Ang higanteng halimaw na bumalik sa kinaroroonan ng altar ng banal na siyudad ay si Ekklezia, bumalik ang katawan niya mula sa katawan ng matipunong lalaki patungo sa katawan ng isang babae na mahaba ang buhok, meron siyang suot na balute at sa kaniyang kanang kamay at meron siyang hawak na tabak na nakasaksak sa kaliwang tagilirang dibdib ng tupa sa kaniyang paanan,

habang ang kaliwang kamay niya naman ay nakahawak sa bukas na aklat na animo'y hinahatulan ang kaawa-awang tupa, ito ang hitsura ni Ekklezia kapag bumalik ito sa pagiging debuhong bato pagkatapos ng piging.

sa paanan niya nakalagay ang mga gamit panglinis na gagamitin nila na inihanda ng mga Uwak.

Dito nila nakatagpo ang tatlumpu't tatlong mga tao na dinala ng mga higanteng uwak, lahat sila ay pagod na pagod parehong katawan at pag-iisip dahil sa mga pangyayari na naganap.

Nagsalita si Louie, ito ang naka debate sa plaza palagi ni Pastor Tupi noong nabubuhay pa sila sa lupa;

"Mapagpalang panahon sa iyo Ginoong Xanchyz matagal na tayong hindi nagkikita, ang sabi mo sa iyong sermon palagi na ang relihiyon na itinatag at ini-rehistro mo sa pamahalaan ng maharlika ang siya lamang ililigtas ni Yuwe mula sa naglalagablab na apoy ng impiyerno at lahat ng relihiyon maliban sa itinatag mo ay itatapon kasama si kamatayan at pahihirapan sila sa panghampas na bakal sa kamay ni Tagawasak araw at gabi magpakailanman. Ano ito at ako'y binuhay ni Panginoong Yuwe at nandito rin harapan mo?

Nagsalita si Ka-Tupi. "Diba sa turo mo Ginoong Louie ay pagkatapos mamatay agad-agad ay mapupunta ang kaluluwa niya sa pangkalangitang husgado? Nasan ang husgado at nasan ang hukom? Diba sabi mo pag nasa banal na siyudad na tayo ay hindi na natin kailangang maglakad o magsuot ng panyapak dahil purong kaluluwa na tayo at lumulutang na tayo sa hangin bakit nakasuot ka parin ng black shoes?

"Paghahampasin ko kayong dalawa eh! Pareho kayong dalawang mga bulaan." sumagot si Jake sa gitna ng dalawang pastor na nagbabangayan sa isa't-isa.

Habang nag-uusap sila malapit sa gitna ng altar ay naisipan ng tatlumpu't dalawa na doon maglinis sa lugar na malayo sa dambana dahil natatakot sila kay Ekklezia na baka mabuhay ito maguli.

Bakas sa mukha nina Tupi, Rocky, Jake, Louie at Lalaine ang takot na baka mabuhay uli si Ekklezia at kainin silang apat

habang nagpupunas silang apat sa sahig malapit sa altar.

Pagkaraan ng kinakailangang sandali upang harusin ang mga dahon ng malunggay sa sanga nito ay lumapit sa kanila na isa sa mga Uwak na nag anyong Aninong tao. At nagsasabing

"Simulan na ninyo ang inyong Paglilinis!"

Ano itong sinasabi ng uwak? hindi ba nila alam na matagal na silang naglilinis lahat?

Sumagot naman si Rocky

"Ano sa palagay mo ang ginagawa namin? buong siyudad pa po ang lilinisin namin. "

Sumagot ang isa sa mga Uwak,

"hindi iyan ang panglinis ninyo, ibibigay ko sa inyo ito." Binigyan sila nito ng Aklat, Tabak, at Baluti.] Mula sa Altar ni Ekklezia.

Ang pabalat ng aklat ay kulay kayumanggi, may nakasulat itong mga titik na mahiwaga, at may kapal itong isangdaang pahina.

"Ito'y katulad ng nasa rebulto," Sabi ni Topher "paano kami maglilinis gamit nito?"

Sa isipan ni Ka-Tupi baka ang bawat papel na pahina ng aklat ang gagamiting pampunas sa mga nakakalat na dugo, pero

ano ang kinalaman ng baluti at tabak sa paglilinis ng mantsa?

pwede itong gamitin lamang sa panahon ng digmaan, ngunit hindi ito aplikable sa kapanahunan ni Ka-Tupi dahil meron namang mga baril, mga drones at ano pa mang makabagong teknolohiya. Gayunman ibinigay lang niya ang mga natanggap niya mula sa uwak sa mga kasama niya, naghihintay siya kung interesado ba sila sa kagamitang ito, ito'y nararapat lamang sa museo!

Sumagot ang Uwak'

"kapag nagising ka na Kardel!" Lahat ng nakarinig dito ay nagulat dahil ang Pastor Tupi na kilala nila ay tinawag sa pangalang hindi pamilyar sa kanila.

Nahihiwagaan si Ka-Tupi sa mga pananalitang ito, kaya tinanong niya ang nilalang;

"Sa ano ako gigising at bakit Kardel ang tawag mo sa akin?"

Sa mga pangangaral ni Ka-Tupi ay lagi niyang sinasabi sa gitna ng pulpito na maging gising sa katotohanan, palaging mulat lamang sa kung ano ang nakasulat sa aklat ng patnubay ni Yuwe kung paano mabuhay ng matuwid, at kung ano man ang itinuturo sa labas ng kanilang relihiyon ay dapat itakwil at maging isang tao na may saradong pag-iisip.

Bukod pa dito ay kakagising lang din niya mula sa libingan.

"Uy! may bago ka ng pangalan ka Ka-Tupi ha!" tugon ni Jake na may halong pangungutya dahil narinig din niya ang uwak sa pagtawag kay Ka-Tupi bilang Kardel, habang punas-punas ang gintong dingding ng isang bahay na walang nakatira sa gilid nila.

Sumagot ang isa sa mga uwak. "Ang pangalan ninyo sa lupa ay hindi ninyo tunay na pangalan, at gaya ng inyong panandalian buhay sa lupa ganun din ang inyong panlupang pangalan ay hindi na angkop sa lugar na ito."

"Anong ibig sabihin nito Panginoon? ito ba ang bago kong Pangalan?"

Naguguluhang sagot ni Ka-Tupi, sa bansang Maharlika, walang may pangalan na ganun, dahil pagtatawanan lamang sila ng mga kaklase nila kung iyon ang pinangalan sa kanila ng kanilang mga magulang.

"Bago kayo ipinanganak sa lupa ay dito kayo sa lungsod dumaan, at pumayag kayo na burahin ang inyong alaala upang matanggal ang impluwensya ni Enlil sa inyo." sabi ng uwak

"Hindi maaari yan, ang sinasabi ninyo ay labag sa aral na nakasulat sa patnubay ang tao ay ipapanganak ng isang beses .." sabi ni Ka-Tupi na may pagtutol.

"Lahat ng tao ay nilikha ni Yuwe ngunit hindi lahat ng kaluluwa ay nilikha niya, ang iba sa kanila ay nilikha sa ibang sansinukob." sabi ng uwak.

"Kasinungalingan! Ang lahat ng tao ay ipapanganak ng minsan ay mamamatay ng minsan upang hatulan!" sigaw ni Ka-Tupi laban sa uwak. "Katulad ka rin ng babaeng ito na nagsasabi na pitong daang libong taon na akong nahimlay sa libingan, habang pakiramdam ko sandali lang ako nagpahinga!" dinuduro-duro na ni Ka-Tupi ang uwak sapagkat kasalungat ang sinasabi nito mula sa aklat ng Patnubay na kaniyang pinanghahawakan ng buong buhay niya, ngunit nagulat siya mula sa sagot ng uwak.

"Nakikita n'yo ba ang buhanging orasan sa harapan ninyo? may nakalagay na numero, at ang numerong nakalagay ay bilang ng taon kung gaano na kayo katagal namatay." giit ng mga uwak.

Nang tingnan ni Ka-Tupi ang buhanging orasan, nakita niya ang numero at ito'y 700,000 na taon ang nakakalipas ng Siya'y namatay. ito ang 6 digit number na hindi niya pinansin ng nakalagay ito sa buhanging orasan.

"Anong? Hindi maaari!" sa mga pangangaral ni Ka-Tupi, sinasabi niya palagi na ang araw ng paghuhukom ay malapit ng dumating ngunit hindi niya inaasahang aabot pa ito ng daang milenyo bago nangyari.

Sasabihin na rin sana ni Ka-Tupi sa mga uwak na nakasagutan niya na sila ay sa demonyo, dahil iba ang sinasabi nito sa mga tinuturo niya, at sa aklat ng patnubay na pinanghahawakan niya, ngunit hinawakan ni Ka-Rocky ang kaniyang braso, habang lumilingon-lingon ang kaniyang ulo at pumipitik ang kaniyang dila "tsk, tsk!" umiling Siya, ang hudyat ni Rocky kapag tumututol siya sa mga kilos ni Ka-Tupi dahil noon pa man ay mahilig itong makipag-debate lalong-lalo na sa tagapagturo ng ibang relihiyon.

Ngunit sa pagkakataong ito, ang katunggali ni Ka-Tupi ay hindi tao kundi isang higanteng uwak na nakasuot ng balabal at may laking walo hanggang siyam na talampakan na puno ng nagliliwanag na kulay pula ang mga mata na pinupuno nito ang buong katawan!

Dinala si Ka-Tupi ni Rocky malapit sa dingding ng bahay katabi si Jake

"Huwag ngayon! hindi ito ang lugar para makipag-debate."

Ang pinaniniwalaan nila ng mahabang panahon ay basta na lamang nabasag sa isang iglap? bakas ang hindi pagsang-ayon ni Tupi sa ganitong pagkakataon.

Sabi ni Rocky, "kunin na lang natin yang Ibinigay sa atin ng uwak, at maglinis na lang tayo dito." pilit na inililihis ni Rocky ang usapan dahil nagkakainitan na ng sagot ang dalawang panig.

Nung damputin na ni Jake ang Baluti, ito ay parang gawa lamang sa lata, at magaan dalhin, ngunit wala itong pang-ibabang katapat na pares, habang dala-dala niya ito sa kaniyang kamay ay may malakas na pwersa na lumabas sa kaniyang katawan,

'Parang pamilyar sa akin ang pakiramdam na ito ha!' bulong ni Jake sa kaniyang sarili, habang bumubugso ang alon ng pwersa sa kaniyang katawan at sa balute na kulay itim na usok.

Ganun din ang naramdaman ni Rocky na parang mayroong madilim na pwersa lumabas sa tabak ng hawakan niya ito, "Ang sakit ng ulo ko ah!" habang minamasahe ng kaliwang kamay ni Rocky ang kaniyang ulo, hawak naman ng kaniyang kanang kamay ang tabak.

Ang mga uwak naman na sumundo sa kanila ay nakapatong lang sa mga pader ng siyudad at tinitingnan sila sa malayo na sumisigaw sa kanila na nagsasabi'

"Ang mundo ng kapahingahan, ay kailanman ay hindi magiging sa inyo ang nararapat lang talaga sa inyo ay tagalinis.!

Umabot ng isa at kalahating araw ng silang apat ay magsimulang maglinis sa siyudad upang tanggalin ang mantsa ng dugo mula sa mga taong kinain ni Ekklezia ngunit ang katapusan ng kanilang gawain ay malayo pa sa kanilang tanaw.

Ang basehan ng oras ng siyudad ay nasa higanteng buhangin-orasan nito sa gitna ng altar, ang isang oras ng siyudad ay katumbas na ng isang libong taon sa mundong nasa ibaba, ito ay dahil sa Spacetime Barrier na nakapalibot sa lungsod. Ang barrier na ito ay ang nagsisilbing kublihan ng lungsod upang hindi ito makita ng mga mortal, bago maganap ang araw ng kawakasan, ang gintong siyudad ay hindi nakikita sa kalawakan ng Kalalimang Walang Hanggan.

ang inner layer ng barrier ay makakaramdam ng isang oras, at ang outer layer ng barrier ay makakaranas ng isang libong taon, pwede unatin ang barrier upang palakihin o paliitin, ngunit ang magical barrier na ito ay pansamantalang itinigil dahil sa pagpasok ng napakaraming mga tao.

Ang siyudad na ito

ay hindi nakakaranas ng gabi dahil ang apoy ng impyerno ang nagbibigay liwanag dito, ang dating sanlibutan kung saan naroon ang bansang Maharlika ay hinatulan sa pamamagitan ng apoy dahil sa mga kasalanan nito.

Kahit na malapit lang ang parisukat na siyudad sa apoy sa astronomical na pananaw

ay hindi ito naiinitan mula sa init ng impyerno.

Nagtanong si Rocky sa isa sa mga uwak.

"Pwede magtanong tungkol sa araw ng paghuhukom? Nasan nga ba ang husgado?"

Sumagot ang mga Uwak

"Ang hatol ng Panginoong Yuwe ay mas mabilis pa sa kidlat, Ang mga tao na hinatulan niya ay umaabot sa isang daang bilyon, sa isang daang bilyon na yan ay hindi lahat ay nasusunog sa impiyerno sapagka't ang kanilang katawan at kaluluwa ay ninakaw at dinala sa ibang mga sansinukob ng ibang taga-linis upang ipanganak na maguli. limang daan libo lamang ang nakain ni Ekklezia ngunit inaasahan na namin na kakaunti lang ang maliligtas at makapanahan sa tunay na banal na siyudad. Sa apat-raan at tatlumpu't pitong kandidato sa pagiging taga-linis ay tatlumpu't pito lamang ang nakapasa."

Sumagot si Tupi at si Louie ng sabay

"Sino ang lilinisin namin? Wala na kaming bibinyagan sa lugar na ito!" nangatigilan sila dahil pareho ang kanilang tugon.

•••

Noong nabubuhay pa silang dalawa sa lupa kapag mayroon sasaling bagong kaanib sina Pastor Tupi at Sacerdote Louie ay parehong magbibinyag ng mga bagong kaanib sa kanilang kaniya-kaniyang relihiyon, Ang pamamaraan ni Tupi ay pinararaan sa baga ng uling mula sa bao ng niyog na tumutubo sa loob ng kaniyang kapilya ang mga bagong disipulo.

"Ang apoy na ito ay sumisimbulo sa apoy ng impiyerno, maglakad kayo sa nagbabagang uling! Mas maigi na danasin ninyo ang sandaling pagkapaso mula sa nagbabagang uling kaysa kamtan ninyo ang walang hanggang pagdurusa sa kamay ni Tagawasak upang ipahiya sa harapan ng Panginoong Yuwe at sa harapan ng kaniyang banal na mga anghel!" ito ang talumpati ni Ka-Tupi sa kaniyang seremonya ng paglilinis, sinasabing ang ritwal na ito ay siyang susi upang mapatawad ang tao sa kasalanan na kaniyang ginawa.

Kay Sacerdote Louie naman pinararaan ang kamay ng mga bagong kaanib sa apoy ng lampara. Ang langis ng niyog ng lampara ay binili niya sa pamilihang bayan gaya ng ginagawa ng kaniyang mga kapwa Sacerdote at nagsasabi;

"Iparaan ninyo ang inyong kanang kamay sa apoy ng lampara, sa ngalan ni Yuwe kayo ay nalinis na sa inyong mga kasalanan, kapag haharap kayo sa makalangit na husgado at makikita nilang ang inyong kanang kamay ay sunog na mula sa banal na apoy. ito ang magiging katunayang nalinis na ang inyong kaluluwa, at ito ay mapapawalang-sala sa inyo at kayo'y magiging banal sa Paningin ni Yuwe na ating Panginoon at ating Hari.

Ang dalawa ay parehong nagbabangayan na mali ang pamamaraan nila sa Paglilinis.

"Ikaw ba talaga ay tagalinis ni Yuwe? Yung bao ng Niyog mo na mula sa compound ng inyong kapilya na kung saan dun naninigarilyo at ginawang banyo at ini-ihian lamang yan ng inyong mga kaanib at ng mga alaga mong aso Ka-Tupi! Yan ba ang sinasabi mong banal at malinis?" Banat ni Sacerdote Louie

Sumagot naman si Tupi. "Ginoong Louie Cariño alam ko na ang gamit mo sa sinasabi mong totoong binyag sa apoy ay binili lahat sa pamilihan, nakasulat sa aklat ni babaylan dalamhati at babaylan luwalhati na kung gagamit ng langis sa binyag ay dapat masiguro na kinuha ito sa likod-bahay at hindi dapat bilhin sa pamilihan. o ginagawa mo lamang ito dahil walang gasinong sagabal, uutusan mo lamang ang pangatlo mong asawang si Elsa upang bumili ng mga kakailanganin, madali lang gagawin kahit taliwas sa mga nakasulat sa aklat ng patnubay. Ayaw kong makialam sa personal mong buhay pero ang una mong asawa ay Si Carmen ay natutulog kasama ng ibang lalaki. Diba dapat ang isang lingkod ni Yuwe ay may isa lamang asawa? Bakit apat na babae ang sabay-sabay na natutulog sa iyong higaan?

isa rin itong kasalanan sa mata ni Yuwe!"

Sumagot Louie, "Dahil dinamay mo na rin ang personal kong buhay, Sabihin ko rin ang asawa mong si Thelma na hindi mananampalataya, hindi siya naniniwala na umiiral si Yuwe o Meron ba talaga Yuwe na lumikha ng sanlibutan. diba ang asawa dapat ang sumusuporta sa pinaniniwalaan ng kaniyang kabiyak? balita ko eh, nag-alinlangan akong sabihin ito pero bakit ngayon ay gusto na niyang maghain ng diborsyo sa korte? Diba ang diborsyo ay kasuklam-suklam rin sa mata ni Yuwe? O baka napilitan lamang siya magpakasal sa iyo dahil binuntis mo siya sa labas ng matrimonyo dahil nagkaroon kayo ng relasyong sekswal na kasalanan din naman sa mata ni Yuwe?"

Ganito sila noon kong magbangayan, gayunpaman nakakaakit parin sila ng maraming mga interesadong maging kaanib sa kanilang samahan.

•••

Nagsalita ang mga uwak ng sabay. "Hindi kayo sa daigdig na ito maghahanap ng mga kaluluwang lilinisin kundi sa ibang sansinukob."

Pagkarinig nila ay nagulat sila sa sinasabi ng uwak, paano sila makakapunta sa ibang sansinukob upang mapapagbalik-loobin ang ibang mga nilalang? Sa dating daigdig nga ay pahirapan makahanap ng mga taong maaakit nila sa kanilang samahan.

"Kardel inuutusan kitang buksan mo ang aklat na bigay namin sa iyo upang malaman mo ang iba pang detalye." Pasukdol na boses ng isa sa mga uwak.

Nang magkagayo'y binuksan ni Xanchyz ang unang pahina ng aklat dahil hindi niya mabuksan ang ibang pahina, sa kaniyang isipan ay baka nagkadikit-dikit ang mga pahina, ngunit sa kaniyang pagtingin sa unang pahina, ito ay walang nakasulat, maya-mayâ ay may lumitaw na mga mahiwagang mga titik, nagliliwanag itong kulay lila sa kaniyang paningin ngunit laking gulat niya nang malaman niya,

naiintindihan na niya agad at nababasa ang nakasulat dito. Na para bang nagamit na niya ito sa dati niyang buhay ngunit hindi niya ito maalaala, at kung meron man siyang alaala tungkol dito ay ayaw itong tangkilikin ng kaniyang isipan dahil kasalungat ito sa pinaniniwalaan niyang dalisay na turong natanggap Niya kay Yuwe, Ang tao ay ipapanganak na minsan at mamamatay minsan, tapos ang usapan, pagkamatay nila ay maghihintay sila sa libingan, walang nakakaalam kung kailan sila babangon, upang buhayin na maguli ni Yuwe upang hatulan at linisin sa apoy,

Ang karapatdapat ay magmamamana ng pangakong walang hanggang kapayapaan sa bagong langit at lupa, ngunit ang makasalanan at ayaw magbago ay parurusahan sa apoy na walang hanggan, ito ang kaniyang matibay na paninindigan na kasing tibay at kasing tayog ng bundok Kaylinaw.

At tumambad kay Ka-Tupi kung ano o para saan ang aklat na hawak niya.

Ang unang pahina ay may kapangyarihang mapasa-ilalim sa Hypnotismo ang isang nilalang kahit gaano ito kalayo mula sa may hawak ng aklat. Ngunit ang bisa lamang nito ay umaabot ng apat na minuto ayon sa mga nakasulat sa unang pahina, Binuksan ni Tupi ang ikalawang pahina ng aklat, may kakayahan itong dalhin sa mundo ng ilusyon ang isang tao ng pangmatagalan lahat ng mga nakatitig sa nasabing aklat, at ng buksan ni Ka-Tupi ang ikatlong pahina ng aklat ay nahayag sa kaniya ang kapangyarihan nito, naglalabas ito ng nakakasilaw na liwanag.

"At sinimulan na niya ang paglilinis gamit ang aklat."

sabi ng mga uwak na inaasahan na ganito ang mangyayari, diba sila din ang nagbigay ng kagamitang ito?

Ang ikatlong pahina ng aklat ay may kapangyarihan dalhin ang isipan ng mga taong nasa ilalim ng hypnotismo sa mundo ng ilusyon, ang kaibahan nito sa ikalawang pahina ay ang gumagamit ng kapangyarihan ito, ay nasa kalagayan ng Astral Projection.

Ang diwa at espiritu ni Tupi ay napunta sa impyerno, minamasdan niya ang mga tao doon ay nagtitiis sa hirap at uhaw dala ng init ng mala-dagat na apoy na nagpapahirap sa mga tao at ang mga uod na kumakain sa kanilang laman na tila walang kabusugan sapagkat ang kanilang laman din ang nag re regenerate kaya sa bawat oras ay ang kanilang pagdurusa ay nagpapanibagong sigla palagi. ito ang mga taong hindi natatakan sa noo ng kapangyarihan ni ArchGeneral Holv-ot.

Humahanap na nga ng paraan ang mga tao upang mamatay silang muli upang makatulog sila ng mahimbing na tulog gaya noong inilibing sila ng kanilang mga mahal sa buhay sa sementeryo, ngunit hindi sila mamataymatay dahil pati ang kamatayan lumunok sa malay-tao nila nung sila ay namatay ay pinahihirapan ring kasama nila, sa loob ng lagusan ng kalalimang walang hanggan na nasa kalawakan sa itaas.

May isang dating mayamang haciendero na ang pangalan ay Cardo, ang kaniyang itim na buhok ay hindi maaninag dahil napuno ang kaniyang ulo ng uban, balbas sarado ang kaniyang mukha, siya ay nabuhay sa lupa bilang panginoong maylupa, hindi niya sinusweldohan ang mga magsasaka na nagtatrabaho sa kaniyang bukirin, at mapang-abuso siya sa kaniyang mga kasambahay. nakita niya sa itaas niya ang Espiritu ni Tupi na may suot na Barong at slacks na maitim, sa kaniyang paanan ay may higanteng aklat na kasing laki ng arena ng palakasan, ito ang kaluluwa ng aklat na hawak niya noong nasa banal na siyudad si Ka-Tupi, at ngayon ay ang kaniyang Espiritu ay palutang-lutang sa ibabaw ng dagat na apoy.

"Kabayan, pwede makihingi ng tubig? Kasi ako'y uhaw na uhaw na!" Sabi ni Cardo na literal na lumalangoy sa apoy na gawa sa natunaw na mga bato at bakal, kapag ang natunaw na bato at bakal ay nasa loob pa ng bulkan, magma ang tawag dito, kapag ito'y lumabas na sa bunganga ng bulkan, lava ang tawag nila dito, pero ang apoy na ito ay mula sa kawalan sa gitna ng kalawakan, kung saan ang tawag ng mga taga bansang Maharlika dito ay ang Kalalimang walang hanggan. pagkatapos marinig ng mga tao ang nakakabinging tugtog ng trumpeta na hindi malaman ng lahat kung san galing ang nakakapangilabot na tunog, ang nakita lamang nila ay umulan na ng palaso mula sa kalangitan at ang lahat ng bagay na matamaan ay natutunaw sa sobrang init!

"Ako pala ay nakikita mo?"

Sabi ni Tupi.

"Hindi kita mabibigyan ng tubig kaibigan dahil wala akong kapangyarihan bigyan ka ng tubig mula sa aking kinalalagyan, ang tanging magagawa ko lamang ay ilagay ang diwa mo dito sa libro ngunit ang katawan mo ay patuloy pa ring pahihirapan dito sa Impyerno.

Sumagot si Cardo. "kung ano man yan ay gawin mo na agad! maawa ka sa akin at ako'y hapong-hapo na!" pagdaka'y binuksan ni Tupi ang Kaniyang espirituwal na aklat,

Nagtaka si Ka-Tupi dahil kusang bumuka ang kaniyang bibig at magsimulang magsalita. animo'y may kumokontrol rito. Sumigaw si Ka-Tupi

"Tumingin ka sa akin. ito ang aking aklat ng hypnotismo, Pagpapala ni Yuwe ay mapapasa-iyo!" ito ang orasyon na nasambit ni Ka-Tupi animo'y kabisado na niya ang dasal na ito.

Nasambit niya ang orasyon na ito na ayon sa kaibuturan ng kaniyang puso ay ilang beses na niyang nagawa,

Nguni't hindi niya maalala kung kailan. pagdaka'y nagliwanag ang aklat ni Ka-Tupi na kulay lila.

at ang diwa at isipan ni Cardo ay napunta sa ibang mundo.

'Unang kaluluwa na mapapasa-ilalim sa paglilinis.'

bulong ni Ka-Tupi sa kaniyang sarili. Ngunit hindi siya ang may control sa kaniyang bibig.

'Ngunit sabi ng Uwak ay hindi itong mga tao sa impiyerno ang lilinisin namin kundi ang mga taga-ibang sansinukob.'

habang itinikom niya ang pahina ng aklat. sa pamamagitan ng kaniyang isipan,

'Pakiramdam ko ay parang nagawa ko na ito noon.' dugtong pa niya.

Maya-mayâ ay nakita ng palutang-lutang na espiritu ni Ka-Tupi ang babae papalapit sa kaniya.

Ito ang lumigaw sa mga taong kasama niyang nagising sa libingan ngunit nahalina sa kagandahan nito naala-ala niyang Ishtar ang pangalan ng babae at si Ishtar Ang siyang dahilan ng Pagkasunog nila.

Nang ang distansiya ng anghel kay Ka-Tupi ay apat na metro,

Bumulong Si Ishtar kaniyang sarili,

'Panahon ko na ito upang isumpa ang kaluluwa ni Kardel upang maipanganak uli sa aming tahanang sansinukob.'

Walang anu-ano'y sumambit ng mahiwagang dasal si Ishtar at nagliwanag ang kaniyang kamay ng kulay asul, May lumabas na magic circle sa paanan nilang dalawa.

Pagkatapos sumigaw siya;

"Allure Style: Reincarnation Curse Spell!"

Ngunit nagtaka si Ishtar dahil hindi natatakan ang noo ni Ka-Tupi ng kaniyang salamangka at sumalungat ito sa kaniyang inaasahan dahil mas lalong nagliwanag na kulay lila ang lumulutang na Espiritu ni Ka-Tupi.

Nagngangalit ang ngipin ni Ishtar at nagsalita:

"imposible! Baki hindi gumagana sa iyo ang aking sexual magic?"

Ngunit hindi ito sinagot ni Ka-Tupi at nagsimulang magtanong.

"Ikaw ba yung tagalinis ng ibang mga demonyong nagpapakilala na dios sila? Ishtar Ang iyong pangalan tama ba? banggitin ko lamang ang iyong nakakarimarim na pangalan ay para bang narurumihan ang aking dila at ang aking bibig.

"Ang isang karumaldumal na tagalabas na kagaya mo ay nadumihan sa mahika ng mga demonyo. naglalagay at iniaangat ang kanilang isipan at puso ng katulad sa isang dios at nagpapanggap na isang dios. paano ka nakapasok sa sansinukob ni Yuwe? Hatulan ka nawa Niya!"

Para kay Ka-Tupi, ang Dios na si Yuwe ay ang tunay at wala ng iba pa, ang ibang nag-aangkin na mayroon pang ibang mga Dios maliban kay Yuwe ay itinatakwil niya at iniisip niyang mga secta ng kulto o kaya ay sa demonyo.

ito ay ayon doktrina at interpretasyon na nabasa niya sa aklat ng Patnubay.

Nagsalita Si Ishtar na may pagkadismaya sa nangyari at sumagot na may pangangatuwiran.

"Tingnan mo ang mga tao sa paanan natin, ito ba ay gawa ng Dios ng Pag-ibig? kaya tama Ang ginawa ko sa kasamahan mo, nasunog sila sa apoy ngunit hindi na sila naghihirap na dulot ng pagiging buhay, kung nasa langit ka naman ang iyong kaluluwa at isipan ay hawak ng anghel ni Yuwe na si Ekklezia, kung dito ka naman sa impyerno ay hataw mula sa panghampas na bakal mula kay Tagawasak. parehong walang kalayaan!

Nandito ako upang palayain sila sa paghihirap.

malapit na ang panahon at lulusobin na ng aking mga kasamahang mga anghel upang kunin ang mga kaluluwang pinahihirapan sa impiyerno, at hindi kami mapipigilan ng pinaglilingkuran mong Dios!

"Pagkatapos nito ay ang Sansinukob ni Enlil at ang sansinukob ni Yuwe ay maghihiwalay na, at iiwanan ang inyong basurang sansinukob sa gitna ng kawalan, at silang mga pinahirapan ni Yuwe ay ipapanganak sa bagong daigdig na púnô ng kasiyahan at hindi ang mundong ito na nakasentro sa pagsamba at pagpupuri kay Yuwe , Kay Yuwe at Kay Yuwe na lamang ba nakaikot Ang gawain ng mga mananamba sa kaniya?"

"Tumahimik ka babae!

huwag mong lapastanganin ang kamahalan, lalong-lalo na ang pangalan ni Yuwe na ating tagapaglikha at ating Hari! isa itong malaking kasalanan na kwestiyunin ang banal na gawain gaya ng pagsamba, kung gugustohin Niya ay tatangayin ka sa nagniningas na apoy na ito patungo sa pinakamainit na dako ng impyerno upang tanggalan ka ng iyong mahiwagang pananggalang nang maramdaman mo ang bagsik ng apoy sa ibaba, ang kapangyarihang nasa iyo ay mula sa demonyong Si Enlil, at hubaran ka nawa ng kapangyarihan upang maalaman mo at ng lahat ng mga nandito na si Yuwe ay tunay na Dios at sa kaniya ka lamang maglingkod at sumamba."

Humalakhak Ang Babae na umaalingawngaw sa apat na sulok ng impyerno, at inilapit nito Ang kaniyang labi sa tainga ni Ka-Tupi habang hindi makagalaw si Ka-Tupi dahil na rin salamangka ni Ishtar, ang kaniyang alindog ay mas mag-ibayo pa kaysa dati at ang sabi:

"Kardel! Kardel! Hanggang Kailan ka magtatapat Kay Yuwe na isang huwad na dios? Katunayang nakakapasok ako sa sansinukob na teritoryo niya kahit hindi ako napaparusahan ay sapat ng dahilan upang mawala Ang pag-aalinlangan mo kay Enlil na siyang Dios na tunay!"

Dagdag pa ni Ishtar

"Hindi ka kinain ni Ekklezia dahil ang lahat ng mahihirap na misyon ay ipapagawa sa iyo ng hukbong sandatahang lakas ng langit sapagka't nanghihina na si Yuwe dahil kakaunti na lamang ang sumasamba sa kaniya.

"Kung kay Enlil ka sumama at sumamba ay hindi ka Niya bibiguin, lahat ng kaniyang pangako ay tutuparin Niya, hindi katulad ng libro na bigay ni Yuwe noong nasa dating lupa ka pa, na puro pangako at ang mga propesiya na nakalagay sa aklat ay sinsay sa mga nangyayari sa kasalukuyan at hindi nagkakaroon ng katuparan.

diyan kita inaakit Kardel!"

Hindi natinag si Ka-Tupi sa Kaniyang kinatatayuan habang nakalutang sa ibabaw ng naglalagablab na apoy ng impyerno ang kaniyang diwa, matibay ang pananampalataya ni Ka-Tupi kay Yuwe na kahit ano pa man Ang mangyari ay hindi siya bibitiw sa sinumpaan niyang panata noon na hindi siya tatalikod Kay Yuwe, at kay Yuwe lamang siya sasamba at wala ng iba pa.

Alam niyang hindi siya mahahalina sa alindog ni Ishtar sapagka't nasa anyong espiritu siya at ang iniaalok sa kaniya ni Ishtar ay mga bagay na espirituwal din.

Ang Espiritu ni Yuwe ay nangasa kay Sanchez,

Sumigaw si Ka-Tupi; "Saksi ang sangkalangitan, ang impyerno at ang kalalimang walang hanggan sa ating usapan, Sa ngalan ni Yuwe, hatulan ka nawa sa iyong mga gawa at Ikaw ay magiging bahagi ng aking aklat upang linisin ka sa iyong mga kasalanan!"

Nasabi niya ito habang unti-unting nagliwanag ng kulay lila ang aklat. "Tumingin ka sa akin. At sa aking libro, pagpapala ni Yuwe ay mapapasa-iyo!"

Napansin ito ng Babae, at nagsimulang magsalita; "Ako si Ishtar at hindi ako magpapaakit sa huwad mong dios Kardel!"

Hindi ito tumingin Kay Tupi at sa kaniyang libro dahil alam niyang mapapasa-ilalim lamang siya sa kapangyarihan ng Hypnotismo ng aklat kung mamasdan Niya ang liwanag nito. Kaya dahan-dahan itong tumalikod at lumipad papalayô kay Tupi patungo sa hindi tiyak na direksyon.

Pagkatapos nito ay may tumawag kay Ishtar sa pamamagitan ng long distance mental telepathy.

'Ishtar, natapos mo na ba ang misyon ipinagawa sa iyo?'

'Opo!'

'Kung gayon, bilisan mo ng pumasok sa lagusan dahil malapit ng magsimula ang dakilang digmaan dyan!'

Opo!

Pagkatapos nito ay nagsalita si Ishtar ng patalikod kay Ka-Tupi:

"Tandaan mo ito Kardel; Ang Dios ng isang tao ay mapanganib na demonyo ng ibang tao, ang sacerdote ng isang tao ay mapanganib na salamangkero ng ibang tao, malawak ang kalakhang-sansinukob Kardel!

at ang dios na pinaglilingkuran mo ngayon ay maaaring isa sa mga pinakamahina!"

"Hindi mahina ang aking Dios!" sabi ni Ka-Tupi habang ang kaniyang Espiritu ay sinapian ng naglalagablab na Espiritu ni Yuwe.

'Ang aking Puso ay mas mainit at mas nagniningas kaysa sa apoy ng impiyerno. posible palang ang Espiritu ay masapian ng isa pang Espiritu?' bulong ni Ka-Tupi habang pinagmamasdan ni ang kaniyang sarili.

Naintindihan niya kung ano ang nangyayari sa kaniya dahil binigyan siya ng unawa at karunungan ni Yuwe.

'Datapuwa't lahat ng bagay ay maaari dahil sa hindi maarok na kapangyarihan ni Yuwe. nakasulat ito sa aklat ni luwalhati.' bulong ni Ka-Tupi sa kaniyang sarili.

"Magsasama din tayo kardel gaya ng dati!

gigisingin kita mula sa iyong pagiging haling at pagagalingin kita mula sa iyong pagkahibang kay Yuwe." Lumipad si Ishtar papalayo kay Ka-Tupi at lumuluha ang mga mata nito.

Si Ka-Tupi naman ay yumaon sa kaniyang lakad upang maghanap ng mga kaluluwang magiging bahagi ng kaniyang Aklat.

Sa isipan ni Ka-Tupi ay lumuluha si Ishtar dahil una, Nakita niyang malakas Ang kaniyang pananampalataya, o malakas ang kapangyarihan ng aklat, upang hindi siya tangayin ng mga demonyo sa impiyerno o ayaw lang talaga tangkilikin ng kaniyang isipan kung anong ibig sabihin na "magsasama silang muli." Dahil ang paniniwala niya ay malinaw, anong pakikisama mayroon Ang liwanag at dilim o ang mga disipulo ni Yuwe at ang mga demonyo? Dahil Ang pinaniniwalaan lamang ni Tupi ay ang aklat na bigay sa kaniya ni Yuwe noong nabubuhay pa siya, at ito ang saligan Niya ng katotohanan.

•••

Si Lalaine at ang mga kasamahan naman nila ng makita na lumulutang sa hangin si Tupi ay Nagimbal sa mala-demonyong kapangyarihang taglay ng aklat na hawak ng Pastor dahil nakatirik ang mata nito at hindi gumagalaw habang may lumalabas ng maitim na usok sa katawan ng Pastor, sa paanan ni Tupi ang basahang panglinis na pangtanggal ng mantsa ng dugo at balde na may lamang malinaw na tubig mula fountain malapit sa altar ni Ekklezia.

Sumigaw si Lalaine, "Sa ngalan ni Yuwe, lumayas kayong mga demonyo kayo!" ngunit ang dasal na ito walang bisa laban sa hiwaga ng libro.

Si Rocky naman kinausap ang isa sa nakaligtas kay Ekklezia at kinumusta siya at kung paano sila nakaligtas ng mga kasamahan niya sa galamay nito.

Ang isa sa mga nakatakas ay Si Desiree maluha-luha itong lumapit kay Rocky. Ikinuwento nito kung Paano siya niligtas ng kaniyang ama na Sacerdote.

"Kahit nanghihina at ako'y nahihilo mula sa lason na hinalo sa tinapay at katas ng ubas ay nakapasok ako sa isang bahay na gawa sa ginto. ngunit ang aking amang Si Papa Jimmy kinandado niya ang pinto upang hindi makapasok ang galamay ng halimaw sa pinto..." humagulgol ito habang ikinukwento ang trahedyang nangyari

Ngunit Si Rocky ay hindi makapag-isip ng matuwid, hindi na niya marinig na maigi ang sinasabi ni Desiree, ito ay dahil sa hawak niyang espada, may pulso ito na animo'y humihinga at kada pulso nito ay bumubuga ito ng mainit na Pwersa, sa kaluban nito na may naka-ukit na Bungo na may mahabang sungay at sa gitna ng talim nito ay may naka-ukit sa mga simbolo na pamilyar kay Rocky.

Tagapaslang ng Bathala..

ᜆᜄᜉᜐ᜔ᜎᜅ᜔ ᜅ᜔ ᜊᜆ᜔ᜑᜎ

Dito nanggagaling ang pulso ng pwersa na lumalabas sa kaluban at sa hawakan ng Espada.

Dahil sa Pagkagulat at nasa isip ni Jake na may sapi ng masamang Espiritu ang kasangkapan na binigay sa kanila ay hindi na hinawakan ni Jake ang baluti na bigay sa kaniya ng uwak.

'Ano ito! Ako'y parang mababaliw na! Si Pastor-Tupi ay sinapian hindi ko maalaman kung ano ang gagawin ko ngayon! isa ba itong Bangungot?' bulong ni Jake sa kaniyang sarili habang hawak ng kaniyang dalawang kamay ang buhok sa kaniyang ulo.

Nagsalita ang isa sa mga babaeng nakaligtas kay Ekklezia Nagtanong ito kay Jake kung ano ang dahilan kung bakit hindi sila kinain ng Halimaw, "hindi rin ba kayo nakakain ng tinapay at uminom ng katas ng ubas na nakalagay sa saro?"

"Ah hindi kami nakakain eh kasi huli na kami pumasok sa pintuan. Ano ba itong nangyayari sa atin, nagising tayo sa isang malaking bangungot."

Binilang ni Lalaine na dalawampu't-lima silang babae ang nakaligtas at siyam na lalaki ang nakaligtas.

•••

Samantala ang mga anghel na lumusob papunta sa banal na siyudad ay nagtaka kung bakit wala ng mga tao sa loob.

"Kumusta na ang nakatapak sa magic circle ni Ishtar at ng mga kasapi niya?" sabi ng Pinunò.

"Sila'y papunta na po dito at mayroon na po silang mga pakpak." sabi ng babaeng anghel.

Maya-mayâ, nagkaroon ng kaguluhan at sigawan ng mga taong nasusunog sa impiyerno, dahil sila'y lumilipad at umaakyat habang nawawala ang apoy sa kanilang katawan, sila'y dinala patungo sa kinaroroonan ng gintong siyudad, at sila'y kasing dami ng buhangin sa dagat.

Sila'y nakakalat sa apat na sulok ng siyudad at nakahanda na sila upang kubkubin ang lumulutang na lungsod sa kalawakan.

Ang isa sa mga sumuri sa barrier na anghel na luntian ang buhok ay nagsalita.

"Pinunò mukhang nasa loob tayo ng alternate reality manipulation faith magic technique!"

"Kung gayon madali lang wasakin yan sa pamamagitan ng ating Spacetime Reverberation sensual spell. Simulan na natin ngayon din!"

Sa utos ng kanilang Pinunò na may apat na pares ng nagkasapinsapin na pakpak ay sinimulan na nila ang ritual ng marinig silang boses.

"Magaling! Magaling! isangdaan at apat na bilyon lang ba kayong mga panirang damo ang ipinadala ni Enlil sa aking sansinukob?"

Sumagot ang Pinunò.

"Huwag mong maliitin ang bilang namin! sapat na ito upang mawasak namin ang iyong kuta gayundin ang iyong kaluluwa!

mga kawal ihanda na ninyo ang reincarnation spell sa mga natatakan ng magic circle upang kapag namatay sila dito sa labanan ay maipanganak sila sa ating sansinukob!"

Sumagot ang mga kawal:

"Opo, Pinunò!"

Dahil dito ang mga taong tumapak sa magic circle sa ibaba na nasunog ay nagkaroon ng marka sa kanilang noo, at sila'y dinala ng kanilang pakpak patungo sa sahig ng lumulutang na siyudad upang sumali sa Dakilang Digmaan.

"Mukhang marami na naman akong kaluluwang lilinisin." sabi ng boses.

Sumagot ang Pinunò,

"Hindi ka magtatagumpay Yuwe! sa mga plano mo, sa dami namin sigurado kaming malulunod ka sa aming pwersa!"

Walang anu-ano'y may narinig silang Siren mula sa hindi tiyak na direksyon. niyanig ng Siren na ito ang buong sansinukob.

"Takpan niyo ang inyong mga tainga!" sabi ng Pinunò, ngunit huli na ang lahat dahil nagbagsakan na parang patay na langaw ang mga anghel ni Enlil gayundin ang mga taong dinala nila sa labanan habang silang lahat ay nasusunog sa apoy.

"Pinunòng Holv-ot, kailangan na nating tumakas dahil ang tinig ng siren na ito ay hindi dumadaan sa hangin kundi sa loob ng spatial dimension! wawasakin nito ang ating kaluluwa!" sabi ng anghel na berde ang buhok na kasalukuyan umuusok.

"Ano?!" Nang pagkasabi ng Pinuno dito ay unti-unti siyang nawalan ng malay at bumagsak sa gintong lansangan ng siyudad habang nag-aapoy ang katawan. ang apoy na ito ay kayang wasakin ang kaluluwa at gawin parang wala ang espiritu ng mga nilalang ni Enlil, mortal man o imortal.

Ang ibang anghel na lumipad sa gilid ng siyudad ay parang mga aligato ng nagbabagang uling na nahuhulog patungo sa dagat ng apoy sa ibaba! habang pinagmamasdan ni Ishtar ang itaas ay sinidlan ng malaking takot ang kaniyang puso, dahil umuulan ng apoy, ngunit hindi ito ordinaryong ulan na apoy dahil ang nakapaloob sa apoy ay mga kasamahan niya!

dahil dito ay pumasok siya sa lagusan at naglaho mula sa daigdig ni Yuwe.

Nagsalita uli ang boses.

"Nagbagsakan na naman sila? Sintunado na talaga ang aking trumpeta."

] baluti = Armor

Tabak = Espada

Sansinukob= Universe]