Kabanata I
Ang katapusan ng giyera, umpisa ng dilema
Natapos na ang giyera sa pagitan ni Nagato at Naruto; maraming napinsala, nawalan ng tirahan at mahal sa buhay; napagbago din ni Naruto ang pananaw ni Nagato ukol sa pagkakamit ng kapayapaan at nagdisisyong ibalik ang buhay ng mga nasawi sa laban bago ito bawian ng buhay.
Naganap na ang isa sa mga pangrap ni Naruto nang kilalanin at hangaan sya ng buong Konoha dahil sa angking galing, katapangan at sakripisyo sa kabila ng hindi magandang pagtrato mula ng pagkabata. Ganap syang kinilalang bayani gaya ng ibig ng kanyang namayapang amang si Namikaze Minato o kilala bilang Yondaime Hokage.
Sa kabila ng kanilang kasiyahan at pagdiriwang ay may nagbabantang sumira muli ng kapayapan sa Konoha… hindi… mali kayo kung ang iniisip nyo ay ang magkamaganak na Uchiha Madara at Uchiha Sasuke; ang tinutukoy ko ay ang mga kababaihan ng Konoha.
Hindi naman dahil sa miyembro sila ng Akatsuki, kundi dahil sa mga simptomas na pinapakita nila habang tinititigan si Naruto (a/n: lagot ka Hinata!) hindi ito HN1N1 o stage 3 na Dengue; ang mga simptomas na ito ay ang mga sumusunod:
1. Nagiging gwapo ka sa paningin nila. (naks!)
2. Pamumula ng pisngi. (uy! Nagflush parang toilet)
3. Panlalabot ng tuhod. (balot lang katapat nyan!)
4. Pagbilis ng tibok ng puso. (hala! Sobra sa cholesterol)
5. Kinikilig. (iihi mo na lang yan!)
6. Paglalaway (para rabies lang ha!)
In short, ang sakit na ito ay ang isa sa pinaka delikado at nakamamatay na sakit na dumadapo kahit saan basta may gwapo; isang sakit na matagal nang salot sa buhay ng mga hindi kagwapuhan sa kadahilanang hindi sila nagkaka-girlfriend, isang sumpang hindi kalian man maaalis mag-asawa man sila o hindi at sakit sa ulo ng Hokage dahil tambak ang mga reklamo natatangap mula sa mga kapitbahay ng dahilan ng lahat. Isang sakit na tinatawag na Fangirling.
