Ang nakaraan

"Wala na akong balak kunin pa to syo dahil…" sabay sara at lock ng pinto dali-daling hinatak at tinulak si Hinata sa sofa. "Mas mabuti kung…" hindi na nya pinagsalita pa ito.

"NARUTO…!" isang malakas na sigaw ang narinig sa bahay ng ating bida kasunod ang sunod-sunod na kalabog.


Kabanata V

Bagong dilema ni Naruto


Kinabukasan

Hyuuga mansion

"Bakit ngayon ka lang umuwi?" malumanay na tanong ni Hiashi sa anak na kauuwi lang.

"Kasi a-ama… s-si Naruto kasi eh." Paliwanag nito.

"At ano naman ang kinalaman ni Naruto dito?" tanong ni Neji matapos humigop ng mainit na tsaa.

"Teka diba kagabi nag punta ka sa bahay ni Naruto dahil sabi mo may isasauli ka" sabi ni Tenten na nakaupo sa tabi ng kanyang irog, regular na si Tenten sa bahay ng mga Hyuuga dahil tinuturuan sya ng mga dapat malaman at asal sa isang magiging asawa at ina ng susunod pang mga Hyuuga dahil ilang buwan na lang at ikakasal na sila ni Neji.

"Hinata… sabihin mo? Umamin ka?" tanong muli ng Hyuuga patriarch habang tinititigan ang anak.

"Opo ama ganun na nga po ang nangyari" amin ni Hinata nang mapagtanto ang ibig malaman ng ama.

Nagbuntong hininga si Hiashi, wala naman syang tutol kung magkakatuluyan sila ni Naruto kaso tila kay bilis ng mga pangyayari.

"Ipatawag si Naruto, ngayon din" utos nito sa ilang mga Hyuuga sa labas.

"Opo!"

BANG!

BANG!

BANG!

"Oo na… andyan na!" sigaw ng naalipungatang si Naruto at tiningnan ang katabi ngunit wala na pala ito.

BANG!

BANG!

BANG!

"Sabi nang teka lang eh!" wika nito habang inaalis ang antok sa mga mata.

Nang kanyang buksan ang pinto hindi na sya nakapagsalita.

"Uzumaki Naruto sumama ka sa amin." Sabi ng isang Hyuuga.

"Bakit?"

"Basta sumama ka"

"Bakit nga?"

"Basta sumama ka na lang"

Nang makita mga papalapit na stalkers.

"Sige sasama na ako" at pumasok, nagpalit at dali-daling pumunta sa mga Hyuuga.

Pagdating doong diniretso sya kung nasaan ang Hyuuga patriarch at pinaupo sa tabi ni Hinata.

"Kamusta na ang aking sinta?" tanong nito sabay ngiti.

"Ayos naman"

"Mabuti kung ganoon, masakit pa ba?"

"Hindi na"

"AHEM!" biglang lingon ng dalawa sa iritang si Hiashi.

"Magandang umaga ama!" bati ni Naruto.

"Anong ama ka dyan!" tanong ni Neji habang pinipigilan ni Tenten na bangasan ang mukha nito.

"Uzumaki Naruto"

"Opo"

"Anong balak mo?"

"Balak po? Saan?"

"Sa anak ko, aaminin ko nabigla ako sa takbo ng mga pangyayari at ang gusto kong malaman mapananagutan mo ba ang nangyari sa inyo ng aking anak?"

"A-ama!"

"Manahimik na muna Hinata!"

Nilingon ni Naruto si Hinata at hinawakan sa kamay, matapos nito ay determinadong hinarap si Hiashi.

"Opo, pananagutan ko po ang inyong anak" yumuko ito sa harap ng patriarch at nagsabing "Nais ko pong hinging ang kamay ng inyong anak, hindi dahil sa may nangyari sa amin, dahil po sa mahal ko sya."

"Ganun di po ako ama, gusto ko pong makasama si Naruto dahil mahal ko sya" sabay yuko.

"HINDI AKO PAPAYAG!" gulantang na hinarap ang nagsalita.