Akala siguro ng rabbit na to welcome siya sa bahay namin, porket tinanggap siya ni Ning at nanay kung umasta parang bahay niya to.
Kasalukuyan kaming nag eempake ng gamit, busy ako sa paglalagay ng damit nang biglang sumulpot si Aeri.
"Ay putangina!" gulat kong sabi "Parang gago to di man lang kumatok"
"And why would I knock? Bukas naman yung pinto"
"Bakit? Pinto lang ba ang kinakatok?"
"For me yes. Pinto lang talaga ang kinakatok"
Aba may topak ata tong babaeng to.
"Di ba english ng katok eh knock?"
"Oo"
"Paano mo ieexplain yung knock out? Katok sa labas?"
"Kung suntukin ko kaya mukha mo, maibabalik kaya utak mo? Siguro maiintindihan mo na yung knock out"
Ito naman di mabiro.
"Suntukan lang pala gusto mo. Umuwi ka na, ako na panalo, sa liit mong yan ang yabang mo. Saka ka na magmalaki kapag lumaki ka na hahahahahahaha" tawang tawa ako sa sarili kong joke.
"Why don't you apply that to yourself, tandaan mo mas pandak ka sakin hahahahahaha"
Natigil lang kami sa bangayan nung pumasok si Ning sa kwarto.
"Ano na naman pinag aawayan niyo?"
"Away agad Ning? Hindi pwedeng nag-uusap lang? Anong akala mo sakin laging naghahanap ng away?"
"Oo. Lagi kang dahilan ng gulo kahit san ka pumunta"
Tumawa si Aeri ng napakalakas, akala mo nasa comedy bar. Palibhasa paa ng manok binabatak.
"Di tulad mo laging laman ng fiesta"
"She join pageants?"
Wrong question.
"Hindi"
"Then why would you say lagi siyang laman ng Fiesta?"
"Kung crush mo to since nung bata pa tayo alam mo na dapat yung sagot. Buti pa yung manok may nuggets"
Natanggap ko na ang panglimang batok, awardee ba ako? Ang special ko naman para mabatukan.
"Manahimik ka nga. Nakakahiya ka"
"Ako? Nakakahiya? Ikaw kaya ang dapat mahiya. Lamon ka ng lamon di naman tumataba hahahahaha"
"FYI mabilis lang metabolism ko"
"Mali! Mabilis ka lang lumamon at lumunok kaya ka mapayat. Siguro after mo kumain tumatae ka kaagad"
Muntik na akong mahampas ng nagpupuyos na intsik.
"Yah! LUNINGNING!"
"PANDAK!"
Ito yata pinakafavorite part ko sa araw araw…..ang makipagsigawan kay Ning.
"Hoy hindi ako pandak ha" paglilinaw ko.
"Are you done packing? Nailagay ko na sa kotse yung mga gamit ni nanay at ni Ning, ikaw na lang hinihintay"
"Dapat lang. Ako special dito hmmpp"
"Special child hahahahaha"
"Ning pagsabihan mo tong future jowa mo ha. Baka di ko matantsya plaplantsahin ko mukha niyan"
"Go ahead dickhead"
"Ano daw? Dike? Baka deped sinasabi mo"
"Tara na! Ang tagal mo mag empake. Akin na yan"
Walang galang bigla na lang hinablot yung bag sakin.
"Bastos neto"
"Naghubad ba ako?"
"Bakit yung naghuhubad lang ba ang bastos?" asik ko.
"Maybe"
"Nanonood siguro to ng bold sa nu nyork"
"It's New York. Not nu nyork"
Inisnab ko na lang ang pagtatama niya, palibhasa lumaki siyang may breed. Half tao half aso.
Fastforward
Pitong taon na rin ang lumipas mula noong huli akong napadpad sa bahay nila Aeri. I mean sa bahay na pagmamay ari ng pinsan ni Aeri. Nakita ko na siya sa litrato. Cute naman, pwede na pagtiisan.
Uhm ano na kasi pangalan nun. Kiara? Kamila Kayla? Basta may a sa last. Ang hirap naman maging bobo. Madami siyang pictures sa photo book. Malamang photo book nga eh alangan naman files ang laman. Mukha siyang mabait na bata na may attitude na 100 %, nafifeel ko. Sabi ni Aeri noon sakin mataray siya, maldita at higit sa lahat demonyo. Hindi daw siya marunong maawa. Heartless. Emotionless. Pero hindi brainless. Kung sino man siya sana hindi kami magkita.
Anyway papunta na kami sa mansion, madami na ang nagpatayo ng malalaking bahay. Parang hotel.
Wala man lang akong nakitang naghihirap, halos lahat may service na sasakyan. May nakita pa akong nasa balcony lang pero nakaayos akala mo may party or gala. Normal lang ata sa kanila maging abnormal.
"Titig na titig ah. Want mo?"
"Want mo sapakin?"
Tong mokong na to ayaw maasar pero pasimuno ng away.
Napansin kong medyo pamilyar na ang tinatahak naming daan. Hindi nagtagal ay narating namin ang napakalaking gate, eto na ata yung lagusan papuntang langit. Mamimeet ko na rin sa wakas si San Pedro kasama yung manok niyang panabong.
Nararamdaman ko, dito na ako mamamatay.
Mamamatay sa kabusugan.
"Close your mouth, flies might fly straight to it" biro ni Aeri.
"Okay lang. Amoy baby naman hininga ko"
"Yuck! Hindi ko nga nakitang nagtoothbrush ka" diring diring sabi ni Ning.
"Nagbrush ako di mo lang nakita"
"Baka nga"
Sobrang lawak ng harap ng bahay, putangina parang parking lot sa mall.
Ipinarada ni Aeri ang sasakyan sa tapat ng pintuan ng malaking mansion. Nagsibaba kami. Ibinigay ni Aeri ang susi ng sasakyan sa isang lalaking nakasuot ng mamahaling coat.
"Goodafternoon miss. Welcome home" pagbati ng mga katulong oras na pumasok kami.
Para silang mga character sa anime, ang ganda ng uniform.
"Goodafternoon po" bati ni Ning sa kanila.
"Yung mata mo kung saan saan napapadpad" siniko ako ni Aeri.
"Hindi no. Ang galing mo mambintang"
Sexy naman kasi ng suot, muntik ko ng pagkamalang mga bayaring babae.
Napalingon ako kay nanay na busy sa paglabas ng mga gamit sa compartment ng kotse.
"Nay let them do their job, sila na po ang bahala diyan" saway ni Aeri.
"Naku anak malakas pa ako. Tignan mo" binuhat ni nanay yung bag niya.
"Nay mabali po likod niyo"
"Baka ikaw pa baliin ni nanay hahahahaha"
Ning talaga oh.
"Anyway…welcome to my home…I mean to our home" sabay kindat ni Aeri Kay Ning.
"Pahome home ka pang nalalaman di mo naman bahay tsk"
"Pauwiin kaya kita"
"Sabi ko nga joke ko lang, di ka naman mabiro Aeri"
"Bukas pa darating sila tito and tita, pati na si mom at dad. But they won't stay long, gusto lang nila masiguro na everything is fine here. Si Karina naman mamayang gabi na ang dating niya"
Karina. Oo Karina nga pala pangalan niya. Kala ko Kamila.
"Jeo warning lang, wag mo siyang lapit lapitan. Its for your own good"
"Deadly ba yon? Kriminal? Serial killer? Di ako takot no tsk"
"She's beyond your expectation. Wala ka pang ginagawa pero you're gonna get into her nerves"
"Ano ako? Red blood cell? Putulin ko pa nerves niya kung gusto mo hahahahahaha"
"I'm serious Minjeong"
"So nagbibiro ako ganun? Seryoso din ako bro"
Tinignan niya ako ng masama "I warned you. Don't ever tell me na hindi ko sinabi sayo"
"Oo na. Narinig ko, narinig ni Luningning at ni nanay tsaka ng mga katulong niyo dito"
"Good"
Sino ba si Karina para matakot ako? Di naman siguro siya mafia or kaya gangster.
"Let me take you to your rooms, do you wanna stay in one room or you would like it separately?"
"Gusto ko sariling kwarto. Para naman maranasan ko yung walang katabing malakas humilik" saad ko.
"Luh ikaw kaya tong magulo kapag natutulog, naninipa ka pa nga eh"
Ayaw pa kasi umamin.
"Basta kami ni nanay sa isang kwarto lang"
"You don't like to have your own room?"
"Hmmm alam ko mga tanungan na ganyan Aeri, may balak"
"Who says I have intention? As if katulad kita"
"Never ko pa naranasan mag-uwi ng babae kaya hindi mo pwedeng sabihing I'm not like you"
Mukhang tuwang tuwa si Ning sa pinaggagagawa namin ni Aeri.
"Fine. Let's go check your rooms, you can choose whatever you like. But not the room upstairs with the blue door, kay Karina yon. Mine was the black door"
"Okay halatang maitim budhi mo"
"What did you say?"
"Sabi ko gusto ko yung yellow ang pinto"
"Mas mabuti na yung malinaw"
"Jeo talaga parang sira hahahahahaha" tawa ni Ning.
Si nanay ay pinili ang pang ibabang kwarto, baka kasi mahirapan na siyang pumanhik. Kaya naman tinulungan ko na silang magbuhat ng mga gamit nila ni Ning sa kwarto nila.
Ako naman ay umakyat na pataas, malalampasan ko muna yung kwarto ni Karina bago yung akin. Blue? Eww.
Pinili ko lang naman tong kwarto hindi dahil gusto ko magkatabi kwarto namin ni Aeri, sunod na kasi kwarto niya after nung akin, pinili ko kasi favorite ko yung yellow. And yellow means tae. Joke. Yellow means ako lol.
Pumasok ako sa loob. Para akong nakapunta sa isang 5 star hotel, sobrang mamahalin ng mga gamit. Napamura tuloy ako.
"Putangina"
"Mukhang tuwang tuwa ang mokong ah. First time magkakwarto? Hahahahahahaha"
Etong magjowa mapang asar. Kanina si Aeri, ngayon si Ning.
"Pag di ka tumigil bubunutin ko ngipin mo gamit plies"
"Tutulungan nga kita mag ayos dito, lalo't hindi ka marunong mag organize ng gamit"
"Marunong ako no"
"Oo, marunong manggulo"
Nagsimula na kaming ayusin ang mga gamit ko, lagay ng damit sa cabinet. Nagsabit ng litrato sa wall, inayos yung mga ginagamit kong shampoo at sabon kahit meron ng ganun sa banyo.
Malay ko ba kung allergic ako sa ginagamit nila sa katawan, okay na ako sa safeguard pangshampoo at panghugas ng katawan.
"Jeo dala dala mo pa pala si kukukrunch hahahahahahaha"
Ang tinutukoy ni Ning ay ang paborito kong stuff toy na bear na kulay brown. Maliit lang siya kung tutuusin, yung parang Kay Mr. Bean.
"Oo. May masama ba?"
"Di ka na bata. Itabi mo na kaya siya"
"in your dreams. Never ko gagawin yon"
Inagaw ko sa kanya si kukukrunch at niyakap.
"Kahit sabihin ng future girlfriend mo na itapon na yan?"
"Oo. Baka yung girlfriend ko pa ang itapon ko, di ko ipagpapalit si kukukrunch"
"Hahahahahaha may sayad ka talaga"
Pagkatapos naming mag-ayos ay nagpahinga na muna kami sa living room.
"Nood tayo cartoons. Yung ogie and the cockroaches" sabi ko sabay hablot ng remote sa mesa.
"Ayaw ko nga. Gusto ko Tom and Jerry"
"Ogie and the cockroaches"
Nag aagawan na kami ng remote ng biglang sumulpot si Aeri.
"Happy tree friends na lang panoorin natin"
"Putangina mo Aeri, napakabrutal ng utak mo. Gusto mo bang matrauma si Ning?"
"Ano bang meron dun?"
Curiosity kills the cat.
"Wala. Pangit yon, mas maganda pa yung peppa pig o kaya coco melon" pag-iiba ko.
"Grabe ka magsuggest, mukha bang 3 years old si Ning? Power puff girls na lang"
"Hindi. Yung courage the cowardly dog na lang, cute pa man din nun. May butas ngipin niya hahahahahahaha" cute cute nung pink na aso.
"Horror na nga lang panoorin natin"
"Yown mas maganda, G ako"
"Ano ba maganda?"
"Ako" ngumiti ako ng malapad.
"Wag ka na umasa, kahit bata pagkakamalan kang aso hahahahahaha"
"Kesa naman sayo pagkakamalan kang bata hahahahahaha palaki ka pa pandak"
Bigla niya akong hinampas "Ang kapal ng mukha mong laitin ako, cute lang height ko"
"Tsk nagrason pa nga"
"Manood na tayo. Di talaga kayo titigil kakaaway no?" luh parang tanga si Ning.
"Makapagsalita ka parang di mo ginagawa sakin ah" saad ko.
Ngumiti lang siya sa sinabi ko.
"Eto na panoorin natin"
"Ano yan?" tanong ni Ning.
"TV malamang, alangan naman radyo"
Kinurot ni Ning yung tagiliran ko "Gusto mo bang gawin kitang isaw?"
"Barbecue na lang. Bat yung intestine ko lang papakinabangan mo? Hahahahaha"
"Eh yun gusto ko. Walang basagan ng trip. Ano title niyan?"
"The exorsis"
"Ahhh horcom" sabi ko.
Nagfocus na kami sa panonood, natanong ko kay Ning kung nasaan si nanay. Sabi niya nagpapahinga daw kasi napagod sa biyahe.
"Hahahahahahaha potangina ang ganda ng movie na to ah"
"Pwede naman iappreciate ng hindi nagmumura di ba?" paninita ni Ning.
"Love language ko yon"
"Masama ang nagsasabi ng bad words"
"Pag sinabi ko bang holy shit hindi na masama? Kasi may kasama ng holy eh"
Dahil sa sinabi ko, piningot ako ni Ning. Nakalimutan kong makadiyos pala siya, makatao at makabansa.
"Arayyyy!Ning masakit!!! Aray ko"
"Uulit ka pa?"
"Hindi na"
"Pang ilang beses mo ng sinabi sakin yan pero inuulit mo pa rin"
Hawak hawak niya pa rin yung kaliwang tenga ko.
"Hindi ko na nga uulitin, Ning masakit!"
Pilit kong inaalis yung kamay niya kaso parang padlock na nakakandado.
"Ningggg" pagmamakaawa ko.
Binitawan niya rin sa wakas, hinawakan ko agad yung tenga ko. Feeling ko namumula na.
"Under ka pala kay Ning eh hahahahahaha"
"Hintayin mong ma under sa kanya, tignan ko na lang kung makapalag ka"
Natahimik siya sa sinabi ko.
So hindi niya na nga dinedeny na gusto ng animal na to si Ning.
"Ano lang. Ang importante naman maging kami" ngiting tagumpay ang gago.
"Payag ka dun Ning?"
"Hindi hahahahahaha"
Boom sabog ang apdo.
"Hindi pa nanliligaw pero basted na hahahahahaha pano ba yan, shot puno? Hahahahaha"
"Wag mo ko kausapin bakulaw ka"
It really hurts pag di ka gusto ng gusto mo lol.
"Pighati yarn? So kelan ka magpapainom? Hahahahaha"
"Ang daming tubig sa pool, pwede ka na magstart ngayon" pikon ang gago.
"Walang pulutan?"
"Mamili ka na dun sa mga halaman"
Ginawa pa talaga akong kambing.
"Wala ng iba?"
"Punyeta ka Jeo kung di ka pa titigil lulunurin kita"
"Ng pagmamahal? Yiieeee"
Tawang tawa si Ning "Manonood ba kayo or mag-aasaran?"
"None of the above. Magsusuntukan na lang kami" tumingin ng masama si Aeri sakin.
"Ning gusto mo popcorn?" bigla kong tanong.
"Bat mo natanong???"
"Kainin mo habang nanonood ka ng boxing namin"
Masaya pa akong tumatawa ng biglang mahampas ako ng unan sa mukha. Hindi na ako nagtaka nung malaman ko kung sino yung salarin—Aeri.
"Pota time out muna. Hindi mo naman sinabi start na pala, ang daya neto"
Hinambalos niya ako ulit sa mukha, yun nga lang nakailag ako. Nakisali na din si Ning sa pagbato at paghampas ng unan, ang saya lang. Para kaming bumalik sa pagkabata
