Komunikasyon
Aralin 1: Mga Konseptong Wika
Kahulugan at Kahalagahan ng Wika
KAHULUGAN
Depinisyon Tungkol sa Wika
· Ginagamit ng tao sa kanyang pag-iisip, sa kanyang pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap sa ibang tao, at maging sa pakikipag-usap sa sarili. Sa madaling salita, ang wika ay ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit
· isang midyum at isang instrumento ang wika na nakatutulong sa komunikasyon, pagpapalitan ng kaisipan, at pag-uunawaan ng mga tao
· lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito na laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at pook na tinitirhan
· "Ang wika ay parang hininga na ginagamit upang kamtin ang ating bawat pangangailangan"
- BIENVENIDO LUMBERA Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura
· Ang WIKA ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
-HENRY GLEASON
KAHALAGAN
Instrumento sa Komunikasyon
· Ang wika, pasalita man o pasulat ay pangunahing kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan.
Pagpapanatili, Pagpapayabong, at Pagpapalaganap ng Kultura
· Nagkakaroon ng pagsasalin-salin at hiraman ng kutura ang mga bansa sa tulong ng wika.
Nagpapakita ng Pagiging Malaya at Pagkakaroon ng Soberanya
· Sinasabing hindi tunay na malaya ang isang bansa kung hindi nag-aangkin ng sariling wika na lilinang sa pambansang paggalang at pagkilala sa sarili.
Tagapag-ingat at Tagapangalaga ng Karunungan
· Nagagawang magpasalin-salin ng karunungan at kaalaman sa isip at dila ng sinaunang mamamayan sa mga sumunod na henerasyon dahil sa wika.
Lingua Franca
· Wika ang nagsisilbing tulay para magkaunawaan at magkaintindihan ang iba't ibang grupo ng tao na may kani-kaniyang wika.
Aralin 2: Konseptong Pangwika
KATANGIAN NG WIKA
Wika: Katangian
Masistemang Balangkas
· Ito ay may sinusunod na kaayusan o balangkas ng pagkakabuo. Bawat tunog na nalilikha ay tinutumbusan ng simbolo o letra.
PONEMA
· Ang tawag sa makahulug ang tunog ng isang wika
MORPEMA
· Maliliit ng yunit ng salita
· Mga pinagsamang ponema
SINTAKS
· Pangungusap
· Pinagsamasamang salita
DISKORS
· Makahulugang palitan ng pangungusap
Sinasalitang Tunog
· Hindi lahat ng tunog na ating naririnig ay maituturing na wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay mayroong kahulugan
Natatangi
· Walang wikang may magkatulad na magkatulad na katangian.
Arbitraryo
· Ito ay pinagkakasunduan ng mga grupo ng tao para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Ginagamit
· Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at tulad ng anomang kasangkapan, kailangang patuloy itong gamitin. Ang wikang hindi ginagamit ay unti-unting nawawala at namamatay
Nakabatay sa Kultura
· Nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig dahil sa pagkakaiba ng kultura ng mga bansa at ng mga pangkat. Ito rin ang dahilan kung bakit mayroong mga kaisipan sa isang wika na walang katumbas sa iba pang wika.
Nagbabago
· Ang wika ay dinamiko. Kailangan nitong sumabay sa pagbabago. Ang isang wikang stagnant ay maaaring mamatay tulad ng hindi paggamit nito.
Aralin 3: Konsepto Ng Wika
Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo
MONOLINGGUWALISMO
· Tawag sa pagpapatupad ng paggamit ng iisang wika sa isang bansa tulad ng mga bansang England, Pransya, South Korea at Hapon.
· May iisang wika ding umiiral bilang wika ng komersyo, wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na buhay.
BILINGGUWALISMO
· Paggamit ng tao sa dalawang wikang tila ba ang mga ito ay kanyang katutubong wikaPerpektong Bilingguwal. Leonard Bloomfield (1935)
· Kakayahan ng isang tao na magamit ang isa sa apat na makrong kasanayan sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika. John Macnamara (1967)
· Ay ang kakayahan ng isang tao na makapagsalita ng dalawang wika.
· Ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay bilingguwal. Uriel Weinreich (1953)
· Kakayahan ng isang tao na magamit ang ikalawang wika nang matatas sa LAHAT ng pagkakataon – Balanced Bilingual. ( Cook at Singleton: 2014)
Bilingguwalismo sa Wikang Panturo
· "Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Filipino. Hangga't hindi binabago ang batas, ang Ingles at Filipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas." -Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973
· Pagpapatupad ng Bilingual Education Policy (BEP) sa bisa ng Resolusyon Bilang 73-7 s. 1973. Isinasaad na "ang Ingles at Pilipino ay magiging midyum ng pagtuturo at ituturo bilang asignatura sa kurikulum mula Grade 1 hanggang antas unbersidad sa lahat ng paaralan, publiko o pribado man."
MULTILINGGUWALISMO
· Ang kakayahan ng isang indibidwal na makapagsalita at makaunawa ng iba't ibang wika.
· Ang Pilipinas ay isang multilingguwal na bansa, mayroon tayong mahigit 150 wika at wikain kaya bibihira ang Pilipinong monolingguwal.
Mother Tongue Based-Multilingual Education (MTB-MLE)
· Sa probisyong ito, gagamitin bilang pangunahing wikang panturo para sa mga mag-aaral ng Kindergarten at Grades 1, 2, at 3 ang kanilang mga unang wika (L1).
· Ang walong pangunahing wika ay ang sumusunod: Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Ilokano, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, at ang apat na iba pang wika ay ang Tausug, Maguindanaoan, Mêranao, at Chavacano.
· Nadagdag na pitong wika ang mga sumusunod: Ybanag para sa mga mag-aaral sa Tuguegarao City, Cagayan, at Isabela; lvatan para sa mga taga-Batanes; Sambal sa Zambales; Aklanon sa Aklan, Capiz; Kinaray-a sa Antique; Yakan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao; at ang Surigaonon para sa lungsod ng Surigao City at mga karatig-lalawigan nito
Aralin 4: Konseptong Pangwika
UNANG WIKA, IKALAWANG WIKA, AT IKATLONG WIKA
Unang Wika
· ang kadalasang tinatawag ding katutubong wika o mother tongue
· kinakatawan ng L1
· wikang natututuhan at ginagamit simula pagsilang hanggang sa lubusan nang nakauunawa at nakakagamit ng wika ang isang tao
Gabay upang matukoy kung ang isang tao ay katutubong tagapagsalita ng isang wika
· Natutuhan ng indibidwal ang wika sa murang edad.
· Ang indibidwal ay may likas at instinktibong kaalaman at kamalayan sa wika.
· May kakayahan ang indibidwal na makabuo ng mataas at ispontanyong diskurso gamit ang wika.
· Mataas ang kakayahan sa komunikasyon gamit ang wika.
· Kinikilala ang sarili bilang bahagi at nakikilala bilang kabahagi ng isang lingguwistikong komunidad.
· May puntong dayalektal ang indibidwal na taal sa katutubong wika
Ikalawang Wika
· Ang iba pang wikang natututuhan at ginagamit ng isang tao pagkaraang matutuhan ang kaniyang unang wika.
· Kinakatawan ng L2
· Ito ay hindi taal o katutubong wika ngunit ginagamit din sa lokalidad ng taong nagsasalita.
Ikatlong Wika
· Ang ginagamit na wika sa pakikiangkop sa lumalawak na mundong ginagalawan ng isang indibidwal.
· Ito ang iba pang bagong wika na naririnig o nakikilala na kalaunan ay natututuhan at nagagamit sa pakikipagtalastasan sa mga tao sa paligid.
· Kinakatawan ng L3.
Aralin 5: Wikang Pambansa
WIKANG PAMBANSA
· Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ito ay tumutukoy sa isang wikang ginagamit nang pasalita atpasulatng mga mamamayanngisangbansa.
Paano pinipili ang wikang Pambansa?
· Malimitnahinihirangna wikang pambansaang sinasalitang dominante at/o pinakamaraming pangkat.
· Dominanteng wika ng isang pangkat na naging dahilan ng paglaya ng bansa o kaya naman dahil sa ito ang wika ng lugar na sentro ng gawaing pampolitika, edukasyon, relihiyon, kultura, at kalakalan.
HALIMBAWA
· Wikang pambansa ng France ang wika ng Paris, ng Great Britain ang wika ng London,ngChina ang wika ng Beijing,ng EspañamulasaCastilla.
Paano pinipili ang wikang Pambansa?
· Mga bansang nagpanatili sa wika ng kanilang mananakop bilang wikang Pambansa: Espanyol: Mexico,Cuba, Bolivia,Argentina,Chile,at iba pangbansa. Portuges: Brazil
· Sa kaso ng Pilipinas, kumiling ang bansa sa katutubong wika bilang batayan ng wikangpambansa
Kasaysayan ng Pagkakabuo ng WIKANG PAMBANSA
· Sa loob ng mahabang panahon ng pananakop ng Espanya. Espanyol ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo.
· Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginamit ng mga bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyon, Ingles at Espanyol.
· Sa loob ng mahabang panahon ng pananakop ng Espanya, Espanyolangopisyalna wikaat itorinang wikangpanturo.
· Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginamit ng mga bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyon, Ingles at Espanyol.
Marso 24, 1934
· Iminungkahi ni Lope K. Santos na ang Wikang Pambansa ay dapat batay sa mga umiiral na wika sa Pilipinas.
· Ang mungkahiay sinusuganni Manuel L. Quezon nanoo'ypangulong PamahalaangKomonweltng Pilipinas.
1935
· Ang pagsusog na ito ni Pangulong Quezon ay nagbigay-daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 na nagsasabing:
· " Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggat hindi itinatakda ng batas, ang wikang Inglesat Kastilaang siyang mananatiling opisyal na wika."
Disyembre 30, 1937
· Lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagpapatibay sa Tagalog bilang batayang wika ng PambansangWikangPilipinas.
1940
· Napagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, nagsimulang ituro ang wikang pambansang batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado.
Hulyo 4, 1946
· Ipinagkaloob ng Amerikano ang ating kalayaan. Sa araw ding ito inihayag ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 570.
1959
· Inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg.7nanagtatakdang "kailanma't tutukuyin ang Wikang Pambansa, ito ay tatawaging Pilipino."
1972
· Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensyong konstitusyunal noong 1972 tungkol sa WIKA. Sa huli ito ang probisyong pangwika sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksyon 3, blg. 2:
· "Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa isang panlahat na wikang Pambansang kikilalaning FILIPINO."
1987
· Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV Seksyon 6 ang probisyong ito.
· ARTIKULO XIV, SEKSYON 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, itoaydapatpayabunginatpagyamaninpasalig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika
Ayon sa Seksyon 6, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng 1987, ang wikang Filipino ay:
· Ang wikang pambansa ng Pilipinas;
· Dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang wika; at
· Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
· (1) midyum ng opisyal na komunikasyon; at
· (2) wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon.
Dahilan sa Pagpili sa Tagalog bilang Batayan ng wikang Pambansa
· Tagalog ang wikang pinakamaunlad sa estruktura, mekanismo, at panitikan, at ito rin ang wikang ginagamit ng nakararaming mamamayan.
Ang Tagalog, Pilipino, at Filipino
Tagalog
· Katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935).
Pilipino
· Unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas (1959).
Filipino
· Kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987).
Aralin 6: Wikang Panturo At Wikang Opisyal
WIKANG PANTURO
· Wikang ginagamit sa sistema ng edukasyon, ito ang midyum o daluyan ng pagtuturo at pagkatuto.
· Ito ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan.
· Maaaring iisa, dalawa, o higit pa ang pinipiling wikang panturo
Ikalawang bahagi ng Artikulo XIV, Konstitusyon 1987:
· "Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo , ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang panturo doon."
WIKANG PANTURO
· Maraming sikolohista ang naniniwalang ang wikang nauunawaan ng tao ay katulong ng utak sa pagproseso ng kaalaman.
· Census 2000 65 milyong Pilipino o 85% ng kabuuang populasyon ang nakauunawa at nakakapagsalita ng wikang Filipino.
BEP (BILINGUAL EDUCATION POLICY 1987)
· Bilang pagpapatupad sa mandato ng Konstitusyong 1987.
· Dalawang wika ang gagamitin sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
· Paggamit ng Filipino at Ingles bilang mga wikang panturo.
MTB-MLE (MOTHER TONGUE-BASED MULTILINGUAL EDUCATION 2012)
· Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum, ang Mother Tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man.
· Sa unang taon ng pagpapatupad ng K to 12 (2012) ay itinadhana ng DepEd ang labindalawang (12) lokal o panrehiyong wika at diyalekto para magamit sa MTB-MLE.
2013
· Nadagdagan pa ito ng pito (7) kaya't labinsiyam na wika at diyalekto na ang ginagamit tulad ng mga sumusunod: Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan, Mëranao, Chavacano, Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon, Kinaray-a, Yakan, at Surigaonon.
Ang mga wikang ito ay ginagamit sa dalawang paraan:
· Bilang hiwalay na asignatura; at
· bilang wikang panturo.
MBT-MLE (MOTHER TONGUE-BASED MULTILINGUAL EDUCATION 2012)
· Sa mas matataas na baitang ay Filipino at Ingles pa rin ang mga pangunahing wikang panturo.
WIKANG OPISYAL
· Tinatawag na opisyal na wika ang isang wika na binigyan ng natatanging pagkilala sa konstitusyon bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksiyon/ komunikasyon ng pamahalaan/gobyerno.
· Wikang ginagamit sa mga opisyal na dokumento na may kinalaman sa korte, lehislatura, at pangkalahatang pamamahala sa gobyerno, maging sa sistema ng edukasyon.
2 Opisyal na Wika sa Pilipinas
Ayon sa Artikulo XIV ng Konstitusyong 1987
· Filipino
· Ingles
WIKANG OPISYAL
· Sek. 7 – ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga't walang itinatadhana ang batas, Ingles.
· Sek. 8 – Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles; at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
