Author's Note: Happy New Year! Pasensya na at matagal bago naka update. Sobrang busy at wala rin maisip na ilagay. Salamat sa pagsubaybay. Peace out!


~o~

"Huh? Bakit?" Tanong ni Shinichi. Hindi niya inaasahan na ganun ang magiging sagot ng kaibigan.
"Bakit? Ang tagal mong nawala, tapos ganun lang? Ano ka, sinuswerte?"
"Sige, ano bang dapat kong gawin?" Parang nagmamakaawang tanong niya.
"Pwede bang manligaw ka muna? Di ba dun naman dapat magsimula?"
"Masyado ka naman atang makaluma. At saka, tayo na di ba? Nagtapat ako sa'yo sa Paris! Ang sa kin lang, ayoko na may iba pang pumorma sa'yo. Gusto ko malaman nila na magiging asawa na kita. Masama ba yun? Hindi ka pa ba sigurado sa kin?"

Namula nanaman si Ran. Kung meron siyang isang bagay na sigurado sa buhay niya, yun ay wala ng iba kung di ang pagmamahal niya kay Shinichi. Alam ng Diyos, simula pa lang nung mga bata pa sila, na wala na siyang ibang napipisil na maging kabiyak niya maliban sa detektib. Pero, hindi niya rin maintindihan ang sarili niya, kung bakit ayaw pa niyang tanggapin ang alok nito.

"Huwag na lang muna natin pag-usapan yan, at kumain ka na lang."

Nalungkot ng bahagya ang binata, kinuha ang singsing mula sa sorbetes, pinunasan at ibinalik sa lagayan nito.

Naging sobrang tahimik ni Shinichi matapos tanggihan ang kanyang marriage proposal. Na-guilty naman si Ran pero tiyak niya, na tama ang kanyang naging sagot.

"Sige Ran, ako na bahala magligpit dito. Magkita na lang ulit tayo bukas."
"Ako na. Alam ko naman pagod ka pa sa biyahe."
"Hindi, okay na ko, Ran. Sige na. Baka pagalitan ka pa ni Uncle kung masyado kang gabihin."
"Galit ka ba sa kin?"
"Walang dahilan para magalit ako sa'yo. Kaya, sige na. Ako na ang bahala dito. Salamat sa pagluto ng hapunan at pasensya na sa abala."

Inihatid niya si Ran sa gate at tuluyan na itong umalis. Napa-buntong hininga na lang muli si Shinichi. Hindi niya maintindihan kung bakit nag-alangan pa ang kababata, eh sigurado naman siya na mahal nila ang isa't-isa.

Nag-ring bigla ang telepono at Mama niya pala ang nasa kabilang linya.

"Oh ano na, anak? Kailan ang kasal?" tuwang-tuwa tanong ni Yukiko.
"Tinanggihan ako Ma, eh."
"Ha? Baka naman kasi mali yung pag-propose mo!? Lumuhod ka ba tulad ng sabi ng papa mo? Nagsuot ka ba ng pormal?"
"Mama, wag muna ngayon."
"Hay, okay ka lang ba?"
"Tss. Ma, siyempre hindi. Hindi pala masayang ma-basted."
"Pero mahal ka niya, di ba?"
"Oo. Pero siguro, hindi pa sapat yun. Sige na Mama, pagod na ko. Magkita na lang tayo pag bumisita ka dito sa Tokyo."
"Ah, sandali-" Binabaan na siya ni Shinichi.

Makalipas ang ilang minuto, muli nanamang nag-ring ang telepono. Sa pagkakataong ito, si Haibara naman ang nakausap niya.

"O ikaw pala. Tumawag ka ba para mang-asar?"
"Oo." Simpleng sagot ng dating scientist. "All kidding aside, how are you feeling?"
"Medyo bad trip. Siguro nga, hindi pa ito yung tamang panahon para sa min."
"Bakit mo ba kasi naisipan biglang magpakasal? Kung tutuusin, kakabalik mo pa lang. At magtatapos pa lang kayo ng highschool. Gusto mo bang mapatay talaga ni Uncle Kogorou?"
"Hindi ko alam."
"Anong balak mo ngayon?"
"Tanggapin na lang. At siguro mag-antay ng tamang oras. Kung kami, eh di kami. Kung hindi, eh di magiging bachelor na lang ako habang buhay. O pwede rin ikaw na lang. Heheheh."
"Nakakatawa." sarcastic na sagot nito. "Una, hindi kita gusto maliban sa maging kaibigan. I don't think there's a chance we'll end up together."
"Hahaha. I would have to agree. Hindi nga tayo bagay. Salamat sa pagtawag mo, gumaan na ng konti pakiramdam ko."
"Alam mo kung saan ako hahanapin kung kailangan mo ng kausap."
"Oo naman. Mag-ingat ka diyan. Good night."


~o~

Sa kabilang banda, hindi makatulog si Ran sa kakaisip.

Galit kaya sa kin si Shinichi? Bakit naman siya magagalit? Teka, bakit ko ba iniisip na galit siya? Eh di ba, sabi niya hindi nga? Pero minsan, or madalas, malihim siya eh. Baka nagsisinungaling lang yun at talagang naiinis na sa kin. Ano ba kasing nakain niya at nag alok ng kasal? Hindi naman siguro siya mamatay bukas? Wala naman siyang malubhang sakit? Naku, baka may sakit yun kaya matagal na nawala...

Ah, ano ba 'tong iniisip ko? Nakakainis naman kasi siya, pabigla-bigla.

Nag-vibrate ang cellphone niya at dali-dali naman niya itong sinagot.

"Hello?"
"Hoy Ran! Bakit hindi ka pa natutulog?"
"S-shinichi?"
"Duh. Hindi ba naka-save yung number ko sa phone mo? Binura mo no? Galit ka ba sa kin?"
"Huh? Ano pang sinasabi mo? Nagulat lang ako. Patulog na kasi."
"Ah, pasenya na sa istorbo. Mag usap tayo bukas pagtapos ng klase. Good night!"
"Teka - hello?"


~o~

Kinabukasan...

Ano nanaman kayang sasabihin nito sa kin? Kinakabahan ako. Ah, ano ba 'to, bakit ba ko napaparanoid? Kasalanan niya 'to eh.

Nagsalubong sila ng tingin matapos ang huling subject nila, at inaya siya nito sa likod ng gymnasium.

"B-bakit? Anong importanteng sasabihin mo?"

Lumapit si Shinichi kay Ran, halos isang daliri na lang ang agwat nila ng tumigil ito at sumagot ng:

"Wala naman. Hihingi lang ako ng paumanhin tungkol dun sa sinabi ko kahapon. Pero gusto ko rin linawin na totoo yung mga sinabi ko. Mahal talaga kita. Alam ko hindi ko nasabi sa'yo ng diretso noon, inakala ko lang kasi, na sapat na yung mga clue na binigay ko sa'yo. Kung gusto mong maghintay ako, gagawin ko. Tutal, naghintay ka rin ng matagal sa kin. Yun lang yung gusto kong sabihin." Sabay ngiti at inaya na siyang umuwi, inabot ang kanyang kamay at naghintay na tanggapin ng dalaga. "Tara?"

At marahan niyang hinawakan ang kamay ng detektib.


~o~

Epilogue

Matapos ang ilang taon, nagpakasal na rin ang dalawa. Mangiyak-ngiyak si Kogorou ng iniabot niya sa manugang ang kamay ng anak, sabay ang pagbabanta na kung paiyakin niya ang kanyang anak, hindi lang bugbog ang aabutin niya. Napakamot na lang ng ulo si Shinichi at seryosong sumagot na aalagaan niya si Ran.

Samantala, natawa naman sina Yukiko at Yuusaku sa naganap na eksena. Pero masaya sila na sina Ran at Shinichi ang nagkatuluyan.

Imbitado rin ang mga batang nakasama niya noon bilang si Conan. Dahil nga tuluyan ng gumuho ang Black Organization, naipaliwanag na niya na si Shinichi at Conan ay iisa, na lubusang ikinagulat ng junior detective squad.

Noong ipinagtapat naman niya kay Ran, tumango lang ito at sinabi na "Alam ko." Kung papaano niya nalaman, woman's intuition daw, na hindi naman naintindihan ni Shinichi. Marami pa silang pinag usapan nung araw na yun at tinanggap naman ni Ran ang lahat ng paliwanag niya. Ngunit sana raw, ay sinabi niya ng mas maaga.

Imbitado rin si Miyano Shiho o ang dating si Ai Haibara. Naroon din si Professor Agasa, ngayo'y 66 years old na.

Mahaba man ang kanilang pinagdaanan, kung san man silang lugar nakarating, sa huli, sila pa rin. Dahil tunay ang kanilang pag-ibig.