Paano ba Manligaw ang Isang Ryoma Echizen?
Disclaimers: Hindi po sa amin ang Prince of Tennis, lalong-lalo na po ang mga characters.
Chapter Six
Hindi maisip-isip ni Tezuka kung sino ang naglagay sa may locker niya ng papel na iyon. Hindi naman siya pwedeng manghusga pero may kutob siya na sina Fuji at Inui ang naglagay ng papel na iyon.
Sa kabilang dako, habang naglalakad si Ryoma papunta sa isang tahimik na lugar, nasa isip pa rin niya kung ano ang sinabi niya kanina sa harap nina Sakuno.
'Aaaah! Bakit ko ba sinabi iyon?! Baka mahalata niya na gusto ko siya! Paano ko na siya maliligawan kung maiilang siya sa akin?! Ikaw naman kasi, Ryoma, kung ano-ano ang lumalabas sa bibig mo!' nasa isip ni Ryoma.
"Ryoma-kun." narinig nito at alam niya kung sino ito. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi siya makalingon dahil baka makita nito na namumula siya.
"Ryoma-kun, galit ka ba? Pasensya na." sabi nito sa mababang boses.
"H-h-hindi ako galit." nasabi nito. Nahihiya siya sa sarili niya. Bakit ba kasi siya nauutal?
"Pasensya na. Wala naman talaga kaming relasyon ni Kuya Kunimitsu. Kaya lang naman ako laging pinupuntahan at kinakausap ni Kuya kasi tinuturuan niya ako. At tsaka, ikaw naman ang gusto ko." sabi pa rin ni Sakuno sa mahinang boses na aakalain mong bulong pero rinig pa rin ito ni Ryoma.
Nabigla si Ryoma sa sinabi ni Sakuno. Hindi niya inakalang may gusto rin ito sa kanya. Ang alam naman kasi niya ay hindi totoo ang sabi-sabi na may gusto ito sa kanya. Hindi kasi siya naniniwala sa mga sabi-sabi.
"Totoo ba ang sinabi mo?" tanong na ni Ryoma. Lumingon na ito. Masyado kasi siyang nabigla pero hindi niya ito ipinahalata.
"Oo. Totoo ang lahat nang sinabi ko. Sorry, Ryoma-kun." sabi nito sa mahinang boses pa rin. Lumapit si Ryoma dito at hinawakan ang mga kamay nito. Nabigla naman si Sakuno sa naging aksyon ni Ryoma.
"Bakit ka ba nag-so-sorry? Hindi naman ako galit." sabi ni Ryoma kay Sakuno at bigla itong napangiti.
"Talaga?" tanong nito.
"Oo. Kanina ko pa sinabi na hindi ako galit, ah." sabi ni Ryoma at ngumiti isang sulok malapit kina Sakuno at Ryoma. Nadidismayang tumingin si Fuji sa kanyang nakikita. Labag man sa kalooban niya pero kailangan nilang itigil na ang mga plano nila. Kung tutuusin, hindi naman talaga magkakaroon ng tsansa na magkaroon ng pagtingin si Tezuka kay Sakuno.
"Inui, itigil na natin ito. Wala na tayong magagawa. Si Sakuno-chan na mismo ang nagsabi kung sino talaga ang gusto niya. Hindi naman natin pwedeng ipagpilitan si Tezuka sa kanya."
"Siguro nga. Ang gagawin na natin ngayon ay ang tulungan si Echizen. Kung hindi man nating natulungan si Tezuka, si Echizen naman ngayon ang tulungan natin." sabi ni Inui at tumango naman si Fuji.
Sa dako naman nina Sakuno at Ryoma. Hindi na alam ni Ryoma kung ano ang sasabihin niya. Gusto niya kasing itanong kung pwede siyang manligaw pero parang walang lumalabas sa bibig niya.
"Echizen." narinig ni Ryoma. Napalingon naman kaagad ito dahil si Tezuka ang tumawag sa kanya. Napakunot naman kaagad siya ng noo.
"Bakit, Captain?" tanong nito.
"Ikaw yata ang may kailangan nito." sabi ni Tezuka sa kanya kasabay ng pag-abot nito ng isang papel. Kinuha ito ni Ryoma at binasa ang nakasulat. Nanlaki naman kaagad ang kanyang mga mata.
'Six Ways on How To Court the Girl of Your Dreams?!'nasaisipniRyoma.
"Captain, kanino mo ito nakuha?" tanong ni Ryoma sa kanyang Captain.
"May naglagay lang niyan sa aking locker. Hindi ko naman iyan magagamit kaya ibinibigay ko na lang sa iyo. Sa tingin ko, kailangan mo iyan ngayon." sagot ni Tezuka sa kanya.
"Ah, eh, sige, Captain. Salamat dito." pasasalamat ni Ryoma kay Tezuka. Tumango lang ito at umalis na. Tiningnan naman niya si Sakuno.
"Namumula ka. Bakit?" tanong nito kay Sakuno.
"K-k-kasi, y-y-yung k-kamay ko." pabulong na sagot ni Sakuno. Napansin naman ni Ryoma na hawak pa nito ang kamay ni Sakuno kaya dali-dali nitong binitawan ang mga kamay nito. Hindi nito maiwasang hindi mamula.
"A-anou, R-ryoma-kun, mauna na ako." paalam ni Sakuno sa kanya. Bago pa man makalakad si Sakuno, hinila ni Ryoma ang kamay nito at sinabing,
"Pwede ba kitang ligawan?"
"H-ha? A-anong sinabi mo?" hindi kasi makapaniwala si Sakuno sa sinabi ni Ryoma, kaya gusto niyang ulitin ito ni Ryoma para naman hindi siya umasa.
"Pwede ba kitang ligawan?"
Hindi nga nagkamali ng rinig si Sakuno. Sa bibig na mismo ng gusto niya, ni Ryoma nanggaling ang mga salitang iyon. Napangiti siya bigla.
"Oo. Pwede mo akong ligawan." walang anu-anong sagot ni Sakuno sa tanong ni Ryoma.
Simula na ng bagong kabanata ng buhay nila. Ano kaya ang mangyayari sa pagliligawan nina Ryoma at Sakuno? Makakamit ba ni Ryoma ang matamis na oo ni Sakuno o magmumukmok ito ng isang linggo sa loob ng kwarto nito dahil binasted siya ni Sakuno?
To be continued.
MoonlightAkatsuki29's Note: Annyeonghaseyo! Pasensya sa sobrang tagal na update. Busy kasi sa school. Syempre, college na, so, dapat na pagbutihin ang pag-aaral. By the way, sa mga nag-review last time, thank you. Ang sagot po sa katanungan ng isa sa reader na si chymie, there will be 12 or 13 chapters in this story. So, kung nasa Chapter Six pa lang tayo, seven or six chapters to go. And, yes, may listahan na po ng mga ways para manligaw si Ryoma. Sana ayos lang ang mga ways na ginawa ko. Sa totoo lang, hindi ko sigurado kung maganda iyong mga ways kasi napulot lang ang mga iyon sa aking utak. Pasgpasensyahan na lang kung hindi maganda. So, don't forget to review! Kamsahamnida~ :)
