Habang umuulan ng apoy na naglalaman ng mga taong nasusunog.

Ang espiritu naman ni Ka-Tupi ay lumilipad paroo't-parito sa impiyerno, sinasalo lahat ng mga nahuhulog na tao sa kaniyang aklat, lahat ng nakakakita sa kaniya at sa kaniyang libro ay pinapasa-ilalim niya sa kaniyang hypnotismo, ang hindi siya nakikita ay nilalampasan lang niya pagkatapos ng ilang minuto ay umabot agad sa dalawampu't pitong libo at apatnapu't dalawang katao ang nahuli ng kaniyang libro dahil kaya niyang palakihin ang sukat ng aklat na kasing laki ng arena ng palakasan. hindi siya makapaniwala sa ganitong kakayahan ng aklat na hawak niya, ito ang ikatlong pahina!

Ang lahat ng mata na naka-aninag sa aklat ay napunta sa ibang daigdig.

Pagkatapos niyang gawin ito, ang aklat na nasa kaniyang paanan na kasing-laki ng arena ay lumiit ng lumiit hanggang sa ito'y kusang lumapat, nagtaka si Ka-Tupi sa pangyayaring ito dahil maraming tao pa ang nahuhulog sa impiyerno na hindi pa napapasa-ilalim sa kapangyarihan ng aklat, kaya sinubukan niya itong buksan muli.

...

Namulat na lamang Si Cardo sa ingay ng mga tao na nasa paligid niya at silang lahat ay nasa gitna ng kagubatan na naghihiyawan dahil sa matinding saya dahil may nakita silang batis at doon umiinom ang mga taong kasama niya na napasailalim sa kapangyarihan ng aklat na dala-dala ni Xanchyz.

Nagalak sila dahil sa isang iglap ay napawi ang kanilang paghihirap.

Dali-dali niyang iniyuko ang kaniyang ulo sa may tubig at uminom na parang aso. Nang mapawi ang kaniyang uhaw ay humiga siyang nakatihaya.

Tumingala siya sa kalangitan, minasdan ang kalalimang walang hanggan at pinagnilay-nilay kung bakit nangyari sa kaniya ang mga bagay na ito.

Kalaunan ay may sumigaw sa kalayuan, na pagkalakas-lakas na siyang dahilan kaya nayanig ang buong kagubatan,

Ang nilalang na tumatawag sa kanila ay umaalingawngaw ang tinig parang kulog, ang kaniyang hitsura ay katulad ng patay na taong bumangon sa libingan, ngunit ang suot niyang barong ay kumikidlat-kidlat at kumikislap na parang may kuryente na nagmumula sa kasuotan nito, ang kaniyang mukha ay katulad ng mukha ni Ka-Tupi, ang kaibahan nga lang ay nagliliwanag na kulay puti ang kaniyang mata at wala siyang dalang libro

siya'y nagpakita sa mga tao na may bakal na tungkod.

Sabi niya.

"Ako si GM Raiden thunderking! alam na ninyo kung nasan na kayo, ang mundong ito ay isang malaking ilusyon.

kahit papano ay napapawi nito ang inyong pagdurusa, ang inyong katawan pa rin ngayon ay patuloy na nililinis at pinahihirapan sa apoy ng impyerno ngunit hindi ninyo maramdaman ang init at hindi kayo mapapaso dahil nandito kayo sa ating bagong daigdig ang pangalan ng mundong ito ay Teknik. Mula sa salitang "TEKa, No Instant Kill." ito ang pinakapatakaran ng laro..."

Nag-uusap usapan at nagbulong-bulongan ang mga tao, may sumigaw na isang tao na panot ang buhok, malapad ang ilong, bilog ang mukha at may malaking tiyan, siya ay isang dating sarhento, si Macky Seig Moral na ang dating buhay ay Pulis, tumatanggap siya ng lagay mula sa mga Syndicato ng druga, nangbababae, at ginahasa din nito ang kaniyang única hija.

"Anong klaseng paligsahan ang gagawin upang magtagal kami dito?"

tugon niya,

"kung pabilisan lang sa pagsinghot ng cocaine ay talagang palagi akong mananalo dyan..! "

Nagtawanan ang mga tao dahil mabilis ang isipan ni Sarhento Macky Seig. ngunit maya-mayâ ay nawalan ng bisa ang aklat sa kaniya at nararamdaman niyang muli ang nakakapasong init ng apoy ng impyerno at ang mga tao na kasama niyang nagtatawanan ay nasunog at silang lahat ay nilamon ng lupa at bumalik ang kanilang diwa sa pinagsunugan sa kanila kung san palutang-lutang sila at hinahampas ng alon ng naglalagablab na apoy.

At ang mga tao na nakakakita ay naghihiyawan sa takot.

Sabi ng GM

"Unang batas na dapat nyong Sundin sa Mundong ito."

"Bawal ang kapusungan at mga lapastangan sa aking kaharian. Dinala kayo sa mundong ito hindi dahil sa mabuti ako kundi katulad lang din ako ng iba na alipin ng Panginoong Yuwe at ako'y sumusunod lamang sa utos na ipinagagawa sa akin.

"Ang natira na lamang sa inyo ay dalawamput-pitong libo, kayo ay aking inaanyayahan upang tanggapin ang misyon na ipapagawa sa inyo. hindi lahat ng nasa impyerno ay pinalad na makapasok sa bagong daigdig na ito,

kaya magpasalamat kayo kay Panginoong Yuwe, dahil imbes na mangangatal kayo sa sobrang init at matuyo ang mga labi ninyo sa sobrang uhaw, sa bilyong-bilyong tao ay kayo pa ang pinili upang maging mga manlalaro sa aking daigdig!

"Sa mundong ito ay meron ding araw at gabi,

sa ikapitong araw sasamba kayo sa Panginoong Yuwe ng dalawang beses, isa sa umaga, at isa sa Tanghali,

pagkatapos ng bawat pagsamba ay tatanggap kayo ng salapi, isang libong gintong barya na magagamit ninyo upang mabili ang kinakailangang gamit upang magtagal kayo dito

"Yun ay kung sasabay kayo sa pag-awit ng buong puso ng pagpupuri sa Panginoong Si Yuwe na hindi ninyo sinamba, ni pinaglingkuram man noong kayo'y nabubuhay pa, at ngayon ang panahon upang kayo'y makabawi, makikinig kayo ng sermon sa bawat pagsamba, ang hindi makikinig sa sermon ay mababawasan ang gintong barya na matatanggap niya."

May nagtanong na babae na mahaba ang buhok, marami itong peklat sa mukha na dulot ng mga pinisang taghiyawat, kung may magtatapon ng bunga ng papaya sa kaniyang mukha ay siguradong ito'y magiging atsara.

Liza ang tawag sa kaniya ng mga niloko niya, isa siyang dating scammer, kinasuhan siya ng large-scale Estafa at namatay sa kulungan. "Ano naman ang gagawin namin sa mga araw na walang schedule ng pagsamba?"

Sumagot si GM, "magpapatayan kayong lahat!"

Nagulat ang mga tao na nakinig dito,

"bakit naman po GM na magpapatayan kaming lahat?"

"Ang mundong ito ay may mga buwan na katulad noong nasa lupa pa kayo, apat na buwang pag-aayuno, etc.

Araw-araw mula alas tres hanggang alas sais ang oras ng inyong PK mode.

"Sa oras ng inyong PK mode kapag nakapatay kayo ng isa ay bibigyan kayo ng tatlong daang gintong barya na nakasilid sa supot, ngunit huwag kayong mag-alala dahil kahit gaano karami ang mga dala nyong gintong barya ay hindi kayo mabibigatang dalhin yaon."

"Magpapatayan kayo dahil ito ang pinakabatas ng mundong ito, kapag nakapatay kayo ng isang tao na mula sa impiyerno ay makakatanggap kayo ng gantimpalang salapi na pwede ninyong magamit sa pagbili ng mga sandatang pandigma

"May oras na magpapatayan kayo at meron ding oras na hindi, sa oras na ikatlo ng hapon hanggang sa ikaanim ng gabi,

yan ang oras ng inyong pagpapatayan, hahatiin kayo sa tiglilima bawat koponan.

"Ganito ang palatuntunan ng laro,

dahil sa init ng impyerno ay nag-iibayo sa bawat minuto,

kaya nanghihina ang kapangyarihan ng aklat, kapag mahina ang kapit ng kapangyarihan ng aklat sa inyo ay mararamdaman ninyo ang init ng apoy sa panglabas na kamalayan ninyo, alam kong alam nyo na ayaw ninyong mangyari sa inyo ang gayong kalagayan, kaya wala kayong ibang mapagpipilian kundi upang lumahok sa mga palatuntunan."

"Ito ay may pagtulut ni Yuwe.

habang kayo ay nasa loob ng aking kapangyarihan ay hindi kayo pwedeng hindi magpapatayan, mamamatay kayo pero mabubuhay rin naman kayo pagkatapos ng ilang mga segundo dito rin sa mundong ito.

Sa bawat taon ay may dakilang paligsahan, Ang sinumang mananalo sa dakilang paligsahan na gagawin dito ay magpapatuloy ang diwa niya sa lugar na ito, ngunit ang matatalo ay matatanggal ang bisa ng Hypnotismo sa kaniya at mararamdaman niya ulit ang init ng impyerno. aabutin pa ng anim na buwan bago makabalik uli ang mga taong natalo sa mundong ito.

"Ang mananalo ay mananatili sa mundong ito, makapagpasasa siya mga kaligayahan panglupa ngunit babawiin sa kaniya ang lahat niyang sandatang pandigma at magsisimula siyang muli sa pinaka-una at pinakamahina niyang gamit pangdigma."

"Isipin ninyong ang larong ito ay bahagi ng inyong pagsamba kay Yuwe.

bibigyan kayo ng kalayaang pumili kung anong klaseng Sandata ang gagamitin ninyo

Kung ang sandata na pipiliin ninyo ay tungkol sa maka-agham na pamamaraan o ukol sa teknolohiya, ang uring manlalaro kayo ay Technologist, kung ang pipiliin nyo namang sandata na ukol sa Mahika at kapangyarihan, ay nasa uring Occultist kayo at kung ang pipiliin nyo namang sandata ay pinaghalong Mahika at teknolohiya ay nasa uring Techno-Occultist kayo."

Nagliwanag na mainam ang mata ni GM at ang mga tao ay sabay-sabay na napunta sa kaniya-kaniyang kwarto, dito sila pipili ng mga sandata nila upang gagamitin nila sa pakikipaglaban sa kalaban nilang koponan.

•••

Nang subukan buksan muli ni Ka-Tupi ang pangatlong pahina ng aklat ay kusa na lamang itong lumapat,

ang buong aklat ay hindi niya mabuksan, kahit anong pilit niya, nilapatan na niya ito ng malaking pwersa pero ayaw pa rin.

Hindi niya alam kung anong nagtatagong hiwaga ang naroon sa aklat kung bakit hindi niya ito mabuksan, at ang nagliliyab na Espiritu ni Yuwe ay unti-unting naglalaho sa kaniyang diwa.

Sa may hindi kalayuan ay may namumuong liwanag na kulay asul, ito'y kasing-laki ng tatlong palapag na gusali, palaki ito ng palaki, at sa gitna nito ay maitim na usok, may lumabas dito na isang higanteng bubuyog.

Sa ibabaw ng nasabing higanteng insekto ay may nagsalita;

"Buti na lang ay nakatago ako sa dimensional prison, dahil kung hindi, pati ang kaluluwa ko ay nawasak sa pwersa ng kalaban! hmm, ano ito? kinokontrol pala ni Yuwe ang espiritu ni Kardel!"

Napansin ni Ka-Tupi na may papalapit sa kaniyang kinatatayuan, dahil sa tunog ng higanteng insekto, isang nilalang na katulad sa isang maputlang matandang lalaki na may mahabang puting buhok na abot sa kaniyang baywang, mayroon itong dalawang pares ng mga pakpak ng katulad sa isang buwetri sa kaniyang likuran, nakasuot ang nilalang ng mahaba at itim na damit, nagliliwanag na pula ang mata nito, sa kaliwang kamay ng matanda ay may dalang kristal na kulay berde, ang nilalang na ito ay nakasakay sa higanteng bubuyog habang hinahampas nito sa hangin ang dalang mahabang bakal na tungkod na may habang sampung talampakan na hawak ng kaniyang kanang kamay.

Itinutok niya ang luntiang crystal sa harapan ng Espiritu ni Ka-Tupi, habang binubulong niya sa kaniyang isipan na may madilim na ngiti, 'Kailangan mawala na ang kapangyarihan ni Yuwe sa loob ng Espiritu ni Kardel'

Pagkaraan ng ilang sandali ay kinausap niya si Ka-Tupi na nagsasabi: "Mabuti! Mabuti!Mabuti! Kung gayon, ikaw ay isang walang dungis na taga-linis, akala ko, isa kang ligaw na kaluluwa! paano na ang walang kasalanan na katulad mo ay naparito sa impiyerno?"

"At sino ka namang demonyo ka?"

sabi ni Ka-Tupi.

Nang Napansin agad ng nilalang na bumalik na uli sa sariling pag-iisip ang Espiritu ni Ka-Tupi kaya nagkaroon ng hindi kalakihang ngunit pansamantalang pagkataranta sa panig niya kaya upang hindi makahalata ay sinagot niya ito ng may pag-iingat at kahinahunan.

"Ang sakit mo naman magsalita Kardel hindi mo ba ako naalaala? Ako ay katulad mo rin na alipin ni Yuwe na ating Dios!

O nakalimutan kong binura pala ni Yuwe ang alaala ninyong tatlo. Bakit nga ba pinipilit mong buksan ang pahina ng aklat na hawak mo? nakakain na yan, hayaan mo muna dahil busog pa ito baka ma empacho ang aklat mo, sige ka!"

"Bakit tinawag mo akong Kardel?"

"Hayaan mo na, kalimutan mo na lang yung sinabi ko, ako nga pala ang kamanggagawa mo kay Panginoong Yuwe, ang pangalan ko ay Tagawasak,

ako nga pala ang Punong-bantay dito sa impiyerno, hinahabol ko si Ehem. Ishtar.

kaso napakabilis lumipad at napaka-ilap ng kawal na iyon ni Enlil. Madadagdag sana siya sa aking koleksyon. Hmm. Ano nga ba ang sinabi niya sa iyo?"

"Hindi mo sinagot ang aking tanong, gayunma'y sasagutin ko ang tanong mo na hinihikayat niya akong sumamba sa kinikilala niyang dios na si Enlil. ngayon ikaw naman ang sumagot sa tanong ko." naiinis na sagot ni Ka-Tupi dahil inililihis ng lalaking puti ang buhok ang usapan

"Ako'y walang karapatan manghimasok sa dati mong buhay pero Kardel, ikaw mismo ang humiling kay Panginoong Yuwe na burahin ang iyong alaala.

tungkol naman sa panghihikayat ni Ishtar na sumunod ka sa ibang mga dios, ay wala akong pakialam doon, kung totoo talaga ang sinasabi niyang mas malakas si Enlil kaysa kay Yuwe.

Para sabihin ko sa iyo ang totoo Kardel,

Si Yuwe na ang ikaapat na Dios na pinaglingkuran ko, lahat sila ay nag-aangkin na tunay, sapagka't yung mga nakaraang Dios na pinaglingkuran ko, masasabi kong mas malakas pa sila at mas makapangyarihan kaysa kay Yuwe gayunman ay napaslang pa rin sila ng mga nag-aasam na maging dios rin o hindi kaya ikinulong at isinelyo sa nakatakip na sansinukob.

Kaya Kardel gayahin mo ang aking stratehiya at taktika, kung nalulunod na ang bangka ay kailangan mong lumipat sa isang barko na sumasagip ng buhay o mamatay at maipit sa digmaan ng mga dios at tayong hamak na imortal ang magiging pain sa kanilang walang katapusang kapalaluan. Sa edad kong siyam na daang milenyo ay masasabi kong nakikita ko na ang lahat ng bagay. Hindi natin alam ang dikta ng kapalaran baka balang araw kardel ay maghaharap tayo hindi bilang isang kamanggagawa kundi bilang isang kaaway!

kahit si Yuwe pa ang Dios na nasa likod mo ay hindi kita patatakasin sa impiyerno na aking kaharian upang maging dagdag ka sa aking koleksyon at ipatikim sa iyo ang aking bakal na panghampas."

Nasabi ito ni Tagawasak habang nagliliwanag ng kulay pula ang kaniyang mata habang inilalapat ang kaniyang mukha sa mata ni Ka-Tupi.

Nahintakutan ng husto ang Pastor sa ganitong ugaling pinakita ni Tagawasak sa kaniya. wala siyang magawa kundi mangisay sa kadahilanang hindi siya makagalaw sa kaniyang kinaroroonan.

Nauubos na ang lakas ni Xanchyz dahil sa paggamit niya ng aklat,

ito ay kumokunsumo sa kaniyang Espirituwal na pwersa, at unti-unting siyang ibinabalik ng aklat sa kaniyang dating katawan naiwang nakalutang malapit sa dambana ng banal na Siyudad.

"Tandaan mo kardel huwag kang maging panatiko..." ito ang huling narinig ni Ka-Tupi kay Tagawasak at nagmarka ito ng tuluyan sa kanyang isipan parang itim na batik sa kaniyang puso, pagkatapos ng lahat ng ito, nawalan siya ng ulirat.

Nang magising si Tupi mula sa kapangyarihan ng aklat na hawak niya ay nahulog siya mula sa pagkakalutang sa ere, ngunit ang diwa ng mga tao na nasa ilalim ng Hypnotismo ay nananatiling nasa aklat, sinubukan siyang saluhin ng mga nakapaligid sa kanyang mga kasamahan sa pagkakahulog ngunit sadyang mabilis ang mga pangyayari, ang katawan niya'y hindi nasalo, at nabagok ang kaniyang ulo at katawan sa mala-bubog na sahig, tinanong siya nila.

"Ginoong Xanchyz, Okay ka lang ba?" sabi ni Sacerdote Louie.

"Ka-Tupi! Ka-Tupi! anong nangyari sa iyo? hindi kami makalapit sa iyo dahil natatakot kami na baka masapian din kami ng mga demonyo kung hahawakan ka namin.

"Nakalutang ka sa ere ng buksan mo ang aklat, at hindi namin mawari'y kung ano ang gagawin.

yung binigay sa amin na tabak at balute ng hawakan namin yun ay nag-iba ang Pakiramdam namin."

Pag-aalalang salita ni Rocky.

"Kung itutulot mo ay dalhin ka muna namin sa bahay na ginto sa Siyudad, dahil wala namang nakatira sa loob nito."

"Wag na ninyong Gawin yan." Tugon ni Tupi,

"Gawin na lang natin ang misyong ipinapagawa sa atin. ayon sa nabasa ko sa aklat na ito, tayong tatlo ay hindi kinain ni Ekklezia dahil ang mundong iyon na nasa loob ng kaniyang katawan ay nakatalaga para sa mga hinirang na magmamana ng walang hanggang kaligayahan.

hindi iyon para sa atin." maluha-luhang pahayag ni Ka-Tupi

"Ang trabaho natin ay magdala ng mga nilalang na papasok doon. At bahala na si Ekklezia na magpasya kung papayagan ba niyang manirahan ang nilalang na iyon sa kaniyang systema."

Pagkatapos salitain ito Tupi ay lumapit ang isa sa mga Uwak sa kanilang harapan na nagsasabi.

"Kayo'y nandito upang maging kasapi ng hukbong sandatahang lakas ng langit. yun ang kalooban ni Yuwe na ating Panginoon, ang bawat nilalang na inyong mapapatay ay dalhin nyo rito ang kaniyang bangkay o kahit ang kanilang kaluluwa at iaalay natin ang kanilang katawan o kaluluwa kay Yuwe, upang kung magtatag uli ang ating Panginoon ng bagong sandaigdigan ay magkakasamang silang bubuhayin sa panibagong katauhan upang paglingkuran si Yuwe na ating Dios.

Ngayon sa inyong unang pagsubok,

linisin ninyo ang buong siyudad,

ayaw ni Panginoon Yuwe na makalanghap ng dugo dito sa Siyudad kaya bilisan ninyo ang paglilinis bago magising si Yuwe. kapag nagambala siya dahil sa masangsang na amoy ay baka wasakin niya ang inyong kaluluwa,

at isa pa kayo'y mga bata pa bago kayo isabak sa mapanganib na misyon,

itong unang hakbang sa paglilinis,

ang siyang maglilinis din ng inyong mga kaluluwa mula sa inyong pag-aalinlangan na isang uri ng kasalanan."

Nagtanong si Jake kay Ka-Tupi kung ano ang nangyari sa kaniya.

"Ka-Tupi Paano mo nalalaman ang mga bagay na ito? Ano nga ba ang nangyari sa iyo? "

Sumagot si Tupi. "Noong nasa impyerno ako ay ginabayan ako ng espiritu ni Yuwe kung paano gamitin ang kapangyarihan ng aklat, ang aklat ng hypnotismo. Ang librong ito ang ating magiging sandata upang aanyayahan o i-recruit ang mga kaluluwa ng mga demonyo upang linisin kapag nalinis na sila ay pwede na silang ipanganak sa bagong daigdig na lilikhain ni Yuwe na ating Panginoon, ang hindi ko lang alam ay parang pamilyar sa akin ang aklat na ito hindi ko maala-alang hawak ko ito nung nabubuhay pa ako sa lupa.

Sumagot si Lalaine, hindi kaya Taga-ibang sansinukob rin kayo Pastor?

"Hindi maaari! Paano mo nasabi Yan?"

"Unang-una Pastor Tupi, halos lahat ng mga Demonyo ay pilit pumuslit sa inyong libingan, pangalawa ay iba ang tawag nila sa iyo, narinig ko ang mga Uwak, na Kardel ang Pangalan mo, hindi kaya ito talaga ang dating mong pangalan sa dati mong buhay?"

"Nagpapatawa ka ba? Ito'y taliwas sa mga aral ni Yuwe na nakasulat... Hindi pa nakatapos sa Pagsasalita si Ka-Tupi ay sumingit si sacerdote Louie sa kanilang usapan,

"Ang librong pinanghahawakan mo Tupi noong nasa lupa pa tayo ay gaya ng pamagat ng aklat isa lamang itong patnubay at hindi ito ang exactong letra por letra na pangkalahatang katotohanan na siya lamang natin susundin at isinulat ito ng dalawang babaylan luwalhati at dalamhati na katulad natin na tao na nagkakamali rin."

Sumagot si Tupi,

"Ang aklat ng Patnubay ay isinulat na may pagkasi ng Espiritu ni Yuwe, paano mahuhulog sa Espiritu ng Pagkakamali ang dalawang babaylan kung si Yuwe mismo ang may akda ng aklat? isa itong malaking kalapastanganan ang inyong espekulasyon!"

Sumingit sa usapan ang mga uwak.

"Mapalad ang kinain ni Ekklezia sapagka't nawala na ang kanilang pagdurusa at intindihin sa buhay na ito, iniisip ba ng laman na nasa loob ng inyong ulo ang hindi maarok na karunungan ni Yuwe na ating Panginoon? kayo'y tumingin sa tubig na katabi ng dambana."

Nang magkagayo'y minasdan nila ang tubig sa fountain na malapit sa altar. Nakita nilang ito ay naging animo'y telebisyon sa kanilang paningin, Ang mga tao na nangasa loob ng katawan ni Ekklezia ay kitang-kita ng kanilang dalawang mata. nagsimulang maglakad mula sa kaniya-kaniyang pinaggisingan nilang sahig na nasa gitna ng lansangan ng lungsod papunta sa pook na pagdadausan nila.

Ito ay ang bukas na espasyo sa gitna ng banal na siyudad ngunit sa replica na nasa kinatatayuan ni Ka-Tupi ito ay ang dambana na may debuho.

Kung saan silang lahat ay magtipon-tipon ay may pagkakasundo.

nag-uusap sila sa isa't-isa ng hindi alintana ang hayag nilang mga pribadong bahagi ng katawan. Nang marating na nila ang dako na pagdadausan nila ng nasabing kaganapan,

ang mga mapapalad at pinagpala, isangdaan at limampung libong lalaki at tatlongdaan at limampung libong babae.

matapos maabot ang ganap ng bilang na may kabuuang limangdaan-libong mananamba ay

nagpasimula silang magtalunan ng katulad sa isang usa.

Ito ay dahil sa tuwa at galak na kanilang nadarama sa kanilang puso. nagsimula silang umawit ng pagpupuri kay Yuwe, sa pangunguna ni Ekklezia kaya nagkakaisa sila sa tukmang tinig at himig ng awit. nagsimula silang magsiawit ng ganito;

"Oh Panginoong Yuwe ikaw ang lumikha sa mga sansinukob, higit ang dami ng nilikha mong sansinukob kaysa sa buhangin sa baybayin ng dagat. sila na mga nag-aangking nilikha nila ang sansinukob ay dudurugin Mo at mapapahiya. gagawin mong apakan ng iyong mga paa ang kanilang mga ulo at uupo ka sa ibabaw ng kanilang mga pinagpatong-patong na bangkay ngunit ang iyong kagandahang-loob ay hindi magmamaliw sa mga hinirang mo magpakailanman! Ang magagawa lamang namin na mga mababang alipin mo ay sambahin at dakilain ka sa pinakamataas mong luklukang inuupuan! Siya Nawa!"

Sa pangunguna ni Ekklezia sa pag-awit ay naging mabiyaya ang nasabing pagtitipon.

Ganito ang sabi ng babaeng ginintuan ang buhok na nagngangalang Ekklezia: "Si Panginoong Yuwe ay mapanibughong apoy ng impyerno, kaya ang nagniningas na dagat ng apoy sa ibaba natin ay bahagi ng kanyang katawan..." habang nagpapatuloy sa pagsasalita ng sermon, si Jake naman ay tumutulo ang laway sa hubog ng katawan ng mga naggagandahang dilag at ayon sa mga nakita ni Ka-Tupi

ang lahat ng mga dumalo ay hubo't hubad datapuwa't ito'y walang anuman sa kaniya sapagka't ang katawan nila ay binago na mula sa pagiging marupok sa mga bagay na sekswal patungo sa isang isipan na malaya sa lahat ng malisya. ito'y ayon sa aklat ng Patnubay na ang mga nasa kalangitan ay hindi na nangangailangang sumiping ni dinaratnan man ng makamundong uhaw at labis niya itong pinanghahawakan at sinasampalatayanan.

Para kay Ka-Tupi, walang anuman ang mga bagay na ito, dahil kung ito ang kalooban ni Yuwe ay wala siyang magagawa kundi sumunod at magpasakop sa panukala ng kaniyang Panginoon na inilantad sa kanila, maging kahit sa kaniyang sukatan pang-moral, ito'y malaswa.

Ngunit sa lahat ng mga dumalo ay hindi makita ni Ka-Tupi ang kaniyang mga kaanak gayundin ang kaniyang nag-iisang anak at mga apo.

Na siyang bumabagabag sa kaniyang puso.

Sa pitong daang libong taon na pagkahimlay sa libingan, ang kaluluwa niya'y humahalo lamang sa kaniyang bangkay na nagiging alikabok. walang iniisip na kahit anomang suliranin, ito kaya ang tunay na kapahingahan ng kaluluwa na matagal na niyang inaasam, bagkus ay hindi niya lamang binigyan ng pansin?

Gayunman tinanong niya ang mga uwak kung nasaan na ang kaniyang mga anak at mga apo.

nguni't sinagot siya ng mga uwak ng ganito.

"Ikinalulungkot ko Kardel ngunit tinangay ng mga anghel ni Enlil ang iyong mga apo papunta sa kanilang sansinukob ngunit kung ikaw ay magiging taga-linis ay may tsansa na mabawi mo pa sila."

Pagkarinig ni Ka-Tupi sa salitang ito ng uwak ay nalumbay ang kaniyang puso at mababakas ang lungkot sa kanyang mukha. hindi niya inaasahan na sa gintong Siyudad na ito ay makakaramdam pa siya ng negatibong emosyon. ito'y taliwas sa mga ipinangangaral niya noong nasa lupa pa siya. gayunma'y matibay pa rin ang kaniyang pananampalataya kay Yuwe, kung ang kalooban ni Yuwe na gawin silang taga-linis ay malugod niyang tatanggapin ang tungkulin na iniatang sa kaniya ng kaniyang Tagapaglikha.

Sa isipan ni Ka-Tupi, hindi pababayaan ng mga anghel ni Yuwe ang kaniyang pamilya na mahuli ng mga demonyo dahil ayon sa kaniyang sermon noong nasa lupa pa siya, 'Hindi magwawagi ang kasamaan laban sa kabutihan. ni ang kadiliman laban sa kaliwanagan.'

•••

Naalaala niya ang kaniyang anak na tinuruan niya noong nagsagawa siya ng sermon. "Karen, Anak.

Opo! Kung may nakasagupa kang mga suliranin ay isumbong mo lang kay Yuwe ang inyong hinaing, magpapadala siya ng mga anghel upang tulungan ka sa iyong kasakunahan!"

"Opo Papa Tupi!" sagot ng anak ni Ka-Tupi na si Karen.

Ito'y pagkatapos makita ni Ka-Tupi na malungkot ang kaniyang anak. Hindi niya alam kung bakit pero nakatingin siya sa kaniyang Ina na may nanlilisik at maluha-luhang mata, mayroon siyang gusto sabihin ngunit hindi niya masabi.

"Aalis na ako." sabi ni Ka-Tupi sa kaniyang asawa. "hindi na kita pipilitin na pumasok sa kapilya para magsimba."

Iniwanan ni Ka-Tupi ang kaniyang bahay na gawa sa semento. habang ang kaniyang asawa ay tinitingnan siya

Pumasok si Ka-Tupi sa loob ng kaniyang sira-sirang kapilya upang simulan ang kaniyang sermon. nang magsalita ang anak ni Ka-Tupi na si Karen. "napaka-Bad! mo Mommy!"

"Tahimik!" habang kinukurot ng Ina ang baywang ng Kaniyang anak. walang magawa ang bata kundi umiyak sa gilid. isang iyak na pigil na pigil.

"lumabas ka na Jerry!"

May isang lalaki na nagtatago sa loob ng washing machine, nakasuot ito ng Polo Shirt, at maong pants. "Tang Ina, gamuntikan na akong mahuli ah! paano ba yan?" mabilisan itong lumapit sa kaniya at aaksyon ng halikan ang babae.

Sinaraduhan nila ang pinto ng kuwarto kinandado ito, humiga silang dalawa kung saan doon natutulog si Ka-Tupi at ang kaniyang asawa.

"Jerry huwag ngayon! hindi pwede." nasabi ito ng Ina ni Karen habang inaamoy-amoy ng lalaki ang leeg ng kaniyang mommy.

Sinimulan na ni Ka-Tupi ang pagkanta nila sa kanilang fellowship wala siyang kamuwang-muwang sa ginagawang kataksilan ng kaniyang asawa.

"Paano eh, nasasabik ako sa iyo eh."

"Baka mahuli tayo ng asawa ko!"

"Hindi ba pwedeng maghiwalay na lang kayo, upang masolo na kita?" sabi ni Jerry,

nag-iinit ang kanilang katawan habang umaapaw sa kanilang mukha ang naglalagablab na pagnanasa, ang Ina naman ni Karen ay namumutawi ang malanding ngiti .

Silang dalawa ay naghahalikan sa isa't-isa. bibig sa bibig, laman sa laman. buong kumpiyansa nila itong ginagawa dahil alam nilang matagal matapos si Ka-Tupi sa kaniyang mga sermon. ang lalo pang nagpaalab sa kanilang kamunduhan ay alam nilang ang sitwasyong ito ay nakaw lamang na sandali.

Habang dinig nila ang tinig ng awit ng mga nagsisimba, ang babae naman ay umuungol sumasabay sa himig ng musica na nasa kanilang paligid.

Ang duster dress na suot ng babae ay inalis ni Jerry at nahayag sa kaniyang mga mata. walang alinlangang kaniya itong nilantakan. parang kalahok sa isang boodle fight. umiikot ang dulo ng kaniyang dila sa utong ng babae: "Ah! ah!" sa hiyaw ng babae ay lalong ginanahan si Jerry na salitan hinalikan, sipsipin ang dalawang tuktok ng mapupulang burol. pagkatapos ay ibinaba na ni Jerry ang kaniyang pagsisid patungo sa ari ng babae.

"Patawarin n'yo po ako Panginoong Yuwe!"

Nang marinig ito ni Jerry ay napangiti siya sapagkat alam niyang hindi naniniwala ang asawa ni Ka-Tupi sa mga bagay na Espirituwal, dahil atheist ito. pero gayunpaman ipinagpatuloy na niya ang paglalakbay ng kaniyang bibig at dila mula sa dibdib ng babae patungo sa puson hanggang sa mabuhok na mani.

Alam ni Jerry na dito rin naglilimlim si Ka-Tupi pero dulot na rin matinding kamunduhan ay wala na siyang pakialam kahit na marinate na ang tahong na ito sa malagkit na binhi ng kaniyang asawa. ang mahalaga sa kaniya ay mabahaginan siya ng laman ng iba. kahit ang yungib na ito ay may nagmamay-ari na!

Habang dinidilaan niya ang noo nito, pinapasok naman ng kaniyang daliri ang maluwang-luwang ngunit masikip na basang butas. kinapa ng kaniyang dalawang daliri ang kalaliman nito. sa una ay dahan-dahan lamang ang paglabas-masok ng kaniyang hintuturo at hinlalaki, kalaunan pabilis ito ng pabilis na may nagaganap na pagsalat sa parteng ibabaw sa bandang dulo. naglalaway na ang kwebang ito dulot ng walang tigil na pagkapa.

Hinihingal ang babae habang ginagawa ito ni Jerry, at naramdaman niyang malalim ang paghinga nito.

Nang marinig niya sa labas ang tinig ng mikropono. "umupo na kayo mga kapatid!"

tinig ito ni Ka-Tupi na hudyat na sisimulan na niya ang kaniyang mahabang talumpati.

Agad ipinasok ni Jerry ang kaniyang limang pulgadang kargada sa basang-basang tahong ng babaeng nakiapid sa kaniya. humiyaw ito sa kaniya na nagsasabi, "Syet na miss ko ang sandaling ito."

Labas-masok ang kargada ni Jerry sa loob ng mabuhok na yungib ng babae. naglalaway ito tanda na ginaganahan sa performance ni Jerry. silang dalawa ay parang nasa langit na sapagkat parehong tumirik ang kanilang mata.

Habang nangyayari ito,

sa kasagsagan naman ng sermon ni Ka-Tupi, ay nagbabala siya. "Hindi marapat sa ating relihiyon, mga taga-linis ni Yuwe ang makiapid sa isang babae na hindi kasal. O ang lalaki na may asawa na ay makiapid pa sa iba, mga kapatid ang tawag dito ay extramarital affairs. hindi dapat ito masumpungan sa ating mga kalalakihan. gayundin sa mga babae ay huwag din sila makiapid sa ibang lalaki lalo na kapag kasal sila. mas lalo na kung hindi sila kasal. ayon sa aklat ng Patnubay, ang gumagawa ng gayon ay hindi makakatanggap ng kapahingahan ng kaluluwa!" si Ka-Tupi ay pinagpawisan sa gitna ng kaniyang sermon.

"Mababasa natin iyan sa aklat ni Babaylan Dalamhati kapitulo sesenta y nueve bersikulo sesenta y nueve.

Hindi niya alam kung may nasabi ba siyang tama o mali sa talumpati niya. pinahiran niya ng panyo ang tumulong pawis sa kaniyang mukha na abot sa kaniyang baba, napatakan rin ng pawis ang aklat ng Patnubay na hawak niya. sa kaniyang paghahanap ng sunod na kapitulo at bersikulo ay hindi niya mabuksan-buksan ang dalawang magkadikit na pahina.

Ang mga taong nakikinig sa kaniya sa loob ng kapilya ay pinagmamasdan siya, bakit napakatagal niyang makita ang susunod na sitas? ang iilan ay nakatingin sa kanilang relo, nagtatanong kung anong oras na.

ilan sa kanila ay may trabaho pang papasukan. mga estudyante na malapit ng ma-late sa klase. nabagot ang lahat nang may pumasok na ibon. isa itong maya. lumipad ito sa ibabaw ng nakaupo na mga taong nagsisimba. Sa sandaling pagkakataon ay naagaw ang kanilang atensyon mula sa sermon ni Ka-Tupi patungo sa palipad-lipad na ibon.

"Ayan na po mga kapatid. "Bersikulo sesenta y nueve ng aklat ni Dalamhati. pakinggan nyo po mga kapatid." sinasabi ito ni Ka-Tupi ngunit pati siya ay nawalan ng focus sa binabasa niya. "Ang mga mapakiapid ay.. ay..

mapupunta sa langit!" napangiti ang mga tao ng marinig nila ito.