Author's Note:Matapos ang dalawang linggong pamumundok, pagtanaw sa dalampasigan, pagdalo sa mga diskusyunang di ko dapat daluhan, sa wakas ay na-update ko na rin ang istoryang ito. Read and enjoy.

Disclaimer: I do not own nor promote the brand names mentioned on this chapter.


Chapter 4: Bride's Maid Ka Lang!

Isang linggo na ang nakararaan mula nang ini-anunsyo ni Naruto ang nalalapit nilang kasal ni Hinata. All of their friends are planning for the wedding. Nagvolunteer si Ino na sya na daw ang bahala sa flowers na gagamitin sa kasal while Ten Ten promised na sya ang bahala sa catering ng food, ala nga naman kasing ganapin nila ang reception ng kasal sa Jolibee ni Shino di ba? Sakura volunteered naman na tulungan si Hinata na magdesign ng wedding gown.

On the other hand, Lee offered a discount card sa David's salon na pwedeng gamitin ng mga abay, ninang at ni Hinata herself, sa katunayan pati nga yung mga magiging ninong at abay na lalaki eh binigyan nya. Big time na nga si Rock Lee, after maging successful model ng David's Salon, ngayon ay may taping pa sya sa Ripley's Believe It or Not? Bilang lalaking may pinakamakapal na kilay sa balat ng lupa; at sa Guiness Book of World Record bilang lalaking mukhang bao.

Kung nagtataka kayo at kinukwestyon kung bakit ko nasabing successful ang endorsement nya sa David Salon, yun ay dahil sa maraming kagaya ni Rock Lee ang nagkaroon ng self-confidence sa sarili. Nabigyan sila ng mumunting pag-asa sa buhay na hindi lang pala ang mga katulad ni Uchiha Sasuke ang may karapatan sumikat.

Pinaplano naman ni Gaara na bigyan si Naruto ng 1 week free accommodation sa Suna Luxury Resort, regalo nya daw yun para sa honey moon ng kanyang buddy. Akalain mo at may tinatago rin palang ka-sweet-an sa katawaan ang ating walang kilay na Kazekage. Ipinag-utos niyang ayusin ang mga lubak lubak na kalsada ng Suna, gayun din ang pagpapatubig sa swimming pool ng resort. Aba, ayaw nya namang mapahiya sa future Hokage ng Konoha.

Sa di kalayuan ay may mga mapupulang mata na nagmamasid sa renovation na nagaganap sa Suna. Hanep naman kasi si Gaara, daig nya pa yung ikakasal sa sobrang pagkaperfectionist nya. Gustong gusto namang ikompronta ni Sasuke si Gaara tungkol sa nalalapit na kasalan (kasi nga dib a akala nya si Gaara at Sakura yung ikakasal)ngunit para saan pa? Ano ba kasi pakialam nya kung ikasal man si Sakura kay Gaara.

Samantala sina Shino at Kiba naman ang bahala sa pagpapamigay ng imbitasyon sa mga selected friends na iimbitahin nila Naruto at Hinata. Yun nalang kasi ang least na magagawa nila para sa teammate nila na nabulag kay Naruto.

Isang araw, nagpameeting sina Naruto at Hinata sa mga abay nila. "Hayan! 'di ba maganda yung magiging concept ng gown? Dahil nga white at old rose yung motif, minabuti kong gawing old rose yung isusuot ng mga abay na babae.", bulalas ni Sakura na masyadong na-ca-carried away ng kanyang ka-excitedan sa nalalapit na kasalan.

"Wow, Sakura, ang ganda naman ng design, paniguradong madaling ma-iidentify si Hinata bilang ikakasal, kaya lang… dapat iba yung suot ng bride's maid.", komento ni Ino.

"Ah, ganun ba, oo nga hano.", sagot ni Sakura sabay baling kina Naruto at Hinata. "Eh sino nga pala yung bride's maid?"

"Buti naman at naisip nyo kaming tanungin.", wika ni Naruto na tumingin kay Hinata.

"Uhmmm… gusto sana namin ni Naruto na ikaw yung maging bride's maid ko, Sakura.", sabi ni Hinata na as usual ay nahihiya pa rin.

Nasurpresa si Sakura sa kanyang narinig with matching iyak-iyak pa, "Talaga! Hindi ako makapaniwala… salamat ha."

"Wala yun Sakura, sus, ikaw pa, eh special ka samin ni Hinata.", ani Naruto.

"Ang arte.", bulong ni Gaara sa sarili.

"Ano? Sino maarte, may sinasabi ka ba?", tanong ni Sakura kay Gaara.

"Ang sabi ko maarte ka, daig mo pa yung ikakasal.", taklesang sabi ni Gaara.

"Aba at sino ka naman sa palagay mo? Hoy Gaara, excited lang ako para sa kasal ng mga kaibigan ko, 'di kasi ako katulad mo na mula sa simula wala nang paki-alam sa mga nangyayari, if I know kasi ito yung 1st time mong naimbita sa isang kasalan.", pagbubunganga ni Sakura habang may pairap irap sa kausap.

"Anong walang pakialam, hoy babaeng pink ang buhok, for your information pinaayos ko ang buong Suna para lang sa regalo kong 1 week vacation kay Naruto at Hinata. At isa pa, lagi akong iniimbitahan sa mga kasalan, hindi ko lang feel puntahan.", banat ni Gaara na halatang inis na inis sa kausap.

"Hmmp…", tanging reaksyon ni Sakura.

"Tama na yan ha. Relax lang kayong dalawa…", pagpapakalmante ni Naruto.

"Yang kasing Gaara na yan eh, nagsisimula.", sabi ni Sakura.

"Hindi ka lang pala maarte, sumbungera ka pa. Kaya pala 'di ka pinakasalan ni Sasuke.", side comment ni Gaara.

Mistulang katahimikan ang bumalot sa buong lugar. Mula kasi nang umuwi si Sakura sa Konoha ay wala miski isa ang naglakas ng loob na bumanggit ng pangalan ni Sasuke sa harap nya. At ngayon, nandito ang matigas na ulong Kazekage na mukhang sukdulan nang nakapikon kay Sakura.

"At sino naman ang nagsabing gusto kong pakasalan ako ni Sasuke?", tanong ni Sakura na malumanay ang tinig at nakayuko.

Agad dumistansya lahat ng mga kasama nilang nagpupulong sa lamesa liban sa Kazekage na sitting pretty.

"Bakit hindi ba?", tanong ni Gaara.

"Akala ko pa naman malinaw sa iyo ang lahat, ang labo mo talaga Gaara! Bakit ba galit na galit ka sa akin?", sigaw ni Sakura.

"Anong ibig sabihin ni Sakura?", bulong ni Choji kay Shikamaru.

"Malay ko, pero mukhang may alam si Gaara tungkol sa tunay na nangyari kay Sakura at Sasuke. Hay… bahala nga sila.", sagot ni Shikamaru sabay hikab.

At nagbalik nga sa ala-ala ni Gaara ang mga pangyayari tatlong taon na ang nakalilipas nang puntahan siya ni Sakura dala ang sanggol na iniwan ni Sasuke. Nakiusap si Sakura sa binatang Kazekage na kupkupin ang sanggol sa loob ng tatlong taon habang nag-eespiya ang kunoichi kay Sasuke. Paminsan minsan ay dinadalaw ito ni Sakura upang kumustahin ang kalagayan ng sanggol. Hangngang sa dumating pa ang pagkakataon na kinompronta at binantaan siya ni Sasuke na susunugin nito ang Suna kapag hindi pa niya itinigil ang pakikipagkita kay Sakura.

"Galit ba kamo? Tama, galit nga ako, kung ano ang naidulot ng mga kasinungalingan mo kay Sasuke sa reputasyon ko bilang Kazekage.", tugon ni Gaara na parang ineeksamin from head to foot si Sakura.

Hindi makaimik si Sakura, kasi nga may punto naman si Gaara na magalit sa kanya, sabihin ba naman nya kasi kay Sasuke na suitor nya ang Kazekage at nagda-date sila. Eh malay ba nya na maaapektuhan pala ang bastardong Uchiha sa mga gawagawa niyang kwento.

"Hala, sige, sagot! Oh ano, 'di ka ngayon makaimik?", hamon ni Gaara.

Sa kabilang banda ay gulong gulo na ang isipan ng mga kaibigan nilang nakakarinig sa kanilang usapan.

"Hay naku, hindi ako makarelate.", komento ni Kiba.

"Eh ano nga ba yung pinag tatalunan nilang dalawa?", tanong ni Ten Ten.

"Hmmm…. Sa palagay ko may LQ lang yang dalawa na yan. Fufufu!", sabay tawa ni Ino.

"LQ? Ah, ang ibig sabihin boyfriend ni Sakura si Sabaku no Gaara.", sabi ni Sai na waring nag-iisip.

Napatulala ang lahat ng nakarinig.

"Si Sakura, girlfriend ko? Girlfriend, Sakura? Sakura?", mga salitang paulit ulit na umaalingawngaw sa dalawang tenga ni Gaara. "Yuck! No way!"

"At ano naman ang akala mo sakin, papatulan kita? Ayoko sa lalaking walang kilay at mas makapal pa ang eye liner kaysa sa akin!", muling pagbubunganga ni Sakura.

"At ano naman ang akala mo, super ganda mo? Tingnan mo nga yang itsura mo, pink ang buhok, malapad ang noo, amasona, sumobra sa tangkad …", sunod sunod na pang-ookray ni Gaara habang minamasdan ang mga kapintasan ni Sakura nang masabi nya ang bagay na ayaw na ayaw marinig nito,"At higit sa lahat, FLAT!".

Matapos sabihin ang huling salita, napakagat labi si Gaara. Ano ba yung nasabi nya, dyahe para sa isang Kage lalo na kung sasabihin iyon sa harap ng maraming tao.

Sa galit ni Sakura, ibinalibag niya ang lamesa sa kinauupuan ni Gaara, salamat na lang sa buhangin nito na instant kung mag-react kaya naprotektahan siya.

"Ah, Sakura-chan, Gaara, tama nay an pwede ba? Natatakot na kasi si Hinata-chan sa pinaggagagawa nyo.", awat ni Naruto.

"Yan kasing kaibigan mo, masyado kung makapagsalita, hindi porque siya ang Kazekage masasabi na nya ang lahat ng gusto nyang sabihin.", paliwanag ni Sakura.

"Alam mo Sakura-chan dapat magkasundo kayo ni Gaara, kasi siya yung nagiging bestman ko sa kasal.", pakiusap muli ni Naruto.

Nanlaki ang mga mata ni Sakura, ang lalaking kinasusuklaman nyalang kanikanina ang magiging partner nya na lalakad sa altar sa kasal nila Naruto at Hinata. "Ano? Ayoko, Naruto naman, humanap ka na lang ng iba."

"Alam mo naman siguro Sakura-chan na liban kay Sasuke, si Gaara ang pinakamalapit kong kaibigan.", paliwanag ni Naruto.

"Pero kasi…", naputol na salita ni Sakura.

"Bride's maid ka lang!", sigaw ni Gaara kay pink hair na halatadong gusto Nang pumatay.

Natahimik si Sakura, oo nga naman, bride's maid lang siya at hindi naman ibig sabihin nun ay siya ang ikakasal kaya hindi siya dapat napupuno ng reklamo. Kung alam lang niya kung gaano ka-excited si Gaara na maging bestman kasi yun ang first time nyang aatend ng kasalan, marahil ay hindi na lang siya umimik.

Matapos ang mahabang diskusyon tungkol sa kasalan, sa wakas ay napagdesisyunan na nila ang line-up ng mga abay at ninang. Si Tsunade at Jiraiya (doping par in ako na buhay si Ero-senin kasi hindi naman narecover yung bangkay nya) ang tatayong mga magulang ni Naruto. Siyempre hindi mawawala sa listan ng mga ninong sila Kakashi at Iruka. By the way, naalala nyo ba si Ayame ng Ichiraku Ramen? Siya na nga pala ang napaswerteng nilalang na first lady ng Konoha ngayon, tama ang iyong nabasa, kasal na sila ni Hatake Kakashi 2 years ago.


Habang naglalakad papunta sa Ichiraku Ramen, isang pangyayari ang nakapukaw ng atensyon nina Naruto at Gaara.

"Mama, bibilan mo ba ako ng cake saka pagluluto mo ako ng spaghetti?", tanong ng isang bata na wari'y chibi version ni Uchiha Sasuke na masayang masaya.

"Magtigil ka dyan! Walang perang pinapadala sayo yung tatay mo kaya wag kang umasang may handa ka ngayon. Isa pa. Wag mo nga akong matawag-tawag na mama!", bulyaw ng pink hair kunoichi habang pinalis ang kamay ng bata na nakakapit sa laylayan ng kanyang damit.

"Pero bakit yung classmate ko ipinaghahanda siya ng nanay nya kahit wala siyang tatay?", tanong ng bata na nagpapaawa ngunit nilayasan lamang siya ng kanyang kausap.

"Hoy! Youichi!", sigaw ni Naruto sa bata habang kinakawayan ito.

Agad napalingon ang bata at biglang umaliwalas ang mukha at tumakbo papunta kay Naruto.

"Tito Naruto.", bati ni Youichi sabay sulyap sa isang pamilyar na tao na kasama ni Naruto.

"Tito Gaara?", wari'y alinlangan sa sinabi.

"Kumusta ka na?", bati ng Kazekage.

Feeling out of place si Naruto sa oras na iyon. Lingon kay Gaara, lingon kay Youichi. "Magkakilala kayong dalawa?"

Tumango lamang si Gaara at muling bumaling sa bata. "Bakit nagagalit sa iyo si Sakura?"

"Mukha po bang galit si Mama? Lagi lang pong mainit yung ulo nya. Nagpapabili lang po sana ako ng handa, kasi birthday ko ngayon.", sagot ng walang muwang na paslit.

"Ah, ganun ba? Sige bibili tayo ng cake saka magluluto tayo ng spaghetti.", entrada ni Naruto at binuhat ang bata.

"Salamat po, tito Naruto.", sagot ng bata habang nakapasan sa kanya.

Sa department store, masayang masaya si Youichi sapagkat lahat ng ituro niyang bagay ay kinukuha ni Naruto para sa kanya. Ngunit sa kasamaang palad...

"Miss.. Uhmmm... Teka lang ha...", nababahalang sabi ni Naruto habang dinudukot ang kanyang bulsa. Wala pala siyang dalang pera.

"Magkano lahat?", tanong ng isang tinig sabay abot ng VISA Infinite Card.

Nanlaki ang mga mata ng kahera sa nakitang debit card. "Sobrang yaman ng lalaking ito.", wika nya sa sarili.

"Gaara! Salamat ha, pero pwede naman nating utangin nalang.", sabi ni Naruto.

"Hayaan mo na yun, isa pa wala ka ngang credit card na dala tapos mangungutang ka.", sagot ni Gaara.

"Eh pwede naman ipalista nalang tapos kapag napadaan ako ulit dito sa tindahan saka ko babayaran.", paliwanag ni Naruto.

"Hay... ewan ko sayo.", buntong hininga ni Gaara sabay abot sa kanyang nagmamagandang debit card.


Tumungo sila sa bahay nila Sakura. Malugod naman silang pinatuloy ng Nanay nito. "Hinahanap nyo ba si Sakura?", tanong ng nanay nya.

"Ah hindi po tita, si Youichi po ang dahilan kung bakit kami nandito ni Gaara, nalaman po kasi namin na birthday nya ngayon kaya binilan namin siya ng pang-spaghetti.", paliwanag ni Naruto.

"Gaara ba kamo? Kung ganoon nasa bahay ko ngayon ang Kazekage?", tanong ng oportunistang ina ni Sakura.

"Ah, siya nga po iyon.", sagot ni Naruto na kakamot kamot sa ulo.

May masama nanamang naiisip ang nanay ni Sakura, magandang pangitain na makita ang Kazekage sa bahay nila. Ibig sabihin nun, may pag-asang magustuhan nito ang kanyang anak. Kung nagkataon, sa kanya na nga mauuwi ang kayamanan ng Uchiha at instant mother-in-law pa siya ng Kazekage. Ang swerte nya talaga.

"Tita... tita...", tawag ni Naruto sa nananaginip na nanay ni Sakura.

"Ah, tawag mo ba ko naruto?", wika nito.

"Opo, itatanong ko lang po sana kung pwede po bang simulan na namin na magluto ng spaghetti.", ani Naruto.

"Sige lang, feel at home lang kayo dito, sya nga pala, may pupuntahan pa ako, kaya kayo na ang bahala sa lahat ha, maya maya ay darating rin si Sakura, oh papaano Naruto, Kazekage-sama maiwan ko muna kayo.", sabi ng nanay ni Sakura na hindi nanaman makapagpigil na ichismis sa mga kapit bahay nila na nasa bahay niya ang Kazekage.

"Naku, nakalimutan ko yung cake...", sabi ni Naruto.

"Ako na, tutal wala ka namang dala na pitaka.", wika ni Gaara. "Youchi, halika samahan mo ako."

Masayang masaya si Youchi na sumama kay Gaara para bumili ng cake, samantalang si Naruto naman ay nagpapakahenyo sa pagluluto ng spaghetti sauce. Makalipas ang labing limang minuto, dumating si Sakura.

"Naruto?", patanong nitong pagbati.

"Sakura-chan buti naman at nandiyan ka na, tingnan mo oh nagluluto ako ng spaghetti sauce.", pagmamalako ni Naruto.

"Nasan yung magaling na bata na yun, pati ba naman ikaw inaabala?", naiiritang sabi ni Sakura.

"Lumabas siya kasama si Gaara, bibilan kasi nya ng cake si Youichi.", sagot ni Naruto sabay tikim sa sauce.

Magbibigay pa sana ng komento si Sakura nang biglang dumating sina Gaara at Youichi na may bitbit na cake.

"At sino ang nagsabing pwede kang tumuntong sa pamamahay ko?", masungit na bulalas ni Sakura kay Gaara.

Tiningnan lang siya nito at nagtuloy sa may lamesa upang ipatong ang cake.

"Mama, wag ka namang magalit kay Tito Gaara, buti nga binilan nya ko ng handa, hindi na ako ngayon tutuksuhin ng mga kaklase ko.", pagtatanggol ng bata.

"Sinabing wag mo akong tatawaging mama! Ilang beses ko ba yang dapat isaksak sa utak mo!", pagalit ni Sakura.

"Sakura-chan...", sambit ni Naruto na nag-aalala.

"Bakit ba kumukulo ang dugo mo sa bata? Dahil ba anak siya ni Sasuke?", tanong ni Gaara habang nakakapit sa kanyang binti ang bata na hihikbi hikbi.

Hindi makasagot si Sakura,"Bahala nga kayo sa buhay nyo.", tanging sabi niya saka umalis.

"Tito Gaara, isama mo nalang ako sa Suna kapag uuwi ka na.", sabi ng bata na nagpipigil umiyak.

"Teka lang ha... may hindi lang ako maunawaan, bakit ba super close kayong dalawa?", tanong ni Naruto out of curiousity.

"Dahil lumaki sya sa pangangalaga ko.", sagot ni Gaara.

Speechless si Naruto for a while. "At kalian pa kayo nagging close ni Sakura para ipalaga sa iyo si Youichi?"

"Hindi kami naging close miski minsan, naawa lang ako sa bata.", sagot niya.

"Oh siya, siya, kumain na lang tayo ng cake at spaghetti.", sabi ni Naruto. "Uhmmm… pero teka parang may kulang…"

"Na-ru-to, bakit hindi mo sa akin sinabi na walang pasta?", sabi ni Gaara.

"Ah., hehe… oo nga hano, nakalimutan nating bumili. Di na bale may KANIN naman dyan eh, pwede na yung pagtiyagaan, magigiling din yan ng sikmura.", tugon ng Dobe.


Pasensya na kung wala halos exposure si Sasuke sa kabanatang ito, promise babawi sya sa next chapter. Dadalo kaya siya sa kasalan? Next chapter is "25 Minutes Too Late"