Author's Note: This is from Leorio's point of view. I originally wrote this in Filipino. Below is the English version. It's not a direct translation but similar in spirit.


Ang aking kasintahan ay nasa
Bangkang mukhang balyenang maitim,
At nais kong muling tanawin siya —
Nagdadasal ako nang taimtim.
Kung may sakit man siya, ako'y handa
Magpagaling ng sugat at saksak.
Dededmahin ko muna ang ganda
At uunahin ko ang 'king dakdak.
Sesermonin ko siya hanggang gabi
Kasi walang kasingkulit niya, eh!
At iidlip siya sa aking tabi,
Ang irog ko na rubyong lalake.

Paggising niya, kami ay hahalik;
Hinihintay ko ang kanyang balik.


My beau and I are on a voyage on
The Black Whale, where a war is underway.
I yearn for our reunion, whereupon
He's proven safe — for this, I fiercely pray.
If malady's his fate, I'm well-equipped
With medicines and bandages for cuts.
No beauty can distract me from my script,
A sermon I'll deliver with no buts.
Comforted by my diatribe of harm,
Sweet slumber will produce a boneless heap.
His golden head shall lean against my arm,
And only love will hush me, let him sleep.

On waking, I shall greet him with a kiss;
On parting, I begin at once to miss.