Kim Minjeong.
Pangalan pa lang pangmalakasan na, yung mukha ko pa kaya. Ako si Minjeong mas kilala bilang Jeo pero pwede ding winter, 22 years old pero mukhang 16 pa lang hehehe hindi na ako nakapagtapos ng highschool dahil mas mahirap pa kami sa daga charot mukha akong daga.
Noong isinilang ako sa mundong ito, laking tuwa ng magulang ko pero sad to say hindi na naging ilaw yung mga kamay nila kasi wala namang bumbilya… ang ibig kong sabihin pareho na silang dead as in yung hindi na humihinga nung baby pa ako.
Bakit sila namatay? Tanong mo sa doctor. Paano sila namatay? Tanong mo din sila, ako ba namatay dito? Joke lang.
They died while I'm at a very young age, bata pa ako noon huhuhu. According to the information gathered by the investigation of the authorized police officer, my parents died because a car hit them…car accident alangan naman sila yung bumangga sa car. Wow english pwede na. What I mean is, nabangga sila ng kotse malamang kakasabi ko lang kanina. Tapos hindi na sila humihinga noong tinakbo sa hospital, ewan ko ba kung bakit tinakbo kung pwede naman isakay baka umabot pa sila ng buhay. I was totally devastated that time, yung luha ko nagpabaha hanggang Japan kaya nagkatsunami sila don.
Anong nangyari sakin after namatay parents ko?
Ayun tamang iyak at hinga lang habang dumedede ng gatas, inalagaan ako ng pamilya Yi Zhuo which is super mabait, masipag, mapagmahal kahit sinasabihan nila ako na pinaglihi daw ako sa siraulo. Well totoo naman. They took care of me bat parang inenglish ko yung nauna? Anyway highway sila ang nagsilbi kong magulang, sinasamahan ko si nanay magtinda ng gulay sa amin. Ang sabi niya nga sa akin ako daw ang lucky charm niya kasi mabilis mabenta yung mga paninda, paano hindi mabilis tinatakot ko yung mga bibili sasabihin kong "bibili? Or duduraaan ko kayo?". Ang talino ko talaga eversince. Si tatay naman ay maaga kaming iniwan, hindi para sa ibang babae ah, namatay siya dahil sa sakit.
Well hindi lang ako ang mag isang inalagaan nila, syempre may kasama akong gorilla……si Ning or mas kilala sa pangalang Luningning, ang kanilang nag iisang unica ija na maladisney princess kung umasta pero yung humor pangkanal. Pero mas tinatawag ko siyang praningning dahil praning talaga siya.
Si Ningning ay kabaliktaran ko, kung siya madalas magsilbi sa simbahan ako walang silbi hehehehe. Makadiyos at mahinhin siyang gumalaw pero deep inside kumukulo talaga dugo niyan and aggressive. Mas aggressive pa kesa sa asong may rabies. May mga araw naman na magkasundo kaso bilang lang sa daliri, kung baga sa isang linggo isang araw lang kaming bati. Nakapagtapos siya ng kolehiyo dahil mas lamang siya ng 99 na braincell kesa sakin, kaya nakapagapply siya sa magandang company. Paanong hindi siya tatanggapin ay sobrang ganda niya at matalino, bobo lang tatanggi at magrereject sa kanya akalain mong isang Ning Yi Zhuo ang mag aapply sa kumpanya niyo tapos babalewalain mo lang. Aba dapat mong gawin yon kasi impakta siya, de joke.
"Minjeong!!!!"
At nagsalita na nga ang anghel sa kalangitan pero may konting kademonyohan.
"Ano? Makasigaw ka akala mo galing ka sa digmaan"
"Panong hindi kita sisigawan kanina ka pa diyan nakatunganga habang ako nagtratrabaho"
Eto madalas namin pag awayan, work work work and syempre pagkain. Ewan ko sa babaeng to pinaglihi ata sa baboy, pero yung katawan naman mukhang kawayan.
"Mata mo umiikot ng 360 degrees, tinatawag ka ni nanay. Gumalaw ka na"
Tumayo ako tapos tumalon talon.
"Ano ginagawa mo?" nagtataka niyang tanong.
"Gumagalaw"
Umilag ako dahil sinubukan niya akong batukan.
"Ikaw unggoy ka ang galing mo sa kalokohan, kaya laging naiistress sayo si nanay eh" sinimulan niya ng ligpitin ang kalat sa lamesa.
Inayos ko ng mabuti ang suot kong faded na t-shirt "Hoy tuwang tuwa kaya si nanay sakin mas madalas niya nga ako bigyan ng papuri kesa sayo"
"Tulad ng ano? Bugnutin? Antukin?" sabay tawa.
Kung di ko lang ginagalang tong babaeng to matagal ko ng binitin to sa puno "Tulad ng ang ganda ng anak ko di ba, pang modelo ang mukha"
"Hahahahahaha yun lang?" inaasar na naman ako ng nagsasalitang labanos.
"Oo, pero yun ang pinakamagandang papuri" pinagmamalaki kong tugon.
"Hoy puntahan mo na si nanay bago lumaki ulo mo. Samahan mo daw siya mamalengke" turan niya habang nagpipigil ng tawa.
Tinignan ko siya ng masama "May araw ka rin sakin Luningning"
"Kelan pa kaya darating yon aber?" she just fucking smirk at me. English ulit lol.
"Kanta ni Aiza Seguerra"
"Ha?" nagtakang tanong niya.
"Ang hina mo makapick up, pagdating ng panahon kako. Makaalis na nga baka maging bobo pa ako dahil sayo" natatawa kong sambit.
"Gago ka"
"Nakikinig si lord, sige ka hindi niya hilingin dasal mo na bigyan ka niya ng jowa" dali dali akong tumakbo palabas, baka makatay pa ako pag naabutan ako ng nagbabagang babae na mukhang made in China.
Humahangos ako habang papunta kung saan naroon si nanay, nakita ko siyang naghihintay malapit sa tindahan ni Aling Marites na laging bida bida ayaw paawat laging gusto siya ang star of the day. Matanda na si nanay, halata na ang kulubot sa kanyang mga kamay at mukha pero….wag niyong mamaliitin ang nanay namin kahit maliit talaga siya, dahil sobrang ganda niya pa rin kahit medyo matanda na.
"Oh Jeo tara na, tatanghaliin na tayo sa pamamalengke. Kebagal mo talagang bata ka" tinawag niya ako palapit sa kanya.
"Pasensya na nay, si Luningning kasi eh" pagsisinungaling ko.
"Siya ba talaga o lumipad na naman utak mo kung saan saan. Saglit nga matanong lang kita" tinignan niya ako habang ako nama'y naghihintay sa tanong.
"May utak ka ba?" napatawa siya ng malakas.
Pareho talaga silang may saltik ni Ning "Nay naman eh" pagdadabog ko.
"Pasensya na anak pinapatawa lang kita, halika nga dito" hinila niya ako palapit sa kanya sabay yakap ng mahigpit "Ke gwapo gwapo mo talagang bata"
"Nay matalino ba ako?" pag iiba ko ng usapan.
"Gwapo ka, yun ang importante" sabay kurot sa pisngi ko.
Napasimangot na lang ako "Nay hindi yun yung tinatanong ko eh"
"Wag ka na magtampo, gwapo ka naman" naglakad na kami papuntang kanto para pumara ng masasakyan.
Ilang minuto pa'y nakasakay na rin kami, inalalayan ko siya para hindi siya mauntog. Masaya kaming nagkwentuhan ni nanay hanggang sa makarating na kami sa aming destination. The place where the land and sea meets, supermarket. Bakit ko nasabi? Malamang nagtitinda sila ng gulay, prutas at karne tapos may lamang dagat, sana gets niyo hirap magexplain sa mga matatalino.
"Jeo dalhin mo ito sa pwesto ni Hansem, sabihin mo bayad sa utang natin" inabot niya sa akin ang dala niyang pera.
Agad ko naman itong kinuha at dinala kila Mang Hansem "Tiyong bayad ho namin"
"Uyy Jeo buti napadaan ka, saglit at may kukunin lang ako" iniwan niya ako saglit sa kanyang pwesto.
Lumingon lingon muna ako sa paligid habang naghihintay ng biglang may gumulat sa akin.
"Putang-.." napatigil ako nang makita ko kung sino.
Walang iba kundi si Ryujin, anak ni Mang Hansem.
"Putangina mo rin" matawa tawa niyang sambit "Bat ka nandito? Siguro inaabangan mo si Minju no?" pang aasar niya.
Hindi ko naman talaga gusto si Minju, ipinipilit lang siya sa akin dahil siya ang may gusto sakin. Pero nilinaw ko na noon pa na hindi ko siya magugustuhan kahit kelan.
"Oh bat natahimik ka?" nakangiti niyang tanong.
"Bakit bawal bang matahimik ha? Eh kung ikaw patahimikin ko" asar kong sambit.
"Nag aaway na naman kayo umagang umaga, Jeo heto nga pala isda idagdag niyo sa ulam niyo mamaya" inabot niya ang nakabalot na isda.
Nahihiya akong tumingin sa kanya "Naku Mang Hansem huwag na po, kakabayad ko nga lang ng utang tapos magbibigay ka po niyan"
"Tanggapin mo na, tsaka kung kailangan niyo ulit ng pera sabihan niyo lang ako" tinapik niya ang balikat ko.
Mabait na tao si Mang Hansem, ewan ko lang yung anak niya may pagkademonyo din kasi katulad ko. Tinutulungan niya kami kapag gipit o naghihikahos na kami sa bahay, hulog siya ng langit pero yung anak niya hinukay sa impyerno. Sanggang dikit kami ni Ryujin simula pagkabata, madalas siya tuksuhin kasi mukha siyang aso at ako mukhang pusa kasi cute ako eh kaya animals of the same species stick together. Dahil sa simpleng pagtatanggol ko, nakakuha ako ng kaibigang monggoloid. Simula noon hindi na kami naghiwalay.
"Salamat po sa isda Tiyong Hansem, sa susunod ulit" pagbibiro ko.
"Jeo si Minju oh!" sigaw ni Ryujin habang may tinuturo.
"Depungal ka yang bunganga mo susupalpalan ko ng isda" pagbabanta ko.
Sumimangot lang siya sakin "Nagsasabi lang eh to naman di mabiro"
Si Minju ay ang mutya sa lugar namin, bukod sa maganda eh mabait pa. Medyo mapurol nga lang ang utak.
"Well I don't care, sayo na si Minju" pagtataray ko.
"No thanks, loyal ako kay Yeji…papakasal pa kami no" nagyabang pa talaga.
"Kasal? Eh hindi nga kayo kasal pa kaya" panunumbat ko habang tumatawa.
Hinampas niya ako.
"Aray nananakit ka na naman" hinimas ko ang parte na hinampas niya.
"Magiging kami rin non, nagpapahard to get lang" kung malakas ang hangin sa signal # 5 na bagyo, wala ng lalakas pa sa hangin na dala dala ng nag iisang Shin Ryujin.
"Okay goodluck. Aalis na ako, hinihintay ako ni nanay. Sana nga maging kayo ni Yeji, mga after 10 years later" naglakad na ako palayo habang nagmamaktol siya sa sinabi ko.
Pabalik na ako kung saan ko iniwan si nanay, naroon pa rin siyang matiyagang naghihintay sakin.
"Lika na po" magalang kong sinabi.
"Ano yan nak?" turo niya sa supot na bitbit ko.
Itinaas ko ang supot "Ito po? Ulam natin mamayang tanghali"
"Ninakaw mo?"
Si nanay talaga parang tanga "Sa gwapo kong to magnanakaw? Baka hindi ko pa hinoholdap kusa ng ibibigay sakin" ang yabang talaga.
"Sus napakayabang mong bata ka, tara na nga at ng makarami tayo ng bibilhing paninda" inakay na ako ni nanay papunta sa mga pwesto ng paninda.
Kung nagtataka kayo kung ano tinitinda namin, magtaka lang kayo. Joke lang. Simula noong maliit pa kami ni Ningning binuhay na kami ni nanay pero paglilinaw lang hindi naman kami patay kaya kami binuhay. Nagtitinda si nanay ng mga gulay, madami rin kaming suki kaya mabilis maubos. Bukod doon ay nagsilbi din siya sa mansion ng pamilya Yu, syempre kasama kami. Ngunit noong magkikinse anyos na ako ay napagdesisyonan ng pamilya Yu na manirahan sa ibang bansa, kaya nawalan kami ng trabaho, hanggang ngayon ay wala na kaming balita pa.
"Jeo kunin mo nga ito" kinuha ko kaagad ang inaabot niya.
"Nay sa susunod ako na po ang bibili ng mga kailangan, masyado na po kayong napapagod"
Nagpatuloy na kami sa paglalakad "Nak malakas pa ako, kaya ko ngang buhatin si Jeong ikaw pa kaya"
"Nay hayop po yon" pagtatanggol ko.
"eh anong pinagkaiba mo sa kanila" wow nahiya naman ako sayo nay "Biro lang nak"
Napatawa na lamang ako "Ikaw nay ha nagmamana ka na sakin"
"Syempre anak kita"
Parehas kaming tumawa, naglakad na kami palayo ngunit bago pa kami makatawid ay may biglang sumulpot na kotse. Muntik na ako mabundol, buti na lang magaling ako umiwas. Napahinto ang kotse.
"Hoy hindi ka ba marunong tumingin sa dadaanan mo?!?" sumigaw talaga ako ng malakas para marinig ng kung sino mang hudas ang nagmaneho ng sasakyan.
Maya maya pa ay lumabas ang isang maliit na babae, maganda sana kaso mukhang pinaglihi sa sama ng loob.
"Oh my god my car!" tangina ang arte.
"Hoy kami na nga muntik mabundol inuna mo pa yang kotse" sa inis ko sinipa ko yung gulong.
"Hey why did you do that? Do you know how much this car cost?" she confront me.
"Wag mo kong maenglish english, I didn't graduate in highschool but I swear masasapak kita" pananakot ko.
Tinignan niya ulit ang kanyang kotse "Magkano?"
"Anong magkano?"
Humarap siya sakin "Ang hina ng ulo mo, magkano babayaran ko sa inyo? Like how much?"
Anong akala neto sakin mukhang pera "10,000"
"Bat ang mahal?" nagtatakang tanong niya.
"Malamang PF ko pa"
"PF? Eh mukhang wala ka non" panunumbat niya.
Inuubos niya pasensya ko "Aba ikaw tong-.."
"Tama na yan, hindi ka naman nasugatan kaya hayaan mo na nak" malumanay na sambit ni nanay.
"Nay buhay ko nakasalalay dito, tsaka…" lumapit ako sa kanya "sayang din yung 10,000 nay"
"I think I remember you" hay naku nagsalita ang demonyo.
Napatingin kaming dalawa, nagkatitigan sila pareho nang biglang ngumiti ang animal.
"Aeri ikaw na ba yan?" huh kilala siya ni nanay? May utang siguro to dati.
"Nanay Linda!!!!!" Napatalon siya sa tuwa at niyakap siya ng mahigpit.
Nagsimula na silang mag usap na parang hindi nila ako kasama. Sandali lang, siya si Aeri?
"Siya nga pala si Jeo, naaalala mo pa ba siya?" tanong ni lola.
Nagkatinginan kami.
"Ikaw mokong ka peperahan mo pa ako animal ka" sabay batok sa akin.
"Aray naman eh, pangalawang beses na akong nabatukan ngayong araw" pagrereklamo ko.
"Gusto mo pangatlo, anyway namiss kitang gago ka" sinubukan niya akong yakapin.
Lumayo ako ng bahagya "May bayad, akin na yung 10,000" sabay lahad ng mga palad ko.
"Asa ka! Naparito lang naman ako para kay Nanay no" aba ang lakas ng loob netong talikuran ako.
Tumawa si nanay sa kanyang sinabi "Halika nga ditong bata ka, bat ka nga ba naparito?"
"Nay pwede ho bang bumalik kayo ulit sa amin?" umaasang turan niya.
"Bakit?" naglakad sila palapit sa kanyang kotse.
Sumunod na lamang ako habang bitbit ang mga pinamili namin.
"Nay bumalik na kasi kami sa mansion at kailangan namin ng kasama, nais po namin kayong kunin ulit. Kung want nyo pa bumalik" nakangiti niyang tugon.
Bigla akong napalapit sa kanila "Nay tanggapin mo na tutal matagal na akong walang matinong trabaho"
"Kelan ka pa naging matino" makakapatay talaga ako ng aso.
"Nay wag mo tanggapin"
"Joke ko lang Jeo, hindi ka naman mabiro" sabay hampas sakin.
"Kelan kami pupunta?" pag iiba ko ng usapan.
"Pwedeng ngayon na po kayo pumunta? Gustong gusto ka na kasi makita ni tito and tita nay, pwera si Jeo" nangigigil ako sa animal na to "Syempre joke ulit. Pero bukas pa po ang dating nila"
"Sige apo tatanggapin namin ang alok niyo" napayakap si Aeri sa tuwa.
"Ihahatid ko na ho kayo"
"Buti naman naisip mo yan, magtatanghali na oh"
Inirapan niya ako "Magcommute ka"
"Hoy wala kang utang na loob"
"Hmmm tama na yan, alis na tayo at ipagluluto ko si Aeri ng makakain" suggestion ni lola.
"eh kami ni Ningning nay?" pagkabanggit ko sa pangalan ni Ning ay biglang namula si Jisoo.
"Ikaw bata ka syempre kayo din"
Tumawa na lamang kami, sumakay na kami sa kotse niyang sobrang ganda at malamang sobrang mahal din.
"So n-nasan si Ning nay?" sabi ko na may gusto tong animal na to eh.
"Nasa bahay, tuwing sabado at linggo ay kasama namin siya"
"Aaahhh n-nasan po s-siya pag w-week days?" potangina halata kang bakla ka.
"Nasa trabaho nak"
Patuloy silang nag usap samantalang ako'y tahimik na nakikinig, naghihintay na may maling masabi si Aeri. May aasarin ako bukas hehehehehe.
