Ang nakaraan
"Huwag, maawa ka!" pagmamaka-awang sambit nito.
"Che… sa Hokage ka na magpaliwanag!" at binitbit ang kawawang tindero sabay hablot ng kumot na kinalalagyan ng mga gamit nya.
"HUWAG PO…!" panaghoy ng tindero.
Kabanata IV
Libreng kiss
"Hindi ko na po uulitin, basta wag nyo lang po akong ikukulong!" pagmamakaawang sabi ng dinakip na tindero.
"Bakit naawa kaba sa bahay ko?" tanong ng inis na si Naruto.
"O sya… tama na yan; ganito, ilista mo lahat ng nakuha mo sa bahay ni Naruto eto ang ballpen at papel" utos ng Hokage.
Umupo ang tindero at nagsimulang maglista ng mga gamit na nakuha nya at inilista din nito kung alin ang mga nabenta nya.
Listahan: Nabili:
Toothbrush Toothbrush
Suklay Orange boxers
Mouthwash Green boxers
Toothpaste Jacket
Orange boxers Face towel
Green boxers Playboy magazine
Blue boxers FHM magazine
Jacket Subscription form ng FHM
Miso flavor ramen cup Punda ng unan
Seafood flavor ramen cup Bedsheets
Takure Deodorant
Face towel Dental floss
Playboy magazine At iba pa…
FHM magazine
Subscription form ng FHM
Punda ng unan
Bedsheets
Deodorant
Dental floss
At iba pa…
"Eto po ang kumpletong listahan" sabay abot ng papel, napataas ang kilay at napangisi si Tsunade ng makita ang ilang mga bagay.
"Subscriber ka pala ng FHM huh?" nakangising sabi nito at sya namang ikinapula ni Naruto.
"May kinuha di po akong picture pero hindi ko ibinenta dahil baka habulin naman ako ng mga Hyuuga" sabay abot ng larawan.
"Teka huwag yan!" sigaw ni Naruto habang sinusubukang agawin ang larawan.
"Uy! Ano to? Naruto ikaw ha… di ko akalaing may pagnanasa ka sa kanya" tawa nito.
"Tandang Tsunade naman, ibalik mo na yan" pilit pa ring ikukuha ang larawan.
"Teka, bakit may parang puti dito sa larawan?" tinitigan ito at mulagat na tumingin kay Naruto. "Mukhang nahawa ka na ata kay Jiraya!" 'sumalangit na wa' sabay tingin sa taas.
"Uy ano ba… gatas yan! Umiinom ako nun ng biglang natapon." Paliwanag ni Naruto habang inilalagay ang larawan sa bulsa 'my precious' isip nito. "So… pano natin makukuha ang mga gamit ko?" tanong ni Naruto.
"Tutal naman mga tagahanga mo ang mga bumili, maglabas tayo ng isang patalastas kung saan sa bawat kagamitang maibabalik isang kiss ang katumbas" paliwanag ni Tsunade. "At ikaw ang mapapakalap nito bilang parusa at hindi ka aalis hanggang hindi naibabalik ang lahat ng gamit nya." Turo kay Naruto.
"Opo Master Tsunade" tungo ng tindero.
Kinahapunan ipinakalat ang isang patalastas na nagsasaad.
Tinatawatagan ang lahat ng kababaihang ng Konoha
ANO: pagbabalik ng gamit ni Naruto
SAAN: Hokage tower
KAILAN: bukas ika-9 ng umaga
PABUYA: isang kiss bawat gamit
Kinabukasan
Nagtambakan ang mga kababaihan ng Konoha sa harap ng Hokage tower dala-dala ang mga nabiling gamit lahat ay sabik, may nagpabango, nagpacleaning sa dentista, naligo, nagtoothbrush at nagmake-up bago tumungo sa nasabing lugar; maya-maya pa ay lumabas si Tsunade kasama si Naruto at sa likod ang tinderong may hawak na listahan at ballpen.
"Alam nyo naman kung bakit ko kayo pinatawag, iyan ay upang ibalik ang mga gamit ni Naruto" pagbati nito, papangiwi ng konti sa itsura ng mga babae, excited ang mga ito at ang kakapal ng make-up, pinatawag na rin ang ANBU squad ni Naruto upang bantayan ito.
"Kung maaari lang ay pumila kayo ng maayos at sisimulan na natin" sigaw ni Iruka na sumama na rin upang suportahan ang kanyang mahal na estudyante.
Dali-daling nagsipila ang mga kababaihan, nagtutulakan at halatang sabik. Inumpisahan na ang halikan este pagsasauli ng gamit, so far ang pinaka marami ay lima dun pa napunta sa kapitbahay nyang obese na tadtad ng tigyawat sa mukha at itim ang ilan sa ngipin pero pasalamat ni Naruto at sa pisngi lang sya hahalik; may mga kailangan itakbo sa tent ni Sakura para gamutin matapos halikan.
Mamaga-maga na ang nguso ni Naruto ng matapos din, kaw kaya halikan mo halos lahat ng babae sa Konoha di kaya mamaga ang nguso mo?
Nang sipatin ang listahan napag-alamang may kulang, sinubukan nilang antayin pero walang dumating. Napalaya na rin ang tindero at nangakong hindi na uulit; kinagabihan laking gulat at pamumula ni Naruto nang buksan ang pinto at makita si…
"Hinata!" bati nito habang gumigilid upang papasukin si Hinata.
"Anong ginagawa mo dito, may maipaglilingkod ba ako syo?" tanong nito.
"A-ano a-a-andito ako p-para isa-isa uli ito" sabay abot ng isang supot.
Sinipat ni Naruto ang laman at nakita ang nag-iisang nawawala sa listahan ang orange boxers na paborito nya na binili pa bayan ng Suna. Bumili pala si Hinata.
"Pasensya ka na ha… sige alis na ko" at dali-dali ito pumunta sa pinto. Laking gulat niya ng hawakan ni Naruto ang kanyang kamay.
"Teka, di ba may kapalit ang bawat gamit na isinauli mo"
"H-hindi wag na" sabay lingon sa sahig.
"Hinata" masuyong sambit nito.
"Bakit?"
"Hinata" ulit nito nang hindi pa rin sya tinitignan ang dalaga.
"!" nang itaas ni Naruto ang kanyang mukha at halikan siya sa labi.
Nang maghiwalay parehong pula sa mukha.
"Sige alis na ako" paalam ni Hinata ngunit natigilan nang iabot ang supot na dala nito kanina.
"Bakit?"
"Wala na akong balak kunin pa to syo dahil…" sabay sara at lock ng pinto dali-daling hinatak at tinulak si Hinata sa sofa. "Mas mabuti kung…" hindi na nya pinagsalita pa ito.
"NARUTO…!" isang malakas na sigaw ang narinig sa bahay ng ating bida kasunod ang sunod-sunod na kalabog (a/n: sorry wholesome story to noh!)
