Habang nasa byahe kami ay napapansin kong panay ang tingin sa akin ni Jeo.

"Oh bat ganyan ka makatingin? Inggit ka kasi mas gwapo na ako kesa sayo?"

"Luh tangina mo, yaman lang lamang mo sa akin pero hindi sa ligo"

"Duh as if, a lot of girls swoon over me"

"Wag mo kong englishin rabbit na hilaw, baka di kita matantsya gawin kitang adobo. At ikaw? Magugustuhan ng mga babae? Baka kahit sa burol mo kami lang magtiyaga pumunta hahahahaha"

"Okay lang, atleast ako yung pinakamasarap na adobo na matitikman nila. Baka nga pagpilahan pa ako ng buong nation. And excuse me, I have a lot of exes. Feeling ko ikaw kulang ka sa babae kaya ka nagkaganyan hahahahaha "

"Kadiri ka, eww! Mas gugustuhin pa siguro nilang lumamon ng lupa kesa kainin ka tsk. And excuse me too, kahit never pa akong nagkagirlfriend I'm sure madaming babaeng gustong maging girlfriend ko hmmmppp"

I keep on laughing while making faces at her. Lumaki ba tong bugnutin? Buti natiyagaan nila Ning na kasama to sa bahay.

"Tama na nga yan mga anak, tumingin ka sa kalsada at baka maaksidente tayo" sabi ni nanay.

"Kaya nga. Napakayabang neto porket nakatapak sa Nu Nyork eh feeling artista"

Sobrang natawa ako "Hahahahahahaha ano? Nu nyork? Baka New York sinasabi mo gunggong hahaha"

"Nu nyork nga. Ano bang pake mo kung ganun bigkas ko?"

"Nakakatawa hahahahahaha potangina nag aral ka ba?" I tease.

Nanahimik ang mokong, nabwisit ata.

"Oh natahimik ka? Wala ka ng pangbara? Kawawa ka naman hahahaha"

"Aeri tama na yan kung ayaw mo mailibing ng buhay hahahaha" tawa ni nanay.

I peek at her in my rear mirror only to see a hot flaming cute maltese, I mean kumbaga sa cartoons umuusok na yung ilong at tenga niya hahahaha lol.

"Okay I'll stop"

"Bwisit ka! May araw ka rin sakin"

"Kelan ba yan at isesave ko sa calendar" I chuckled.

The truth is I'm really nervous meeting Ning, it's been years the last time I've seen her.

She has this chubby cheeks, bubbly personality and syempre yung singkit niya na mga mata. Sobrang ganda din ng boses niya!!! Jusko kapag narinig mo papakasalan mo na agad.

Naalala ko pa noon kung paano ako pilit na nagtatago sa isang sulok para lang pagmasdan siya sa tuwing tutulungan niya si nanay sa kusina.

"Anak malapit na tayo sa bahay, itabi mo na lang dito" turo ni nanay.

Maliit ang bahay nila, sakto sa tatlo o apat na katao.

"Oh Jeo bitbitin mo na ang mga pinamili natin. Tawagin mo si Ning"

Mabilis na bumaba si Jeo at nagtatakbo palabas.

"Luningninggggg!!! May bisita kaaaa!"

Para siyang aso na nakalabas sa kulungan, ay mali. Aso talaga siya, yung sa lakas ng boses kung makasigaw akala mo bulldog pero Maltese lang pala sa liit.

"Hoy yang boses mo! Rinig hanggang mount everest. Umayos ka nga"

Lord. Pwede mo na akong kunin. Joke.

"Para kang tanga, sanay na kaya mga kapitbahay natin hahahaha"

"Malamang di sila makapagreklamo kasi nga tinatakot mo, sinasabi mong hindi ka na magigising bukas"

And when I finally saw how gorgeous she is I suddenly felt the angels from above went down to fetch me.

Unti unti siyang lumalapit sa akin habang nakangiti, she wear the most beautiful smile I'd ever seen. Oo, I dated a lot of pretty girls with sexy bodies and they look like models but….nothing compares to the beauty infront of me.

Bigla akong natauhan nang biglang may tumapik ng baba ko.

"Laway mo tumutulo na" sabay tawa ni Jeo.

"Tangina neto parang di tao"

Konting asar pa nito tutuluyan ko na.

"Ah siya nga pala nak, ito si Aeri. Naaalala mo pa ba? Yung kalaro niyo noon sa mansion"

Feeling ko dito na ako mamamatay.

"Siyempre nay, hi Aeri welcome sa bahay namin"

"He-Hello" nauutal kong sambit.

Out of all places I've been, dito pa ako nautal.

"Nahihiya ka ba? Okay yan, para si Jeo lang walang hiya dito hahahahahaha"

Potaaaaa yung tawa niyaaaaa Lord ready na ako.

"Hoy" sabay sapak "umurong ba dila mo? Kinakausap ka oh hahahaha"

"Wag mo nga sapakin, di ka talaga marunong rumespeto sa bisita" paninita ni Ning.

Hindi lang siya maganda, concern pa. Uwu

"Eto? Rerespetuhin ko? Duh! Alam mo bang muntik na kaming sagasaan neto. Hindi pa nga nagbayad eh tsk"

"Kahit na, kung ikaw lang din ang nasa daan at ako nagmamaneho kahit tumabi ka pa sasagasaan talaga kita"

Kumunot ang noo ni Jeo "Ano naman gagamitin mo? Kariton? Gumamit ka naman ng mamahalin, okay na ako sa Lamborghini hehehehe"

"Ah talaga ba? Bisikleta lang katapat mo, isang bangga patay agad hahahaha"

Tuwang tuwa akong pinapanood sila, I mean si Ning.

"Matunaw" siniko ako ni nanay ng marahan "Junakis ko yan ha, I have my eyes on you"

"Nay naman"

"Tama na yan. Magtatanghali na, kailangan na natin magluto at baka gutom na si Aeri"

"Si Aeri lang nay? Gutom din kaya ako pero mas gutom si Ning kesa sakin hahahaha"

Sa sobrang pang aasar ni Jeo ay bigla siyang hinabol ni Ning at binatukan.

"Aray! Pangatlo na tong pambabatok ah"

"Gusto mo apatin ko?" pagbabanta ni Ning.

"Sabi ko nga tatlo lang"

Pinatuloy nila ako sa munti nilang tahanan, napakasimple parang yung gusto kong babae.

"Ikaw rabbit! Sinasabi ko sayo isang maling galaw mo lang. Ipapakain kita sa aso"

"Ahhhhh natatakot ako" I tease "Kahit ipakain mo pa ako sa lion, hindi ako takot tsk"

"Jeo tantanan mo muna siya"

"Eto na nga po nayyyyy, aalis na po"

When Jeo left me, I scan the place. They have a cozy house, I felt comfortable.

May mga litratong nakasabit sa wall, luma na pero halatang may sentimental value. Nakita ko kung gaano kalawak ang ngiti nilang tatlo; si nanay, si Jeo, at si Ning.

If we didn't move out, naging maganda kaya ang buhay nila?

I mean I don't like to offend them but it seems like after all this years maliit lang ang naipundar nila. Like some few appliances.

Hindi ko alam kung ano nangyari sa kanila 7 years ago, I'm 16 that time nung iwan namin sila. Because our family's company was based on New York, we also had to migrate and start to a new environment. Kasama ko ang pinsan kong si Karina na laking New Zealand, hindi pa siya gaanong nakakaintindi ng tagalog pero marunong naman kahit papano.

Karina's family has the wealthiest company, they're leading the business industry. Top 1 around the world. You can name it, from clothing lines, restaurants, hotels…..everything. They had it all.

Yun nga lang ang problema napakamaldita ng anak nila which is unfortunately became my cousin. Since her parents weren't around, she's been with us and I'll be honest…..she's super nakakairita.

Hindi ko namalayan na halos mag iisang oras na pala ang nakalipas.

"Nay si Ning oh binatukan na naman ako"

"Inuutusan kasi kitang tawagin si Aeri eh hindi mo ginagawa"

"Nag-aaway na naman kayong dalawa, ako na nga ang tatawag"

Narinig ko silang nagtatalo.

"Nay! Si Luningning na ang tatawag sa kanya"

Inaabangan ko kung sino ang lalabas upang tawagin ako, sana si Ning.

"Tangina neto, oo na ako na"

Ako na huhukay ng libingan netong unggoy na to.

"Hoy kain na"

"Ang bastos talaga ng bunganga mo, Aeri tara kain tayo"

Buti pa yung baby ko malumanay magtawag di tulad ng isa diyan mukhang may galit sa mundo.

"Sure!" I smiled at her.

"Sure! Tsk pabebe"

Did she just mimic me? This maltese!

"Hmmm tama na yan, nagsisimula na naman kayo"

"Eto kasi eh feeling foreigner di naman blonde ang buhok nung pinanganak"

"Inggit ka lang kasi ako may accent ikaw meron ngang accent pangkundoktor naman and excuse me, to be honest I'm a foreigner. I'm japanese kaya"

"Hampasin ko kaya mukha mo ng dos por dos, hihinga ka pa kaya? Tsaka di ko alam na yamete kudasai ka pala"

What the fuck she just said? Yamete kudasai?!?

"Malamang, may ilong pa ako eh. Dapat alam mo na yon, palibhasa puro ka siguro cutting classes. Tsaka don't use yamete kudasai, it's so weird lalo galing sayo"

Ning and I laugh together, awweee she laugh at my remark.

"Nay oh si Aeri inaalipusta ako"

"Okay lang yan nak, bawi ka sa next life mo"

I laugh hard upon hearing it from nanay, she's so savage.

"Nay naman ehhhh! Dapat pinagtanggol mo man lang akoooo" Jeo stomp her feet.

"Bat ka naman kakampihan ni nanay? Eh tama naman yung sinabi ni Aeri" gatong ni Ning.

"Isa ka pa"

I watch how Ning stick out her tongue at Jeo.

"Kumain na nga tayo at baka lumamig pa ang pagkain"

We all gathered at the dining table, the seating arrangement is me and Ning sit beside each other while Jeo and nanay sit across us.

I'm startled when Ning hold my hand.

"Magdasal muna"

Pero dahil si Jeo ay may pagkademonyo, pinalo siya ni Ning sa kamay nung binalak niyang kumuha ng kanin.

"Aray! Kailangan pa ba magdasal? Gutom na ako"

"Wala ka talagang manners"

Jeo pouted then take Ning's hand, they closed their eyes while I didn't.

Napakalambot ng kamay niya shitttt, ang ganda din niya kapag nakapikit. Lord, ibigay mo na siya sa akin. Magpapakabait na po ako.

Because of being too focus, I didn't notice that they're already done.

"Inlove yarn?" Jeo tease.

"H-Hindi ah, bobo neto"

"Wow so ako pa bobo eh halata naman gusto mo si Ning"

I don't know if I'm already blushing "Stop implying that I like her, baka ingudngod kita sa lupa kung san ka galing"

"Indenial eh no? Bahala ka, baka ipareto ko yan sa iba"

I glared at her "Subukan mo baka di ka na sikatan ng araw bukas"

"Hindi ko lang susubukan. Gagawin ko, napakabasic tsk"

"Tangina neto"

"Ning nagmura oh, di ba ayaw mo sa mga ganyan"

I bite my lower lip as I turn my head towards Ning.

"Ano ba pinagsasabi niyong dalawa. Alam niyo gutom lang yan"

It's not because I'm hungry Ning, I really like you.

"Si Aeri may crush sayo. Minsan ang hina ng kokote mo Ning, feeling ko ako talaga matalino dito sa bahay"

"Kumain na nga kayo"

I think this is normal to nanay, she only smiled the whole time. Hindi niya kami pinapagalitan on the way we speak at each other.

"Kain ka lang Aeri, wag ka mahiya dito" turo ni Jeo kay Ning "Kung lumamon to akala mo sampung tiyan meron siya hahahahaha"

"Pasmado ng bibig mo"

"Totoo naman eh. Alam mo ba nung kumain kami sa restaurant, halos orderin niya lahat nung nasa menu hahahahaha"

"Jeo"

I can feel Ning's irritation. Halatang pikon hahahahahahahaha.

"Sabi ko nga tatahimik na ako. Ang sarap ng pagkain" pag-iiba niya ng usapan.

I chuckled.

"Anong nakakatawa?"

Punyeta nadamay na ako dito.

"Wala"

"Eh bat ka tumawa? Pinagtatawanan mo ko?"

I saw Jeo stopping herself to burst out in laughter.

"H-Hindi ah. Si J-Jeo…oo si Jeo tinatawanan ko"

"Ning inaasar ka niya hahahaha"

"Oy hindi ah"

"Bat ka namumula? Ayaw pa kasi umamin halata naman na" pang-aasar ni Jeo.

Konting konti na lang talaga pasensya ko, isang hibla na lang ata.

"Mainit kasi, hindi ako sanay" maybe that's a good reason to make an alibi.

"Sorry kasi di kami nakaaircon. Kunin ko na lang yung electric fan kung gusto mo, wait"

She was about to stand up when I grab her wrist. Tangina lord ang kinis.

"N-No it's o-okay. I can m-manage" I keep on stuttering.

"I can manage eh halos maligo ka na sa pawis. Tanong ko lang, dahil ba yan sa init or dahil kay…" Jeo gave me a meaningful look.

I widen my eyes at her.

"hmmmm sa tingin ko sa pangalawa" she continued.

Wala talagang magawang matino to sa buhay, siguro pinaglihi ng nanay niya sa bulate.

"Jeo kanina ka pa, namumuro ka na. Bibingo ka na talaga sakin" I said while glaring at her.

"Anong letra? B or N?"

"Ha?"

"Hanimal ka hahahahahahaha pero tingin ko letter N. Kasi pangalang ni Ningning nagstart sa N hahahahahahaha"

"Sige tawa pa, happy yarn?"

As I heard Ning giggled I think my heart died for a few seconds.

"Di halatang may gusto"

Hindi talaga titigil bunganga neto.

"Nakakatuwa kayong panoorin. Naaalala ko tuloy noong maliliit pa kayo, madalas kayong mag asarang tatlo. Wala pa rin namang nagbago"

"You're right nay, mukha pa ring aso si Jeo hahahahahaha"

"Kesa naman sayo lumalangoy sa kanal eww"

Wow ano to gaguhan, binalik pa talaga yung bad memory eh.

"Hahahahahahahaha naalala ko yon hahahahaha grabe sobrang baho ni Aeri non"

Gusto ko ng magpasundo kay Lucifer, tinawanan lang naman ako ng nag iisang Ning Yi Zhuo.

"Akalain mo nakaya niya yun? Anong feeling Aeri? Malamig ba sa kanal? Hahahahahaha"

"Eh kung ikaw kaya itulak ko dun, tignan ko na lang kung di ka umiyak"

Jeo made a face at me "Sorry ka maswerte ako nung araw na yun bleehhh"

Well since nandito na rin lang ako I'll tell you what happened.

It was summertime nung minalas ako, nahulog lang naman ako sa kanal. Paano ba naman kasi itong si Jeo niligtas daw ako sa humaharurot na kotse, muntik na daw akong mabangga. Because she push me too hard, dumiretso ako sa kanal. Tapos ako pa daw ang may kasalanan, bat daw hindi ko pinigilan yung sarili kong mahulog.

"Ang ulam ba natin ngayon eh pang aasar? Nakarami na ata si Jeo ng kain" I spat back.

"May pikon hahahahaha"

"Hmmmppp"

Ning nudge me "Hayaan mo na yan, kulang kasi sa pansin at sa vitamins hahahahaha"

"Ako kulang sa pansin? Di kaya. Hindi sa pagmamayabang pero ang daming humahabol sa akin"

"Madami nga. Asong gala hahahahahaha" now I have a great comeback.

"Hoy hindi ah. Pakilala pa kita sa kanila kung gusto mo"

"Huwag na, baka madisappoint lang si Aeri kapag pinakilala mo sila hahahahaha"

That's my lady, kinakampihan ako.

"Bagay kayong dalawa. Yiiieeee meant to be"

Halos lahat ng pag usapan namin ay napuno ng pang aasar, lalo na si Jeo na napakahilig mag alipusta.

Pero ang nakakuha ng aking attention is the one and only Ning of my life. Wala na sigurong gaganda sa kanya. I really look forward on having more interaction with her except for Jeo. Aso na mapang asar.