Ang nakaraan

"Wasak?... nawasak?... a-ang… ang aking…" panaghoy na kawawang bida.

"Ang ano?" wika ni Sai.

"ANG NAG-IISANG DIPENSA NG AKING PAMAMAHAY!"

"Ang ano nga, sisipain na kita eh!"

"NAWASAK ANG PINTO KOH… HO…HO…!"

Natulala na lang si Sai at pinagmasdan ang nananaghoy na teammate.


Kabanata III

Sale sa bayan


Natuloy din sa wakas ang pagtatalaga kay Naruto bilang Jounin at ANBU Captain at kasalukuyang nasa isang misyon sa kabundukan kung saan napabalitang may aktibidad ang Akatsuking pinamumunuan ni Madara ng biglang kinabahan ang isang ANBUng may maskara ng isang fox napatigil ito at inilapat ang palad sa kanyang dibdib sa tapat ng kanyang puso.

"May problema po ba Kapitan?" tanong ng isang kasama.

"Ah wala ito, bigla lang akong kinabahan"

"Nag-aalala po ba kayo baka nasira nanaman ang pinto nyo?" tanong ng isa pang kasama.

"Hindi naman"

Bago niya tinahak ang bagong misyon bilang ANBU siniguro muna niyang nasa ayos ang nag-iisang dipensa ng kanyang tahanan; mula sa pagiging kahoy ipinalitan niya ito ng pintuaang yari sa bakal upang hind madaling siraiin.

"Anong nangyari sa pagmamasid nyo?" tanong ni Naruto.

"Wala naman po kakaiba sa paligid" sagot ng isang may maskarang oso.

"Wala din pong mga patibong sa paligid" sagot ng isang may maskarang lobo.

"Wala din po kaming namataang bakas ng kahit anong labanan" sagot ng isang may maskarang Lynx.

"Tapos na tayo dito, umuwi na tayo upang makapagpahinga, didiretso ako sa Hokage upang mag-ulat" at sila'y nagmadaling umuwi.

Pagdaan nila sa bayan namataan nila ang isang street vendor na pinaguumpukan ng pawang mga kababaihan, hindi nila ito pinansin sa pag-aakalang nagtitinda ito ng pampaganda o pampapayat; ngunit mapagtatanto din nya na hindi nya dapat nilagpasan ang nasabing vendor.

Hokage tower

"Iyong po ang mga nangyari" ulat ni Naruto.

"Magaling, maari na kayong magpahinga" tungo ni Tsunade.

Paglabas ni Naruto sa Tower, sa kanyang paglalakad napasin niya ang isang babaeng may suot na jacket, ang nakapagtataka ay katulad ito ng kanya; lumakad pa sya at napansin ang ilan pang mga kababaihan na may hawak na mga kagamitang kawangis ng kanya.

Sa pagtataka ay nilapitan ang isang babaeng may hawak na 'teka kamukha ito ng boxers ko ha?' at tinanong ito.

"Miss, itatanong ko lang saan nyo nakuha yung mga dala nyo?" ang nasabing babae naman ay namula nang masilayan si Naruto at nagmala-Hinata.

"A-a-ano du-dun sa ti-tinder-ro sa p-palengke" at ang kanyang kasama naman ay hindi makapaniwalang nasaharap nila si Naruto.

"Sa palengke? Sige salamat" ngumiti at umalis upang alamin kung tama ang kanya suspetsa. Hindi nya nakita ang pagkahimatay ng mga kawawang babae.


Sa umpukan sa palengke

"O bili na kayo, mura lang, souvenirs ng idolo nyong is Naruto, bili na habang marami pang pagpipilian!" sigaw ng isang tindero na tila hindi pa nababanaag ang kanyang katapusan, nang biglang…

"Mukhang marami ka nang nabenta ha?" tanong ng isang lalaki sa kanya likuran.

"Oo naman" hindi nya nilingon ang kausap dahil abala sa pagsusukli.

"Saan mo naman nakuha yang mga paninda mo?"

"Dun sa bahay ni Naruto" ngiti nito abala naman sa paglalagay sa supot ng 'toothbrush ko ata yun'.

"Kailan mo naman kinuha yang mga yan"

"Bakit ba ang dami mong tanong, bibili ka ba?" inis na sagot nito at nilingon ang kausap, napamaang na lang ito ng makita ang kausap.

"MAGNANAKAW, IBALIK MO MGA KINUHA MO SA BAHAY KO KUNG HINDI MALILINTIKAN KA SA 'KIN!" sigaw nito sabay hablot sa kawawang tindero.

"Huwag, maawa ka!" pagmamaka-awang sambit nito.

"Che… sa Hokage ka na magpaliwanag!" at binitbit ang kawawang tindero sabay hablot ng kumot na kinalalagyan ng mga gamit nya.

"HUWAG PO…!" panaghoy ng tindero.