Author's Note: Oh, eto pang dagdag. Hanggang dito na lang talaga muna DaNewbie. Hahabaan ko sa susunod :D Salamat ulit sa pag review!
Pumara ng taxi si Shiho at bago ito sumakay, binigyan niya ng ngiti ng pasasalamat si Shinichi. Tumango lamang ang binata at umalis na rin. Hindi niya napansin na nakita pala sila ni Ran.
Kinagabihan, pinuntahan ni Ran si Shinichi sa bahay nito. Nag doorbell siya at agad naman siyang pinapasok ng kababata.
"O, hindi na ba naiinis sa kin si Uncle?"
"Hindi ata mawawala yung inis nun sa'yo eh."
"Ewan ko ba, parang laging mainit ang dugo sa kin. Kumain ka na ba?"
"Hindi pa."
"Ayos! Pwede mo ba ko ipagluto? Sobrang namiss ko na yung luto mo."
Namula itong si Ran. Hindi pa rin sanay na nandun na si Shinichi.
"Sige. Mag antay ka lang diyan. Siya nga pala..." Gusto niyang itanong kung sino ang babaeng kausap niya kanina.
"Ano yun?"
"Ah wala."
Makalipas ang ilang minuto, tinawag na ni Ran si Shinichi para kumain.
"Shinichi!"
"Oo, teka lang."
Biglang ninerbyos si Shinichi ng tinawag na siya ni Ran.
Dahil ito yung araw na magppropose na siya.
Nagsuot pa nga ng tuxedo ang binata.
Bumaba siya sa hagdan patungo sa dining area.
"O, saan ka pupunta? Akala ko ba gusto mong kainin yung niluto ko?"
"Gusto ko nga. Wala naman akong pupuntahan. Gusto ko lang magsuot nito. Di ba ang gwapo ko?" Ngumisi pa ang batang detective na ikinataas nanaman muli ng kilay ni Ran.
"Gutom lang yan."
"Yun na nga. Gutom na gutom na ko. Kain na tayo, please?"
Ang lakas talaga mambara ni Ran. Hahaha.
Matapos nilang kumain, humingi pa itong si Shinichi ng dessert. Ice cream daw. Pinagbiyan naman nitong si Ran, bumalik sa kitchen at nakita ang rocky road na tub ng sorbetes. Naglagay sa 2 sherbet glass at i-dineliver pabalik sa dining room.
Nilapag niya ito sa lamesa at agad namang itong kinuha ng binata.
"May kulang! Extra marshmallow."
"Ang dami na kayang marshmallow niyan!"
"Sige na, please? Meron dun sa cupboard. Yung mini-marshmallows."
"Uhh, okay. Sandali lang po sir."
"Salamat!"
Nang makaalis muli si Ran, nilagay ni Shinichi ang singsing sa ibabaw ng ice cream.
"O eto na'ng marshmallow mo."
"Okay!" Sabay abot ng sherbet glass kay Ran.
Agad nitong napansin ang singsing at mangiyak-ngiyak na napatingin sa matalik niyang kaibigan.
"Anong ibigsabihin nito?"
"Simple lang. Will you marry me? Pero siyempre, pagkatapos na natin sa kolehiyo. Ayoko pang mapatay ni Uncle."
Hindi pa rin makapaniwala ang dalaga.
"Ano na? Papakasalan mo ba ko?"
"Ayoko."
"Ehh?"
