AN: Heeey! Just got home from school. Sorry if I didn't update yesterday. I was busy.. Sooo, I hope you enjoy!
Chapter 3
The Next Day
Andrea's POV
Nasa harap ako ng salamin ngayon. Kailangan ko magpaganda para makuha ko yung attention ni Gab. Hmm, ano kaya pwede gawin.. Magtatali ba ko ng buhok? Or maglalagay ba ko ng clips? O baka naman mas maganda kung- "Hoy!" Sigaw ni ate. "ANO?! Nagulat naman ako sayo! Ano yun, ano kailangan mo?" Sabi ko. "Parang...Parang masyado ka yatang.. San ba punta mo? Sa school lang naman ah." Sabi niya. Inirapan ko siya. "Malamang. Tingin mo, san ako pupunta?" Sabi ko. "Kaya nga, pero parang nagpapaganda ka yata ng todo ah." Sabi niya. "Ano ngayon?" Tanong ko. Nakakairita naman si Ate Anna. "Yieeee. Sino ba, Andrea? Ha? Sino ba crush mo?" Tanong niyang pabiro. "WALA. Porket nagpapaganda may crush agad? Ikaw talaga." Sabi ko. "Hindi ka naman kasi ganyan eh. Kilos na! Baka mamaya late nanaman tayo niyan." Lumabas na siya ng kwarto. Hay salamat. Tumingin ako sa salamin at ngumiti. "Uy! Papaganda nanaman siya o! Bilisan mo na diyan! Nakoooo." Sabi niya ulit. "Ano ba! Lumabas ka na nga dun! Silip ng silip eh!" Sabi ko at tumawa siya.
Nasa school na kami. "Hi!" Bati ng kaibigang ko si Danielle. "Hello!" Sabi ko habang lumalakad kami papunta sa classroom namin. "Parang ang ganda mo ngayon ah... Ikaw talaga! Halatang halata na yung..You know. Crush mo kay Gab." Sabi niya. "May crush rin naman siya sakin eh. MU na kami." Sabi ko naman. "Oo nga. Pero tingin ko hindi lang ikaw crush nun eh. Marami rin kaya yung ka-MU." Sabi niya. "Wala akong pake." Sabi ko. "Crush niya pa nga raw si Sam Flores eh. Yung matalino tapos maganda tapos mabait, nanglilibre, tahimik.. Ano pa ba." Sabi niya. "Nangaasar ka talaga eh, noh?" Sabi ko.
Nakasalubong ko si Gab mag-isa nung lunch time. "Hi" Sabi niya. Oh my gaaaaad. Kinikilig ako! Ano ba yan.. Ano sasabihin ko.. Pano na?! "Uhh.. Hello!" Sagot ko. Kinakabahan ako kasi sa chat lang kami madalas nag-uusap. Oh my gooooshhh! Kinabahan ako dun ah! Buti nalang lumakad na siya paalis. Grabe! Ang saya nitong araw na toh. Napansin ko lang, nakatingin sakin yang Sam Flores na yan. Buti nga sa kanya. Mag selos siya ng mag selos! Hindi ko naman alam kung may gusto rin siya kay Gab eh pero wala akong pake. Mas bagay kami ni Gab at alam kong mas gusto ako ni Gab. Yun lang.
Samantha's POV
Nakita ko si Gab nag hi kay Andrea. Aaminin ko, nag selos ako kasi crush ko talaga si Gab eh pero wala akong karapatang mag selos kasi hindi naman kami eh. Alam kong matagal nang may gusto si Gab kay Andrea at alam ko rin na MU na sila pero kami ni Gab, hindi naman kasi talaga kami nag-uusap eh. Buti pa nga si Andrea eh. Nag chachat sila sa facebook tapos nag babatian sila sa personal. Pero kami ni Gab? Wala. Nag message lang siya sakin dati, hindi pa ko nag reply. Isa lang yun. Kasalanan ko din yun kasi hindi ako nag reply eh. Hindi ko kasi alam kung ano isasagot ko at tsaka late ko na nakita yung message niya eh.
Gabriel's POV
Binati ko si Andrea nung nakita kong nag lalakad siya mag-isa sa hallway. Medyo matagal siya bago sumagot. Natutuwa lang ako na nabati ko na rin siya sa personal. Madalas kasi chat lang eh. Buti na lang namamansin siya. Sana nga si Sam din eh. Mabait naman daw si Sam eh, mahiyain lang daw talaga. Kami ni Andrea MU na pero kami ni Sam... Ewan ko. Halata namang hindi eh. Hindi ko alam kung sino gusto niya pero kung may gusto siya, malamang hindi ako yun. Halata naman eh. Hindi nga siya nag reply sa message ko dati, eh nagpakilala lang naman ako sa kanya nun. Pero sabi nga ni Carlos, try lang malay ko ba may chance naman pala ako sa kanya. Ang mga kaibigan ko kasi hindi boto kay Andrea eh. Sabi nila sakin pangit daw kasi tapos confident, hindi naman maganda. Ewan, iba-iba naman kami ng paningin eh.
AN: Nako, Gab. Daming chiiiix! Nakoo, sa palagay niyo ba dapat pumili siya ng isa? Sa tingin niyo, sino mas deserving, si Andrea o si Samantha? Vote na! Mag review lang po kayo. Huehuehue. Thanks for reading this! Abangan ang next chapter.. Pwede bang bigyan niyo naman ako ng idea kung ano na mangyayari next? Nakakabored na kasi eh. Huhu. Thank you! Review lang ng review! Labyaaaa.
