Ang mga uwak na mga nasa paligid ay hinubad ang kanilang suot na balabal at nahayag sa nangasa siyudad ang napakarami nilang nakabukang mata na halos pumuno sa buo nilang katawan.

Ang bilang ng mga nasabing nilalang ay tatlong-libo pitong daang kawal na tagapamahala ng mga bagong salta sa siyudad,

Datapuwa't sila'y marami gayunman lahat sila ay iisa sa pag-iisip at kaluluwa. Sila'y nakapatong sa ibabaw ng pader ng siyudad nagmamasid sa mga taong nakaligtas mula sa paghuhukom at sa hagupit ni Ekklezia.

Silay kasing laki ng karaniwang tao, at yung iba sa kanila ay may habang walo hanggang Siyam na talampakan kaya ang mga tao na titingin sa kanila ay nakatingala na may halong takot at paghanga,

karamihan sa kanila ay nakapatong sa pader ng siyudad nakamasid sa lahat ng angulo, kaya masasabing sila ay buhay na bersiyon ng CCTV.

Noong hindi pa araw ng paghuhukom ay lahat ng mga ibon sa himpapawid ay nasa ilalim ng kaniyang kapamahalaan. kung ano ang nakikita ng mga ibon ay siya ring nakikita ng nasabing nilalang.

•••

Noong nabubuhay pa sa lupa si Ka-Tupi habang pinapakain niya ng saging ang alaga nilang parrot na si fighter.

sa edad na labing anim ay nagpasya ang batang tupi na mag-aral sa pagkapastor. Ngunit tutol dito ang kaniyang mga magulang. kahit siya lamang ang único hijo ay ayaw siyang sang-ayunan ng kanyang mga magulang.

"Tupi hindi bagay sa iyo ang pagka-Pastor dahil ayaw mong magpagupit sa iyong mahabang buhok, naninigarilyo ka, sumasama sa mga lasinggero at mga sugarol." sabi ni Filemon, ang Ama ni Tupi,

"Ang pera natin ay nakatalaga upang mag-aral ka sa pagka-nurse. pagkatapos mong mag aral at pumasa sa licensure examination, magtrabaho ka lang ng ilang taon dito sa ating bansa upang kumuha ng experience,

Pagkatapos ay mangibang bansa ka na! wala kang mapapala dito sa ating bansang maharlika, na maharlika lang sa pangalan ngunit ang mga mamamayan ay busabos. upang kami na mga magulang mo ay makaahon sa kahirapan."giit ni Myrna na Ina ni Ka-Tupi.

"Nurse! Nurse! Wee!" Sigaw ng parrot na si Fighter.

"Pero Inay, Si Pastor Jimmy ay gayundin naman nakita kong nambabae, umiinom at..." hindi pa nakatapos ng pagsasalita si Ka-Tupi ay sinampal ng kaniyang Ina ang kaniyang bibig.

"Ayaw din ng Panginoong Yuwe ang Isang Pastor na Tsismoso!"

"Tsismoso! Tsismoso! Wee!" sigaw ng parrot.

"Fighter! gusto mo bang palitan ko ng alambre ang iyong mga buto?" tanong ni Tupi sa ibon habang bakas sa kanyang mukha ang pagkapikon.

"Wee! Wee! Ayoko maging Taxidermy Wee!" sigaw ng parrot.

"Bakit sa lahat ng Propesyon ay pastor pa ang iyong napili, bakit hindi ka mag-aral ng pagiging embalsamador? Ang kapitbahay natin na sina Ka-emong nakapagpatayo na ng malaking bahay, sabi eh seaman ang kaniyang anak yun pala eh embalsamador, bakit niya pa kinahihiya yun eh marangal naman na trabaho yun." sabi ni Filemon habang nakatingin kay Ka-Tupi na pinagbuntunan ang ibon.

"Tupi, Anak tutal lahat ng mga alaga nating namatay na parrot sa bahay tinatanggalan mo ng lamang-loob at pinapaslakan mo ng bulak at alambre ang patay nilang katawan? Ngayon isang parrot na lang ang natitira sa bahay natin..."

"Nay! Hindi po yan pag-embalsamo, Taxidermy po tawag dyan.

"O Siya tawagin na lang natin iyan na sosyal na paraan ng pag-embalsamo."

•••

Sa pagpupumilit ni Ka-Tupi na mag-aral sa pagka-Pastor, kalaunan ay pumayag naman ang kaniyang mga Magulang, nag-aral siya at nagtapos ng limang taon sa kursong Bachelor of Occultic Engineering; Major in Spiritual Cleansing.

sa Universidad ng Maharlika,

Pagkatapos ng graduation ceremony ay pumunta siya sa beerhouse na ilang metro lang ang layo sa campus upang magdiwang dahil nakapagtapos siya sa kaniyang kurso.

Nag voice-chat ang kaniyang barkada na si ka-henry sa kaniya.

"Ka-Tupi ililibre daw tayo ni Richard. Halika ka na dito!"

Maraming mga magulang ang nagrereklamo sa beerhouse na ito dahil bukod sa malapit sa eskwelahan, ito ay ginawang tambayan ng mga estudyante, hindi rin ito magandang ehemplo sa mga mag-aaral na mga nasa elementarya.

idinulog na nila ito sa Punong-tanggapan ng baranggay.

May Isang magulang na nagsalita.

"Ano na nangyari sa petisyon nating ipasara o ipalipat ang bahay-aliwan?

"idinulog ko na ito maging sa Punong tanggapan ng Mayor, ngunit naalaman ko na ang may-kaniya ng Establishemento ay ang anak ng Gobernador heneral." giit ng isa

"Kung gayon ay ang pagpapagal natin ay nauwi sa walang kabuluhan?"

"Yun nga! mahirap banggain yang mga Guevara."

"Siya nga." sabi ng isang magulang.

Habang naglalakad si Ka-Tupi patungo sa talyer ni Jake ay narinig niya ang mga himutok ng isa sa mga magulang na nagreklamo tungkol sa beerhouse ngunit hindi na niya ito pinansin. bagkus ay inimbitahan niya ang kaniyang kapitbahay na si Jake na sunog-baga din,

Noong nasa Highschool pa sila Ka-Jake at Ka-Tupi ay malapit na magbarkada ang dalawa, isa siya sa mga nag-udyok kay Ka-Tupi na magumon sa bisyo.

"Ka-Jake, magdiwang tayo dahil ito na ang Huling inom ko ng inuming nakakalasing, dahil kapag Pastor na ako ay hindi na ako pwedeng makita ng mga tao sa kasalanan, kaya ngayon inimbitahan kita dahil may manglilibre sa atin, ang mayaman kong schoolmate!"

Sakay ng second hand four-wheel na may automatic transmission at tainted window na sasakyan ni Jake, ay umangkas si Ka-Tupi at dumeretso mula sa kaniyang bahay patungo sa beerhouse.

Dito nagkita-kita ang mga barkada ni Ka-Tupi na nakilala niya sa loob ng campus, Naghihintay sila na nakatayo sa labas.

Si Henry na Nagtapos ng kursong medisina,

Si Stella Maris na nagtapos ng abogasya,

Si Roselle Anne na nagtapos sa pagka-guro,

Si Richard na nagtapos ng inhinyerong sibil, at

Si Daisy na nagtapos ng arkitektura.

Pumasok sila sa loob ng nasabing gusali.

"Ah Punoan, ah ang daming tao!

masikip na dito Ka-Tupi." sabi ni Jake

"Oo nga eh kaso libre dito. may mangli-libre sa atin ngayon."

Nakita nila na ang tatlong pinagdugtong-dugtong na parisukat na lamesa ay nabakante, tumayo ang mga apat na lalaki na naka-upo dito, ang kanilang lamesa ay hugis parihaba at may nakapaligid na upuan.

Sa bandang dulo ng upuan malapit sa dingding ay may babae na naka-upo. napansin ni Tupi na nagliliwanag na kulay pula ang mata ng babae, ngunit hindi niya ito gaanong pinansin.

'Dahil kaya ito sa disco lights na naka-install malapit sa lamesa niya?

nakikita kaya ito ng aking mga kasama?

hahayaan ko na lang na yung iba ang makapansin at magsalita.' bulong ni Ka-Tupi sa kaniyang sarili na patay-malisya sa babaeng malapit lang sa kaniya.

Sa isipan ni Ka-Tupi, Kung ipapaalam niya ito sa mga kasama niya, iisipin nilang na may tama siya sa pag-iisip kaya ang gagawin na lamang niya ay manahimik.

At ng umalis ang mga lalaki malapit sa upuan ng babae ay kahina-hinala ay dahil tila walang imik ang mga ito.

"Miss, ah pwede bang maka-upo dito?" Sabi ni Richard.

Tumango ang babae ayon sa kanilang pagkakaintindi ay sang-ayon siya na umupo sila malapit sa kaniya ngunit nakatulala ito parang nakatingin sa malayo.

Dahil sa kumukutitap na ilaw sa beerhouse ay naaninag nila kung sino ang babae na naka-upo sa bandang dulo malapit sa dingding.

Nakayuko siya at ang bukas niyang kaliwang palad ay nakalapat sa kaniyang kaliwang panga.

Hindi nila pinansin ang babae dahil tahimik lang ito.

Sinimulan na ng waiter na iligpit ang kalat, mga pagkain at mga bote na hindi nagalaw ng naka-upo malapit sa babae.

At ang isang waiter na lumapit sa kanila na may dalang ballpen at maliit na sticky note sa kaniyang kaliwang kamay.

Sir ano po order nila?

"Guys, umorder lang kayo ng umorder!

ako na ang bahala sa bayad." sabi ni Richard habang pa scroll scroll sa kaniyang smartphone.

"Kayo po pala yan Sir," payuko-yuko at pangiti-ngiti ang waiter.

Sumagot Si Tupi "mukhang kilala ka na dito Engineer ha? Palagi ka bang naglalagi dito?" hangang-hanga si Ka-Tupi sa trato sa kaniya ng mga waiter na katulad sa hari ang pinaglingkuran nila.

"Parang ganun na nga."

"Isang batter chicken dalawang rice at isang bucket ng five plus one yung may yelo."

"Bilisan nyo dahil nandito ang kapatid ng may-kaniya." sigaw ng head cashier.

Dahil dito naging maliwanag kay Tupi na ang may-ari ng beerhouse ay wala ng iba kundi ang kapatid ni Richard na si Raul, silang dalawa ay kapwa anak ng gobernador-heneral na si Fernando Guevara.

"Daisy mayroon akong regalo para sa iyo." ibinigay niya kay daisy ang kulungan ng ibon." Sabi ni Richard

"uy lovebird! bakit mo dinala sa maingay na lugar ang ibon na ito? Alam mo bang pwede silang mamatay sa stress? sabi ni Daisy.

"Pinadala kasi ito sa akin ni Mommy, sabi ko wag muna kasi nandito pa ako sa crowded place." Sabi ni Richard

"Hi Miss ako nga pala si Jake, kapitbahay nga pala kami ni Ka-Tupi, matapos naming magpaalam sa mga magulang niya ay minaneho ko na siya dito upang magdiwang kami sa pagtatapos niya ng kurso sa pagkapastor. magkakapareho lang ba kayong lahat ng kurso?"

Sumagot si Roselle Anne.

"hindi ah, ang Kurso ko ay BSEEd

"Ano yun?" dugtong ni Jake.

"Bachelor of Science and Elementary Education Major in English. At ito ang aking boyfriend, si Henry... nasabi niya ito habang yakap-yakap ang malalaking braso ni Henry na laging babad sa Gym.

...nagtapos siya ng BSmed."

"Ah so guro ka pala?"

"Yes!

ikaw ano natapos mo?"

Nadismaya si Jake dahil may nobyo na pala yung hinihiritan niyang chick. Ngunit siya ang tipo ng tao na hindi sumusuko pagdating sa babae, ang motto niya sa buhay ay; "naaagaw nga ang mojon ng lupa na may titulo, nobya pa kaya na walang kasulatan?" ito ang nasa isip niya palagi.

Sumagot Si Jake; "B.S.V.S"

"Ano yun?" Sabi ni Roselle Anne.

Sumagot si Jake; "Bachelor of Science in Vulcanizing shop."

Sa Ingay ng mga nagvi videoke, mga nag-iinumang lasing at impluwensiya ng inumin dahilan kaya hindi mahirap ngumiti ni Roselle Anne kahit sa ganitong sagot ni Jake.

"Hmm.. Chard, what's your plan this time ngayong naka-graduate ka na?" tanong ni Daisy

"ah, I'm gonna help my Mom on our family business." sagot ni Richard.

"Your Mom parin ba even though malaki ka na? And kaya na naman ng Mommy mo ang sarili niya hindi ba?" Nasabi ni Daisy ito habang si Richard ay Busy sa Pag-chat sa kaniyang Mommy.

"Red Flag Yan Girl!" bulong ni Stella Maris.

"Marami kaming mga kliyente na ganyan sa Lawfirm namin na humahantong sa divorce dahil Mama's boy ang napangasawa nila my advice to you is avoid this kind of man."

Pagkatapos ng dalawang oras, pagkukwentuhan, inuman halakhakan,

ala-una na ng madaling araw.

"Alam mo ba Ka-henry *hik* ayon sa Binasa ko sina babaylan dalaaamhatiii at luwalllhatii ay nalasing din..? Sa pagkakataong ito, Si Ka-Tupi ay payuko-yuko sa kaniyang kinauupuan.

"Totoo ba pare?"

"Oo pare kaya masasabi nating hindi masama ang malasing paminsan-minsan at makalimutan ko ang mga lessons sa School na nakaka-Stress."

"Ano ba mga pinag-aralan nyo sa School pare?"

Sumagot si Tupi,

"Kung paano ang tamang pag-aalay ng mga hayop,

mga tamang intonasyon at bigkas ng dasal,

paano gumawa ng magic circle, hindi naman natin magagamit yun sa araw-araw na pamumuhay, pwede pa tayong makulong dahil sa cruelty to animals. alam mo ba kailangan din ng mathematics sa kursong ito?

"Find the area and volume of x, eh magka cast ka lang naman ng simpleng dasal sa mga symmetrical pattern, bakit pa isingit mo ang algebra at geometry dun diba? *hik*. kung paano *hik* intindihin ang mga simbolo at ang mga kahulugan nito,

*hik*

"Paano gumuhit ng pentagram sa buhangin,

lahat ng iyan ay namemorya ko ngunit walang.. walang.. *hik* lahat ng iyan ay walang kakwenta-kwentang kaalaman!"

"Bakit ang aklat ni Luwalhati ay hindi na aplikable sa ating panahon.*hik* bakit kakaunti lang ang mapupunta sa langit and so on."

"Sumagot Si Richard

"baka sa susunod nating Pagkikita Ka-Tupi ay babaylan ka na rin."

Napangiti na lamang si tupi ng marinig niya ito na tumatango-tango ang ulo.

"magtatatag ako ng samahan na sariling akin..."

Pagkarinig ni Richard sa salitang ito ni Ka-Tupi ay nagsalita agad siya.

"Pastor Tupi, what about kapag nagtatag ka ng iyong relihiyon ay tulungan kita sa aspetong pinansyal pero may komisyon ako sa mga abuloy na malilikom mo sa iyong samahan!"

Sumagot naman si Ka-Tupi,

"Magandang ideya yan Richard, HirayamanaYuwe! kung loloobin Niya!"

"Kasi nakikita ko sa iyo Ka-Tupi na may talento ka sa larangan ng pangangaral kaya gusto kong mag-invest kami ni Raul sa iyong itatatag na relihiyon." sabi ni Richard habang uminom siya sa baso na may lamang alak at yelo.

"Hehe. Hindi naman ako talentadong mangangaral, sabihin ko sa iyo Richard ha,

bakit ang mga naglalakihang relihiyon sa ating panahon ay nagtuturo ng taliwas sa mga nasusulat sa aklat ng mga babaylan ah, bakit?"

"Gaya ng Ano Topher?"

Sumagot Si Stella Maris dahil malakas ang boses ni Ka-Tupi sa pagkakataong ito.

"Halimbawa sa mga seremonya ng kasal, ang magsing-irog ay mag-iisang dibdib dapat sa loob ng kweba Lamang na itinalaga sila pupunta. Ano ito at sa ibabaw sila ng bundok nagpapakasal?"

"Kasi nga mas romantic sa ibabaw ng bundok at walang gasinong sagabal.." aniya ni Stella.

"Anong romantic? mas pinili nila ang conveniente kaysa sa tuntunin na ipinasulat ni Yuwe. Nagkakasala sila sa ginagawa nilang yan."

•••

Nang mag alas dos na ng madaling araw. at marami na silang nainom, nakahambalang ang mga bote ng inumin sa lamesa.

Ang walang imik na babae sa gilid nila na nagliliwanag na kulay pula ang mata ay si Thelma

"Ayan na naman si thelmang lasing, pasuray-suray na oh." sabi ni henry.

Tumayo si Thelma sa kaniyang kinauupuan sa pinaka bandang dulo ng upuan malapit sa dingding, dahil ang hugis ng lamesa ay parihaba , siya ay naka mini-skirt na hapit na hapit sa pribadong bahagi ng kaniyang katawan. hayag din sa kaniyang kulay pink at transparent na damit ang dalawang malusog niyang dibdib,

Kung mamasdan siya ng mga lalaking manginginom ay parang huhubaran na siya, yun ay kung ang titig nila ay literal na nakalulusaw ng saplot niya. ay matagal na siyang nahubaran.

Kung pagmamasdan ang dalawa niyang bundok malilito ang nakakakita kung ang tuktok ba ng dalawang bundok ay kulay pink dahil ito ang laman nito o dahil sa kulay ng suot niyang mini-skirt?

"Tingnan mo Sir, kung sa biglang tingin ay hindi halatang siya ay isang mag-aaral sa prestihiyosong unibersidad.

Ngunit kung uusisain maigi, siya ay produkto ng sikolohikal na pang-aabuso ng kaniyang ama at ina, at ang inumin nakakalasing ang nagsilbing takbuhan niya para sa kaniyang mga suliranin."

sabi ng isa sa mga waiter kay henry.

Matagal na nilang kakilala si Thelma dahil regular nila na kustomer ito sa beerhouse at madalas na kausap nito ay ang mga waiters ngunit sa pagkakataong ito ay iba ang katabi niya at iniwanan lang siya sa lamesa niya na hindi nagagalaw ang binili niyang inumin.

Kailangan niyang daanan ang lamesa nila Ka-Tupi dahil masikip sa ibang daraanan niya. Sa kaniyang tingin ay mas desente ang mga naka-upo sa pwestong yaon. ng masdan niya ang nakaupo sa ibang lamesa ay sa tingin niya ay hihipuin o mo molestiyahin lamang siya ng mga ito.

Sumagot si Roselle Anne, "Kilala mo ba yang babaeng yan?"

"Ah balita ko Siya yung hindi nakapasa sa pagka-nurse eh paano sa nightlife naglalagi kaya laging lumeliban sa klase." Bulong ni Henry kay Roselle Anne.

"Hi! guys padaan muna sandali kailangan ko ng lumabas sa beerhouse at a attend pa ako ng summer class bukas." napadaan siya kay Jake at naamoy niya ang halimuyak na bango ng conditioner na mula sa mahabang buhok ng dalaga.

Napansin ni Tupi na hindi nito ginalaw ang kaniyang inorder na inumin at gayunman ay pasuray-suray ito maglakad at

bakit ang mata ni Thelma ay nagliliwanag na kulay pula?

Gusto niya sanang tanungin ang mga kasama niya kung pareho lang sila ng nakikita tungkol sa mata ng dalaga, Ngunit hindi niya maibuka ang kaniyang bibig.

Nang malapit na si Thelma ay

Naglalakad siya ng pagewang-gewang ngunit sa paglalakad niya ay natapilok siya dahil sa mataas na takong niya at nakahambalang na paa ng mga manginginom na naka-upo.

Natumba siya sa kinauupuan ni Ka-Tupi.

Natumba siya na nauna ang kaniyang hinaharap. At dumampi sa katawan ni Ka-Tupi ang malambot niyang katawan

"Oops Sorry!

Naramdaman ni Ka-Tupi ang lukso ng dugo sa kaniyang katawan, ngunit ang Pastor ay laging dumadalo sa mga reunion ng kaniyang mga kamag-anak, maging sa side ng kaniyang Ama o sa side ng kaniyang Ina kaya sigurado siyang hindi niya kamag-anak ang babaeng nakahiga sa kanyang katawan.

Nakita niyang may balat ang dalaga sa kaliwang galanggalangan.

"Miss Tulungan ni kita *hik* mukhang hindi mo na kayang maglakad nasan ba ang inyong bahay? at ihahatid na kita." sabi ni Ka-Tupi

"Ah, hindi na, salamat. kaya ko na, magta taxi na lang ako. Ang bahay namin ay nasa probinsya pa kaya sa boarding house lang ako tumutuloy."

"Jake ihatid na natin itong si..."

"Thelma po."

"Ah, Thelma ihahatid ka na lang namin huwag kang mag-alala hindi kami maniningil ng bayad. Jake! Ako na bahala sa.. basta ihatid lang natin si thelma. ok?"

"Walang problema Boss!"

Hindi kalaunan ay pumayag din itong si Thelma na ihatid nila Jake at Topher sa kaniyang boarding house, at nagpaalam na ito sa mga barkada niya.

Nguni't ng paandarin na ni Jake ang kanilang sasakyan nakaparada sa gilid ng daan.

"Ka-Tupi ayaw mag start."

"ha? tingnan mo bakit ayaw?"

"hai naku! Wala ng gasolina." habang napakamot na lamang ng ulo si Jake, nagtataka siya dahil bakit ambilis maubos ng kaniyang gasolina. kaya ang sabi ni Tupi sa kaniya,

"Ka Jake meron akong misyong ipapagawa sa iyo, heto limang daan bumili ka muna tatlong litro tapos yung sukli sa iyo na."

Bumili muna sa Gasoline station si Jake at naiwan sina Thelma na nakaupo sa pangalawang upuan sa likod ng pwesto ng driver at si tupi sa front seat ng madilim na sasakyan,

Sa pananaw ni Ka-Tupi ay dahil sa sobrang kalasingan kaya napahiga si Thelma kaniyang kina-uupoan kahit na hindi nagalaw ang inumin niya. at nahayag kay Tupi ang katawan ng dalaga.

"Paligayahin mo ako Please!"

Sabi ni Thelma na nag-iibayo ang liwanag na lumalabas sa kaniyang mga mata.

Nang masdan ni Tupi ang mata ni Thelma ay para siyang nasilaw sa liwanag na ito at napasailalim sa kapangyarihan pamilyar sa kaniya, dahil dito ay kusa ng tumingin ang mata ni Tupi sa binti ni Thelma at napalunok na lamang siya dahil para siyang nakatingin sa binalatan na puno ng saging napakaputi at napakakintab.

Nakikita niya ito dulot ng ilaw ng mga billboard at ng dumaraang mga sasakyan ang siyang nagpapa-ibayo sa kaniyang nararamdamang pagnanasa.

Ang tanong eh kung magpapatangay ba siya sa bugso ng kaniyang makamundong pagnanasa? O malalabanan Niya ito?

Habang iniisip at binabalanse niya ang kaniyang pagpapasya ay nilalabanan naman ng kaniyang naghuhuramentadong sandata ang itim na slacks na suot niya.

"Ah Bahala na!" at ang Espiritu ni Enlil ay pumasok sa katawan ni Ka-Tupi.

Tinanggal niya ang kaniyang seat belt at pumunta sa kinahihigaan ng dalaga na parang kampeonato sa pagsisid, parang uhaw na tigre na iinom sa tubig ng ilog kahit alam nito na pwede itong lapain ng buwaya mula sa pinag-inuman nito.

Sinimulan ni Tupi na halikan ang magkabilang leeg at dilaan ito gayundin nagsimula siyang ibaba ang kaniyang pag-aararo gamit ang kaniyang bibig at dila, ma-trabaho ang gawain na ito sa kaniya. kailangan lang niyang gawin ay alisan ng takip sa pamamagitan ng pagbaba ng damit na nakatimbre sa balikat ng babae

"Sigi pa!" sigaw ni Thelma nguni't tinakpan ng kanang kamay ni Tupi ang kaniyang bibig. habang ang bibig at dila ni tupi ay busy sa pag-aararo sa dalawa niyang malulusog na dibdib at utong nitong kulay-rosas, Si Tupi ay sumususo na katulad ng isang sanggol sa sabik na ina.

At ng matapos na niyang pagsamantalahan ang suso ng dalaga ay ibinaba na niya ang kaniyang pagtatrabaho papunta sa puson, hanggang sa mapunta na ang kaniyang atensyon sa main dish at ito ay ang mismong ari ng dalaga. Hinahalik-halikan niya ito at kinakalikot ng kaniyang dila.

"Medyo Maalat!" bulong niya sa kaniyang sarili. Kahit na may amoy ang kaniyang kinakain ay sigi pa rin siya dahil naglalagablab ang apoy ng kalibugan sa kaniya, ang mabaho ay nagiging mabango, ang maalat ay nagiging matamis.

Gusto man niyang umayaw ay animo'y kusa ng gumagalaw ang kaniyang katawan. siya ay nagdarasal kay Yuwe na sana ay huwag munang bumalik si Jake mula sa pinagbilhan nitong gasolinahan at hayaan muna siyang makatapos.

Maya-mayâ ay natapos na niya ang pagkain sa dalaga, iba ito sa ordinaryong pagkain dahil ang nilululon lang ni Tupi ay ang laway, pawis na mula sa balat ng dalaga at katas na mula sa ari nito. Sinimulan na niyang ikambyo ang naghuhuramentado niyang mahabang sandata, may pulso itong katulad ng pinatutugtog na tambol ngunit walang tunog ang alon ng pulso na lumalabas dito.

At nagsimula na si Tupi na ipasok ang kaniyang anim na pulgada na kargada sa naglalaway na kweba ni thelma. Iniisip niyang may mas mahaba pa sa kaniyang dala dahil sa mga napapanood niya sa kaniyang cellphone ngunit wala na siyang pakialam dun, ang mahalaga sa kaniya ay madiligan niya ang dapat madiligan bago pa man dumating ang inutusan niyang bumili sa gasolinahan.

Labas-masok ang kaniyang sandata sa basang-basa na, na kweba. habang menamasahe ang mani na nasa ibabaw ng butas. dahil sa pangyayaring ito, ang sasakyan ni Jake ay umaalog-alog.

Sa kaloob-looban ni Tupi nagtataka Siya bakit kumukutitap na kulay pulang liwanag ang mata ni Thelma Ngunit sa dahil na rin sa nilunod na siya ng kamundohan at dulot na rin ng kalasingan ay tuloy pa rin siya sa paghataw.

Habang gusto niyang abutin sa pamamagitan sa kaniyang mahabang sandata ang pinakailalim na parte ng kweba. Ay humihiyaw si Thelma, hindi maalaman ni Tupi kung humihiyaw ba dahil sa sarap o dahil sa sakit? ang alam lang niya ay nakatirik ang mata ng dalaga.

Pagkatapos ng sampung minutong pagbayo ni Tupi sa butas, ay napasigaw si Thelma;

"bilisan mo! ah! ah! ah!"

Nang magkagayo'y binilisan ni Tupi Ang paglabas-masok hanggang sa ang ari ni Thelma ay kusang may lumabas na maraming tubig.

"Ito kaya ay ihi niya?" bulong ni tupi habang pansamantalang nangatigilan sa pambihirang tanawin na ito, marami ang lumabas na mala-ihi na likido sa butas ng dalaga na anupa't nabasa ang pinaghigaan ni Thelma animo'y natapon na buko juice na isinilid sa bote ng mineral water sa kinauupuan niya.

Patuloy pa rin sa Pagpako ng kaniyang sandata si Tupi na parang anluwagi na nagmamartilyo ng pako sa dingding ng mapansin ni Tupi na malapit na niyang ibuhos ang mainit niyang binhi.

"Iputok mo sa loob please!"

Sigaw ni Thelma nguni't nadimlan na si Tupi at ang kaniyang pag-iisip ay nasakop na ng mga demonyo na kinagagalitan niya dahil para sa kaniya ang ugnayang sekswal na labas sa matrimonyo kahit na magkasintahan ay labag sa aklat na pinanghahawakan niya,

Sa isipan niya at sa kaniyang puso, tanggap niya na nagkasala siya kay Yuwe at sa babaeng kakakilala pa lang niya!

Maya-mayâ ay tumuwid ng bahagya ang katawan ni Tupi ito ay dahil sa sarap na kaniyang nadarama, yun ay pagkatapos umagos ang sobra-sobrang binhi, hindi mabilang ni Tupi kung makailang beses binomba ng kaniyang sandata ang kweba ng dalaga,

Noong menor de edad pa si Tupi ay nagsasalsal din naman ito pero tatlong bomba lang ang kayang ilabas ng kaniyang sandata kapag ito'y nag-alburoto na, ngunit sa pagkakataong ito, Ang kaniyang binhi ay napakarami, umaapaw at tumatagas na ito

sa labas ng ari ng dalaga.

"Sorry bibilhan na lang kita ng pills." nasabi ito ni Tupi habang nag-aayos ng sarili na parang walang nangyari.

Dali-daling nagbihis sina Tupi at Thelma habang tamang-tama dumating na si Jake na may dalang gallon ng gasolina. ikinarga niya ito sa sasakyan, ang mga tao ay nagsi-uwian na at ang maririnig lang nila na tinig sa pagkakataong ito ay tinig ng kalapati na nasa bubongan ng beerhouse animo'y pinagmamasdan sila nito kapag nakatagilid ang ulo nito.

Nang pumasok na si Jake sa driver seat ay nangangamoy maalat na sitaw ang sasakyan niya.

napagtanto niyang may nangyari sa dalawang iniwanan niya sa sasakyan.

•••

"Nagawa na nating ang misyong ipinagagawa sa atin.." sabi ng lalaki na kasama ni Thelma sa table.

"Tama po kayo Pinunong Holv-ot, ang Sekswal na enerhiya ni Kardel ay bumaba sa .01 porsiyento hindi ako makapaniwalang gumagana pa sa babaeng mortal ang nabili kong mumurahing kwintas ng Hypnotismo. hindi ba natin pwedeng wasakin ang kaniyang kaluluwa ngayon? " sabi ng isa.

"Nang pumasok tayo dito ay nawala ang ating sexual magic, kaya nagtitiyaga na lamang tayo sa sexual magical tools, ang trabaho lang natin ay hayaan siyang makipagtalik sa babaeng magtatanggal sa kaniya ng sexual magic, yun lang, wala ng iba pa. dahil kapag pumatay tayo ng mortal sa daigdig na ito ay malaki ang tsansa n hindi na tayo makabalik, lalong-lalo na at nawala ang ating sexual magic! ang bawat mortal pa naman sa mundong ito ay may kaniya-kaniyang guardian angel."

Nang marinig ito ng mga kasamahan nila ay lalong nangamba ang kanilang puso.

"Leshra hindi ka ba sasabay sa amin? papunta na kami sa lagusan!" sabi ni Valuz.

"Hindi na muna dahil dito ko palalakasin muli ang aking Sexual Magic. ang mahalaga ay tagumpay nating naisagawa ang salamancang sekswal, at ang babae..."

"Leshra, hindi ba pwedeng ngayon na natin wasakin ang kaluluwa ni Kardel?"

"Hindi! hintayin ko muna na dumami ang mga kasapi ng kaniyang secta na katumbas ng dami ng aming angkan na pinatay niya!

maniningil ako kasabay ng interest!" sabi ng lalaki na may kwintas na lapis lazuli.

May binigay na kwintas ang isa sa mga kasamahan ni Leshra.

"Ano ito Pinunòng Holv-ot?"

"Kapag suot mo yan, mamatay ka man sa Daigdig na ito ay mabubuhay kang muli sa ating sansinukob sa loob ng Cryogenic Time Coffin."

Pagkarinig ni Leshra dito ay napuno ng kasiyahan ang kanyang mukha.

"Salamat po Pinunòng Holv-ot!"

"Walang anuman." sabi ng lalaki na may malaking katawan.

"Nakahanda na ang Lagusan, tayo na at baka mapansin na tayo ng mga anghel ni Yuwe. nanganganib ang ating buhay dito."

Sabi ng lalaki na may green ang buhok.

Habang unti-unti silang pumasok sa portal ay patuloy pa rin silang nag-uusap.

At ang apat na misteryosong lalaki na katabi ni Thelma ay naglaho kasabay ng nilikha nilang lagusan na pinasukan nila.

•••

Habang nakasandal sa dingding ng kanilang bahay ay nakatulala si Thelma habang ang kaniyang gunita ang naglakbay sa nakaraan niyang buhay ay nagising siya, at bumalik ang kaniyang diwa sa kasalukuyan na nakaharap ang kaniyang mga maluha-luhang mata sa puno ng Mansanitas na nasa likod bahay ay minamasdan niya ang mga maya na kinakain ang maliliit na bunga ng nasabing puno.

nagsalita Siya ng may galit na boses.

"Tupi, ano na naman ang ulam natin? itlog na naman ba? hindi ka ba nagsasawa sa buong buwan na ito ng Panganganlong ay puro itlog ang binibili mo?"

"Huh? ito ang itlog ng manok na naipon ko sa nakaraang buwan. mura kasi kaya bumili ako ng bultohan, sayang naman kung hindi natin kakainin ang itlog, masisira lang ito."

"Bakit hindi mo gamitin ang ref? ang init-init hindi mo ba paandarin ang electric fan?"

"Thelma, gusto mo bang magmulta tayo ng isangdaang libong piso dahil gumamit tayo ng kuryente, at ipakulong ako ng Maharlikan Morality Police dahil gumamit ako ng kuryente sa kabuuan ng Panganganlong? Mahal naman!"

Nang marinig ito ni Thelma ay lalong tumaas ang presyon ng kaniyang dugo na nagsasabi,

"Tupi, hindi kita mahal kung ano man ang nangyari sa atin noon, isang lang yung malaking pagkakamali.." nasabi niya ito habang pinipigilan ang kaniyang pagluha.

"Ngunit kinasal tayo sa kapilya Thelma hindi ba yun sapat na dahilan para...

"Gusto ko ng makipaghiwalay sa iyo Tupi magpa file na ako ng divorce papers..."

"Sagrado ang kasal Thelma hindi ito ordinaryong kontrata na basta mo na lang ibabasura." habang ikinukumpas ang kamay malapit sa mukha.

"Hindi ako naniniwala sa mga bagay na sagrado, ito'y gawa-gawa lamang ng malikot na kaisipan ng tao at si yuwe na Sinasamba mo ay isang malaking delusyon!"

Bawat ibon na malapit kay Tupi ay nakamasid sa kaniya, sa likod ng mga mata ng ibon ay may nagtatagong kapangyarihan na may kaugnayan sa mga uwak kaya kilalang-kilala na siya ng mga ito.

"Paano nalang ang anak nating si Karen? Iiwanan mo na lamang ba siya? hayaan siyang lumaki sa isang broken family?"

"Gusto mo bang gumawa ako ulit ng eksena sa gitna ng iyong mga Sermon Tupi? Ako'y sawang sawa na sa kahirapan, hindi ako naniniwala na may kapangyarihan ang pinaniniwalaan mo!

Naniniwala ka sa pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa mga milagro, at kababalaghan ngunit nanghihingi ka ng salapi alang-alang sa maintenance ng kapilya? Bakit hindi na lang magicken ni Yuwe na maging bagong muli ang kapilya mong sira-sira?"

"Huwag kang lapastangan Thelma! Huwag kang mamusong sa Pangalan ni..."

"Yan ang problema sa iyo Tupi ang pagkapanatiko mo, kung makapangyarihan talaga si Yuwe bakit hindi siya ang bumaba mula sa sangkalangitan at parusahan ako sa aking pamumusong?

O sadya lang talagang Hindi siya umiiral sa realidad?"

"Tutustusan ko na lang ang pag-aaral ng bata at iba pang mga gastusin para kay Karen ayaw kong umasa sa abuloy na bigay ng mga kaanib mo! Ok sana ang pagka-Pastor mo eh kaso humiwalay ka sa Secta ni Sacerdote Marcial at nagtayo ng sariling iyo!

"Yung bata, pareho lang tayong lasing noon kaya nangyari ang hindi inaasahan, pinilit lang ako ng magulang ko at mo na pirmahan ang marriage contract at makisali sa malamyang seremonya ng kasal."

Nang marinig ito ni Ka-Tupi ay buong tapang niyang sinabi,

"Ah, basta ayaw kong pirmahan yang Divorce papers, kung gusto mong makipaghiwalay sa akin ay walang anuman yun sa akin. Ngunit kung pipirmahan ko yang papel na yan ay hindi mo ako mapipilit!"

•••

"Rocky nag-aaway na naman ang mag-asawa mukhang sa pagkakataong ito ay maghihiwalay na talaga ang dalawa!"

sabi ni Edna habang nakadungaw sa bintana ng kaniyang kubo

"Escandalosa naman kasi yang si Thelma.

Biruin mo kanina sa aming fellowship ay binara niya si Pastor Tupi sa gitna na ng pangangaral, nagsisisigaw sinasabing kasinungalingan lang daw ang pinangangaral ni Ka-Tupi eh malapit na kaming matapos dun eh, buti nalang eh pinalabas siya ng mga tauhan ni Jake."

sabi ni Rocky habang himas-himas ang manok panabong.

"Nagsara na yata ang Vulcanizing shop ni nila Mang-Ando ano? Ano na nga ba ang trabaho ngayon ni Jake?

"Sabi niya eh may raket daw siya, hindi ko na tinanong kung ano. Pero kutob ko eh hindi legal pinagkakaabalahan niya."

At iniwan nga ni Thelma si Ka-Tupi at ang asawa ng Pastor ay sumama sa ibang lalaki, nangako si Thelma na hindi niya ipagsasabi ang mga nangyari sa kanilang dalawa, sa gitna ng lahat ay may kakaunting respeto pa ring natitira si Thelma sa dating asawa, alam niya na ito na lamang ang pinagkukunan niya ng ikinabubuhay ni Ka-Tupi. hindi man pormal ang kanilang paghihiwalay, ni dumaan man sa legal na proseso ay hindi naman na nag-uusap ang dalawa tungkol dito, dahil alam nila na ang pagpirma sa mga divorce papers ay malaking kabawalan sa relihiyon nila.

Ito ang mga panahong nagsisimula pa lamang si Ka-Tupi sa kaniyang pagiging Pastor, mahirap at masalimuot, nagbago ang lahat ng matuklasan ni Tupi ang kaniyang kakayahan sa Faith healing.

(T.L *naaagaw nga ang mojon ng lupa kahit na may titulo, nobya pa kaya na walang kasulatan?* [Cebuano: ilog man gani ang yuta bisag naa'y mohon, uyab pa kaha?]

(Cairn landmark can be stolen, so as other's girlfriend.)