Hindi ko pa rin maipahiwatig ang sakit na dulot ng antidote. Parang winawasak nito ang buo kong katawan at hindi na nakakabigla kung mawalan ako ng malay ng mga ilang minuto. Ngunit sa pagkakataong ito, isang buong araw akong nakatulog.
Bago yun, nagpanggap muna ako na (bilang Conan) umalis ng Japan. Hinatid kami nina Uncle sa airport. Naawa ako kay Ran. Nangingilid na ang luha sa mga mata niya, pero sadya na itong pinipigilan para siguro hindi rin ako malungkot. Patawad, Ran. Maghintay ka lang ng kaunti pa.
"Uhh, ang sakit ng ulo ko..." pahiwatig ni Shinichi habang pinagmamasdan ang kanyang sarili sa salamin. "Pero, ayos lang. Nakabalik na ko." Abot langit ang ngiti niya.
Si Haibara naman ay nagkibit-balikat lamang dahil sa pagiging asal-bata pa rin ni Shinichi.
"Bumalik ka na. Sigurado akong sabik na siyang makita ka."
"Ikaw? Bakit hindi mo pa ininom ang antidote? Ayaw mo na bang bumalik sa dati?"
"There are things that I have to consider."
"Ha, nag-english ka pa. Basta wag mong kalimutan na nandito ako para sayo, ano man yung maging pasya mo."
"Salamat. Ang korny mo." Sabay irap kay Shinichi.
"Grabe ka naman!" Reklamo niya.
"Sige na, sige na. Alam ko naman na totoo yung mga sinasabi mo. Saka na lang tayo mag usap. Umuwi ka na."
"Okay. Balitaan mo na lang ako."
Nagulat si Ran sa biglang pagtunog ng kanyang cellphone. Nakatulog kasi siya habang nagrereview para sa quiz kinabukasan.
"Hello?" sagot ni Ran, na pumupungas-pungas pa dahil sa antok.
"Hoy Ran, natutulog ka ba?"
Biglang nawala ang antok niya at sumagot ng "Ikaw pala Shinichi! Napatawag ka?"
"Ah wala naman. Bakit, hindi mo ba ko na-miss?"
"Tumigil ka nga. Kailan ka ba uuwi?"
"Namiss mo nga ako."
"Sige oo na. Nasan ka ba?"
"Hulaan mo."
Sumilip siya sa may bintana pero wala naman dun si Shinichi. Dali-daling siyang tumakbo sa pinto at binuksan ito. Wala rin.
"Sabihin mo na kasi."
"Wag kang madaya, Ran. Alam mo naman na gustong-gusto ko ng mga ganitong laro di ba?"
"Ikaw oo. Pero ako, hindi."
"Haay, konting pasensya lang. Sige bibigyan kita ng clue... handa ka na? Hello...?"
Binabaan na pala siya ni Ran ng telepono.
Riiing...
"Nasan ka ba?"
"Bibigyan nga kita ng cl... Hello?"
Riiing...
"Nasan ka?"
"Bakit ba ayaw mong hulaan... Hello?"
Riiing...
Riiing...
Riiing...
RIINGG...
Napalingon si Shinichi sa lakas ng tunog ng ringtone. Nakita niya si Ran na nakapamewang at nakataas ang kilay. Mukhang gusto na siyang sakalin sa sobrang inis.
"Ah~ Nandiyan ka pala...Ran."
Parang sa horror movie, dahan-dahan lumapit si Ran. Habang papalapit siya, bumibilis ang kanyang paghakbang hanggang sa nakita na lang ni Shinichi na halos abutin na siya ng roundhouse kick nito.
"Aa-ahh, Ran?"
"Sinabi ko na sayo, na ayoko makipaglokohan. Nandito ka lang pala sa Coffeeshop, kung ano-ano pang kinakatwiran mo. At nagdisguise ka pa! Akala mo ba hindi kita makikilala?!"
"Sorry na! Pwede bang ibaba mo na yang paa mo? Hindi ka ba nangangawit?"
"Kasama 'to sa training. At kung gugustuhin ko, pwedeng-pwede ka pa rin tamaan nito sa katulad na lakas. Gusto mo subukan?"
"Ah hindi! Sorry na nga."
Bahagyang lumihis ang tingin ni Ran, nang yumukong bigla si Shinichi at pumunta sa salungat na direksyon ng kababata.
"Nakabalik na ko." Sambit ni Shinichi habang mahigpit na niyakap si Ran. Nagulat ang dalaga at walang nasabi. Wala na siyang nagawa kung hindi yumakap na rin.
Hindi na kailangan ng mga salita.
"HUWAAAAHHHHH" Sigaw ni Kogorou "Bakit nagpi-PDA kayo dito?"
"Uncle!" Bati ni Shinichi na agad namang sinagot ni Kogorou ng head lock. "Ahhh, Uncle!"
"Wala ka talagang magawang matino!"
Nakawala si Shinichi at dali-daling tumakbo papalabas ng shop. Natawa na lamang siya sa sarili at nagbilin kay Ran na tawagan na lang siya kapag malamig na ang ulo ni Kogorou.
Nakabangaan naman niya ang isang babae sa kanyang pagmamadali, ilang metro lang ang layo sa shop.
"Sorry Miss..."
"Bakit ba lagi na lang lumilipad ang isip mo?"
"Huh?" Napakamot ng ulo si Shinichi "Lagi?"
Saka niya lang napagtanto, na ang kausap niya pala, ay si Haibara.
"Haibara?"
"Mali. Miyano Shiho. Ikinagagalak kitang makilala, Kudou."
Napangiti na lang si Shinichi. Nagbago ang hitsura ni Haibara dahil sa make-up.
"Maligayang pagbabalik, Shiho. Ano ng plano mo?"
"Hindi ko pa alam. Sa ngayon, babalik muna ako sa bahay namin sa Amerika ng mga ilang buwan."
"Mag-ingat ka. Kung kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang ako o kaya sina Mama. Hindi sila magdadalawang-isip na tumulong sayo."
"Salamat, pero kaya ko na ang sarili ko. Hanggang sa muling pagkikita."
"Paalam."
Author's Note: Last chapter next week na lang. Busy-busy eh :D
