Room, sina Tezuka, Fuji at Inui, biglang nagsalita si Fuji.

"Neh, Inui. Saan kumakain ng lunch sina Sakuno-chan?" tanong ni Fuji kay Inui.

"Ayon sa data ko, nasa isang lilim sila, malapit sa may school field, kumakain kasama sina Eiji, Momo, at Oishi." sabi ni Inui habang binabasa ang nakasulat sa kanyang berdeng notebook.

"Nandoon si Echizen, hindi ba?" tanong ulit nito.

"Oo. At ayon sa data ko, sa ngayon, nag-walk out si Echizen." sabi nito at biglang bumukas ang mga mata ni Fuji. Kitang-kita dito ang pagiging seryoso.

"Tara na, Inui." sabi ni Fuji at tumango si Inui.

Sa isang tabi, nandoon si Tezuka, hawak ang isang papel. May nakasulat dito na hindi naman niya alam kung para saan. Ang nakasulat lang dito ay: Six Ways On What To Do To Assure That The Girl You're Going To Court Will Say Yes. Biglang napaisip si Tezuka.

'May nililigawan ba ako? Wala naman, hindi ba?' nasa isip nito.

Sa labas ng locker room. Nakita nila Fuji at Inui na naglalakad papunta sa locker room si Echizen. Nahalata nila na badtrip si Ryoma.

"Sa tingin mo, Inui, kumagat ba sa pa-in natin si Tezuka?" tanong nito kay Inui.

"Sa kalkulasyon ko, 49% nito ay kumagat ito at 51% naman na hindi ito kumagat. Pero, ano mang tsansa ay pwede maging 100%." sabi ni Inui.

"Ano na kaya ang susunod na gagawin nina Eiji?" natanong ni Fuji.

Sa pagkakataong ito, magkalaban ang panig nina Eiji at Momo at panig nina Inui at Fuji. Pero ayon sa data ni Inui, natatakot ang kabilang panig sa kanila dahil naturingan silang isa sa mga nakakatakot na partners-in-crime at alam ito nina Eiji. Pero kahit na ganito ang nangyayari, wala sa kanila man ang gustong sumuko dahil gusto nilang magtagumpay ang kanilang mga ipinaglalaban. Sino kaya sa dalawa ang pipiliin ni Sakuno? Ang kanyang Kuya Kunimitsu na sa kanya lang nagpapakita ng ngiti o si Ryoma na matagal na niyang hinahangaan?