May isang malaking bulâ,
Ang bulâ na ito ay kumakatawan sa macroverse.
Ang macroverse ay isang universe kung saan naglalaman ito ng napakaraming 'di mabilang na mga universe.
Bawat universe ay kumakatawan sa napakaraming hindi mabilang na mga bulâ na nakapaloob sa isang napakalaking bulâ na kung tawagin ay macroverse.
Bawat maliliit na di mabilang na mga bulâ na kumakatawan sa hindi mabilang na mga universes ay may kaniya-kaniyang sariling tagapaglikha.
Ang tagapaglikha ng isang universe ay kinikilala bilang Dios ng mga nilalang na nakapaloob sa Universe na nilikha Nila.
May dalawang Universe/sansinukob na nagkadikit sa isa't isa.
Ito ay ang sansinukob ni Yuwe at ang sansinukob ni Enlil. Ang dalawang sansinukob na ito ay nilikha mula sa dalawang magkakaibang uri ng magic, ang sansinukob ni Yuwe, ay mula sa Faith Magic, habang ang sansinukob ni Enlil ay gawa mula sa Sexual Magic.
Dahil magkadikit ang dalawang Universe na ito ay hindi maiiwasang tumingin ang dalawang tagapaglikha sa labas ng kanilang bakuran.
Isang araw, nakita ni Enlil na payak lamang o simple ang sansinukob na nilikha ni Yuwe, kaya nagsaboy siya sa kabilang bakuran ng binhi ng mga panirang damo, nang makita ni Yuwe na napuno ang kaniyang sariling bakuran ng damo ay nag-aapoy siya sa galit. Sa galit niya ay nasunog ang mga damo, pati na rin ang sanlibutang nilikha niya.
