Buhay Gangster

Kalat na kalat nasa buong Konohagakure ang balitang nagreturn of the comeback ni Haruno Sakura. Kasimbilis ng forest fire ang pagkalat ng balita at parang mga ipis na nagsisisulputan ang mga chismoso na pumupunta sa bahay nila upang makita ang kasama niyang bata. Well, three years ago na ang nakaraan mula ng maganap ang bagay na hindi niya inaasahan.

"Napaka-gwapong bata!", sambit ng isang matandang kunoichi.

"Ang swerte mo naman ija, paniguradong heredero na ng buong Uchiha Clan ang batang iyan.", wika pa ng isa.

"Sinabi nyo pa, at sa wakas makakabayad narin kami ng pagkakautang ng dahil sa bata na iyan.", proud na proud na sabi ng nanay ni Sakura.

"Inay naman.", nahihiyang sabi ni Sakura sabay bawi sa kanyang reaksyon. Teka, papaanong nalaman ng mga taong bayan na si Sasuke ang ama ng cute na batang dala niya?

"Sandali lang po ha, gusto ko lang pong linawin ang isang bagay.", wika ni Sakura ngunit wala nang nakikinig sa kanya.

Inaakala pa naman niya ay palalayasin na siya ng kanyang nanay dahil sa naguwi siya ng isang bata, pero mukhang proud na proud pa ito at kung anu-ano na ang iniisip na bibilin nila kapag pinagbenta na nila ang magiging mana ng batang Uchiha. Sa inis ni Sakura ay umalis nalang siya ng bahay nila leaving the child to her ambitious mother.

"Ano? Sakura, bakit napakabilis mo namang bumigay kay Sasuke?", naghihisteryang tanong ni Narutong kulugo.

"Hay naku, akala ko pa naman ikaw lang ang makakaunawa sakin, nun pala kasing kitid ng butas ng karayom ang utak mo, teka, eh may utak ka nga ba?", tanong ni Sakura.

"Sakura naman…", tugon ng kulugo na wari'y na-offend sa sinabi ni pink hair.

"Hay… mabuti pa pakinggan mo muna ang kwento ko kung ano talaga ang nangyari.", sabi ni Sakura sabay higop sa sabaw ng ramen.

Napalunok si Naruto. "Wag Sakura, wag mong i-pollute ang utak ko sa mga bagay na pinaggagawa nyo ni Sasuke.", sabi ni Naruto na iiling-iling.

"Ang sabi ko making ka sa kwento ko!", sigaw ni Sakura sabay dagok sa ulo ni kulugo. "Ganito kasi yan…", salaysay niya.

FLASHBACK:

"Katulad ng matagal ko nang sinasabi, I want to restore the Uchiha clan. Sakura pwede bang…", naputol na mga salita ni Sasuke.

"Wala pa akong experience sa bagay na iyan, I'm too young for that..", wika ni Sakura na parang uod na nagpapapalag.

"Bakit, ako rin naman ah, ano akala mo sakin may experience na?", he asked sadly.

"Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko, isa pa magagalit sakin si Master Tsunade.", Sakura insisted na nagpapakipot pa.

'Bakit naman kasing masyado mong idol yung matandang Hokage na yun, eh itutulad ka lang nya sa kanya.', Sasuke tries to convince Sakura.

"Pero Sasuke…", nagdadalawang isip na sabi ni Sakura.

"Bakit ayaw mo ba ng souvenir?.", sabi ni Sasuke seductively.

"Hay naku Sasuke pwede ba, hindi ako babysitter hano.", tugon ni Sakura. (Oo tama ang nababasa mo, may dalang baby si Sasuke na gusto niyang ipa-alaga kay Sakura)

"Wala na kasi akong mapag-iwanan sa kanya eh, kawawa naman si Yuichi kung lalaki syang kasama ko.", Sasuke replied with matching paawa effect.

"Hmmp… ayoko.", pagmamatigas ni Sakura.

"Matitiis ban g konsensya mong makita na lumaking isang gangster ang walang kamuwang muwang na sanggol na ito, Sakura?", pangongonsensya ni Sasuke.

"Bakit ayaw mo kasing ibigay kay Karin, bakit ayaw nyang alagaan yung anak nyo.", sabi ni Sakura na nakairap pa habang nakahalukipkip.

"Anak? Anong anak, 'di anak ni Karin si Yuichi noh. Di ka pala updated, syota ni Suigetsu si Karin.", pagtutol ni Sasuke.

"Talaga?", medyo umaliwalas ang mukha ni Sakura. "Hmmmp, ayoko pa rin. Isauli mo nalang yang bata na yan sa nanay niya.", matigas pa rin ang loob ni Sakura.

"Wala na siyang nanay, namatay nung pinanganak siya.", paliwanag ni Sasuke while looking at the basket containing the baby Uchiha.

"Ganun ba?", parang naawang tugon ni Sakura.

"Oo, at isa pa, wala na akong pwedeng ibang pagkatiwalaan liban sa'yo. Itinakwil kasi matagal na yung nanay ni Yuichi, at katulad ng alam mo, wala naman na akong ibang kapamilya para pag-iwana sa kanya. Kaya Sakura, sige na, pwede bang ikaw nalang ang tumayong mommy ni Yuichi?", pagmamakaawa ni Sasuke.

May parang langgam na kumurot sa puso ni Sakura. Flattered siyang marinig na ipinapakiusap ni Sasuke na siya ang maging mommy ng baby, at the same time naiinis siya dahil bakit kailangan niyang alagaan ang anak ng iba, ano siya, kirida?

"Pag-iisipan ko.", wika niya kay Sasuke.

"Pero Sakura, wala na akong oras, kailangan ko nang lumipat ng bayan, balita ko pinapa-espiyahan dawn g Konoha ang bawat hakbang ko.", paliwanag ni Sasuke.

Hindi makareact si Sakura, eh kasi nga siya yung espiya na tinutukoy ni Sasuke.

Pero teka… ano nga pala ang ginagawa mo dito sa Amegakure?", biglang tanong ni Sasuke.

"Ha? Ah eh… kasi….", hindi na alam ni Sakura ang idadahilan.

"Hmmm?", parang nanghihingi ng kasagutan si Sasuke.

"Naku patay, baka mabuking na niya ang tunay kong misyon.", sabi ng inner Sakura. "Ah kasi, nandito ako para sa…"

"Para sa?", curious si Sasuke.

"Uhmm…", pag-iisip ni Sakura nang siya ay mapalingon sa terrarium (miniature garden na nasa loob ng aquarium) na nakapatong sa lamesa. "Makikipagkita kasi ako kay Gaara.", biglang sambit ni pink hair unconsciously.

Napatulala na lang si Sasuke sa narinig.

"At kalian pa kayo nagsimulang magkamabutihan? At dito pa sa Hotel na may promo for couple pa. Wala na bang pera si Gaara at dito niya napiling makipag-date", pang-ookray ni Sasuke.

"nagsalita ang di naghihirap, eh bakit ikaw, kung di mo syota si Karin eh bakit nagpanggap pa kayo para lang maka-avail ng promo?", Sakura replied na pinagpapawisan na ng butil butil. "Ang talino mo talaga Sakura.", wika nya sa sarili.

Walang masabi si Sasuke,"Sige Sakura aalis na ako, basta ikaw na ang bahala kay Yuichi ha. Nga pala, pakiusap ko lang sana, paki-adopt parin yung apelyidong Uchiha, kasi kami nalang dalawa ang natatanging Uchiha sa buong mundo.", At tuluyang umalis si Sasuke.

"Sandali lang Sasuke, pwede bang sumunod ako sa iyo sa loob ng tatlong taon? Gusto ko kasing makita mo si Yuichi habang lumalaki siya.", tanong ni Sakura kasi bigla niyang naalala ang kanyang misyon.

"Sige ba.", sagot ni Sasuke na halatadong nabunutan ng tinik.

END OF FLASHBACK

"So yun ang nangyari. Kaya please lang wag nyong isipin na anak ko ang bastardong bata na yun. Ginamit ko lang din siya para magawa ko yung misyon ko na di napapahamak.", dugtong ni Sakura.

"Wah, may sinasabi ka ba Sakura?", tanong ng kulugo na since Sakura started narrating the story ay di pala nakikinig sa kanya.

"Grrrrr…", Sakura is so angry that she slap Naruto on the face sabay walk-out.

Sa ayaw at sa gusto ni Sakura ay pinuntahan niya si Tandang Tsunade para sa report nya sa katatapos na misyon.

"Di ba't ang sabi ko ayoko kitang makita? Mission failed ang trabaho mo!", pagbubunganga ng Hokage.

"Pero Master Tsunade, magpapaliwanag po ako.", pakiusap ni Sakura.

Buti na lang at medyo nagsubside na ang galit ng matandang dalaga kaya't pinakinggan niya ang reason out ni Sakura.

"Eh bakit ngayon mo lang sa akin sinabi!", pagbubunganga nanaman ng Hokage.

"Sinusubukan ko pong magpaliwanag sa inyo pero ayaw nyo kong pansinin..", tugon ni Sakura.

"Oh siya, siya, naniniwala na ko sayo. At ano naman ang natuklasan mo habang legal mong sinusubaybayan si Sasuke Uchiha?", tanong ni Tsunade.

"Napag-alaman ko po na mahilig magpalipat lipat ng hide-out ang mga Akatsuki, ngunit ang headquarters nila ay sa Isla Kumunoy. Tumatanggap sila ng mga class-S misyon mula sa mga panginoong may lupa kapalit ang malalaking halaga ng salapi, pero bwisit na Sasuke, hindi manlang sustentuhan yung anak niya. ", side comment ni Sakura.

"Tapos?", tanong ni Tsunade.

"Kung minsan naka-disguise sila bilang manikurista, basurero, macho dancer, magtataho at pedicab drayber, depende sa pangangailangan kapag may tinitiktikan sila. Munktik ko na ngang bayaran si Sasuke para sumayaw ng Careless Whisper nung nagspy siya sa matronang girlfriend ng isang panginoong may lupa. Sayang nga lang di nya ko pinatulan. ", paglalahad ni Sakura.

"Sa-ku-ra!", bulyaw ng matandang dalaga.

"Bakit po master Tsunade?", tanong ni Sakura na nanginginig sa takot.

"Bakit naman pinalagpas mo ang pagkakataon na iyon, dapat kinuhanan mo ng picture si Sasuke na mukhang jigolo para may pangblack mail ka sa kanya. Wala mahina ka, tsk tsk.", panghihinayang ni Tsunade.

At dahil konpidensyal ang ulat ni Sakura, ipinasya ni Tsunade na hayaang maging lihim ang katauhan ni Yuichi Uchiha.

Dumating na ang araw ng pagbaba ni Tsunade sa pagiging Hokage. Ready na kasi ang grand opening ng Tsunade Medical Group of Companies. Ipinasa na niya kasi ang kanyang title walang iba kundi sa Copy Ninjang si Hatake Kakashi. Naging maayos ang seremonya ng turn-over na dinaluhan ng mga mahahalagang personalidad mula sa iba't ibang bansa.

"Binabati kita Kakashi, mabuti nalang at hindi si Naruto ang nagging Hokage.", sambit ni Gaara.

Nangiti nalang si Kakashi (pero syempre walang nakakaalam nun kasi nakamaskara parin siya) sa narinig, para ba kasing sinabi ng Kazekage na no choice nalang ang Konoha kaya siya ang ginawang Kage.

"Uy, nandito ka na pala Gaara. Long time no see ah.", bati ni Naruto kay Gaara.

Nang marinig iyon ni Sakura agad siyang nagtago pero too bad dahil nahuli siya ni Temari.

"San ka pupunta Sakura?", tanong nito.

"Ah, sa CR lang..", palusot ni Sakura.

"Sakura?", patanong na wika ni Gaara.

Unti-unting nilingon ni Sakura ang binatang Kazekage at halatadong tense na tense siya.

"Hi.. Gaara.. long time no see.", bati niya dahil nagkasukulan na.

"Bakit may pinakalat kang chismis 3 years ago?", prankang tanong ng Kazekage.

"Anong chismis?", pagmamaang maangan ni Sakura.

"Pinuntahan ako ni Sasuke at nagbigay ng death threat sa akin. Susunugin nya daw ang buong Suna kapag di pa ako tumigil ng pakikipagkita sayo. ", sabi ni Gaara na nagkakakunot kunot na ang noo sa galit (sorry wala siyang kilay eh kaya noo nalang).

"Huh? Wala akong alam dyan ha.", palusot ni Sakura. Kasi naman laging si Gaara ang napagtritripan nyang gawing panakip butas sa tuwing nagpapalusot siya kay Sasuke. Pero teka, si Sasuke nagbibigay ng death threat, does it mean affected siya sa mga sinasabi niyang imbento tungkol kay Gaara.

"Ah basta wala akong alam dyan.", pagmamaang maangan ni Sakura.

"Tama na nga yan, tandaan nyo nasa party tayo para i-celebrate yung pagiging Hokage ni Sir Kakashi.", sabi ni Naruto. "Sya nga pala meron akong i-a-announce na rebelasyon mamaya.", dagdag pa niya.

"Na ano?", tanong ni Sakura.

"Na bading ka?", seryosong tanong ni Gaara.

"Hindi noh!", sigaw ng pikon na shinobi.

At patuloy parin sa pakikipagkulitan si Gaara demanding for a very good explanation kay Sakura.

"Uy, dyan lang nagsimula ang lolo at lola ko.", pang-aasar ni Ino kay Sakura at Gaara.

"Oh, Ino you shut up!", sigaw ni Sakura.

Pumunta sa stage si Naruto at binuksan ang mikropono. "Mike test, mike…"

Naagaw ang buong atensyon ng lahat ng present na shinobi sa lugar.

"Gusto ko lang sanang sabihin ang isang magandang pangyayari. Isang kasalan ang magaganap...", banat ni Naruto.

Nang marinig ang balita, dalidaling umalis ang espiya ng Akatsuki.

"Iniimbitahan ko nga pala kayo sa nalalapit na kasal naminn ni Hinata.", sabi ni Naruto with his evolving Minato Namikaze looks habang nilapitan si Hinata at inakbayan ito. Palakpakan ang mga people of Konoha na nakarinig ng anunsyo, sa hiya naman ni Hinata ay agad itong hinimatay.

Samantala, sa 'di kalayuang lugar, dumating ang espiya dala ang isang balita si Sasuke na lubos niyang ikinabahala. "Ano? Si Sakura at Gaara ikakasal!"


Author's Note: Ano ang gagawin ni Sasuke ngayong sa kanyang pagkakaalam ay ikakasal na si Sakura? Alamin sa susunod na kabanatang pinamagatang… "Bride's Maid Ka Lang!"